“Did you not hear me?" tanong ulit ng CEO na ngayon ay may kakaiba ng tingin at ngiti. “I said, sit!" dagdag utos pa nito sa tonong asar na. Biglang uminit naman ang ulo ko sa klase ng pananalita nito. Idagdag pa ang klase ng tingin niya na para bang may malaki akong kasalanan sa kanya. Pero dahil nandito ako sa office at applicant ako sa company niya, kahit asar na rin ako, at gusto na ring gantihan siya, naging magalang pa rin ako. Titiisin ko ang magaspang niyang ugali. “I’m sorry, Mr. Justin Punzalan," sabi ko kasabay ang pag-upo, ngunit wala ang tingin ko sa mukha niya, nasa pangalan niya na nakaukit sa name plate plaque na parang binabasa ko ang bawat letra niyon saka ko naman sinalubong ang matalim nitong tingin. Umangat ang gilid ng labi niya. Sa nakikita ko ngayon sa hitsura niya, parang nagbalik-loob na siya sa pagiging isang demonyo. At tingin ko, magiging isa na naman siyang demonyo na sisira ng buhay ko. “Kilala mo pa pala ako,” ngumisi siya ng kakaiba matapos sabihin
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, o kung ano ang dapat kong maramdaman habang nilalasap ni Justin ang labi ko. Ang tagal kong hinintay na muling mangyari ang ganito. Ang tagal kong hinintay na muli kong maramdaman ang pagmamahal niya, pero kasi… hindi iyon ang nararamdaman ko ngayon. Ayoko ng klase ng halik niya—halik na parang binabastos ako. Pumatak na lang ang mga luha ko. Gusto ko siyang itulak. Gusto kong patigilin siya sa ginagawa niya, pero hindi ako makagalaw. At siya, hindi niya nararamdaman na nasasaktan ako dahil sa ginagawa niya. Hawak niya pa batok ko habang dinidiin ako sa pinto at marahas pa ring hinahalikan. “Ano ba, Justin!" Sa wakas nagawa ko ring magsalita sabay ang pagkagat ko sa labi niya na dahilan ng pagtigil nito sa ginagawa niya. “Hindi ka na nagbago. Abusado ka pa rin. Bastos!" marahas kong pinahid ang mga luha ko, pati labi ko, paulit-ulit kong pinahid. Para naman siyang nahimasmasan nang makitang umiiyak ako. Nanlaki pa ang mga mata niya na para bang
Para akong lutang habang palabas ng opisina ni Justin. Ang bait talaga ni God, trabaho ang ipinunta ko rito, pero ang mahal ko ang nakita ko, at ngayon ay boyfriend ko na. Ang saya-saya ko; ang gaan ng pakiramdam ko na para bang lumulutang ako sa ere. Hindi ko pa nga mapigil ang mapangiti habang naglalakad papunta sa lounge area, kung saan naghihintay sa akin si Myra. “Hoy, Erica!” untag ni Myra sa akin. Nawala tuloy ang floating hearts na nakikita ko kanina. “Bakit ang tagal mo? At saka, balita ko, pinatawag ka raw sa office ng CEO? Bakit?" seryosong tanong ni Myra na medyo ikinataranta ko pa. Bigla ba naman siyang sumulpot sa harap ko na parang ilang araw akong hindi na kita. At saka, hindi ko pa naihanda ang kasinungalingan na gagawin ko. Ngumiti ako, sabay ang pag-upo. "Oo, pinatawag ako, for orientation. Tanggap na kasi agad ako,” nakangiti kong sabi, pero hindi ako masyadong nagpahalata na nag-uumapaw ang saya ko. Secret nga kasi muna ang relasyon namin ni Justin, lalo’t bawa
“Anong klaseng tanong naman ‘yan, Myra,” sagot ko na parang naiirita. Syempre, ipagtatanggol ko ang kuya ko laban sa kaibigan kong bitter. Paano naman kasi itong kuya ko, parang na kagat niya lang naman ang dila niya; hindi na masagot-sagot ang simpleng tanong ni Myra, lalo na ngayong nasa malapit na ito sa amin. "Hayop nga may puso, Myra. Ito pa kayang kuya ko na asal hayop lang?” sabi ko na may kasamang nakakalokang ngiti. “Bunso!” sikmat ni kuya. Agad naman akong nagtago sa likod ni Myra. Para kasing gusto akong tirisin. Tawang-tawa din kasi ito si Myra. Pero napatawa ko naman siya sa harap ni kuya. Minsan nga lang kaya tumatawa itong si Myra kapag kaharap si kuya, aba ay laging tirik ang mata nito, lalo na kapag nagsusungit na itong kuya ko.“Joke lang po ‘yon, Kuya Eman," sabi ko naman kalaunan. Pero nanatili naman ako sa likuran ni Myra. Ayokong maipit na naman sa kilikili niya. “Mukhang hindi naman joke ‘yon," gatong naman nitong si Myra. Umasim tuloy lalo ang mukha ni kuy
Takbo lakad na ang ginawa ko habang papunta sa elevator. Ten minutes na lang kasi ay mahuhuli na ako sa trabaho. Dahil sa ginawang kabaliwan ni Kuya Eman at Myra, pati ako ay damay sa sermon ni mama at papa, at heto nga mukhang magkakaroon pa agad ng bad impression sa unang araw ko sa trabaho. Hindi lang kay Justin na siyang boss ko, kung hindi pati na rin sa mga katrabaho ko. Kainis naman kasi kuya, akala ko torpe, ninja pala. Si Myra naman na akala ko amasonang bitter, ang lambot pala, bumigay ba naman agad. Nalasing daw kasi sila, at kasalanan daw ng alak. Sinisi pa sa alak ang nagawa nilang kahibangan. Ano pa ba ang magagawa namin, e ‘di tanggapin na lang ang nangyari. Tatanggapin ko na lang na ang best friend at dati kong bodyguard, ngayon ay magiging ate ko na. Ang saya ng life! Pero kahit nagulantang ako sa nakita ko kanina. Masaya pa rin naman ako dahil alam ko, mapupunta sa tamang lalaki ang kaibigan ko. Same kay Kuya Eman. Maswerte rin siya kay Myra, hindi pa man ito sigu
Mas dumiin pa ang katawan ni Justin sa akin, sa puntong halos lumapat na ang likod ko sa lamesa. Napapaliyad na lang din kasi ako na para bang bumigat ang ulo ko, at ngayon nga ay naigala niya pa ng husto ang labi niya sa leeg ko. At kung kanina ay ang malakas na tïbok lang ng puso ko ang naririnig ko, ngayon ay pati na ang sa kanya ay naririnig ko na. Sumabay din ang malakas naming paghinga sa tunog ng halik niya. Nakalulunod ang nararamdaman kong init ng katawan. Dati ang eksena ‘to ay sinusulat ko lang. Nababasa ko lang pero ngayon ay naranasan ko na mismo, at dito pa sa loob ng office ng boss ko na bawal ang office romance. “Justin…” paungol kong tawag sa pangalan niya na imbes sagutin ako ay lalo pa akong idiniin sa lamesa at sinabayan pa ng paghagod. Totoo pala na kapag mahal mo ang isang tao, at nasa ganitong sitwasyon na kayo, kahit ayaw mo, kahit nasa matinong pag-iisip ka naman, at wala sa impluwensya ng alak ay bibigay ka na lang ng kusa na parang hindi na marunong mag-is
“Hindi! Kung pwede nga, ayoko na makita ka pa ng pinsan kong ‘yon. Naalala ko lang ang nangyari noon!" pasikmat nitong sabi sabay hapit sa baywang ko at binuksan ang pinto. “Ayoko nga na lapitan ka pa ng ibang demonyo! So, I need to do this," bulong pa nito habang nasa harap na kami ng secretary niya. Kung ano ang gulat na nararamdaman ko sa ginawa nitong si Justin. Gano’n din ang nakikita ko sa mga mata ng secretary niya na talagang nanlaki at hindi na kumurap. Hindi na nga rin yata humihinga. Umawang na lang din ang labi. “Justin, ano ba ‘tong ginagawa mo?" pabulong kong tanong na may kasabay na ngiting aso. Itinaas ba naman ni Justin ang magkahawak na naming kamay at dinala iyon sa labi niya; paulit-ulit na hinalïkan, tapos ngumiti ng pagkatamis-tamis habang nakatingin sa akin.“Ms. Clark," tawag nito sa secretary niya na kumurap-kurap; parang napuwing. Lumunok din ng paulit-ulit na parang may bumara sa lalamunan niya na hindi matanggal-tanggal.“W-what is it, Sir Justin?" na-uuta
“Nagkita kayo? And you didn’t tell me?" malungkot na tanong ni Justin. Tuluyan na rin siyang bumitiw sa akin. “Justin, hindi—" akmang hahawakan ko siya, pero umatras siya. “Justin naman e. Mahigit isang taon na nga kasi ‘yon; hindi ko na nga sana naalala; nakalimutan ko na," parang maiiyak kong sabi. Nakakalungkot kasi; nakakasama ng loob ‘to si Justin. Nagagalit na lang siya basta, at parang ayaw na niyang makinig sa akin. Ayaw na niya sa akin. Gano’n-gano’n na lang. Porket may hindi lang ako nasasabi sa kanya, nagagalit agad. " ‘Yon na nga, mahigit isang taon pa lang, Erica. Kaya imposible na nakalimutan mo na agad ang pagkikita n’yong dalawa. Unless kung wala ka talagang balak sabihin sa akin.” Napayuko na lang ako, at pa simpleng pinahid ang mga luha ko na hindi ko na magawang pigilin. “Ikaw din naman, Justin, nilihim mo rin naman ang tungkol kay Reynald. Pero hindi naman ako na galit ng ganito,” tampo kong sabi. Sandali rin akong sumulyap kay Reynald na ngayon ay parang na-g