Share

CHAPTER 20: FROM BLISS TO GRIEF

TILA naging maling desisyon ang pagsundo ni Trevor sa pinsan niyang si Lorraine. Balak kasi niyang kahit saglit sa tulong ng paboritong Auntie ni Yvonne at paborito nitong laro ay gumaan man lang kahit kaunti ang pakiramdam niya.

Ngunit simula nang sila ay dunating ay hindi na bumaling pa ang paningin ni Yvonne sa kaniya at hindi na siya mawalay pa sa Aunt Lorraine niya. Kaya nang matapos magkwentuhan ang dalawa at magpaalam si Yvonne upang magpalit ng damit para laro nila sa pamamana, ay nilapitan naman ni Lorraine ang nakasimangot niyang pinsan.

"Nakakasira ng araw iyang itsura mo," aniya na hindi naman pinansin ni Trevor. "Anong problema mo?"

Doon na siya bumaling kay Lorraine at sinamaan niya ito ng tingin.

"Nagsisisi na akong dinala kita rito," aniya na ikinatawa ng pinsan niya.

"Bakit naman?"

"Hindi na mawalay-walay si Yvonne sa 'yo. Ni hindi man lang niya ako tapunan ng tingin."

Humalagpak ng tawa ang pinsan niya na lalo niyabg ikinainis dahil para ba nitong inaasar si Trevor.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status