KITA ni John ang pagtayo ni Kana sa terrace matapos niyang sabihin na wala. Napangiti siya pero hindi man lang umabot sa mata niya. Alam niyang dinig nito ang sinabi niya.โTingnan natin kung kung sino ang mapapaso sa laro mo,โ aniya sa loob-loob.Napangisi siya habang nakatingin sa gawi ng dalaga. Nakapamewang na ito at nakatingin na sa gawi nila. Hindi naman kita ang mga mukha nila dahil walang ilaw doon pero alam niyang nainis niya ito. Sinadya niyang doon sila magkuwentuhan para marinig ni Kana. Malakas ang pakiramdam niya na hindi ito makakatulog. Ilang beses na niyang nakikita si Kana na hindi natutulog nang maaga kahit noong nasa condo sila nito. Nahuhuli pa nga niyang sumisilip ito sa silid niya. Minsan kasi galing siya sa labas para makipagkuwentuhan sa mga kasamahan.Naiinis siya kay Kana. Gusto siya nito pero nakikipaglaro lang ito sa kanya. Maybe sex lang ang habol nito sa kanya? Pero hindi, e. Nagseselos ito kay Simone. Kaya imposibleng sex lang talaga ang habol nito sa k
HINDI makatulog si John dahil sa pag-uusap nila na iyon ni Kana. Dinig niya ang pagsigaw pa ni Kana kanina paglabas niya. Parang gusto niya ngang bawiin pero hindi na pwede. Nasabi na niya. Siguro naman may ideya na ito kung bakit bigla siyang nagbago. Tama lang siguro para tumigil na ito sa pakikipaglaro sa kanya. Mas mabuting naiinis ito sa kanya, at kung sakaling magdesisyon ito na ipatanggal siya, tatanggapin niya.Nakausap na niya ang kaibigang si Astin, pwede raw siyang ipasok nito sa kumpanya nito bilang driver o โdi kaya security guard. Gusto nga nito personal bodyguard ng asawa nito, pero committed pa siya kay chief Palma. Kung gusto nga raw niya, pwede siyang mag-apply din sa mga madrid kung hindi na raw siya makakabalik ng serbisyo. Madali na sa kanya ang training na sinasabi nito. At kung seryoso nga raw siya, ilalakad siya nito sa Daddy Sebastian nito. Tumayo si John at tiningnan ang oras. Ngayon ang schedule ng balik ni Rogando sa bar ni Kana. Sa huling pag-uusap nito a
NAGISING si John na wala na sa tabi niya si Kana. Napamura siya nang makita ang posas sa side table. Paano naman nito natanggal ang posas? Ang susi ay nasa loob ng wallet niya. Napailing na lang si John. Pero hindi niya maiwasang mainis sa sarili. Hindi na naman niya namalayan na kinain siya nang selos kagabi hanggang kanina. Sana hindi siya i-take advantage ni Kana. Mukhang hindi naman yata dahil sa galit nito nang patulan niya ang kaibigan nito.Tumingin siya sa labas, madilim na. Sa pag-aalalang baka maabutan siya ng mag-asawa na nasa loob ng silid ni Kana, iginiya niya ang sarili na palabas, pero natigilan siya nang makita ang ama ni Kana. Saktong kakalabas lang din nito ng masterโs bedroom, inaayos nito ang pagkakabutones ng uniporme nito.โOh, mabuti at lumabas ka na, John. Nakita mo na ba ang pinapahanap ni Kana?โโS-sir,โ nauutal na sabi ni John. Hindi malaman ni John kung paano sumagot dito. Ano kaya ang sinasabi nito na pinapakuha nito sa kanya? Hindi kaya kararating lang n
BAGO kumatok ulit si John sa opisina ni Kana, tumingin muna siya sa orasan. Matagal pala siya bago bumalik. Kaya naman pala nawala na sa mood si Kana Ayaw na siya nitong pagbuksan. Maraming beses na siyang kumatok pero hindi man lang ito tumayo. Kahit nga salita ay wala siyang narinig dito.Bumaba siya at hinanap ang manager.โWala ka bang susi ng opisina ni Kana?โโNaku! Si Maโam lang po ang may hawak ng susi niya. Bakit ba?โโSa tingin ko, mag-isa siyang umiinom. Ang dami noโn, a,โ aniya rito. Kaya nga siya nito niyaya kanina dahil sa dami. Kaso ngayon, nagbago na ng isip ito. At nag-aalala siya para sa dalaga.โAyon lang.โ Napaisip ito mayamaya. โSandali at tawagan ko sa number niya.โSumang-ayon siya rito at hinintay kung sasagot ang dalaga. Pero wala ring response dito. Kaya naman bumalik siya at muling kumatok.โKana, buksan mo โto!โ Pinakinggan niya kung merong yabag na papalapit, ngunit wala pa rin. Hinintay niyang umabot pa ng dalawang minuto bago ulit kumatok. โKapag hindi m
โSERIOUSLY? Meron agad?โ Tiningnan pa niya nang masama si Ian at Callen na parehas natatawa. Ano ba ang nakakatawa sa kanya?โWhat? Wala ka bang bilib sa akin?โ ani ni Ian kay Kana. Tinapik pa nito ang folder na nasa harapan nito.โWala. Sa tawa mo pa lang, hindi na kapani-paniwala. Saka, bakit ang bilis? Hindi kaya irrelevant ang nakalagay dyan?โโFine. Natatawa kami dahil nasa tabi mo naman si John, hindi mo pa tinanong.โTinaasan niya ito ng kilay. โEh, sa gusto kong sa inyo malaman, e. Cโmon, bigyan mo nga ako ng magaling mong tauhan atโโโOkay. Hindi lang ikaw ang nag-request niyan,โ putol nito sa sasabihin pa niya. โSi Astin din kaya ganoon kabilis. Alam mo naman na parang kapatid na ni Astin ang bodyguard mo. Okay na ba, Miss Palma?โโI-I see,โ aniya. โPero accurate ba โto?โโPinagduduhan mo ba ang kakayahan namin?โโO-of course not. I-itโs justโฆ hindi lang ako makapaniwala na nasa harapan ko agad. P-pero dahil sabi mo nga ni-request din ni Astin, naniniwala na ako. Alright?โ N
PAGDATING sa loob ng unit ni Danilo, hindi naman magawang magsalita ni Kana dahil sa nadatnan malapit sa elevator. Wala siyang ginawa doon kung hindi ang maupo at ipikit ang mata. Masuyo namang nag-aabang si Danilo sa kanya.โMay problema ba?โ untag ni Danilo kay Kana.Nagmulat ng mata si Kana at diretsong tumingin kay Danilo. Parang hindi pa niya kayang harapin pala ito. Nawala na siya sa mood. Literal na nasira ang mood niya.Ngumiti si Kana kay Danilo. โOh, dumaan lang ako para pag-usapan ang tungkol sa project natin sa Cebu.โ At โyon nga ang nangyari. At least, nabago kahit papaano ang mood niya. Nakalimutan niya ang nakita sa labas. Mahigit tatlong oras na nag-stay si Kana sa unit ni Danilo. Sa sala lang siya tumambay. Ayaw pa niyang lumabas dahil baka makita niya ang dalawa doon. Siguro, sa ibang elevator siya mamaya dadaan, kung pwede maglakad siya, maglalakad gamit ang hagdan.Pero hindi akalain ni Kana na nasa labas ng unit ni Danilo si John. Masuyong nagbabantay at naghihin
NGUMITI si John pero sa loob-loob niya, parang may mga karayom na tumutusok. Paisa-isa sa una hanggang sa sabay-sabay na. Hindi na niya tuloy napigilan ang sarili na hindi magpakawala nang buntonghininga. Kaya lumunok muna siya bago nagsalita.โC-congrats.โ Sumubo siya ng kanin pero hindi na niya nasundan ng ulam. Bumara na nga sa lalamunan niya kaya nagbaba siya nang tingin para bahagyang hagurin ang lalamunan. Isa pa, ayaw niyang makita ni Kana ang mata niya. Sabi nga nila, sa mata kadalasan nakikita kung nagsasabi ng totoo ang tao, o โdi kaya sincere sa mga binibitawang salita. Sigurado siyang hindi niya maitatago ang sakit na nararamdaman. Kaya hindi siya sincere sa sinabi rito.Nang mapansing nakatingin sa kanya si Kana, nag-angat siya nang tingin dito. Seryoso lang ito. Hindi niya alam ang nasa isipan nito. Pero umiling ito kapagkuwan at tumayo.โIโm full. Thanks,โ anito, at bumalik na sa upuan nito.Nawalan na rin siya nang gana kaya niligpit na rin iyon at nagpaalam na dito na
NAGPUMIGLAS si Kana kaya binitawan siya ni John. Pero muli din siyang kinabig nito dahil kamuntik na siyang mawalan nang balanse. โPwede bang itigil mo na ang pag-iinom? Kagabi ka pa. Malapit mo na akong masagad, Kana.โ May pagbabanta na sa mata ni John. Oh, yes. Naalala niya ang sunod-sunod na rant nito nang sunduin siya nito kila Mera. Walang bago, tinakasan na naman niya ito. Pero wala siyang pakialam dito. Hindi naman niya ito boyfriend, kaya wala itong pakialam sa mga ginagawa niya. Pinilig niya ang ulo pagkuwaโy nilakihan ng mata. Ramdam na niya ang kalasingan talaga kasi. โH-hindi kita boyfriend para pagbawalan ako. Si Grant lang ang may karapatan. U-understand?โ Nagsalubong ang kilay ni John pero hindi niya ito pinansin. Kumuha siya nang suporta sa pader at humakbang papunta sa opisina niya. Panay pa ang pagbulong niya. Namura pa nga niya ito. Ewan lang niya kung narinig siya nito. Hindi pa man siya nakakalapit nang pangkuin siya ni John. Sinubukan niyang magpumiglas ulit