Share

Kabanata 36

“Myra, dito ka nga lang,” pigil ko sa kaibigan ko nang akmang susundan ang lalaki na sumaway kay Shaira. "Tara na, umalis na tayo,” sabi ko at hinila na siya.

"Erica! Ano ba? Teka nga lang—” Nagmatigas pa siya, pero buong lakas ko siyang hinila, agad lang kaming makalayo sa grupo ni Shaira at sa lalaki na sumita sa kanila.

"Erica, bakit ba? Bakit ba tayo umalis do’n? Ayaw mo bang makita na mabigyan ng lesson ang bullies na ‘yon?” sunod-sunod niyang tanong kasabay ang paulit-ulit na pag-iling. “Atat kang umiwas, maski ang magsabi ng thank you sa lalaki ay hindi natin nagawa,” talak ni Myra na hanggang ngayon ay lumilingon pa rin.

Gusto niya nga yatang bumalik do’n at makipagbangayan pa kay Shaira.

"Ayaw ko lang lumaki ang issue, Myra. Ayaw ko ng eskandalo—paano kung tatawag talaga ng pulis ang lalaking ‘yon? Gusto mong ma-question? Ako hindi, ayokong umabot tayo sa presento, at saka, alam mo naman na ayaw ko ng gulo, hindi ba?” paliwanag at depensa ko sa sarili na nagpaismid lalo kay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
LILEBETH LACERNA
morning update n madam
goodnovel comment avatar
Valentina Gonzales
thanks author next update po..
goodnovel comment avatar
Nan
Sapalagay ko Kapatid na ni Erica Ang tumulong sa kanya. Or may lalaki na nakamasid lang sa kanya na kaibigan.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status