Share

CHAPTER 2: YVONNE

GAYA nang nais ni Alpha Trevor noong nakaraan ay isinama niya si Yvonne sa pagtitipong pupuntahan nila. Kasama ang kaniyang Beta, Delta at mga Omega.

Nakasuot ng maliit na asul na bistida si Yvonne na pumares sa kaniyang mata. Iniipit din sa kaniyang manipis na buhok ang berde na ribbon na regalo sa kaniya ng Beta.

Kasama ang ibang Delta at Omega ay nagtungo sila sa palasyo ng hari ng mga lobo. Sinalubong sila ng mga mangagawa sa harap ng palasyo. Binigyan sila ng isang pirasong pulang rosas bilang pagtanggap sa kanila.

"Maligayang pagdating, Alpha Trevor Grande." Iniabot sa kaniyang ng babaeng lobo ang isang rosas at saka dumako ang paningin ng babae kay Yvonne. Napangiti ito ng matamis at kumuha ng maliit na piraso ng rosas at inilagay sa tainga ni Yvonne. "Maligayang pagdating, Binibini."

Yvonne just look at her sweetly and cling into Trevor again. The lady bowed to them as they enter the palace. Baby Yvonne look stunned at the glorious ceiling of the palace. Her mouth is open and her eyes are twinkling. "Majestic, my Yvonne, isn't it? You want something like that, my sweet Yvonne? Alpha Trevor will give you majestic ceiling on your palace too. Anything that my sweet Yvonne wants."

"Appa?" Alpha.

"Yes, Alpha."

"Trevor!" Untag ng Alpha ng Crescent.

"Kyan." Kyan tap his shoulder.

"Look who's here. Yvonne, did you miss Uncle Kyan?" Binuhat ni Kyan ang bata. "Kahit ganito lang ka-cute ang bunga namin ni Luna Claire ay higit na sa sapat."

"To bad, My Yvonne's only one in this world."

"Tsk. Trevor, kapag lumaki ang batang ito, paniguradong pagseselosan siya ng magiging mate mo."

Napatiim ng kaniyang bagang si Trevor. He look at Yvonne who's touching Kyan's lips and Kyan is playfully biting Yvonne's finger making her giggle. Inagaw na niya si Yvonne kay Kyan.

"Tsk. I want to play with her a little bit more. Come on, Trevor."

"Gumawa na kasi kayo ng bata, Kyan. Huwag mong pagtripan ni Yvonne."

"Paano naman? Nagpapakipot pa si Misis."

"Tsk. Weak." Natatawang tinalikuran ni Trevor si Kyan.

Nang magsimula na ang selebrasyon ay namatay ang lahat ng ilaw maliban sa spot light na direktang nakatutok sa anak ng Hari. Chloe in her cream gown walked down the stairs with confidence. She really is a beautiful lady but with respect hindi kagaya ng prinsesa ang mga tipo ni Trevor.

Ang kaniyang engrande pagbaba ng prinsesa ay sinubaybayan ng lahat maging ni Yvonne ngunit hindi na kasing saya ng kung paano kasayang tignan ni Yvonne ang ceilling ng palasyo. Trevor sighed and smiled afterward.

"What's with your reaction, My Yvonne?"

TREVOR give Yvonne a milk to drink. Trevor with his Beta Xndrix is in one round table.

"Alpha Trevor, Beta Xndrix."

Both of them give their respect to King Azrael and Queen Shaina.

"Our deepest respect, Your Highness."

"I am glad that you manage to come." Queen Shaina said. Nagpaalam naman ang hari at sinabing pupunta sa ibang mesa.

"I had no reason not to come, My Queen."

"Oh, rumors said that you adopted a little creature," Aniya at saka tumatawang tumingin kay Yvonne na umiinom ng gatas. Trevor just smiled. "Anyway, I hope you and Princess Chloe is in good condition."

"Mom, we are." Chloe popped up from nowhere. Lalong nagtiim ang bagang si Trevor. Sinenyasan naman ni Trevor si Xndrix na umalis kasama si Yvonne. Princess Chloe smiled to him.

"See, since wala ka namang mate, Alpha Trevor, bakit hindi nalang ang hija ko? She's beautiful and strong. She'll inherit the throne and she'll be a good Luna too you." Nahihiyang nagpaalam si Chloe sa Alpha at Reyna para sundan ang Ama.

"With all due respect, my Queen. Mula na rin sa iyo na ang anak niyo ay maganda at magaling. Bakit hindi kayo humanap ng iba, at bakit ako pa. Kung offer iyang sinasabi mo sa akin ay maayos ko itong tatanggihan. Kung mate ang pag-uusapan, sa Diyosa Aaliah ko na lang ito iaasa. Kung hindi man niya ako bibigyan ng kabiyak, I already have Yvonne and she's already more than enough. If my mate will come, the I'll be more contented and grateful."

"ALPHA," Mahinang bulong nga bata sa tainga ng Alpha na buhat niya sa kaniyang likod.

"Hmm?"

"Alpha." Muling bulong ni Yvonne saka siya humagikgik. Her cute little laughter makes the Alpha laugh too.

"Marunong ka na."

"Alpha. Pa. Pa. Pa!" Itinaas ni Yvonne ang kaniyang maiksing kamay.

"I am proud of you, Yvonne." The Alpha take her to the falls. Hinayaan niyang bumulong ng bumulong si Yvonne sa kaniyang tainga hanggang sa makarating sila sa talon. Mula sa bungad ng mala-gubat na daan papasok sa talon ay naririnig na ang lagaslas ng tubig na galing sa talon.

"Alpha! Alpha!" Masayang ani Yvonne sa kaniya.

"Narito na tayo." Nang ibaba ng Alpha si Yvonne sa gilid ng talon ay masaya niya pinaghahampas-hampas ang tubig. Sa gilid lang inilagay ni Trevor ang bata. While looking at her gives him so much happiness. Nang matauhan ay diretso palang nakatingin sa kaniya ang bata.

"What do you want?" And Yvonne just stare at him and to a tiny butterfly. "Okay, I'll give you that."

Anything for his sweet Yvonne she'll give whatever she want, whatever it may be.

"Alpha."

Isang babaeng lobo ng lumapit kay Trevor kaya napatigil siya sa paghuli ng paru- paro. Kaya ng lingunin muli niya ang paru-paro ay wala na ito sa bulaklak na kinalalagyan. Napabuntong hininga si Trevor at nilingon si Yvonne na walang emosyon ang mukha at deretsong nakatingin sa kaniya. Ngumiti siya kay Yvonne kaya sinuklihan siya ng maliit ngunit matamis na ngiti ni Yvonne.

"Ano iyon?" Kapwa magkahawak ang kamay ng babae.

"Paumanhin sa paggambala gayong ibinilin mong huwag kang gambalain ngunit ang Reyna Shaina at Prinsesa Chloe ay hinihintay ka sa hardin sa parte ng mga dilaw na rosas."

Masama ang kutob ni Trevor sa pagpunta ng mag-ina lalo na ang iniisip niyang pakay ng Reyna. Hindi niya alam kung bakit niya ipinagpipilitang ang Prinsesa na lang ang piliin niyang maging Luna. Walang nakasaad sa kaniyang kapalarang hindi darating ang itinakdang babae o ang kaniyang magiging Luna.

"Sabihin mong hintayin ako."

Muling yumuko ang tagapagsilbi at sa tinalikuran ang Alpha. Iniahon na ni Trevor si Yvonne at saka dinala sa kaniyang bahay. Ibinigay niya kay Nanay Solome si Yvonne upang bihisan.

"Magbabalik ang Alpha, hintayin mo ako." Aniya at hinalikan ang noo ni Yvonne.

"Al-pha. Ap-pa. Appa!" Natutuwang tinatanaw ni Nanay Solome at Yvonne si Trevor palabas ng mansiyon.

"Anong mayroon sa iyong bata ka at kung mahalin ka ng Alpha ay para bang kadugo at anak ka niya." Nanay Solome playfully bit Yvonne's cheek and Yvone giggled.

"ANONG maipaglilingkod ko sa inyo, mahal na Reyna Shaina, Prinsesa Chloe."

"No need to be formal, Trevor. You can call me Mom, though." Mahinang tumawa ang reyna at nahihiyang sinuway ni Chloe ang ina. He knew it.

"Paumanhin?"

"Uhm, by the way, narito ako gaya ng dati, Alpha Trevor. Chloe, why not pick white roses for me. Alpha won't mind, though."

Chloe nodded and a lady accompanied her to the part of the garden where they grew white roses. Nang makaalis na ang prinsesa ay saka siya nilingon ng Reyna.

"Why so stubborn, Alpha Trevor. Why can't you accept my proposal? You are both single and the both ofyour mate has'nt appeared yet. I can't understand why?"

"Me too, I can't understand why."

Nanlaki ang mga mata ng Reyna. "You do?"

Trevor nodded. Ipinasok niya ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ipinagpipilitan mo sa akin ang anak mo, Mahal na Reyna. Gaya nga ng sinabi ko sa iyo noong nakaraang linggo. Maganda at matalino ang anak niyo, she may be the ideal type of everyone but not me. Aaminin kong maganda at may magandang ugali ang anak niyo, mahal na reyna. Halatang hindi rin katulad ko ang tipo niya."

"No! I don't want anyone else for my daughter but you!"

Naaawang nakatingin si Trevor sa reyna. Nang makabalik si Chloe ay puno na ng puting rosas ang kaniyng basket. Ngumiti ang Prinsesa kay Trevor at sinuklian lang din naman niya ang prinsesa ngiti.

"Magbabalik kaming muli sa susunod na linggo upang kumuha ng mga bagong rosas, Alpha Trevor. Napakaganda ng mga rosas sa iyong hardin."

"Ikinagagalak kong laging mong nagugustuhan ang mga rosas, mahal na Prinsesa."

Pinauna ng pinapunta ng Reyna ang kaniyang anak sa kanilang sasakyan pauwi sa palasyo.

"Think about my proposal again, Alpha Trevor or every treasure will vanish or worse will turn into ashes."

"You, as a Queen of the Wolves, I deeply respect you. I know that the King will against every words and proposal you're giving to me. Let's not end up in a scene where in front of the Wolve's, we are arguing about your proposal."

The Queen smirk at him.

"I am a Queen, I don't accept failure but I fight to win. I am a Queen and you can't trigger me. I'll make sure, one day, you'll he one who'll be begging me to accept you, mark my words."

Nagpipigil ang lobong nasa loob ni Trevor na sugurin ng Reyna. Kahit pa ganoong ang reyna sa kaniya ay mayroon siyang mahabang pasensiya at pagtitimpi. Tiim ang bagang ni Trevor na sinundan ng tingin ang reynang naglalakad palabas ng kaniyang hardin at nang mawala ito sa kaniyang paningin ng Alpha ay saka siya bumalik sa mansiyon.

Aligaga ang mga mangagawa at tila ba kinakabahan ang bawat isa. Nagsialisan ang mga babaeng mangagawa sa sala nang mapansin nila ang Alpha sa bungad ng Mansiyon. Sinalubong naman agad ni Nanay Solome si Trevor.

"Alpha, ano mang parusa ay tatanggapin ko. Humihingi ako ng tawad sa kasalanan ko. Alpha, n-nawawala si Y-Yvonne."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status