3 YEARS LATER…AUSTIN, TEXASMasigabong palakpakan ang sunod na narinig ni Kana pagkatapos ng inspirational message niya. Naimbitahan siya ng dating doctor niya rito sa Texas para magbigay nang mensahe sa mga pasyente nito. Isa siya sa mapalad na napili para mag-share ng karanasan. Kung paano ba niya nalagpasan ang mga pagsubok na iyon.Halos isang taon din silang naghanap ng bonemarrow donor para sa kanya. Naglabas na ng malaking pera ang Daddy niya para mapadali umano ang paghahanap. Pero inabot pa rin ng taon bago sila nakakuha. Sa loob ng dalawang taon din after ng transplant, bumalik agad ang sigla at ang lahat sa kanya. Pati ang buhok niya. Bob cut lang ang kaya ng buhok niya sa ngayon. Pero kapag kinakailangan, nagsusuot siya ng wig hair kapag haharap sa media. Gaya ng buhok niya dati. Iilan lang kasi ang nakakaalam sa naging sakit niya. Ayaw naman niyang maging usap-usapan.“Mama!”Agad na pinangko ni Kana ang limang taong gulang na anak nang tumakbo ito palapit sa kanya. Pina
“Oh, sh*t!” daing ni John nang maramdaman ang tuhod na tumama sa alaga niya. Kasunod niyon ang pagbagsak ng katawan sa kanya kaya natigilan siya. Hindi naman dahil sa bigat nito kung hindi dahil sa pamilyar na amoy nito.“Kana…”Saglit na natigilan ang nasa ibabaw niya. Inangat nito ang sarili pagkuwa’y hinaplos ang pisngi niya.Lampshade lang ang tumatanglaw sa loob ng room na iyon. Pero sa paningin ni John sa babaeng nasa ibabaw niya ay klaro. Kaya ang pamilyar na kabog ng dibdib niya ay ganoon na lang kabilis.“J-John…”“K-Kana,”Akmang ilalapat niya ang kamay sa likod ni Kana nang marinig ang hikbi nito. Nabigla siya sa ginawa nito. Napasubsob din ito sa dibdib niya.Wala itong tigil kaya nag-alala siya. Pero walang lumalabas sa labi niya, bagkos, yakap ang binigay niya dito. Mahigpit na yakap.Lalong lumakas lang ang hikbi ni Kana dahil sa higpit nang yakap ng lalaking ito. Alam ni Kana na panaginip lang ito. Alam ng Diyos kung gaano niya nami-miss si John. Pero wala na silang kum
“Wine or—”“Just water,” aniya sa waiter na nag-alok sa kanya. “Thanks.”Sunod-sunod niyang nilagok ang tubig para pakalmahin ang sarili. Mabuti na lang at hiniram ng Daddy niya ang anak. As usual, para ipagyabang na naman na may apo na. Hindi na nga raw ito nahuhuli kapag nagyayabangan ng mga apo kasama ang mga kaibigan.Ayaw na niyang uminom ng alak pagkatapos ng nangyari sa Texas. Baka mamaya, magising na naman siya na hubo sa isang silid tapos hindi alam kung sino ang nakatalik.Hinanap ng mata niya si Laura para may makausap man lang. Pero hindi niya ito makita. Ito lang ang madalas niyang nakakausap kapag nagtatanong tungkol kay John noon. Pero this time, hindi naman si John ang gusto niyang i-topic dahil maliwanag pa sa sikat ng buwan ngayon kung ano ang kalagayan ni John.“Ate Kana!” Napalingon si Kana nang marinig ang pamilyar na boses ni Paul. Napaikot ng mata si Kana nang makita ang ngiti nito.“Napag-isipan mo na ba?”“ID,” aniya sabay lapag ng kamay sa harapan nito.Dini
“IS there anything important on my schedule for today?” tanong ni Kana sa secretary niya nang mag-angat nang tingin dito. Binigay niya rin dito ang mga pinirmahang papeles. “Wala na po, ma’am. Na-resched po ni Mr. Willis ang meeting na dapat ay mamaya”“Good.” Tumayo si Kana. “Kailangan kong umalis nang maaga. Tawagan mo ako if may problema. Alright?” Tumingin pa si Kana sa relo nito. Kailangan niyang umabot sa party ni Francy Lou. Dahil kung hindi magtatampo na naman ito sa kanya. Pagkaalis ng secretary ay dinaanan niya ang coat. Maging ang regalo niya ay bitnitbit niya rin. Hindi pa nakakapasok si Kana sa elevator nang marinig ang boses ng secretary.“Ma’am, si Chief po, paakyat po.”“Si Daddy?”“Yes po.”Tumango siya rito. Binigay niya sa secretary ang hawak na regalo nang tinuro nito iyon. Bumalik na lang siya sa opisina at hinintay doon ang ama.Humalik si Kana sa pisngi ng ama at iginiya ito sa receiving area niya sa opisina. Sabay pa silang napatingin sa isa’t-isa matapos na
LALONG nadagdagan ang kuryusidad ni Kana nang ipalipat ni John sa CMC ang ina nito. Naka-VIP pa. Marami ring mga naka-civilian na nakabantay sa paligid at mukhang mga sanay sa labam. Meron din parang bouncer. Of course pamilyar siya sa ganyang pangangatawan dahil sa bar niya. Saka si John, hindi na mapakali. Marami ring bisita ito at iniiwan siya para lang kausapin ang mga ito sa private room. Minsan, inaabot pa ng tatlong oras ang pag-uusap ng mga ito. Gaya ngayon.Napaupo si Kana nang bumukas ang pintuan. Iniluwa noon si John at Kenjie. “Anak!” masayang tawag niya sa anak nang makita ito.“Mama!” Isang mahigpit na yakap ang binigay nito sa kanya. “How’s Lola po?” Bumaling pa ito sa ina ni John.Tumingin siya kay John na bahagyang nakangiti. Mukhang gusto nitong siya ang sumagot kahit na ina nito ang pinag-uusapan.“Ligtas naman na si Lola. At anytime, magigising na rin siya.”Halata sa mukha ng anak ang pag-alala nang pumasok ito kanina. Close ito sa Lola nito kahit na walang par
ANG buong akala ni Kana, sa apartment nito siya dadalhin. Dinala siya nito sa isang eksklusibong subdibisyon siya nito dinala. Hindi lang iyon, mataas din ang gate at hindi kita ang loob ng bahay na pinasukan nila.“K-kanino ito?” tanong niya kay John na puno nang pagtataka.“Sabi ko naman sa ‘yo, dadalhin kita sa bahay ko,” nakangiting sabi nito“A-akala ko sa apartment mo ako dadalhin.” Hindi na ito nakasagot dahil bumaba na ito. Lumipat ito sa side niya at pinagbukas siya.Walang sumalubong sa kanila na kasambahay, pero may nakita siyang ilang tao na nagbabantay sa paligid. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang baril na hawak ng mga ito kaya napatingin siya kay John. Napansin nito ang paglunok niya kaya sinenyasan nito ang nakita niya na tumalikod.“N-nasaan ba talaga tayo, John?” aniyang nag-aalala.Ngumiti sa kanya ang dating nobyo. “‘Wag kang mag-alala, bantay natin natin sila.”Napatitig siya rito. Ganyan din ang sinabi nito nang magtanong siya sa ospital. May mali talaga— este
“UPDATE mo ako, hon, pag-uwi, huh. Kung anong oras ang alis niyo sa Davo airport. Ako na ang susundo sa ‘yo,” dinig ni Kana na sambit nito. “Okay, hon.” Mabilis na halik ang ginawad niya sa anak pagkuwa’y kay John naman. Saglit ding naghinang ang labi nila.Naglalaro ang dalawa noon sa sungkaan. Kakatapos lang din ng mga ito na maglaro ng bilyar. Tapos naisip na naman ni Kenjie na laruin ang binili ng ama nito na sungkaan. Kesyo iyon daw ang nakasanayan ng ama noong bata pa.“Si Kenjie, huh?!” aniy ulit kay John.“Opo. Sige na at male-late ka na.”Napaingos si Kana kay John. Ini-expect na niyang late siya dahil pinagod siya ni John kagabi. Kaya ayon, napasarap ang tulog niya dahil sa pagod.“Sige ka, baka hindi kita paalisin,” dugtong pa ni John.“Bye, Mama ko!” Nakangiting tiningnan ni Kana ang anak. Nakangiti rin si John nang balingan niya ito.“Ingat ka, hon.” Tumango siya rito.“Bye, anak! Bye, hon!” aniya sa dalawa matapos na talikuran ang mga ito.Bitbit ni Kana ang handbag niy
ISANG malutong na mura ang pinakawalan ni John nang ibalita sa kanya ni Arvin ang nangyari.Nang i-report nito na may nag-approach kay Kana na hindi kilala ay nagmadali siyang bumiyahe papuntang Davao. Iniwan niya ang anak sa Lola nito na si Keana. Hindi rin naman siya makatulog kaya talagang binalak niyang sundan si Kana ngayon. Nagkaroon ng aberya sa helicopter na gagamitin kaya medyo natagalan ang paglipad nila.Sumalubong sa kanya sa harap ng pharmacy na iyon ang ama ni Kana na si Atlas. Galit na galit ito habang nakikipag-usap sa mga tauhan nitong napatumba lang ng mga tauhan ni Danilo Rogando. Walang nakasunod sa sasakyang dala ni Rogando dahil nakikipaglaban na rin ang mga ito. May back up kasi sila Rogando kaya talagang humarang sa mga daraanan, dahilan para hindi masundan ng mga tauhan ni Chief.“Chief, pwede pa namang ma-trace natin ang kinaroroonan ni Kana,” aniya rito para kumalma ito. Galit na rin siya noon pero walang mangyayari kung ilabas niya din ang galit. Kailangan