Share

Chapter 5

"Alora, look! You are the top topic on the website," Alice announced while tapping on her laptop. 

We are in the cafeteria, sitting at the table in the corner. This is the right spot to avoid the scrutiny of those student who still couldn't move on from what happened to me yesterday. But maybe I  should start caring less about the things I have no control about, even though I am noticing some, especially those at the nearby tables gossiping about me. 

"Patingin!" Jinx stood up from her seat next to me and move behind Alice. "Uy, Alora! Famous ka na oh!" Her voice gets all gushy, pointing the screen to me even though I only see the apple logo of the laptop. 

Nasa harapan ko nakaupo si Alice. Nang akmang ihaharap niya na sa akin ang screen, pinulot ko na ang tinidor at pinaikot-ikot iyon sa pasta. 

"In-expect ko na 'yan. I don't want to see it," I dryly said while watching my pasta getting tangle on the fork. 

Kahit sinabi ko na ang disgusto, hinila ni Megan ang laptop at binasa ang kung anong nasa screen. "Alora Steppingstone, the laughing stock of Herismians during her penalty."

Umismid ako. 

"Sus! Kung hindi lang tayo kinulong kahapon, malamang wala silang mapagtitripan. Tapangtapangan sila porket mag-isa lang si Alora no'n!" Jinx commented. 

Ayon sa sinabi nila, they were locked up in a room that's why they couldn't be able to come for me. 

Hinayaan ko na silang tatlong pagkaguluhan ang laptop. Busy ako sa kinakain. Kapag may kaharap akong pagkain, gusto ko na lang kalimutan ang mga taong nasa paligid ko. The sweet and sour taste of this Spaghetti with Meatballs is savoury. I can't wait to devour this on my plate....

Until Alice interrupts me by poking my arm. 

"What?" Kunot-noong tanong ko. 

Nakatingin silang tatlo sa likuran ko. Tinuro ni Jinx sa akin ang kung anong meron doon gamit lamang ang nguso niya. Marahan naman akong lumingon para tingnan kung ano 'yon. 

Then I saw Calter with his group walking to a vacant table in the center of this cafeteria. Tumahimik ang mga tao pero ngiting-ngiti naman ang mga babae. Umirap ako. Why are they romanticizing those assholes? Ganoon na ba talaga ang standards ng mga mababang babae ngayon? May hitsura nga ang mga lalaking 'yon pero mayayabang naman!

Tumalikod na ako at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Sila lang naman 'yan. Gutom ako. 

"Alora..." Si Megan. 

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya pero nakatitig lang siya sa likuran ko. Nang hindi siya nagsalita, sinubo ko na ang pasta sa tinidor. Hinila ko ang tuna sandwich na nasa platito at iyon naman ang tinikman. 

"Alora!" tawag ni Jinx sa impit na tono. 

Umirap ako habang inaabot ang baso ng juice.

Sila lang naman 'yan! Kailangan ko pa bang tingnan ang mga lalaking 'yon? Kumakain ako oh! Di ba nila nakikita? 

"Hi!" A lad's voice suddenly heard at my back and his hand flew on the edge of my left shoulder. 

I flinched away that made him get his hand off of me. Mabilis akong lumingon sa kaniya. He looks surprised with my sudden reaction. 

"D-Did I do something wrong?" he asked, confused. Then he chuckle awkwardly that triggers me to smack his goddamn face with my fist. 

How dare him touch me?

He is the same guy who rained me compliments yesterday. The blue-eyed guy who's friends with Calter. He's acting wierd since yesterday and I can't believe he's acting the same way today.

Anong nangyayari?

Tinalikuran ko siya saka sumimsim sa baso ng juice. 

"I like you."

"I like you."

There it goes again. Playing those fucking three words and eight letters in my mind like a broken stereo. It's not a big deal to me though. It's impossible to develop romantic feelings for someone in just a very short span of time. Ikatlong araw pa lang namin dito tapos 'yan na ang sinasabi niya sa akin. 

He's pranking me.

"What are you eating?" 

Nagulat ako nang nakaupo na siya sa tabi ko. 4 seater lang ang table namin kaya malamang, humila siya ng upuan sa kabilang table. Nakaharap ang d****b niya sa akin. Nakatukod ang kaliwang siko niya sa lamesa at nakapatong ang baba niya sa nakabilog niyang kamao.

He's smiling at me. Sa sobrang lapit niya, malinaw kong nakikita ang detalye ng kaniyang asul na mga mata. 

"What the hell are you doing?" I look around and see people staring at us. 

Kahit sina Jinx, Megan at Alice, nakabuka ang bibig at palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. 

"What else would you like to eat? Hmm?" 

Napalingon ulit ako sa bwisit na lalaking 'to. Nawindang ang sistema ko sa malumanay na boses niya. Parang kahapon lang napakatapang ng boses niya, ngayon... para siyang fallen angel na pinaakyat ulit sa langit. 

Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim para kotrolin ang iritasyon. Mas lalo lang yata akong nainis nang makita ang tatlo sa harapan namin, gulat na pinapanood kaming dalawa. 

Kinuha ko ang tinidor at tinusok tusok ang pasta. "Stay away from me. You're annoying!" I emphasized.

From my peripheral vision, he's grinning at me. "I told you that I like you. You forgot, hmm?" His voice soothes and his calmness is catching.

But it disgusts me. 

I stand up, pushing the chair with the back of my knees. Umingay ang pagkakausog ng upuan pero wala na akong pakialam. Dinampot ko ang bag at tinalikuran na silang apat para umalis.

Poker face while walking out, my eyes flew to Calter's table. Nakatingin silang tatlo sa akin. Nang nakita niya akong nakatingin sa kaniya, umiwas siya.

Umirap na lang ako at mas binilisan pa ang paglalakad paalis. Humabol din naman sina Jinx, Megan at Alice sa akin. 

Nang makalabas sa cafeteria, inulan na nila ako ng mga tanong.

"Why did he talk to you?" 

"Oo nga. Tapos sinabi pa niya na gusto ka raw niya. Ano 'yon? Gaguhan lang?"

"What really happened yesterday? Nagkausap ba kayong dalawa kahapon?"

Hindi ko pinansin lahat ng iyon hanggang sa makarating sa classroom. Bago pa dumating ang teacher, pumasok na ang lalaking nanggulo sa akin kanina. Mag-isa lang siya. Nahagip pa niya ang tingin ko at ngumiti sa akin. Umiwas ako. 

Siya lang ba? Nasaan ang mga kasama niya? Si Calter?

"Ms. Steppingstone, may I talk to you?" pagtawag sa akin ni Sir Suarez pagpasok niya pa lang. 

Tungkol siguro ito sa pag-aapply kong maging tutor ni Calter. 

Tumingin sa akin ang mga katabi ko sa upuan. Nagtataka dahil hindi naman nila alam ang tungkol dito. 

Tumayo na ako at lumapit kay Sir.

"The principal wants to talk to you. Sasabihin na siguro ang evaluation result mo. After class, pumunta ka sa Main Building at hanapin mo ang Principal's Office sa 3rd floor," aniya sa mahinang boses na tama lang para kaming dalawa lang ang makarinig. 

I nodded. 

The Introduction to Philosophy subject ended well. Sumunod naman ang Filipino subject. 

"Ngayon ay mayroon kayong pangkatang gawain patungkol sa ating talakayang epiko kahapon. Magbilang na lang kayo ng isa hanggang lima upang mahati ang klase sa limang grupo," Ma'am Flores announced. 

Tahimik kaming apat dito sa likuran habang hinihintay na matapos ang mga naunang row sa pagbibilang. Hindi ko alam kung ano ang naging discussion nila kahapon. Cutting ako nang mga oras na iyon. 

"Hindi naman tayo nakinig kahapon, e." Narinig kong sinabi ni Jinx. 

Hanggang sa umabot na sa amin ang pagbibilang. Napunta ako sa group 4. 

"Ngayon ay magtipon na ang mga magkakagrupo. Pag-usapan ninyo kung paano ninyo maiuulat ang gawain. Kung ito ba ay sa pamamagitan ng maikling dula-dulaan, pagbabalita, pagguhit, pagkanta o pagsayaw," the teacher said.

Nagsitayuan na kaming lahat para pumunta sa mga respective groups namin. Then there's this red-haired girl, calling her groupmates to gather at the back. 

"Group 4, here!" she called. 

Hanggang sa makumpleto sila at naupo na sa sahig habang nakabilog. Lumapit na ako. 

"Oh. Look who's here with us," the girl named Rain Gutter teasingly said. Tiningnan niya ang mga kagrupo. "Are we going to include her in our group?" nakataas ang kilay na tanong niya sa kanila. 

Masama silang tumingin sa akin. Nakatayo ako habang nakatingala naman sila sa akin. 

"We better not," nakabusangot na sagot ng isang babae. 

Ngumisi si Rain sa akin pagkarinig niya no'n. 

With flinty face, I look at them. Wala man lang nagbigay espasyo sa akin para makaupo. Sarado ang bilog na binuo nila. Kung ganoon, hindi ko na ipagsisiksikan ang sarili ko. Ayaw nila sa akin? Then fine. My grades doesn't matter to me. Hindi naman ako nandito para mag-aral. 

"I like it here!" 

Biglang sumulpot ang nakakainis na lalaki sa likuran at tinulak ang babaeng nasa harapan ko para sirain ang maayos nilang pagkakabilog. Sumiksik siya roon. 

"Blake? Are you shifting to our group?" Rain asked, seemed surprise.

My lips protrude. So his name is Blake, huh.

Calter. Kyler. Hex and now, Blake.

I already know their names.

"'Di ba group 2 ka?" Kalabit ng babae kay Blake. Tiningnan naman siya ng lalaki. "A-Ah okay. If you want to be with us, it's fine." She awkwardly laugh after meeting his glare.

Parang gusto ko namang matawa. Tiningnan lang ng masama, natakot na? Tapos pagdating sa akin aangas-angas sila? 

Lumingon si Blake sa akin. Nakatingala. "Why are you there? Come on, sit here!" He looks like someone who cares for an old woman standing in a bus. 

Nanlaki tuloy ang mata ng mga kagrupo namin.

I look at them and stretch my lips, faking my kindness. "Start with your discussion. Don't mind me," I told them. 

Umiling naman si Blake. "Sit here," he ordered and harshly bumped the girl next to him to force her to move. 

She immediately react to that and move aside so there would be enough space for me to sit. Then, Blake patted the floor, ordering me to occupy the space. Hindi naman ako gumalaw at tiningnan lang siya. 

"Get off of me!" I exclaimed when he suddenly pull my hand impatiently. 

Allright! Just for this freaking activity, I'll give in. 

"Steppingstone at Perigreen, may problema ba?" papalapit na boses ni Ma'am Flores.

Lumingon si Blake sa likuran para sumagot. "She said she doesn't want to participate in our group," sumbong niya. 

Napalingon tuloy ako kay Ma'am.

Imbis na pagalitan ako, iba ang pinuna ni Ma'am. 

"Perigreen, hindi ba't sa oras ng klase ko ay hindi maaari ang banyagang salita? Subukan mong magtagalog!"

Umismid naman ang lalaki. Tinaasan pa niya ng kilay ang matanda. "For what? My parents aren't Filipino and you can understand me anyway, so what's the use of speaking Tagalog?" he retorted. 

Nilagay ni Ma'am ang mga kamay sa bewang at napabuga na lang ng hangin saka umiling-iling. Halatang pinagpapasensyahan niya lang ang lalaki.

Umalis na si Ma'am sa likuran at nagsimula na rin kaming magplano... sila lang pala. Tahimik lang akong nakaupo at nakikinig. Hindi ko naman gustong makinig pero naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila. 

"She's gonna suggest her opinion, too!" Blake told everyone while pointing at me. 

Natigilan ang lahat. Sandali nila akong tiningnan bago bumalik na ulit sa usapan. See? They don't want me to be here. 

I slowly scratch my temple and look away. Naka-indian sit ako at nakapatong ang mga siko sa hita. Tinalikuran ko ang pakialamerong katabi ko. 

Nagpatuloy sila sa pagbuo ng idea. Nag-assign na rin ang acting leader na si Rain ng kaniya-kaniyang gagawin. 

"I will be the wife of the hero," Rain says. 

"How about me?"

"You'll be the narrator. Blake will play as the main character while you... you'll be the antagonist. The three of you will also play as antagonist," Rain finalized their roles. 

"And what about her?" 

Bumaling ako sa babaeng nagtanong kay Rain. 

"Her?" she points ate me with a smirk."She'll play as a wild boar that tries to harm the main character."

And they laugh at her unhumurous line, except the guy beside me.

Another girl reacts. "That's very accurate because the setting is in the jungle!"

I slowly breathe in and almost roll my eyes when I look away. 

Blake loudly cleared his throat. "Are we done with the lyrics?" 

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kahit ang mga kagrupo niya, nalito rin. 

"Huh? What do you mean, Blake?" Rain asked. 

Bumaling ako sa kaniya. He sluggishly put down his long legs to the floor. He's in a long sitting position, occupying the center space. 

"We're going to perform a jingle presentation," he answered. Showing them how indisposed he is with their idea. 

Nagkatinginan naman sila. Inaalam kung wala bang tumututol sa kagustuhan ni Blake. 

"But the majority agreed to do role-playing!" Rain said with madness in her voice. 

"Are you deaf?" he replied. 

The other girl speak. "I-I guess, jingle is much easier to perform."

She's the narrator in the supposedly role-playing. Napabaling naman si Rain sa kaniya. Kita sa kaniyang mukha ang malaking disgusto. 

Why? Is it because her role is the main character's wife? Basically, may gusto siya kay Blake. Si Blake kasi ang bida sa roleplay na siya ang umutak.

Hinablot ni Rain ang papel na hawak ng lalaking kagrupo. "But we already started writing the script!" she argued while holding the notebook up to her cheek, showing it to us.

Hindi iyon pinansin ni Blake. "Hands up to those who wants jingle." He raise his hand first. 

And everyone in the group raises their hands except Rain... of course.

Bumaling naman sa akin si Blake. "You want role-playing?" gulat na tanong niya.

Ah, oo nga pala. Kasali nga pala ako rito. 

Slowly, I hesitantly raise my hand. Wala akong gusto sa dalawang idea. Kung tutuusin, ayaw ko naman talagang mapabilang sa grupong 'to.

"Alright! When are we going to compose a song?" he asked while looking at me. 

Ano bang tinitingin-tingin niya?

"Tomorrow, right away!" The girl excitedly answered. 

Sa Friday pa raw next week ipi-perform sabi ni Ma'am kaya may mahaba pa kaming oras. Wednesday pa lang naman ngayon. 

Rain groan. Hindi matanggap ang pagkatalo kaya bigla niyang binato pabalik sa lalaki ang notebook pero sa lakas ng hagis niya, tumama iyon sa mukha ng lalaki. 

Wow.

Padabog na tumayo siya saka nag-walk out. Wala namang pumansin sa kaniya. 

"Give me the chorus, I'll take care of it," another one volunteered. 

I heard this asshole beside me sighed. He even massages his temple as if no one understood what he was saying. Bagay na totoo. Mahirap naman kasi talaga siyang intindihin. 

"No no no, you misunderstood me. Just to make things clear. I said we..." tinuro niya ang sarili niya pati ako. "Are going to perform jingle. That means, we don't need you guys," he clarified.

I flinched backwards when I turn to look at him. Kahit ang mga kagrupo, laglag na rin ang panga sa sinabi niya. Halatang hindi nila nagustuhan ang narinig mula sa lalaking 'to.

Tikom ang bibig ko nang tumayo mula sa tabi niya. Gaano ba kakapal ang mukha niya? Nakikisiksik na nga lang siya dito tapos gagawa pa siya ng sarili niyang desisyon? Ni hindi ko nga gustong sumali sa groupings na 'to tapos kaming dalawa lang ang pagagawain niya! We're seven in this group yet he wants to discard those five!

"I won't participate," I coldly said while seriously looking at him.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tinalikuran na silang lahat para bumalik sa upuan ko. After nito, pupuntahan ko ang principal. Pipilitin ko siyang kuhanin ako bilang tutor ni Calter bumagsak man ako sa evaluation o hindi. I need to get his trust so I can accumulate informations about his parents. Kailangan ko lang bilugin ang ulo niya para makuha ko na ang loob niya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status