Share

Chapter 3

Hindi ko inalis ang tingin kay Calter. Kung siya nga talaga ang Spencer na nasa plano, magandang isipin na abot kamay ko na lang siya. Kahit anong oras, pwede ko siyang patayin. Pwede akong sumugod sa kaniya at paulanan siya ng mga suntok.

Is that what I really want?

No. Hindi ako papayag na sa simpleng pagpatay lang matatapos ang lahat ng ito. I want him including his family to beg for their death. Nakakainip lang maghintay kung kailan darating ang araw na mamamatay sila sa mga kamay ko. 

Napatayo siya ng tuwid nang mapansin niya ang paninitig ko. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo. Para bang pinag-aaralan niya ako sa simpleng pagtingin lang.

"What did you say?" 

Napabaling ako sa direksyon ni Jinx nang sinugod siya ng lalaking may piercing sa labi. Parang nasa bokabularyo nito na kung sinong maghamon, malilintikan. 

Humarang si Megan. "What's wrong? We both study and pay right amount of tuition fee here. We also have the rights to step in every corner of this school."

The guys chuckled except Calter, who's still busy staring at me. 

"The tuition fee y'all paying are not yet half of the amount we are paying," the blue-eyed guy retorted.

Kung hindi pala pantay ang binabayad ng bawat estudyante rito, I'm willing to pay excess amount as well. Doubled if the benefits will be the freedom to choose which part of here we would like to claim.

Umatras ang lalaking may piercings palayo kay Megan na nasa harapan niya. "We will forgive you for invading our territory because y'all are transferees. That means you still don't know the rules and regulations yet. If ever this happens again, I'm pretty sure you won't like the consequences." 

Tawa ni Jinx ang agad na bumalot sa katahimikan pagkatapos magsalita ng lalaki. Lahat ay napatingin kay Jinx na halos mawalan na ng hininga sa kakatawa. Iniipit pa nito ang tiyan na para bang kinakabag na. Hinintay namin kung kailan siya matatapos. Her laugh slowly fade out after a seconds. 

"You done?" the piercing guy asked, coated with sarcasm. 

Natatawa pa ring sumagot si Jinx, "Ah yeah. May joke ka pa ba?" 

Obviously, she's trying to piss them off. Fortunately, it works. 

Napansin ko ang pagpipigil ng tatlong lalaki habang si Calter naman ay kalmado lang na nanonood sa gilid. Hawak niya ang vape at hindi na hinihipak. Ang isang kamay, nakasuksok sa bulsa ng kaniyang slacks. 

"We aren't playing. Just leave," said by the blue-eyed guy. 

Kanina pa nag-time. Late na kami kung papasok pa sa klase. Pero anong masama? After all, hindi naman kami pumasok dito para makinig sa klase at mag-aral. We are here for a specific reason. Find the son of Robert Spencer to get an information about his family. We need to know their address and Mr. Robert's whereabouts. 

Tumawa ulit si Jinx. "Kahit anong sabihin nyo, 'di kami aalis-- Uy! Alora?"

Tuloy-tuloy ang lakad ko paalis. Tuwid ang tingin sa pinto kung saan nakatayo si Calter sa gilid. Para saan pa ang pagmamatigas? I have my pride but this situation is petty. Pwedeng masira ang plano kapag kinalaban namin sila. 

"Alora!" Alice called. 

I continue walking out. 

Bumaling ang tingin ko kay Calter. Pinapanood niya ako. Bawat titig niya, nag-uudyok sa'kin na patayin siya. Hindi ko pa napapatunayang isa nga siyang Spencer pero sobra na ang pagkamuhi ko. Naaamoy ko ang mabahong kaluluwa niya habang papalapit ako sa kaniya. 

"Alora." Hinawakan ni Alice ang braso ko. Hinabol pa talaga niya ako para lang pigilan. 

I pulled my arm off of her. Ilang hakbang lang ang ginawa ko, naabot ko na ang doorknob ng pinto. I paused, gritting my teeth. Nasa gilid ko lang si Calter. Sobrang lapit lang niya na kahit ang flavor ng vape niya, naaamoy ko. 

Lumingon ako sa kaniya. Hindi na siya nakatingin sa akin. Wala siyang pakialam sa anak ng pamilyang pinatay ng magulang niya 10 years ago na nandito lang sa kaniyang gilid. Humigpit ang hawak ko sa doorknob, sobrang higpit na nanginginig na ang kamay ko. Gusto ko siyang sunggaban. Ang sarap patuluin ng kaniyang dugo sa mga kamay ko. 

Suddenly, Alice held my shoulder and carelessly massaged it. "Control yourself," she whispered at the back of my ears. 

"Hindi dapat tayo umalis do'n! Now look what happened. They will think we're scared of them!" Megan ranted right after we got out from the Main Building. 

Naramdaman ko ang mabilis na pag-akyat ng dugo ko matapos siyang marinig. Ang lakas ng loob niyang magreklamo sa ginawa ko!

Hinarap ko siya. "Sino ka para magsalita nang ganyan? Are you dumb? If we fought back, we will only put the plan in stake. I am planning to get close to him yet do you think it would happen if there's a bad blood between us?" I ran my fingers through my hair. 

Baka nakakalimutan niya kung saan siya lulugar? 

Pumagitna si Alice sa amin. "Okay okay. Hayaan na natin. We are here to do the mission. We should stick to it." Inakbayan niya si Megan at iginaya para mauna sa paglalakad. 

I stare at Megan's back like I'm throwing daggers to her. Walang sinuman ang pwedeng magreklamo sa lahat ng gagawin ko. Kung hindi lang sila in-assign ni Uncle, hindi ako magtitiis na makasama silang tatlo. 

Wala kaming naabutang teacher nang pumasok kami sa classroom. Maaga yatang natapos ang klase dahil may mga sulat na ang whiteboard na binubura ng kaklase namin. Naghintay kami sa susunod na subject hanggang sa dumating na ang teacher at kaagad kaming tinawag. We were asked to introduce ourselves and so we did. He's our teacher in Introduction to Philosophy. 

"Today, we will be having a long test regarding our topic last week. Kindly keep your things on your table aside from your ballpens," Sir Suarez said. 

Sinabi niya pa sa amin na pwedeng hindi na kami kumuha ng test ngayon. Wala naman daw kasi kami noong di-ni-scuss niya ang lesson. 

Tumayo ako at kumuha ng test paper sa desk niya nang laktawan niya ako habang namimigay siya kanina. 

"I'll take the test," I said to him. 

Nagulat siya pero hindi na nagsalita. Kumuha rin sina Alice, Megan at Jinx. 

Bumalik na ako sa upuan at sinuyod ang mata sa test paper na hawak. Napangisi ako nang maging pamilyar sa mga tanong. Napag-aaralan na amin ito noong nasa New York ako. Mas advance pala roon ang lessons kaysa rito. 

Bumagsak ang pinto at pumasok ang grupo ni Calter sa klase. Nagulat ang lahat dahil doon. Like yesterday, they didn't approach the teacher in front and just passed by. Dumaan sila sa lamesa ni Sir at kumuha roon ng tig-iisang test paper bago dumiretso sa kanilang upuan. 

Laglag ang panga ko at natawa na lang. Nakakabilib din talaga ang tapang at kawalanghiya ng mga ito. Kahapon pa sila pabigla-bigla sa pagpasok. Ganoon ba talaga sila? Mukhang sanay na rin naman ang lahat sa asal nila. Nakakapagtaka lang dahil walang umaalma. What? Don't tell me they're afraid of those bastards? 

I shook my head and just focused on answering the test paper. Madali lang naman lahat. Wala pang half an hour nang matapos ko ang 50 items na test. Later on, natapos ding magsagot ang lahat maliban kay Calter. Hinihintay pa ni Sir na matapos siya bago mag-checking. Grabe.

"Ms. Steppingstone got a score of... 50 over 50?" hindi makapaniwalang pagbasa ni Sir sa result ko.

Agad niya akong hinahanap sa klase. Tinuro naman ako ni Jinx.

"How come you got a perfect score? Transferee ka, hindi ba?" tanong pa ni Sir. Then he sighed and nodded. "Ah. I heard you came from abroad. Napag-aralan na siguro ninyo ito. Keep it up, Ms. Steppingstone!" He smiled at me. 

I remain poker face as the other students still looking at me. Hindi ba sila makapaniwala?

Kinalabit ako ni Jinx. "Ang galing mo, Alora!" aniya saka pumalakpak. 

Umirap ako. 

Nagpatuloy si Sir sa pag-announce ng mga scores. "Mr. Calter Vin got a score of..." Sinuyod ni Sir ang tingin sa papel at mukhang d-in-ouble check pa. "7 over 50?" Laglag ang kaniyang panga. 

Napalingon ako sa grupo nila. Iyong lalaking blond ang buhok, nagpipigil sa pagtawa. Kagat niya ang pang-ibabang labi at namumula na ang tainga. 

Tumayo si Calter at walang pasabi na lumabas. Sumunod naman sa kaniya ang tatlong buntot niya.

"Akala ko matalino," natatawang kumento ni Megan. 

"Oh bakit? Ikaw ba matalino?" pambabasag ni Jinx. 

"At least I got a score of 25 out of 50."

I turn to their direction as they start arguing nonsensically

Jinx made face at her. "Nagyabang ka na porket 25 score mo. Nangalahati ka lang namang bobo ka!" There's bitterness in her voice. 

Natawa si Megan, wanting to stay cool even though Jinx is being irksome.

"There she goes, calling someone bobo when she only got 19 score," Megan murmured but intentionally wanted Jinx to hear it. 

Alice glare to the two. "Can you both stop?"

But Megan speaks again, "I think Jinx needs to see a tutor so she can raise her score next time, like from 19 to... 20," she kept teasing Jinx. 

I sat up straight as I heard what she just said. Tutor? Maybe it isn't that bad if I start being his tutor, right? In able to be with him and earn his trust, I need to be his tutor. We can be friends in that way. 

I waited for the teacher to end the class and when he finally said his farewell, I quickly stood up as he went out of the room. Nagtanong pa si Alice kung saan ako pupunta pero hindi ko na sinagot pa iyon. 

Hinabol ko si Sir Suarez na ngayon ay medyo malayo na sa room namin. Papunta na siya sa Main Building. Buti na lang, naabutan ko siya. 

Nag-usap kami na para bang hindi niya ako estudyante sa sobrang tuwa niya sa akin. He expressed his amazement to me for being a transferee who aced the test. Sinabi ko na gusto kong mag-apply bilang tutor ni Calter na ikinatuwa niya. 

"Calter Vin flunked my subject in first quarter and I am hoping that he'll get a tutor to guide him. Hindi ko alam kung gugustuhin niya ba ito pero ang principal na ang nagsabing humanap ako." He widen his smile. "I'm happy you volunteered, Ms. Steppingstone."

Lumapad din ang ngiti ko. Dahil hindi magandang pag-usapan namin ang tungkol dito sa corridor, inimbitahan ako ni Sir sa faculty room. 

He handed me a paper. "Fill out this application form as Calter Vin's tutor. The principal will evaluate you if you are eligible but I'm sure you are over qualified."

Dalawang kamay ang pinangtanggap ko sa papel at sinulatan na iyon. Pagkatapos, pinayagan na niya akong makaalis at sinabing maghintay na lang ako sa result ng evaluation. 

Mabagal akong naglakad pabalik sa Class Building. May susunod pa kaming klase pero wala na akong pakialam doon. Tiningnan ko ang paligid ng Main Building. Hindi na tanaw mula rito ang man-made river dahil puro kakahuyan na ang nandito. 

Sa pagmamasid ko, napansin ko na may daan pa papunta sa likuran ng building. Puro puno na ang nasa likuran pero hindi ako nagdalawang isip na puntahan iyon. I wonder how big this Herism was? Mukhang pati gubat sa likuran ay sakop ng mga Spencer.

Naglakad ako sa bukana ng kakahuyan. May vision can't reach the end of this woods. It's too dim because of the lush growth of the trees. Walang mga damo sa paligid. Tanging makakapal na tuyong dahon lang ang bumabalot sa kalupaan. Birds singing and cold air breeze, it gives me tranquility in mind. The ambiance felt so good. 

"Ah!" I shrieked when I felt a burn on the side of my neck. 

I turned my back but before I saw the person behind me, he quickly snaked his arm around my neck. Nagpumiglas ako pero tinulak niya ako at tumama sa katawan ng puno. Mabilis siyang sumugod para sakalin ako. He's gripping my neck like he's about to crush my bones. Naduduwal ako sa ginagawa niya. He's pinning me against the tree trunk. Hindi ako makahinga!

"Calter," I mouted. There's no voice came out.

Tiim-bagang niyang hinigpitan ang pagsakal sa akin at halos malukot na ang suot niya sa mga kapit ko. Madilim ang kaniyang mga mata na para bang desidido siyang patayin ako. 

Ilang segundo pa bago niya ako pakawalan. Napatukod ako sa tuhod at sunod-sunod na humingal. Wala na ang mga palad niya sa leeg ko pero ramdam ko pa iyon hanggang ngayon. I immediately moved away from him. Bumaba ang tingin ko sa sigarilyong nasa lupa hindi kalayuan sa kinatatayuan niya. Patay na iyon pero may konting usok pa.

Kinapa ko ang leeg gamit ang hintuturo. When I look at my index finger, I saw blood on it. At may konting upos pa ng sigarilyo!

Rage immediately filled me up as I clenched my fists.

"What the hell are you doing!" I yelled and pushed his chest. 

He remain silent while glaring at me. Bumaba ang tingin niya. Mula sa bulsa ng kaniyang black vest, hinugot niya ang panibagong sigarilyo. 

He's disgusting. 

"Pinaso mo 'ko ng sigarilyo! Are you out of your mind?" I yelled again. Tumingkayad pa ako para masigawan siya sa pagmumukha niya.

Sa inaasta niya ngayon, mas lalong nagugustuhan kong patuluin ang dugo niya sa mga kamay ko. Hindi ko matatanggap na basta na lang niya akong sinaktan. Nakakapanggigil ang presensya niya na parang ang pisi ng pasensya ko, malapit nang maputol. His presence is provoking me to kill him but I have to control myself not to do so. Makakasama ko na siya most of the time kapag naging tutor na niya ako. I should strengthen my self-control and longer my patience. 

He threw more dagger looks before he turned his back. I thought he's leaving straight but he stops and say his last words:

"Be ready."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status