Share

Chapter 2

"You already turned 18, Alora. You should pack you things now. You're going back to the Philippines by tomorrow," Uncle Greg said. 

I puffed when I heard him but still continue running while he's driving the car and I am following his speed. 

Tomorrow is the execution of what we have planned. Lahat ng hirap ko para sa paghahanda ay masusuklian na. Hindi ako makapaghintay na mahanap ang pamilyang Spencer na suspek sa pagkamatay ng pamilya ko. They will pay for what they have done to us!

"Run faster, Alora! You're getting behind!" Uncle shouted as he ran the car faster at the speed of almost 30 kph.

I ran faster as what he ordered me to do. I'm bathing with my own sweat right now. 

"Remember all the things I've taught you. Start with Robert Spencer! Next is his wife and last will be his son! Put that in mind, Alora! Don't disappoint me!" 

I gritted my teeth and forced myself to run faster. The road became blurry and later did I realize that I'm about to cry. 

Yes, Uncle. I'll keep that in mind. I won't disappoint you. 

"Alora!"

Napatalon ako sa kinauupuan nang tawagin ako ni Alice. Tinaasan ko siya ng kilay. 

"Are you listening?" kunot-noong tanong niya. 

Sumandal ako sa sofa bago tumango. Bakit kasi dumiretso pa sila dito sa pamamahay ko! 

"Kanina ka pa kasi tulala," pagsingit ni Jinx. 

I blinked trice and sighed. Nasa anong usapin na ba sila?

Umahon ako sa pagkakasandal at pinatong ang magkabilang siko sa hita. Tinignan ko sila. I'll pay attention to them now.

Alice slapped her own lap to break the silence. "Like what I said a while ago, we will be your companion most of the time. Especially when we are at school," she said. 

Kahapon ko lang sila nakilala. Sila ang ipinadala ni Uncle para may katuwang ako sa misyon.

"The Steppingstone organization that was built by your grandparents is the most powerful mafia family here in the country, and now has 3 mafia families in Northeastern part of USA. It started year 1945, dominating certain countries up till now," Alice informed. 

Naningkit ang mga mata ko. May tatlong crime families na kami sa abroad? Kaya ba ayaw pang umuwi ni Uncle dito dahil pinagkakaabalahan niya iyon?

"Your uncle became the boss after your parents died," Alice added. 

I nodded. "Uncle Greg said that he will step down once I finish the mission. He's willing to be an underboss to me."

Napabangon si Jinx mula sa pagkakahiga sa couch. "You mean, magiging mafia heiress ka?" Gulat na tanong niya. 

Umirap ako at muling tinutukan si Alice. "Kahit hindi ko magawa ang misyon, dapat ako pa rin ang susunod na boss, hindi ba?" seryosong tanong ko sa kaniya. 

Bakit may kondisyon pa si Uncle? Anong ibig sabihin no'n? Anak niya ang ipapalit niya sa posisyon kapag pumalpak ako?

Hindi pwede. 

"The Manzino wants a worthy leader to take the position. Hangga't wala kang napapatunayan, hindi ka makakatungtong sa posisyon na gusto mo," Megan seriously said. 

"At sinong Manzino naman 'yan?" Naiinis na tanong ko. 

Tumaas ang kilay niya habang sumisimsim sa lata ng root beer. Sumulyap siya sa akin pero binalik din kaagad ang tingin kay Jinx na busy sa pagre-retouch, kinakapalan pa lalo ang moroon lipstick niya sa labi. 

"Makikilala mo rin sila," nakangising sagot niya. 

Sinamaan ko siya ng tingin. Narinig ko naman ang pagtikhim ni Alice. 

"Yesterday, the mafias conducted a meeting about your arrival. Plans against the family Spencer was the only one topic." She lean more forward. "Aside from killing them, we need to get their possessions. Their company, properties and everything should be under the boss' name. Ang 85% na makukuha roon, paghahatian ng organisasyon. Ang matitira naman ay para sa pag-angkat ng armas at kontrabando," malinaw na sinabi niya. 

"Wala 'yan sa usapan namin ni Uncle," pagtutol ko. 

Wala kaming pinag-usapan na kukuhanin namin ang yaman ng Spencer. Basura na lang dapat iyon kapag patay na sila. Bakit kailangan pa naming pulutin ang iiwanan nila at pakinabangan? 

"They are keeping track of all of your actions. The pressure is all over your shoulders, Alora. Inaasahan nilang matatapos mo ito as soon as possible," dagdag pa ni Alice. 

Napasapo ako sa noo. Hinayaan kong bumagsak ang likod ko sa sandalan ng couch, parang napagod sa lahat ng narinig. 

"Don't worry, I have plans already."

Compliance is all over my voice. Assassin lang ang kalaban. Compare to us, we are more powerful. 

I kept my phone as the teacher came in. Kanina ko pa iniisip kung papasok ba 'yong apat na lalaki ngayong araw, lalo na si Spencer. The class was about to start yet they weren't here.

"Good morning, class! I'm Mr. Devera, your new Math teacher starting today," nakangiting pagpapakilala niya. 

Lumakas ang bulungan sa loob ng classroom. Everyone was confused on why we suddenly have a new Math teacher today. 

Mr. Devera noticed the confusion of the class. He mouthed the word 'oh' then chuckled to lessen the awkwardness. 

"Sir Tuazon resigned yesterday due to his personal reasons," he explained. Binuklat niya ang dala niyang libro. "Anyway, what lesson are you? We will continue it," dagdag pa niya. 

Hindi natapos ang bulungan. Halatang hindi nila gusto ang teacher na pumalit. Para sa akin, wala namang problema. Nakakapagtaka lang kung bakit biglaan yatang nag-resign si Sir Tuazon. 

"Resigned or fired?" 

Napalingon ako kay Alice na nasa kaliwang tabi ko. Walang ekspresyon niya akong tinignan at nagkibit-balikat na lang. 

Tahimik kaming nakaupo dito sa likuran. We aren't sitting on the four pompous guys' seats. Pinili naming maupo sa ibang upuan pero nasa last row pa rin naman. Iyong pwesto nila kasi ay nasa kanan nitong last row. Only the aisle separates us from them. 

Natapos na lang ang klase sa Math nang walang nagpapakitang Spencer. Bakit nga ba ako nag-expect? Iyong mga tarantadong 'yon may sariling schedule yata kung kailan papasok. 

Nang mag-breaktime, naisipan naming maglakad lakad para matingnan ang kabuohan ng Herism Academy. I realized that the man-made river at the entrance ends halfway to the another building. Kung saan huminto ang tubig, pumalit naman ang masukal na kakahuyan.

"Uy! Tignan niyo 'yon oh!" sigaw ni Jinx na nakaturo sa itaas na parte ng building. 

I didn't notice that we've gone too far away. Magta-time na pero hindi naman siguro masamang maglibot.

"Anong meron, Jinx?" tanong ni Megan. Pilit niyang tinatanaw ang tinuturo ni Jinx.

"May rooftop," nakangiting sagot niya. 

Nang tignan ko, meron nga. Habang papalapit kami sa building, napansin kong may nakasulat sa upper part ng entrance nito. 

"Main?" pagbasa ko sa nakasulat.

Tumukhim si Alice. "That's the Main Building. The first one in front of the soccer field is the Class Building. Basically, puro offices and faculties ang nandiyan sa Main habang puro classrooms naman ang nasa Class Building." 

Kung ganoon, masisita kami kung sakaling makita kami rito ng mga teachers. Magta-time na. 

"Ano? Aakyat pa ba tayo?" Pagmamadali ni Jinx. 

Hindi na ako nagsalita pa at lumakad na papasok sa Main Building. Sumunod naman sila. 

Open passage ang entrance ng building kaya walang kahirap-hirap kaming nakapasok. Hindi kalayuan sa bukana, makikita na ang hagdan. Mabilis naming inakyat 'yon. 

"Woo! Fresh air!" sigaw ni Jinx nang makarating na kami sa rooftop. 

Nakapikit siya habang nakataas ang mga kamay na para bang nilalasap ang pollution dito sa 4th floor. Fresh Air? Nasa city, fresh air?

The sun's heat directly goes through the concrete flooring. Mainit dito pero napapawi ng lakas ng hangin. Lumakad si Alice sa parteng may silong at doon umupo. Lumapit ako. 

"Dito, Megan! Tingnan mo 'yon!" 

Naririnig ko pa ang ingay nina Jinx at Megan sa malayo. They're enjoying.

"Para saan 'yan?" tanong ko nang makalapit ako. Naglabas kasi siya ng laptop. 

Kung dala niya 'yan kahapon, siguradong nasira na 'yan. 

"I'm gonna check something," she casually said but after a second, she paused. Tiningnan niya ako. "You came from New York, right? How come your fluent in Tagalog?" kunot-noong tanong niya. 

Nagtaas ako ng isang kilay. Maliit na bagay pinapansin pa niya. 

"Isinama ni Uncle si Yaya Tesing sa New York, that's why," I answered, a bit irritated.

Ayaw ko na sanang banggitin pa si Yaya. Naalala ko lang tuloy ang pagkamatay niya. The memories about her having a heart attack is still fresh. It just happened few months ago. 

Pinanood ko lang siya habang sini-search ang website ng Herism Academy. Mas lumapit ako sa kaniya. Nag-sign in siya roon gamit ang student number niya at pagkatapos ay puro scroll down lang ang kaniyang ginawa. Nagbabasa siya ng mga post doon. 

"Where is she now?" tanong pa niya habang busy sa laptop. 

I flinched my head backwards. Talagang aalamin pa niya 'yon?

"Patay na. Bakit ba?" naiinis na sagot ko. 

Umiling lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa. 

'4 transferees messed up with Calter today. :D'

Post iyon ng isang user 1 day ago. It's a type of interactive website that allows users to communicate and interact with each other. May react button at comment section. That post gain hundreds of reacts and comments. That was the most reacted post we have seen so far. 

Alice clicked the comments. Puro negative ang mga iyon. May nagsabi pa na papansin lang kami. Na sinadya naming maupo roon para mapansin.

Heck! If only I knew in the first place, I would rather sit beside the teacher's desk in front!

Rain Gutter: Y'all need to bow to them. They're acting superior. I mean, who the fuck would throw a thing to Calter's face?

I chuckled at that one comment. Tinuro ko iyon sa screen ni Alice. Agad naman niyang pinindot ang profile ng babae. 

From her red hair to her goddamn face, it was the same girl who murmured shits about us with a bitchy stares. Talagang matapang ang isang 'to. 

"I know her," I said. 

Uutusan ko pa sana siyang hanapin ang profile ni Calter nang inunahan na niya ako. I smirked. I'm starting to like her. She doesn't need to be ordered because she automatically do what she thinks she needs to. 

Inilapit ko pa ang mukha sa screen nang tumambad na ang profile ng gusto kong ipahanap. No other details. Only his name, Calter Vin, under his round photo. Naka-side view pa ang shot pero alam kong siya iyong naghagis ng upuan dahil natatandaan ko ang ayos ng kaniyang buhok. 

I pulled myself away from the screen. "We still aren't sure if he's a Spencer." 

"That's why we're here. We need to get a lead to where Robert Spencer is," she answered. 

Binaling ko na lang ang tingin sa dalawang nagkakatuwaan doon sa dulo. Nakaupo sina Jinx at Megan sa concrete baluster nang hindi man lang inaalala kung mahuhulog ba sila. 

I sighed. Ngayong nakapasok na kami dito sa Herism Academy na pagmamay-arji ng mga Spencer. Kailangan ko nang mag-isip ng susunod na hakbang. Kung talagang anak nga ni Robert Spencer ang Calter na iyon, I need to get close to him. In that way, I can get some information about their family. 

Napalingon ako kay Alice nang hawakan niya ang braso ko. 

"What's wrong?" I asked when she's still looking at her screen. 

"May babasahin ako. You need to listen because this is important," pagmamadali niya. "Herism Academy has a restricted area that was--"

Nagulat kami sa pagbagsak ng pinto. Sunod-sunod na nagsipagdatingan ang apat na lalaking nakaaway namin kahapon. Nagulat sila nang makita kami. 

"What the fuck are you all doing here?!" The guy with piercing shouted. 

Kunot ang noo at laglag ang panga na tinignan niya kami isa-isa. Marahan akong napatayo na sinundan naman ni Alice. I narrowed my eyes to the last guy who came last. Nakasandal siya sa pader katabi lang ng pinto. Ang isang paa niya, nakatukod pa sa dingding. May hawak siyang vape na inuunti-unti niya sa paghipak. 

"You're not allowed here!" singhal pa ng kaibigan niya. 

Pinapanood ko lang siya na para bang walang ibang tao sa paligid naming dalawa. Walang emosyon siyang nag-angat ng tingin. Sa akin dumiretso ang mga mata niya. Nang ibuga niya ang usok, kumuyom ang mga palad ko. Malamya ang mga titig niya. It's as if his gaze penetrates behind me. Masyadong malamig.

"Hindi niyo ba narinig? Umalis na sabi kayo!" singhal ng lalaking blond ang buhok. 

Jinx stepped down from the baluster and crossed her arms on her chest. "Pa'no kung ayaw namin?" Her brow went up, provoking them with a smug  in her face.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status