Share

Kabanata 19

Taranta akong bumangon nang marinig ang malakas na katok. “Ano ba naman—” Paulit-ulit kong nakusot ang mga mata ko.

Lalo akong nadismaya nang makita ang oras. Ala-sais pa lang ng umaga. Antok na antok pa ako.

“Myra naman eh!” Papadyak akong lumabas ng kwarto. Alam naman niyang kailangan kong bumawi ng lakas, ang aga pa rin kung mangbulahaw.

“Ano ba, Myra—” Naputol ang pagsasalita ko at nanlaki ang mga mata. Nawala rin bigla ang antok nang makita ang pagmumukha ng lalaki na nasa harapan ko—si Justin.

Halos lumawa rin ang mata niya at umawang pa ang bibig. Maya maya ay lumunok siya at ngumisi, sabay sabing, “hindi ka pa handa?”

Kumunot ang noo ko at umawang pa ang bibig. Para lang naman akong na bobo. Hirap ako na e-proseso ang nangyayari ngayon at nakikita ko.

“Huh?” nalilito ko namang tanong. Nakusot ko uli ang mga mata ko. Sinisiguro kung gising na nga ba ako o binabangungot lang.

“Ano ba, Erica? Hindi mo ba nabasa ang message ko? Maghanda ka na at aalis na tayo?” sikmat niya. Bah
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Talagang sinadya ni Justine na mapalapit ni Erica ,dahil may iba siyang naramdaman Kay Erica.Hahaha nakakatuwa at nakakaaliw Naman Sila
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status