Share

Chapter 5

Chapter 5

Helena Kelandra's POV

"Gimik time!" Sigaw ko pa habang suot ko ang napaka-ikling red dress na may V cutted style sa nay dibdib na nagpapa-stand out sa akin noong gabing 'yon. Naka-high heels at kontodo make up. Sabay sa beat ng disco sounds at mga ilaw na nagpapaliwanag sa madilim at mausok na bar. Marami kasi ang nag si-shisha, at ang iba naman ay nag vi-vape. Ubod-lakas na humataw si Sheena sa dancefloor napaka-sexy rin ang suot nitong black cocktail dress. As usual, nagpa-party kaming dalawa either may problema kaming pag-uusapan or a celebration sa aming mga buhay.

Kasama ni Shenna ang boylet nito, hindi ko kilala kasi bago na naman. Ganiyan si Sheena every week may kadate na bagong boylet, or sugar daddy. "Siz! Maiwan ka muna namin ah, may pupuntahan muna kami saglit," saad ni Sheena sa akin habang nakangiting kumindat ng makahulugan. Gets ko na 'yon. Dating gawi. Kaya naman tumango lang ako sa kaniya at nag-handsign ng circle cash hand. Nagpatuloy ako sa pagsasayaw sa dance floor, lahat ng kalalakihan ay nakatingin sa akin.

Because I know, what they're stairing at, my big boobs or my round ass. I get it.

Sinadya ko rin 'yon para naman mag-stand out ako ngayong gabi.

"Yeah! I'm so happy for my new job!" Naibulalas ko sa sarili ko hawak ang baso ng vodka.

Someone come over me at nagpapakitang gilas sa pagsayaw. Pagkalipas ng ilang segundo ay may dumating din na isang lalaki na kontodo pacute sa akin, malaki ang braso nito at dibdib.

Nag-aagawan silang makuha ang atensyon ko. Pero isa lang ang point ko sa gabing iyon. To be happy.  Magpapakasaya ako ngayong gabi!

Marami ang pwede kong i-celebrate. Una, natanggap ako sa pinag-aplayan ko. Pangalawa, nakastart na ako kaninang umaga, at pangatlo, pwede akong maglakwatsa ngayong gabi dahil wala akong pasok bukas!

Kumbaga off ko, napakaswerte nga naman, unang araw tapos kinabukasan off na.

Eh di party-party!

"Hi miss, you're so attractive, can I dance with you?" Anang unang lalaki.

"I'm David," sabi pa ng pangalawa.

"I'm Sam, can we dance?" Pakilala ng isang lalaki sa sumasabay sa akin sa pag-indak.

"Oh sure," sambit ko dito at agad namang lumapit siya sa akin at napahawak ako sa braso nito habang gumigiling. Parang naparami na yata ako sa inom. Nanlalambot na ang mga tuhod ko. Normal lang naman sa akin ang ganoong type na lalaki. As being Kelly, I have no control of it, kaya on the go lang ako.

Besides, masaya ako ngayong gabi.

Nakipagkwentuhan ako after sa dancefloor. Nakipag inuman as well, at dating gawi, nakipag check in.

Malaki kasi ang inoffer sa akin ng guy, sayang naman, at bet ko din kasi pogi at napaka-masculine ng figure. Alam ko ang pigura ng lahat ng lalaki at kung paano ito pasayahin, in a sosyal way ha. Hindi as a cheap way. Kaya nga tawag sa akin minsan—Call girl, but mostly Escort girl.

Marami akong kilalang tao na napagserbisyohan ko na. Marami't halos sa mga ito ay nasa gobyerno, mga matatanda na't walang asawa or hiwalay na. Mga lalaking naglalagi sa bar or sa casino ng mayayamang negosyante at minsan nga mga milyonaryo ang customer ko. 'Yon ang buhay na nakasanayan ko.

Mag-aalas tres na ng madaling araw nasa may bandang Quezon St. ako at pumapara ng taxi, nahihilo na ako dahil sa mga alak na nainom ko at noo'y kakalabas ko lang sa Hotel na pinagcheck in namin ng guy-boylet na umaya sa akin. Sam daw ang name nito, but, it doesn't matter anyway. Pilit kong inaayos ang aking sarili.

Napansin ko ang sasakyang paparating, pinara ko ito habang hawak ko ang aking sling bag.

Hilong-hilo na ako n'on kaya hindi ko na halos mabuksan ang pinto ng taxi. "M-manong, sa may Pasig ho, malapit sa 7-eleven station."

"Pasok ka..." Iyon lang ang narinig kong boses at pagkatapos ay nagdilim na ang paligid ko. Hilong-hilo ako na nakasandal sa front seat ng taxi. Hindi ko na maaninag ang lugar kung saan na ako banda n'on basta ay tinulungan ako ng driver na pinara ko kanina, I looked at him, pero napapikit na naman ako dahil sa pagkakahilo. Naaamoy ko ang pamilyar na pabangong hindi ko maalala kung kanino iyon.

Michael's POV

Bakit kasi naglalasing eh. Satsat ng isip ko habang akay-akay si Helena. I don't have any choice kaya, dinala ko na lang siya dito sa unit ko. Hindi ko rin alam ang address niya.

Papasok na kami sa elevator, akay-akay ko si Helena habang lahat ng madaanan namin ay ako ang tinitignan. The hell I'm doing this!

Helena Kelandra's POV

Pumikit lang ako at noo'y dama ko na kinakarga ako ng kung sinong lalaking driver na iyon. Kinabukasan, nagising ako sa isang kama.

Wala akong damit, nakatabon lang ng isang puting kumot ang hubot-hubad kong katawan.

Nagpanic ang isip ko. Impossible! Hindi ganito ang hitsura ng kwartong napagcheck in ako sa lalaking nakasama ko sa bar.

Teka? Pamilyar ang hitsura ng kwarto madali akong tumayo kahit pa wala akong saplot at tanging hawak ko lamang sa mga oras na 'yon ay ang nasabing kumot. Hinanap ko ang switch ng ilaw, madilim kasi at parang haunted ang nakapaligid na dark curtains. Familiar ang disenyo ng hotel, parang nakarating na ako rito.

Saan? Kaninong kwarto ito..at sinong nagdala sa akin? Iyon ang mga tanong ko sa mga oras na iyon. Nagawi ako sa maliit na kusina ng kwartong iyon. May nakatalikod na lalaki at naghihiwa ng kung ano, naka apron ito.

"Sino ka?" Tanong ko rito. Pero hindi ito umimik.

"'Bat ako nandito?" Dagdag ko pang tanong sa kaniya. Gulong-gulo ang isip ko sa mga oras na 'yon. Nang humarap ito ay laking gulat ko ng makilala kung sino ito. Si sir Michael!

Sa gulat ko ay nalaglag ko ang hawak na tabon sa mismong katawan ko. Nakita ko pa ang expression ng mukha ni Michael habang nakatingin sa akin, habang ako nama'y nagkanda-ugaga kung ano ang unang tatakpan.

Jezz! Grabeng hang over yata ako ngayon!

Keng Ina! 'Bat kasi n*******d ako?!  Mga satsat ng isip ko.

Tiningnan lang ako ni Michael at lumapit sa akin, ipinangtakip nito ang suot na apron. Umiiwas ito ng tingin sa akin habang isinusuot ang apron sa ulo ko.

"S-sir Michael, paano ako nakapunta rito?" Lakas-loob kong tanong dito.

"Well, nakita kita sa may QC kagabi, I just decide to rent some car kaya naglibot-libot na rin ako kagabi at namili ng mga needed stuff ko, then, nakita kita at lasing na lasing ka kaya pinarada ko ang sasakyan ko." He clarify.

"Ah. g-ganoon po ba?"

Omaygadz! Kelly, napaka gaga mo talaga. Sa napakalawak na syudad ng kamaynilaan mismong amo ko pa talaga ang nakapick up sa'yo? Just to offer you help, baka nagkataon at ibang lalaki iyon baka nadali ka na.

Paghuhurumentado ng aking sarili.

"Yes, Ms. Morata, and, napakabaho ng damit mo last night, nagsususuka ka kaya tinanggal ko na lang lahat sa katawan mo."

Nag-echo ang word na katawan mo..sa pagkakasabi nito sa akin, ewan ko ba pero parang may kuryenteng dumaloy sa puson ko.

Maghunusdili ka Kelly!

Sigaw ng isip ko.

"Ikaw ang...ang..ang..nagtanggal lahat?"

Pabalik kong tanong.

"Oo, bakit?" Nakatitig lang si Michael sa akin na tila it's not new to him. I just staired his way at natanaw ko ang emotionless nitong mukha.

Gaya niya ay wala akong response.

"It's not new for me Ms. Morata, laking States ako, remember?" Pagkaklaro niya sa akin, habang naka-crossed arms.

So, okey, kahit papaano ay nawala ang hiyang bumalot sa akin ng mga oras na 'yon.

"Ah, pero thank you po sir." Gatol na sambit ko sa kaniya, I don't know pero kanina pa dumadaloy ang kuryente sa puson ko. Keng Ina!"

"'Bat ka kasi umiinom kung hindi mo kayang umuwi, alam mo namang maraming naglipanang masasamang tao dito sa Maynila," may concerned na tono nito habang nagsasalita. Napa-smirk ako habang nakatitig sa kaniya. Iba kasi sa impact sa pagkakaintindi ko. Aissshh!

"Magbihis ka na," dagdag nitong sabi sa akin.

"Eh wala akong maisuot.." Saad ko sa kaniya habang nagpapabebe voice ako. Para akong nanumbalik sa pagiging teenager. Ewan ko ba pero kinikilig ako habang nakatitig sa concerned na mga mata ni sir Michael.

"Isuot mo muna 'yong white T-shirt ko," aniya habang itinuturo ang nakatuping damit sa may lamesa. Madali ko itong kinuha at isinuot. He just looked at me like a child na kemeng isinusuot ang T-shirt na bigay niya. Wala akong panloob, klaro pa rin ang mga nagsisitayuang korona ng aking dibdib. Nakita kong napalunok si Michael, nahuli ko siyang tinititigan ito pero, "Oh! let's eat now, nagluto ako ng Italian spaghetti," sabi nito habang pinagsasandok ako ng spaghetti sa plato, hindi ako makapaniwala na mismong customer slash amo ko sa pinagtatrabahoan kong kumpanya na dapat ako ang umaasikaso ay mismong nag-aasikaso sa akin ngayon, sumasakit ang ulo ko sa mga pinag-gagagawa ko ngayon. "Ano ka ba Kelly! Magpaka-Helena ka please!"

Satsat ng utak ko.

Mayamaya pa ay narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. ''Helena, halika na.." Tawag ni Michael sa akin.

Pagkatapos n'yang maipagsandok ako ng spaghetti ay umupo ako sa harap nya at nag-umpisang kumain, nag-usap kami ng pormal sa simula, nagkaka-ilangan pa kami hanggang sa pagkaraan ng mga oras ay naging kaswal na kaming nagkwentuhan ng kung anu-anong bagay. Kasama na roon ang mga bagay na kami lang ang nakaka-alam.

Pareho pala kami.

Nagkagaanan kami ng loob, parang tropa ang dating ng paraan paano kami mag usap. Parang hindi mag-boss, tumulong ako sa mga hugasin, nilinis ko din ang kusina, nag-arrange ng mga pinamiling gamit ni Michael at pagkatapos ay umalis na rin ako. Suot ang makapal na sandong pangloob at ang puting T-shirt at isang jogging pants na ipinahiram ni Michael sa akin, nagmukha tuloy akong losyang na mag ge-gym. Pumara ako ng taxi at umuwi, napagod ako sa araw na 'yon, iyon pa naman sana ang araw ng off ko, sa halip parang naging duty pa rin ito dahil out of nowhere napunta ako doon mismo sa hotel ni Michael.

Sa mismong boss ko pa.

Pagkapasok ko sa kwarto ay tanaw ko ang napakalaking agwat ng estado ng pamumuhay ko at ni Michael nakikiupa lamang ako ng maliit at mainit na boarding house samantalang napaka-komportable ng pamumuhay ng nasabing binata.

Haaaayssss! Makatulog na nga! Pagod na napahiga na lamang ako sa aking kama, kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang 10 missed calls ni Shenna. Hindi ko na namalayan na kanina pa pala ito tumatawag, abala kasi ako kay Michael kanina.

Anyway, nagtext nalang din ako dito ng Nakauwi na akoPara hindi rin ito mag-alala.

Muli akong napatitig sa kisame.

Iniisip ko ang mga oras na magkasama kami ni Michael, sa loob ng maikling panahon ay napakagaan ng loob ko sa taong 'yon, hanggang sa hindi ko na namalayang dinalaw na ako ng antok.

"Huwag kang magtangkang paibigin ako, dahil kahit hindi mo pa ginagawa—Bihag mo na ako."

-Michael

...itutuloy.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status