Share

Hearts in Disguise | Ducani Series #1
Hearts in Disguise | Ducani Series #1
Author: Celestine_Lemoir

Kabanata 1

Kabanata 1

Ang sabi ng nanay niya, basta marunong siyang humiling ng tagos sa puso, ibibigay ang hinihingi niya. Pwes, hindi lang tagos sa puso ang panalangin niya. Tagos hanggang apdo at balunbalunan kung kinakailangan. Ni wala na nga siyang pakialam kung mahagardo versoza ang japanese beauty niya ang mahalaga ay matapos niya ang pagdarasal sa ikalabinlimang simbahan sa Maynila.

"Lord, anuena? Matagal pa ba? Kating-kati na akong maging Mrs. Ducani. Mahiya ka naman sa beauty kong pinagkaloob mo." Reklamo ni Saki habang nakatitig sa poon na nasa pinakaharap ng simbahan sa Sto. Domingo Church.

Tahimik ang simbahan dahil iilan lang silang naroon para mag-alay ng panalangin—iyon ay kung panalangin ang tawag sa mga reklamo niya.

Well, she's not entirely complaining. Siguro mga eighty percent lang daw dahil nag-alay naman daw siya ng dalawang Ama Namin sa pagitan ng mga reklamo niya.

Nayayamot niyang kinamot ang kanyang hita na mukhang nakagat pa yata ng insekto bago siya muling tumitig sa poon. "Magdodonate ho ako ng pang-insecticide dito sa simbahan ideliver niyo lang sa harap ko ang Ducani na para sa akin." Sumimangot siya at pinagsalikop ang mga palad na tila nakikiusap.

But ofcourse, Saki never begs. She, well, she "asks" what she thinks she deserves. At para sa kanya ay deserve na deserve niya ang maging Mrs. Ducani. Kung sinoman sa magkakapatid na Keeno, Krei, Klinn, o Keios iyon, wala na siyang pakialam basta ang idugtong na apelyido sa kanya ay ang bantog na anim na letrang apelyidong iyon.

"Sige kayo. Kapag hindi niyo ko binigyan ng Ducani, sasama ako sa kampon ng demonyo, magrerecruit pa ako! Gusto niyo iyon? Huh. Kasali kaya ako sa networking. Mamaniin ko lang iyon." Dugtong niya sa kanyang sariling bersyon ng "panalangin".

Babanata pa sana siya nang bigla na lamang dumagundong ang langit dahil sa malakas na kulog. Napapitlag si Saki at pinangatugan ng tuhod. Nanginginig ang kalamnan niyang tinignan uli ang altar saka nahihintakutang ngumisi nago nag-peace sign.

"Si papa God, hindi mabiro. Parang kaya naman kitang traydurin? Ako pa ba, si Saki? Magpapasunog sa impyerno? Sa ganda kong 'to?" She flipped her long and wavy hair pero muling umalingawngaw ang kulog.

Halos mapahawak siya sa kanyang dibdib. "Oo na hindi na!" Reklamo niya saka sinimangutan ang poon. "Ang pikon niyo naman eh. Bigyan niyo na kasi ako ng Ducani para oks na tayo. Ayaw niyo yun? Tatahimik na ang mga simbahan niyo kapag naging happy na ang lovelife ko." Hirit na naman niya.

Inaasahan na niya ang muling pagkulog. Tinakpan na niya ang kanyang tainga ngunit hindi na muling nagbowling ang langit. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag.

Sus. Silence means yes, papa God! Akala mo hindi ko gets ah.

Sinukbit niya ang kanyang class A na Chanel bag sa kanyang balikat saka nginisihan ang altar. "Pang fifteen na 'to. Siguro naman iga-grant niyo na ang wish ko di ba?" Bulong niya bago tumayo at puno ng poise na rumampa palabas ng simbahan.

Wala sa kanya ang mga tinging inaani niya sa ingay ng kanyang takong. Para sa kanya ay tila siya santang pinupuri ng mga tao sa gandang taglay niya. What can she do? She's Misaki Akashi anyway. She was raised to be praised. Iyon ang motto nilang mag-ina.

Siguro nga ay totoo ang sinasabi ng mga taong may taglay siyang kayabangan pero hindi niya iyon iniintindi. Alam niya kung saan siya nakatayo, at alam din niya kung saan niya gustong magtungo.

She will marry one of those Ducani's by hook or by crook. Aba, hindi niya pinanood ang mga prayers sa Youtube para lang hindi sagutin ang mga panalangin niya, ano? Kahit pa madalas siyang pagalitan ng matalik na kaibigang si Jay, sige pa rin ang punta niya sa simbahan upang idulog ang kanyang mga "panalangin".

Kasalanan din kasi ng mama niya kung bakit hindi siya natuto ng tamang etiquette sa loob ng simbahan. Maaga kasi itong namatay at ang bilin sa kanya? Magpayaman. Kung hindi kaya, mag-asawa na lang ng mayaman.

Huwag daw siyang tumulad dito na nabuhay sa pagiging katulong ng mag-asawang hapon. Nakarelasyon nito ang among lalake at nabuo si Saki pero mas pinili pa rin ng kanyang ama ang orihinal na asawa dahil ito ang may pera.

Her father didn't give her the liberty to use the surname Akashi, and she honestly dislike using it. Ginagamit lang naman niya iyon para ipaalala sa sarili na kailangan niya iyong palitan ng mas matunog, ng mas makapangyarihan.

Pero aminado siyang hindi siya ang pinakamatalino sa klase. Hindi rin masabing siya ang pinaka-matyagang tao sa mundo para magtiis na magsimula sa pinakamababang posisyon kaya alam niyang isang paraan lang ang pwede para maiahon niya ang sarili sa hirap.

Ang mag-asawa ng mayaman at makapangyarihan. And who'd be more of a better target than those Ducani brothers? Sikat, mayaman, saksakan pa ng gwapo ang mga lintik. Noong nagsaboy nga yata ng swerte, nagliliwaliw ang mga ito sa ere.

If only she was born in a better family, or perhaps in a complete one. Hindi iyong ilaw na nga lang ang mayroon ang tahanang kinagisnan niya, napundi pa!

Ganda na lang talaga ang meron siya. Buti na lang meron siya no'n kung hindi ay baka talagang maawa na siya sa sarili.

TINAPOS ni Saki ang portfolio na kailangan niyang ipasa sa head organizer. Kahit paano ay nag-eenjoy siya sa trabaho bilang event staff ng isang kompanyang humahawak ng malalaking events sa bansa. Bagaman baguhan siya sa trabaho, madalas ay napupuri siya ng team leader nila dahil daw sa husay niyang mag-isip ng kakaibang tema para sa mga events.

May utak naman pala ako. Akala ko pati iyon pinagkait mo, Lord eh isusumpa na talaga kita kung ganda lang talaga ang binigay mo.

Naghikab siya at itinago sa ilalim ng kanyang desk ang portfolio bago niya sinulyapan ang relo niyang nabili sa Divisoria. Alas singko na. Ibig sabihin ay pwede na siyang mag-out para makadaan sa paborito niyang lugar.

Dinampot niya ang kanyang bag at scarf saka siya tumayo. Nagpaalam na siya sa mga kasamahan upang mauna nang lumabas ng kanilang opisina na hindi naman ganoon kalakihan sa kabila ng pagiging bantog ng nasabing kumpanya.

She's excited everytime the clok strikes five. Ibig sabihin saki no'n ay makakapunta na siya sa harap ng Ducani Empire. Kahit pa sabihin na hanggang labas lang siya palagi, sapat na sa kanyang mapagmasdan ang matayog na building na iyon.

She often stand across the street, watching expensive cars get out of the basement, wishing that one day, one of those cars will stop in front of her to give her a ride.

Syempre biro lang, kasi mas gusto niyang ayain na lang siyang makipag-date. Iyon naman ang plano niya noon pa.

Just like any other day, Saki found herself walking towards the Ducani Empire Building. Ilang blocks lang din naman ang layo no'n sa pinagtatrabahuhan niya kaya madalas ay nilalakad lang niya iyon. Gusto kasi niya iyong tinatanaw mula sa malayo, hinahangaan ang tayog nito na pangarap niyang maabot balang-araw.

Siguro nga ay mali siya sa paningin ng marami pero ano ang magagawa niya? Iyon ang paniniwala niya. Those who do not play dirty stay in the bottom. Ayaw niyang manatili sa putikan habambuhay.

Narating niya ang pamilyar na modernong building at gaya ng mga normal na araw, kusang umangat ang sulok ng kanyang mga labi nang mapagmasdan iyon. She didn't mind the busy street between her and the building, nor the sunset on her back. Not even the man sweeping the grounds, wearing a Ducani utility department uniform matched with blue cap and face mask.

Kung sinomang makakita sa kanya ay iisiping naroon lang siya ulit para hangaan ang lugar gaya ng ibang taong napapadaan doon. But Saki isn't a typical girl. Inangat niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig bago sumigaw.

"Hoy mga Ducani! Ipinagdasal ko na sa labinlimang simbahan sa ka-Maynilaan na mapangasawa ako ng isa sa inyo! Come and get me now before it's too late!"

Gusto niyang matawa sa sariling kagagahan kaso naalala niyang gaga nga talaga siya at wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba.

Nakangisi niyang tiningala muli ang building habang ang hangin ay hinihipan ang kanyang mahabang buhok. She had already done her part for today. Aalis na sana siya nang magsalita ang lalakeng nagwawalis ng sidewalk.

"Huwag mong pangarapin ang magkakapatid na Ducani. Hindi masayang maging bahagi ng pamilya nila." Ani ng lalake sa baritonong tinig.

Napalingon sa kanya si Saki at nang magtama ang kanilang mga mata, nakaramdam ng kakaibang kabog sa dibdib si Saki. Hiding under his cap is a pair of intimidating dark pools. It has the ability to lock anyone with its gaze, making the person a slave of its own will.

And Saki isn't liking how the man was affecting her. Bumilis ang tibok ng kanyang puso sa hindi malamang dahilan lalo na nang humakbang ito palapit sa kanya hanggang sa wala nang isang metro ang maging distansya nila.

The man was tall with cream complexion. His built was enough to make him look like a jock in a janitor's costume. Regardless, Saki couldn't deny the fact that his oozing sex appeal is triggering her desire to see his whole face.

She was curious all of a sudden. Isang bagay na hindi niya maipaliwanag ngunit hindi rin niya malabanan. Ang alam niya lang ay may kakaiba sa paraan kung paano siya tignan ng lalaki. Parang umurong ang buntot niya at nalunok niya ang dila niya. Ni hindi niya ito mabawian ng mapangmalditang banat.

Gayunpaman, pinilit niyang suwayin ang sarili. Tinaasan niya ito ng kilay saka niya tinupi ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. "At bakit hindi? Sa ganda kong ito, pustahan tayo. Mapapasakin ang isa sa magkakapatid na boss mo." Mayabang niyang ani habang hindi pa rin maalis ang pagtitig sa mga mata nitong tila hinihigop ang katinuan niya.

Mayamaya'y mahinang natawa ang lalake. Hinubad nito ang suot na sumbrero saka ginulo ang itim na buhok na nabasa na ng pawis. Bakit ganoon? Kahit pa alam ni Saki na pawisan ito, parang ang lakas pa rin ng dating nito? At ang amoy nito, lalakeng-lalake. Malayo sa expectation niyang nananapak na amoy.

"Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo, ma'am." Ani ng lalake bago hinubad ang suot na mask.

Halos malaglag ang panga ni Saki at lumuwa ang kanyang mga mata nang makita kung gaano kagwapo ang lalakeng kaharap. Napalunok na lamang siya nang gumalaw ang manipis at mamula-mula nitong mga labi upang kumorte para sa isang makahulugang ngiti.

Pinasadahan siya nito ng tingin saka ito umiling habang nakangisi. "Siguro dapat ko ring ipaalam sayo, Ma'am." Tumaas ang isang kilay nito at lumawak ang kurba sa labi nito habang matiim na nakatitig sa kanyang mga mata.

"It will take more than beauty to turn on a Ducani..."

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Genevieve Mendoza
very interesting story
goodnovel comment avatar
Tengu Zinan
such a good story
goodnovel comment avatar
Jaya Mae Gonzales
first time ko lang magbasa dito, d ko alam na may ganitong app pala sya. thank you for this stories may pang stress reliever nko. Thank you for sharing your stories to us and keep inspiring to your readers.💞
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status