Share

Chapter 32

Daniel Lee

"Yeah, call me if you're on the way so I'll notify the front desk," he said to the interior designer he trusted. He ended the call and took a look at Cris who's busy watching korean drama... again.

Kanina pa sila sa sala at hindi pa niya nasasabi sa dalaga na ngayon ang punta ng mag-aayos ng kwarto nito. Sinabihan lang niya ito na may pupuntahan sila maya-maya.

Yakap nito ang unan na maliit at taklob ng kumot ang kalahati ng katawan. Kagat-kagat nito ang hinlalaki habang nanunuod.

"Hindi ka na magpapalit?" tanong niya. Sandaling tumingin ito sa kanya bago nanuod ulit. Umiling lang ito.

Napatango rin siya at nangiti. Simpleng pambahay lang ang suot nito pero bagay na bagay sa dalaga. Ang buhok ay naka-messy bun at ang pangsapin sa paa ay flat sandals lang na pwedeng panggala o pangloob ng bahay.

"Cris?" Hindi ito sumagot kaya tinawag niya ulit. "Cris?" may kalakasang tawag niya rito.

Nagulat siya nang lingunin

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status