CHAPTER 6
Helena Kelandra's POV
Maaga akong dumating sa hotel room ni Michael, may sariling susi ako kaya dire-diretso akong pumasok. Madilim ang kwarto. Nakasarado ang mga bintana at tanging dim light lang ang nagpapailaw sa roon. Hinahanap ko ang switch pero hindi ko makita.
Nagawi ako sa kama ni Michael, ang sarap ng tulog nito. Tinitigan ko ito nang maigi. Maganda ang hugis ng mukha nito. Mabalbon ang mga pisngi at matangos ang ilong, may dimples sa magkabilang pisngi at perpekto ang mga eyebrows nito na nakadadagdag sa maamo niyang mukha, idagdag pa ang kulay Pinoy nito sa maskuladong katawan.
How I wish I could be his girlfriend.
Hindi ko natapos ang pag-iimagine ko dahil biglang humarap ito sa akin at tumambad ang kaniyang central heating point.
Ang sentro ng kaniyang mga hita. Diyos ko! Napakamalaman nito. Napalunok at nag-iinit ako sa nakita. Nag-iimagine ako sa eksaktong parte ni Michael, iniisip ko ang mga ilang lalaking inaaliw ko noon, kung kagaya rin ba ni Michael ang mga ito.
Kelly! Ano bang iniisip mo!
Tumatawag pansin ang pagkakatakam ko sa katawan ni Michael na tantya ko ay walang saplot sa ilalim ng kumot na tumatabon sa pagkalalaki nito.
"Sir M-Michael," marahan ko siyang ginising. Hinimas ko ang balikat niya. He looked so damn perfect. Like an Adonis figure.
"S-Sir, bangon na po. Mag-aalas otso na, may meeting pa po kayo ng alas nwebe," dagdag ko.
Michael's POV
Minulat ko ang aking mga mata. Nakita kong nakatayo si Helena sa gilid ng aking kama. Naka-uniporme ito, kahit medyo madilim ang paligid ay nakikita ko ang nakakaakit na pigura nito. May kinuha itong remote sa gilid ko at noo'y nagbukas ang mga ilaw. F*ck! I forgot that I'm not wearing anything beyond my sheets.
***
Helena Kelandra's POV
"Good morning, Ms. Helena," bati niya sa akin. Tumayo siya sa kama para dumiretso sa banyo. Laking gulat ko sa nakita, hubo't hubad itong naglakad sa harap ko habang tinitipa ang cellphone na parang walang taong nakatingin dito.
Liberated din ito. Oh, Diyos kong mahabagin! He smirked at me na tila nanunuya, parang wala lang sa kaniya na nandito ako sa harap niya.
Suddenly, he just stared at my face suot ang anong-problema-look. Napailing naman ako na tila nababasa ang ibig niyang sabihin. Dire-diretso si Michael sa banyo at nagshower. Naiwan ako sa may mini sala nito habang inaayos ang mga folder na kailangang dalhin, nandoon din ang mga gadgets ni Michael. Mahilig itong mag dokumento gamit ang pag-video sa camcorder nito.
May high-end lens camera ito na tantya ko ay mula pa sa States. Dahil sa kuryusidad ay inusisa ko ang camera nito. Marami itong mga kuhang larawan sa byahe.
Mahilig itong kumuha ng mga scenery, panorama views, at mostly, nature lover ito. Halata sa mga kuhang dagat, ibon, flowers.
Natigilian ako sa pagsa-swipe dahil nakita ko ang larawan ko sa camera nito. Napakahimbing ng pagkakatulog ko sa kama nito. How could it be? Pinipicturan ako ni Michael habang tulog ako? Bakit?
Mayamaya ay tumawag ito sa akin gamit ang telepono nito kahit nasa loob lang ito ng banyo. Madali kong pinatay ang camera bago mahalatang pinakialaman ko ito. Kinuha ko at sinagot ang aking telepono.
"Helena, please call some food delivery para maihanda before tayo umalis."
"Okay, sir. C-Copy,'' responde ko rito bago nag-order ng pagkain through delivery service. Nag-swipe ako sa aking phone at um-order sa website ng isang kilalang food chain. Nag-order ako ng buffet at dumating naman ito sa tamang oras. Tamang-tama ang dating nito.
Katatapos lang ni Michael sa pagligo. Naka-bathrobe ito at pinapatuyo ang buhok gamit ang maliit na tuwalya habang nakatitig sa akin. Nararamdaman ko nanaman ang kuryente sa aking puson.
Oh, my God, Kelly! Konti na lang at baka mabaliw ako dahil sa angking kagwapuhan ni Michael.
Hindi ko napansin na kanina pa pala kami naka-eye-to-eye contact ni Michael. Umiwas ako at nagsalita, "R-Ready na po, sir," sabi ko rito habang nakatayo ako sa harap ng mesa sa kusina at katatapos ko lang ilapag ang foods.
"Okay, great!" saad nito. He moved closer to me at gaya noong nakaraang araw ay mismong siya ang nagsandok para sa akin. Imbes na ako dapat ang magsandok para sa kaniya. Kumain kaming dalawa, and at the same time naglilista na rin ako ng mga schedules namin.
After attending the meeting for Eco-Tourism Entrepreneurs ay may free three weeks kami ni Michael at isinet ko na rin ang travel namin going to Palawan. Ang saya!
Atat na atat na akong makapunta sa Palawan for the first time. Nag-iimagine ako habang isunusubo ang kutsara, napansin ko na hindi pa rin maalis ni Michael ang tingin niya sa akin, parang binabasa nito ang lahat ng galaw ko, or assuming lang talaga ako.Ibinaling ko muli ang aking mata sa papel na hawak ko. Nag-busy busyhan ako dahil nate-tense ako sa kakatingin sa akin ni Michael. May dumi ba ako sa mukha? Biglang hinawakan ni Michael ang kamay ko, tila alam nito na nanginginig at wala ako sa sarili.
"Hey, don't worry, may connections naman ang company travel agency nila Nathan doon for the guest house and facilities. Don't stress yourself," marahan na sambit ni Michael sa akin. I don't know if saan ako nate-tense, kung sa excitement ko ba na makapunta sa Palawan, o dahil sa kamay niya na ngayon ay nakahawak sa kamay ko.
''Exciting, right?" tanong nito na tila may makahulugang titig sa akin. Mabilis kong binawi ang mga kamay mula rito. Hindi ko mapigilang mag-isip kung ano nga ba ang nakaka-excite. Ang palawan ba o siya na magiging amo at makakasama ko roon.
Ngumiti lang siya habang binabasa ang sinusulat ko kanina.
"Okay, Ms. Helena, after our trip sa Palawan, let's have some time to go in my place sa Pampanga," sabi nito sa akin habang nakangiti pa rin.
"Taga Pampanga ka rin, sir?" tanong ko na hindi makapaniwala sa narinig. What a small world.
"Oo, nandoon ang papa ko. I want to visit him," dagdag ni Michael at sumilay ang dimples nito sa pisngi. Okay! Inaamin ko na. Napakagwapo talaga ni Michael. Ilang porsyento na lang at tuluyan na akong mahuhulog dito. Nakakatukso. Ang sayang bumalot sa akin kanina ay napalitan ng kung anong mabigat sa loob nang narinig ko ang destinasyon namin pagkatapos sa Palawan.
"P-Pero, ano po kasi—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil naalala ko ang isang pamilyar na mukha sa aking isipan, ang mukha ng taong umalipin sa bata kong katawan noon. Naging seryoso at dumilim ang aking mukha.
"Oh? Anong problema?" nag-alalang tanong ni Michael sa akin. Umiling ako.
"Wala naman, sir. May mga bagay lang ako na gusto kong kalimutan sa Pampanga," paliwanag ko.
"Don't worry, kasama mo naman ako, eh. And besides, hindi naman tayo magtatagal doon," paliwanag naman ni Michael sa akin. Bumalik ang ngiti sa aking labi at nagpatuloy kami sa pagkain at nagsimulang maghanda sa pupuntahang meeting. Excited na ako sa trip namin ni Michael, excited ako dahil first time kong magtravel sa Palawan, ang place na inaambisyon kong mapuntahan since bata pa ako. It's my dream place. Plus points dahil may yummy boss akong kasama.
...itutuloy.
CHAPTER 7 Helena Kelandra's POVKaka-landing lang namin sa Puerto Prinsesa. Mag-aalas tres na at tanaw ko ang napakagandang scenery ng nature sa Palawan. Chill lang. 'Yong nakakapagkalma sa isip. Excited ako na gamitin ang bagong biling camera.Kahit pa mas maganda 'yong camera ni Michael. Umiiwas ako na makita nanaman ang mga kuhang larawan nito sa akin noong araw na nalasing ako at hindi inaasahang makatulog sa unit nito. Abala ako sa pagkuha ng mga larawan sa lahat ng madaanan naming lugar, pati nga siguro comfort room ng kinainan naming stop over dine resto ay nag photoshoot na rin ako sa loob. Isang beses ko lang mae-experience ang makapag-Palawan kaya susulitin ko na. Panay iling lang si Michael sa akin.Napakakulit ko raw na parang batang nag-fieldtrip kasama ang bored parent na gaya niya. Baka dahil sa makailang ulit na siyang nakapunta rito kaya siguro hindi ito excited gaya ko. He told me na d
CHAPTER 8Helena Kelandra's POVSakay kami ng nirentahan naming Hi-Ace van. Halatang brand new model ito, maluwang sa loob kaya kasya ang tatlong malalaking maleta namin kung saan naroroon ang mga paper works, personal stuff ni Michael, at ng aking kikay stuff. Parang susuong ka dapat sa gyera, laging handa. He looked at me habang nakataas ang kilay. Nagpatay-malisya akong hindi na-gets ang ibig niyang sabihin. I crossed my arms at ibinaling ang paningin sa labas ng bintana.***Third Person's POVNatawa si Michael nang hindi sinasadya nang masagi sa isipan niya na ngayon lang siya naka-encounter ng ganitong klaseng uri ng babae na napaka-open. Lahat open. Kahit butones ng damit sa harap, napansin na rin ni Michael na tila nag-aanyaya."Helena, check your blouse. It's open," kunwari ay concerned na puna niya pero kanina pa talaga siya nakatitig sa mga malulusog na dibdib ni Helena.**
CHAPTER 9 Helena Kelandra's POV Good Morning, Palawan! Napakasarap ng gising ko. Binuksan ko ang mga bintana para makapasok ang sariwang hangin. Alas syete y medya na nang magising ako, maaraw na sa labas at napakaganda ng panahon. Kumakanta kanta ako dahil ang saya ko nang nalaman ko na next tour assessment project ko ay doon sa Island Garden City of Samal sa Davao. Biniro pa nga ako ni sir Nathan kagabi sa phone na paghusayan ko dapat ang trabaho ko kay sir Michael para mapadali ang next tour ko. "'Cause you make me stronger by breaking my—ay, puke!" Laking gulat ko nang buksan ko ang pinto. Hindi ako makagalaw dahil sa sobrang gulat ko, feel na feel ko na sana ang pagkanta. Napatingin ito sa akin, pero muling ibinalik nito ang mga paningin sa dagat. Nakaupo ito sa terrace, sa mismong bukana ng aking pinto. Malayo ang tingin nito sa karagatan habang may iniinom. Iniba ko ang expression ko, "Wow! Ang ganda!" bulalas ko. "Oo, napakaganda," sabat ni Michael na nakaupo sa isang
CHAPTER 10 Helena Kelandra's POV Nakasalampak kami sa dalampasigan. Katatapos lang namin mag-pictorial at mag-sunbathing. We had lots of fun, masarap kakwentuhan si Michael. He likes to joke and to listen of all my kadramahan, mga nonsense na bagay bagay at sa boring na kwento ng buhay ko. Mag-aalas otso na ng gabi. Tapos na kaming kumain ng dinner. Kumuha kaming dalawa ng bucket ng pale beer at isang hard drink. Naging pangtulak namin ang beer, habang ngayon ay tinutungga ang hard drink na salitang nilalagay ni Michael sa isang shot glass. Masaya kaming nagkwentuhan sa buhay at trabaho, pero never ikinuwento ni Michael ang pamilya nito. Ang tanging sambit at pabalik-balik na topic nito ay ang first love nito noong seventeen years old pa siya. Namatay raw ang first love niya at hindi niya ito natulungan. Hindi ko na itinanong ang buong istorya dahil naiiyak siya habang ikinukwento iyon. Malihim kami roon sa parte ng pamilya, pareho naming nirerespeto 'yon. Nabaling ang usapan n
CHAPTER 11 Helena Kelandra's POVKakagat ka. Kakagat ka, Michael.Dahil na rin sa halong emosyon at tawag ng laman ko na takam na takam kay Michael ay nagawa ko ang dramang ito. Naiintriga ako sa pagkalalaki nito, kaya naman pilit kong ginalingan ang drama kanina na naglasing-lasingan. Pang best actress ang peg.Nahiga ako sa kaliwang bahagi ng kama, kanina ko pa gustong humarap kay Michael pero nakaharap din ito sa ibang direksyon.***Michael's POVIpinipikit ko ang mga mata pero ang isip ko ay na kay Helena sa mga oras na 'yon.Nasa iisang kama lang kami. Pinalampas ko ang unang pagkakataon noong hinubaran ko ito sa hotel na tinutuluyan ko at pilit kong kinakalma ang sarili. Pero ngayon ay parang sasabog na ang puson ko at 'di ko na kayang iwasan ang kamandag ni Helena.Nakakaakit.Humarap ako kay Helena at noo'y hinawakan ang mga braso nito na
CHAPTER 12 Helena Kelandra's POV "Good morning!" bati ni Michael sa akin habang ako naman ay nakatitig sa kisame at nakahiga pa sa kama. Nakabihis na ito at may hawak na tasa ng kape. He looks so fresh sa suot nitong white plain t-shirt at blue and white stripes summer shorts.Kaliligo lang nito habang nakasampay sa balikat ang isang tuwalya."Good morning," bati ko habang iniiling ang ulo dahil sa panaginip ko kagabi. Teka, is it just a dream? In denial pa ako sa katotohanang alam ko na may nangyari tagala sa amin ni Michael. He sat beside me while drying his hair.He staired at me na animo'y may dumi ako sa mukha.Ugh! That eyes!"Kanina ka pa gising?" tanong niya sa akin. Bumangon ako at nagtakip ng kumot."Oo, kanina pa." He just look at me na tila gusto niyang habulin ang bawat dinadaanan ko.
CHAPTER 13 Helena Kelandra's POVNakalapag na sa Clark Pampanga ang eroplanong sinasakyan namin ni Michael. Didiretso kami sa lugar nila na malapit lang din sa lugar namin. Pupuntahan namin ang lugar kung saan siya lumaki kasama ang papa nito. Hindi open si Michael patungkol sa pamilya pero nalaman ko na naghiwalay ang mama at papa niya. Nagka-asawa muli ang mama niya sa America at ang ama naman nito ay nanirahan mag-isa sa dati nilang lugar sa Pampanga.Kahit ako naman siguro ay pipiliing manahimik na lang kung isa palang dagok ang nagyari sa pamilya ko. Hindi ko kilala ang tatay ko, maagang namatay ang mama ko, GRO ang mga tyahin ko, namatay rin ang kaisa-isang kapatid ko.Marami akong lihim na itinago at pilit na binabaon sa limot. Gusto kong magsimula bilang Helena. Pampanga. Ang kamunduhang namulatan ko kasama ang pamilya nila auntie Lourdes. Ang lugar kung saan sinukuan ko ang s
CHAPTER 14 Helena Kelandra's POVNagkwentuhan sila Michael at Damian sa kusina habang nasa mesa kami at kumakain ng hapunan. Ipinagluto kami ng kasambahay ni Damian. Nag-iisa lang ito sa bahay na 'yon, samantalang ang dalawang nakatatandang kambal na kapatid ni Michael dito ay puro may mga sarili nang buhay at namamalagi sa States. May isa rin silang kapatid na babae sa ibang asawa nito at nasa ibang lugar din na nagbo-boarding house malapit sa pinapasukan nitong university.On call lang ang kasambahay nitong si Aling Pelomina na nasa 'di kalayuan ang bahay, malapit lang sa bahay ni Damian."Kamusta ka na, anak?" tanong ni Damian kay Michael habang abala sa pagkain."I'm fine, pa. How about you? Kamusta ka?" balik na tanong ni Michael sa ama."Okay lang din ako rito, nakasanayan ko nang mag-isa. Alam mo naman 'yong kapatid mong si Vee, hindi halos 'yon naglalagi rito, na