Share

Kabanata 30

“Ngayon mo sabihin na wala kang tinatagong lalaki sa kwarto mo.”

Awtomatikong umangat ang ulo ko nang marinig ang nakakagulat na tanong na ‘yon. Umawang pa ang labi ko, sabay ang paulit-ulit na paglunok. Seryoso at puno kasi ng pagdududa ang mga mata ni Myra.

Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko na kasi matagalan ang mapaghinalang tingin niya. “Ano na naman ba ‘yang pinagsasabi mo, Myra? Marinig ka ng ibang tao, lalo lang akong mabubully," sita ko, at syempre. Maaang-maangan din ako, para tigilan na niya ako sa pangungulit.

"Hoy, Erica! Malinaw ang pandinig ko. At saka, kung wala kang kasama sa kwarto mo, bakit ang lakas ng loob mo na itaboy kami?"

"Tumahimik ka nga sabi! Ang kulit mo!" irita kong sabi at iniwan na siya.

Kaagad naman niya akong sinundan at sumabay sa mabagal kong paglalakad. “Huling-huli ka na nga, deny ka pa rin ng deny! May kasama ka sa apartment mo,” giit niya. Inilapit niya ang labi sa tainga ko.

Hindi na ako sumagot o mag-react man lang ng konti sa sinabi niya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Mukhang totoong- totoo na Ang nararamdaman ni Justine Kay Erica kinarma Kasi .Kaya Ang kasabinan na wag Kang magsalita Ng tapos dahil Ikaw din Ang matamaan .Hehehe....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status