CHAPTER 30 Michael's POVKinapa ko ang aking telepono na nasa tabi ng aking higaan. Nakita ko ang tumatawag, si Dorotina. Napabalikwas ako at dali dali ko itong sinagot."Hello, Dorotina," bungad ko."Mike! He's getting worse," saad nito sa akin. Mangiyak-ngiyak ang boses nito. Nalaman ko ang punto ng pagtawag niya sa akin. Patungkol kay Sir Simon, lumulubha na ang kalagayan nito. Nakausap ko si Dorotina na kararating lang sa Pilipinas para sa isang meeting ng legalities sa isang branch ng LCDDR Inc. na nasa Palawan.Gusto nitong makipagkita at personal na makausap si Helena. Gustong ipapirma ni Dorotina ang isang papeles na naglalaman ng mga ari-arian ni Sir Simon, isa itong transfer of casualties ng ilang negosyo ni Sir Simon sa Espanya. Sakto namang susurpresahin ko si Helena sa darating na makalawa.Gusto kong pumunta kami sa Palawan dahil naiayos na ang renovation ng isang investment
CHAPTER 31 Helena Kelandra's POV"Oh, saan ka galing, hija?" bungad ni tyang Lourdes sa akin.Galing ako sa labas ng kwarto ni tyong Simon. Nakita ko ang lahat lahat. May namamagitan pa rin sa kanila ni Dorotina. Niyakap ko lang si tyang Lourdes at inanyaya ako sa loob ng banyo. Nag-usap kaming dalawa."Anong problema, hija?" tanong niya sa akin. Umiling ako. "Hindi ka pwedeng makita ng tyong Simon mo na ganiyan ka. Namamaga ang mata mo. Mas lalong makakasama sa lagay ng tiyo mo na makita kang malungkot," dagdag na paliwanag ni tyang sa akin."Kasi po, tyang, si Michael," salita ko pero narinig namin ang pagkatok mula sa labas ng pintuan ng banyo."Helena, let me explain. Mali ang iniisip mo!" boses nito sa labas. Tumingin si tyang Lourdes sa aking mga mata."Hija, hindi kayo pwedeng magkatuluyan ni Michael," seryosong saad niya sa akin. Rumehistro ang pagtataka sa mukha ko. Bakit?
CHAPTER 32 Helena Kelandra's POVMag-aalas sais na ng gabi nang bumalik ako sa hospital. Napakagaan ng loob ko. Naibsan ang aking problema nang matapos kong iiyak at ipangumpisal sa simbahan ng Basilica ang lahat lahat ng aking saloobin. Matapos magsimba ay kumain kami nina Sheena at Steve sa isang restaurant na may Filipino Cuisine. Na-miss ko bigla ang paborito kong karekare ni Aling Bebang.Napasarap ang kain ko, parang gutom na gutom ako. Marami kaming pinag-usapan ni Sheena. Sa tagal ba naman na nagkahiwalay kami. Nalaman ko na sa Las Casas de Dios sila naka-check-in.Masaya ako para sa dalawa, sa susunod na buwan na pala ang kasal ng mga ito. Napili nilang maging beach wedding ang theme dahil pareho silang beach lover. Nakikita ko ang sarili ko at si Michael sa kanilang dalawa. Napag-usapan din namin ang hotel corporate business ng uncle Simon ko. Hindi sila makapaniwala na ang tiyo Simon ko ang n
CHAPTER 33 Helena Kelandra's POV Isang buwan na ang nakalipas nang maiburol at mai-cremate namin si tiyo Simon sa Espanya. Pinili niyang i-cremate ang katawan nito at isaboy sa kaniyang resort. Ito ang hiling niya bago siya bawian ng buhay. Sa pamamagitan nito, nasa lugar pa rin siya ng kaniyang minamahal, ang Espanya. Gayundin ang ginawa nila sa naging asawa nito. Sa mismong baybayin, sa kanilang paboritong lugar, ang Las Casas de Dios. Nasa bukana ako ng eleganteng veranda ng mini bar sa Las Casas.
CHAPTER 34 Michael's POVMasinsinan kaming nag-uusap noon ni mama. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman. Sumisikip ang loob ko dahil sa mga nalaman. And it's fucking annoying! Nakakainis!Nanatili akong wala sa sarili sa oras na iyon."I'm sorry, anak," saad ni mama sa bawat hikbi niya. Now I know the truth. Alam ko na ang mga sikreto ng aking pagkatao. Sinabi ni mama ang lahat lahat sa akin. Ang kwento ng una nilang pagkikita ni papa Damian. Ang sikretong itinago niya nang napakatagal na panahon."Anak, patawarin mo ako sa inilihim ko sa 'yo. Aaminin ko na ngayon, hindi mo tunay na papa si Damian. Nagsinungaling ako sa kaniya. Dalawang taon noon sina ate Charmaine at ate Charmelaine mo nang itinago ko sila sa papa mo. Iniwan ko sila sa probinsya ng Davao, sa lola Hermosa mo. Namasukan ako sa Manila, naging katrabaho ko sa kompanya si Damian, naging magka
CHAPTER 35 Helena Kelandra's POVTanaw ko ang isang payat na babae na hawak hawak ang slogan kung saan nakasulat ang aking pangalan. Kararating ko lang sa Palawan, connecting flight galing sa Manila.Nakatingin ito sa gawi ko habang nakahawak sa telepono. Ngumiti ito."Welcome po, Ma'am Helena," bati nito sa akin. Katabi nito ang isang pamilyar na mukha. Si Mang Allan. Tinanggal ko ang aking shades at nakilala agad ako ng matanda."Welcome po, ma'am," magalang na bati nito sa akin."Salamat po, mang Allan. Long time no see," casual na bati ko sa kaniya. Pagkatapos ng aming batian ay kinuha nila ang mga dala kong bagahe. Sumilid kami sa nakaparadang sasakyan ng LCDDR.Naging malaki ang connection ng LCDDR sa agency ni Nathan. Kaya naman naging team company ito at nag-merge ang lahat ng employees. Kaya nga hindi kataka-takang nasa Palawan ngayon si Mang Allan. "Ma'am Helena, ako po pa
Chapter 36Michael's POVDinig ko ang napakagandang instrumental sounds ng napili naming wedding song. Beautiful in white.Nagsimula nang maglakad ang aming entourage. Tanaw ko ang mga taong sumuporta sa aming dalawa ni Helena simula umpisa. Kumpleto lahat ng aming pamilya, maging si papa Damian ay nandito.Nagkapatawaran kaming dalawa at sinabi ang katotohanan. Humingi rin ito ng tawad kay Helena, ang sarili nitong pamangkin. Naging emosyonal ako habang tanaw ko si Helena suot ang traje de boda. Litaw ang napakagandang anyo nito na sumakto sa mala-anghel na pigura. Nasa tabi ko naman si Eshaan na naging best man ko sa aming kasal. Tinapik niya ako upang kumalma.Mangiyak-ngiyak ako habang nakatulalang nakatingin kay Helena. I don't deserve her, she's so much for me. Napakaswerte ko. Maswerte akong maging kabiyak ni Helena. Naging emosyonal din ang karamihan sa paligid. Tanaw ko si tyang Lourdes habang nakangiti sa gilid ni Helena na siyang naging escort nito. Nasa kabilang tabi naman
Chapter 37Adelaida's POVRun Ada! Run!It's my way to escape the past I've been, someone saved me and fix me up, bringing the heat of fire as a revenge and to enclose the coldness of my past. He taught me how to fight and put the coldness of those past in my heart.I became his servant, my only promise was to serve justice. The justice of my father's death.I'll track 'em down one by one, but something happened...When I face my own trap to someone named Tornado, the mysterious guy who uplift the meaning of happy ending, proving that it really exist and a broken soul like me can be fixed..."H'wag ka nang umiyak, hija, everything will be fine," saad ni Gideon na noo'y nasa tabi ko habang tinatapik ang aking likod.I was shattered and emotionally distress while looking by distance my papa's ashes.Tanaw ko ang pagsaboy ng abo nito sa karagatan.I was hiding somewhere with Gideon, my guardian, the only person who raised me and keep me on track where I belong. Tanaw ko ang mga taong nas