Share

Chapter 4

Nang makaalis siya, paulit-ulit pa rin sa utak ko ang huli niyang sinabi. Hindi ko maintindihan iyon. 

Ang lalaking iyon, he's kinda wierd.

Walang duda na isa nga siyang Spencer dahil sa ugali niya. Madali lang para sa kaniya ang manakit. Gumaganti ba siya dahil sa ginawa ko sa kaniya kahapon? Deserve naman niya 'yon, ah!

Now, I'm on the way to the Class Building. Tahimik lang akong naglalakad hanggang sa makakita ako ng tatlong lalaki mula sa malayo, mukhang may hinahanap. Oras na ng klase ngayon pero nasa labas pa sila. I shrugged. Cutting din siguro. 

Nang makita ako ng isa sa kanila, bigla itong nagulat at tinuro ako sa dalawa niyang kasamahan. Mabilis naman silang lumingon sa akin. 

"Stop right there!" sigaw ng isa at dinuro pa ako. 

My lips parted as I slowdown. Many people are getting weird today. 

I paused when they start running towards my direction. Kumunot ang noo ko dahil doon. Agresibo sila kung kumilos na parang may masama silang gagawin sa akin. 

Ano bang nangyayari? Sira ba ang ulo ng mga estudyante rito?

I don't know but I feel like I have to run away from them. Kusa na yatang kumilos ang mga paa ko sa pagtakbo. Why am I running anyway? It's as if I have done something wrong when in fact I don't remember anything!

"Hey! Stop running!" sigaw pa nila.

Mas lalo ko pang binilisan. Hindi biro ang mga taon na pagtakbo ko sa running field, tinatalo ang bilis ng kotse ni Uncle.

"Hoy! Sinabi nang tumigil ka!" 

Tagaktak na ang pawis ko, hindi ko na maramdaman ang mga paa sa bilis ng pagtakbo. Nililipad na rin ng hangin ang skirt ko pero binalewala ko na lang iyon. 

Hindi sila tumigil sa paghabol sa akin. Lumiko ako papunta sa likurang bahagi ng Class Building. Nang makarating doon, binagalan ko ang pagtakbo para humanap ng mapagtataguan pero biglang may humila sa akin papasok sa isang pinto.

I was about to say something when whoever-it-is covered my mouth from behind. Someone dragged me in this dark and stinky room!

Then that person shifted in front of me and pinned me against the wall. Fortunately, there's a small window on the upper part of the wall that has a slit of light coming in. That made me recognized who this person was. 

"Alice?" I gasped after she uncovered my mouth with her palm. 

Pinanlakihan niya ako ng mga mata at sumenyas na tumahimik ako. My brows narrowed because of that. I am catching my breath from the intensive run but the sound coming from the outside made me hold my breathe. My heart is beating so fast as if I was chased by a horse. 

Umingay ang yabag ng mga paa sa labas. 

"Nasa'n na 'yon?" 

"She's still around the campus. Let's find her!"

"Secure all the exits! Make sure she can't get out of this school!" sigaw ng lalaki. 

My jaw dropped and I covered my open mouth with my hand. Nang mawala ang yabag at mga ingay sa labas, saka ako nakahinga ng maluwag.

"Where have you been?" Alice's tone was hushed and her expression is so strict, as if I've done something wrong.

Ano bang problema? Ako nga dapat ang nagtatanong sa kaniya kung ano bang nangyayari. Pero teka, bakit mag-isa lang siya? Nasaan sina Jinx at Megan? 

Kumunot ang noo ko. Mas nagtataka pa ako sa ikinikilos niya. "What's wrong?"

Hindi niya trabahong alamin kung saan ako pumupunta!

Mabigat ang mga kamay na humawak siya sa mga balikat ko. I heard her huffed as if she's trying to calm herself down. 

Puno ng intensidad ang mga mata niya nang magtanong ulit. "Where have you been?" she emphasized. 

Agad ko siyang tinulak papalayo. What I hate the most is when someone forces me. Pinipilit niya akong sumagot! Ano bang makukuha niya kung sasabihin ko sa kaniya? May humahabol sa akin at hinila na lang niya ako basta rito. Hindi kaya't alam niya kung anong nagyayari?

Masama ko siyang tinitigan. "Anong alam mo? Bakit nila ako hinahabol?" 

Mariin niyang ipinikit ang mga mata.  "Have you been in the woods?" Nakataas ang kilay niyang tanong. Hinawakan niya ang braso ko. "Nanggaling ka ba sa likod ng Main Building?" She took a step forward and I stepped backwards. 

Inis na sinampal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Eh ano naman?" angil ko. 

Slowly, her eyes widen. Para siyang nakatuklas ng isang mahalagang sekreto. 

"That place is restricted!" Naiis-stress na sagot niya.

"Kaya ako hinahabol dahil pumunta ako roon? Parang 'yon lang?" hindi makapaniwalang sinabi ko. 

"Don't take it lightly, Alora. There's a big penalty on top of your head right now. Hindi ka makakauwi hangga't hindi ka napaparusahan!" pagalit niyang sinabi pero mahina ang boses. 

"And you think I'm scared?" 

Maraming beses na akong nakatanggap ng parusa galing sa mga teachers ko sa New York. Hindi na bago sa akin ang maparusahan. 

She dropped her stares to the floor. "Kasalanan ko 'to. Hindi ko agad nasabi sa'yo ang nabasa ko sa website. It is included in the rules and regulations of the school. Students are prohibited to go at the back of the Main Building," she informed me.

Nagulat kaming dalawa nang biglang bumukas ang pinto, and a familiar guy came in. 

"Oh. So you're just here," he playfully said. 

Bumaba ang tingin niya sa kaniyang mga kamay at pinagpagan ito. He's smirking while doing it. Nandiri siguro dahil marumi ang doorknob. 

Nag-angat ako ng isang kilay sa kaniya at lumakad palabas pero hinawakan niya ang braso ko. Kinakaladkad niya ako palabas ng storage room.

Nagpupumiglas ako sa hawak niya. "Get your filthy hands off of me!" I yelled. 

Maraming tao ang nanonood sa amin paglabas. Hindi ko kinakaya itong pamamahiya niya sa akin! How dare him do this to me? Hindi porket alagad siya ni Calter ay pwede na niyang gawin sa akin ito! Ang grupo nila... Silang apat mismo! Mananagot sila sa akin!

"Stay away from her!" Narinig kong sigaw ni Alice sa likuran. 

Humahabol siya sa amin at akmang sisipain sana ang lalaking may hawak sa akin nang pigilan siya ng dalawang lalaki. Hinawakan ang dalawang kamay niya at kinaladkad palayo sa amin. Nagpupumiglas siya pero nasa akin pa rin ang tingin. She looks so worried about me. 

"Hold her tight!" utos ng lalaking ito sa dalawang lalaking humahawak kay Alice. 

I saw how Alice strongly kicked the knee of the guy in her left but when she did that, two more boys came to stop her. 

Itinulak ako ng may hawak sa akin para magpatuloy sa paglalakad. 

"Get off! I can walk on my own, asshole!" I cursed. 

Kung tutuusin, kaya kong makatakas sa hawak niya. Kaya kong baliin ang mga kamay niya at sipain ang likod ng tuhod niya para hindi na siya makatayo. Pero hindi matatapos ang araw na ito nang hindi nila ako napaparusahan. Anong klaseng parusa ba? Squat? Toilet cleaning? Mag-alis ng alikabok sa library? Detention? Tumayo sa labas ng room? Alin doon? 

Kinaladkad niya ako habang nakasunod naman ang mga estudyante sa likuran namin. 

"Stop dragging me, you, dipshit!" 

I badly want to pull that small silver piece of crap pierced on his lip and also those piercings on his ears. Akala niya cool siyang tingnan sa mga bagay na 'yan? 

Hanggang sa matanaw ko ang malawak na soccer field na kaharap lang ng Class Building, pero malayo. There are so many students behind us but I didn't expect more to see in the field. Nagsisigawan sila roon habang papalapit kami. 

Nang makarating kami, naghawian ang mga tao para magbigay ng daan. Doon ko pa lang nakita ang kotse sa gitna na pinalilibutan nilang lahat kanina. The three arrogant guys are there. Calter is leaning on the car wearing an empty expression while his friends are waiting for me to come nearer. 

Tinulak ako ng humahawak sa akin. Tumakip tuloy sa mukha ko ang buhok ko. 

"Where did you find her, Hex?" the blond-haired guy asked to the guy who's gripping me. 

"Stockroom, with her friend," he answered and pushed me closer to them. 

Parang pinapaubaya na niya ako sa mga kaibigan niya... na sila na ang bahala sa akin. 

Lumapit si Hex sa kanila. Masama ko silang tiningnan isa-isa. Aware ako kung gaano karami ang mga estudyanteng nandito, almost the whole population of the Herism Academy. Anong binabalak nilang gawin sa akin dito? 

"Do you have any idea what's happening here?" the blue-eyed guy asked. 

I chuckled as I roam my eyes around. "Is this a flag ceremony?" I sarcastically said. Parang sumapi bigla si Jinx sa katawan ko. 

Ngumiti pa ako para ipakitang hindi ako nasisindak sa kung anumang balak nilang gawin. Nakatanga lang sila sa akin habang ang mga nanonood sa paligid, nakuha pang mag-record ng video sa cell phone nila. Ito ba ang sinasabi nilang parusa? 

"Kyler," Hex called the blond-haired guy.

Lumakad ang lalaking tinawag niya papunta sa compartment ng sasakyan. Hindi kalaunan, kalansing ng mga bakal ang nagpatahimik sa mga nag-iingay. Inilabas niya ang kadena at lumakad papunta sa akin. I glued my eyes on the chain.  Nagre-reflect ang sinag ng araw sa makintab na mga bakal.

I gritted my teeth. Ganito pala ang gagawin nila. 

"The history will repeat itself," Kyler said when he came closer to me. 

He's smirking. Dahan-dahan siyang yumuko at inabot ang kanang paa ko. The cold metal touches my ankle and I shiver against it. Inikot niya ang mahabang kadena sa paa ko at nilagyan ng padlock. 

"We waited it for about 3 years and now that it will happen again, this will be an intense penalty for you." 

I chuckled without humor. Gusto kong iparating sa kaniya na nakakatawa siya. Alam ko kung anong gagawin nila sa akin. Hindi ako tanga para hindi malaman iyon.

Tumayo siya at lumakad sa kotse. Ikinabit niya ang kabilang dulo ng kadena sa pwetan ng Jaguar Serie na sinasandalan ni Calter. Sinalubong ko ang malamig na titig ng lalaking iyon. 

Ito ba ang sinasabi mo na dapat kong paghandaan? 

The crowd are yelling and cheering out of enthusiasm when that blond-haired guy, named Kyler, finished what he's doing. 

My fists slowly clench. I have never been bullied when I was in New York. Everyone was afraid of me there. Ni hindi nga sila makalapit sa akin tapos dito...

The car roared. Hindi ko napansin na pumasok na pala si Calter sa loob at ngayon ay binuksan na ang engine. Mas umingay pa ang paligid. Para silang nanonood ng basketball match at nakapuntos ang paborito nilang team. I was preoccupied by the crowd that I didn't get myself ready when the car ran. 

"Fuck!"

Nauntog pa ang ulo ko sa lupa nang bumagsak ako. Nakahiga ako habang kinakaladkad ng kotseng minamaneho ni Calter. I try to lift my head to avoid a scratch from the ground but it's too difficult because my neck aches. I reach my black skirt as it went up revealing my thin cycling shorts.

Uncle Greg is right. Cruelty runs in their blood. The Spencers killed my family back then and now their son is doing inhuman things to me. Tama lang na ubusin ko sila. They don't deserve the world!

Idadagdag ko ang pangyayaring 'to sa mga rason kung bakit kita papatayin, Calter. You're just deeply digging your own grave. 

Umikot ang sasakyan pabalik. Mukhang may lap pa silang binibilang.

Pakiramdam ko tumatagos ang init ng lupa sa likod ko. The clouds are there, but the sun didn't hide behind them. Hindi ko mamulat ng maayos ang mga mata dahil nasisilaw sa liwanag. This is why I prefer the night sky because darkness doesn't always mean to hurt you. 

Tumunghay ako nang huminto ang kotse, marumi at masakit ang katawan. Ipinikit ko ang mga mata at hinayaang humiga ang sarili sa lupa. I'm exhausted. Nahihilo rin. 

The crowds noise slowly fade out. What's the matter? Nadismaya kaya sila? Hindi ba nila nagustuhan dahil hindi ko sila nabigyan ng intense na palabas? Alam ko kung anong gusto nila. Magsisisigaw ako habang nagmamakaawang pakawalan. Pero hindi iyon ang gusto ko. Hindi ako ganoon. Di baleng masaktan basta mapanatili ang lebel ng pride. Why would I beg if I'm pretty sure they won't listen to me though? Begging is a sign of weakness and I don't see anyone as higher than me. 

I slowly open my eyes and see Kyler, blocking the sun just above my face. 

"Stand up," he commanded in a flat voice.

I sit up straight and he walks to the side of my right leg. He squats and remove the chain that was encircled on it. After removing, he stood up and walked away. 

People remain silent as I force myself to stand up. I shrugged off the dirt glued on my uniform. I am annoyed with their stares but I remain calm, contradicting what they wanted to see. 

I manage to smile and ask the four guys in front of me in a polite way. "You had fun?" 

I am sweetly smiling at them but they didn't react. Matamlay na hinagis ni Kyler ang kadena sa tabi ng gulong ng sasakyan at nagkayayaang umalis. Tumalikod ako sa kanila para tingnan ang mga tao sa paligid. Unti-unti na rin silang nagsisipag alisan. 

Huminga ako ng malalim at nanghihinang sumalampak paupo sa lupa. Nakakatawa silang lahat. They were happy before it started but now look at them, disappointment is all over their faces. 

They waited for about 3 years to make this happen and they thought this will be exciting to watch but because it's me, they are disappointed. Akala ba nila iiyak ako? Patayin man nila ako, hinding-hindi ko gagawin 'yon!

"You're brave."

Nabigla ako nang may magsalita sa likuran ko. Marahan akong lumingon at nakita ang isang kaibigan ni Calter na nakasandal sa kotse, crossed arms and seriously looking at me. 

Bakit nandiyan pa siya? 

"You're the first person who didn't show any violent reaction for what we have done to you," he added. 

Tumaas ang kilay ko. Dapat ba akong matuwa sa sinabi niya? Bakit pa ba niya ako kinakausap? Nag-alisan na ang mga kasama niya, ano pang ginagawa niya rito? 

He chuckle, "Can I hear you speak for reply?" he asked in a friendly manner. 

Kung makaasta siya parang ang bait-bait niya. Anong nangyari sa kaniya ngayon? 

Umirap ako at tinalikuran na siya. I'm tired and I don't want to lose the rest of my energy just for him.

"You're tough. You're different," he continue talking like crazy.

Do he think I will be happy because of those compliments? Umirap na lang ako sa kawalan. 

Nanatili akong tahimik at walang balak na pansinin siya pero hindi ko inaasahan ang susunod niyang sasabihin.

"I like you."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status