Share

Chapter 28

CHAPTER 28

Helena Kelandra's POV

Hinihingal ako sa pagtakbo. Malayo na ako sa kanila, malayo sa nakita kong hindi ko inaasahan.

Sino ba ang babaeng 'yon? Ba't para siyang linta kung makayakap kay Michael? Magdidilim na.

Wala akong maaninag na tao o kabahayan sa aking paligid. Nasa gitna ako ng gubat. Hindi ko alam saan ako galing, tanging naaalala ko lang ay ang mga nagkalat na sanga sa daan.

Gumapang ang takot sa aking katawan, lalo pa't ang tanging suot ko lang ngayon ay two-piece. The hell, Helena! Ano bang naisip mo at tumakbo ka sa liblib na dako ng kagubatan ngayon pa't gumagabi na. Humilata ako sa isang puno, nilinga ko ang paningin.

Tanaw ko ang mayayabong na puno habang naririnig ang mga huni ng kulisap at iba't ibang ingay ng insekto. Yakap yakap ko ang aking tuhod. Paano na 'to, baka kung magpatuloy pa ako sa paglalakad ay mas mahirapan akong makabalik. Giniginaw na ako.

Tanging iniisip ko ngayon ay ang inis sa aking sarili, hindi ko pinakinggan si Michael. Napaiyak ako s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status