CLAIRE JOYCE MAGHAPON kaming nasa labas. Naglalaro habang naliligo na parang mga bata. Nagtag of war sa gitna ng tubig. Nang hapon na naglaro ng volleyball ang mga lalaki. 3 Vs. 3. Si Kelvin, Kenji at Kyle habang sa kabila naman si Kenneth, Kennedy at Jake.First game panalo sila Kenneth kaya todo ng pang-aasar niya kay Kelvin na ikinapikon naman nito ng lalo. Second and third game panalo sila Kelvin pero patuloy pa rin sa pamimikon si Kenneth.Kasalukuyan kung pinapaypayan ang niluluto kung barbeque. Kasama ko si Carry at siya ang naglalagay ng barbeque sa ihawan.“LQ?”Napatingin ako kay Carry. Ngumuso siya sa gawi nila Kelvin na nakapalibot sa bun fire. Tahimik siyang naka-upo tapos ito namang si Stephanie daldal ng daldal sa kaniya. Minsan ngumiti siya dito at tumatango.“Paano mo na sabi?” I asked her back.Ayos na naman na kami kanina pero mukhang bad trip siya dahil sa akin. Bakit kaya?Kanina niya pa hindi kinikibo. Kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin, iirapan niya ak
CLAIRE JOYCE UMAGANG-UMAGA ay sa dagat agad ang event namin. Sumakay kami ng banana boat at naglibot-libot habang nakasakay sa motor na pandagat. “Isang round pa!” Sigaw ko habang nakataas ang kamay ko. Nakaangkas ako sa likod ni Carry at pareho kaming nakasuot ng two pieces. “Wooohh! Gusto ko ‘to!”Sumigzag kami ni Carry dahilan para tumama ang tubig sa nilampasan naming si Kelvin at Stephanie dahilan para sumigaw ito sa inis. Ganu'n at ganu'n palagi ang ginagawa niya sa tuwing lalampasan namin ang in maging si Kyle at Thea kaya panay ang sigaw. Halos basang-basa sila dahil sa amin pero hindi namin pinagtutuonan ng pansin ang mga tingin nila, we're enjoying and having fun!Buong oras na kami ang tandem. Hindi kami naghiwalay kahit maliit na distansiya hindi namin ginagawa iyon bang takot na takot kaming bitawan ang isa’t-isa.“Ikaw naman!” Agad naman kaming nagpalit ng pwesto ni Carry ng mapunta kami sa kabilang side. Ako naman ang nagmaneho siya naman ang angkas ko. We are enjoy
CLAIRE JOYCEMEMORABLE ang bakasyon na iyon para sa akin. Lahat kami ay nag-enjoy pero feeling ko ako lang naman ang nag-enjoy na matulog sa tent. Lahat ba naman sila puyat at pare-pareho lang ang reklamo na kaliwa’t kanan daw iyong asong ulol ng gabing iyon kaya hindi daw sila makatulog baka masakmal din daw sila.Ang lalaki ng eye bags nila pwera sa amin ni Carry na fresh, blooming at happy na gumising. Ewan ko lang talaga sa kanila kung bakit ang lalaki ng eye bags. Matatakutin pala sila hihi! Buwan na ang nakalipas mula ng bakasyon na iyon at lahat sila ayaw ng maulit maliban kay Carry na nagyaya ulit na mag beach pero agad na tumanggi ang marami.“Claire, kumain ka na!” Agad na nag-init ang ulo ko ng marinig ko ang boses ni Kelvin.Naipikit ko ang mata ko at mariin kong na ikuyom ang kamao ko. Tinungo ko ang pintuan at marahas na binuksan ang pinto—“Aray!”Buwisit na pinto ito at inuntugan ang ulo ko! Mas lalong kumulo ang dugo ko kay Kelvin ng marinig ko ang mahina niyang pag
CLAIRE JOYCEAKALA ko ng araw na iyon bumaba siya para sigawan ako dahil na gasgasan ko ang bagong bili niyang sasakyan kaya laking gulat ko na lang na sigawan niya ako dahil sa inakala niyang ginawa ko iyon para matagtag si Stephanie.“Kumapit ka lang baby...”Umiiyak na hinaplos ko ang medyo umbok kung tiyan. Nang bumalik kasi ako sa OB ko nitong nakaraan ang sabi niya ay mahina ang kapit ng baby ko kaya iwasan ko ang magpuyat, stress at maging ang paglalakad sa hagdanan ay dapat mag-iingat ako dahil kunting tagtag lang ay maari akong duguin at makunan.Binigyan ako ng OB ko ng madaming gamot good for my baby. Vitamins at pampalakas ng kapit. Sinusunod ko lahat ng ibinilin nito dahil ayaw kong mawala ang baby ko! Ayaw kong mamatayan ng anak!“Aalagaan ka ni Mommy at pakamamahalin kita baby, wag mo lang akong iiwan...”“Hindi ka iiwan ni Kaye, sabihin na nating daddy's girl siya pero hindi ko siya magagawang ilayo sa iyo. You're still the mother of my kids... My wife.”Mabilis kung t
KELVIN CLYDE“SIR, it's already 2 PM.” My secretary remind me.Mabilis kong isinara ang laptop na nasa harapan ko maging ang documents na nasa isang folder. “Okay. Did you get what I’ve asked?” “Yes, Sir! Katunayan ay nasa sasakyan mo na at hinihintay ka na ni Mr. Raul.” Tumango ako. “Good. Thank you, Sari.” Lumabas na ako ng opisina ko at sumakay ng elevator. Mabilis kung narating ang parking lot at natagpuan ko nga doon si Raul.“Boss!” Inabot nito sa akin ang susi ng sasakyan ko. Tumango ako sa kaniya bago sumakay ng driver seat, kunaway siya sa akin ng bumusena ako senyas na mauuna na ako.Habang nasa byahe iniisip ko kung ano ang magiging reaction sa akin ng anak ko. Alam kung mali ang ginawa niya kay Steph pero alam kong mali rin ang ginawa ko sa kaniya.Sa ginawa kong iyon mas lalo kung nilalayo ang loob ni Claire sa akin pati ang loob ng anak namin. Umalis ako kagabi dahil hindi ako makatulog sa kakaisip sa ginawa ko.Pumunta ako sa opisina at magdamag na inasikaso ang mga
KELVIN CLYDE“ANG hirap-hirap pala ng ganitong pakiramdam! Kasama ko nga ang mag-ina pakiramdam ko milya-milya ang layo namin sa isa't-isa!”Mas lalong naging mailap sa akin si Claire. Kahit sabihin na namin na naglalambing kami ni Kaye pero sa kwarto lang iyon dahil kapag nasa labas siya ng kwarto niya hindi niya ako pinansin. Madalas ko siyang madatnan sa sala pero kapag nakikita niya na ako tumatakbo siya papalapit sa mommy niya.Kapag pinupuntahan ko naman sila sa kwarto niya okay siya. Okay kami, todo lambing siya sa akin to the point na ayaw niya akong palabasin ng kwarto dahil madalas akong pagtulakan ni Claire.“Akala ko okay na kami, hindi pa pala...” Mapakla akong ngumiti at umiling bago uminom ng alak na nasa old passion glass na hawak ko.“Okay agad ng ganu'n kadali? Naku naman Kelvin! Parang ang gaan lang ng kasalanan mo, ah! Wala ka pa ngang ginagawa sa asawa mo nag-e-expect ka na agad na okay na kayo! Hoy, gago! Isa sa pinakamalaking kasalanan sa asawa ang magkaroon ng
CLAIRE JOYCE“DOC, kamusta po ang baby ko? Ayos lang po ba siya?”Takot na takot akong marinig ang sasabihin ng doctor sa dami ng dugo na nawala sa akin impossible pero umaasa ako! Umaasa ako na ligtas ang anak ko!“You’re safe now, Missis and... The baby is fine.” Nakangiting sambit ng doctor.Nakahinga ako ng maluwang. Tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Thank god! Ligtas ang baby ko!“Mabuti na lang at malakas ang kapit ng bata kaya kahit madaming dugo ang na wala sa iyo hindi ka pa rin nakunan. Sa ngayon ay mahina siya pero lumalaban, kailangan mo ng doubleng pag-iingat dahil kapag na ulit ang ganitong pangyayari, I'm sorry but you’ll lost the baby.”Binigyan ako ng mga gamot na dapat kung inumin para sa baby ko. May mga ibinilin rin siya na dapat kung gawin para makapagpag-ingat. Lumabas na rin siya ng silid ko pagkatapos kung makapagpasalamat sa kaniya.Nakangiti ngunit may luhang naglalandas sa pisngi ko habang hinahaplos ko ang medyo may kalakihan kung tiyan. Halat
CLAIRE JOYCE“CLAI, pinagbalat kita ng mangga.”Pumalakpak sa tuwa ang tenga ko ng marinig ang salitang mangga pero mabilis namang namuo ang galit sa dibdib ko mula kasi sa boses ng kinaiinisan ko.“Ayaw ko niyan!”Natigilan siya. Nagugulohang tumingin sa akin at sa bowl na hawak niya na may lamang mangga na hiniwa na.“Pero sabi ni manang humihingi ka ng mangga! Ako na gumawa dahil abala siya sa kusina.” Bakit parang kasalanan ko pa?“Ayaw ko sabi.” Mahinang sabi ko na ikinalaglag balikat niya.Tinalikuran niya na ako dala ang mangga na hawak niya bumaba na siya. Ano ba ‘yan! Bakit kasi papansin siya ng papansin?Siya na kasi palagi ang nagtitimpla ng gatas ko sa gabi at nagpapainom ng bitamina! Madalas niya rin akong dalhan ng prutas sa kwarto pero hindi ko pinapansin. Napipikon na ako sa kaniya dahil lahat na lang ng dapat na ginagawa ni Manang siya na ang umaako kaya tuloy madalas hindi ko pinapansin o pagka-abalahang kainin na alam kong siya ang may gawa!Sa tuwing itinitimpla n