“VALENTINE!” Sigaw na tawag ko ng bigla nalang niyang suntukin si Travis na yakap ako kanina. Parang na-udlot tuloy ang luha ko dahil sa nangyari. Agad akong lumapit kay Travis upang tulungan ito na makatayo. “Ano bang problema mo?! Bakit bigla-bigla ka nalang nanununtok?!” Muli kong sigaw sa kaniya habang masama pa ‘rin ang tingin kay Travis. “Anong problema ko?! Siya! Ikaw Travis! Pinagkatiwalaan kita pero bakit pati si Devina ay inaagaw mo saakin?!” Kusang napakunot ang noo ko dahil sa narinig. Kailan pa ako naging kaniya? “V-Val, hindi totoo—” “Hindi totoo ito?! At itong kakikita ko palang sa inyo?! Alam mo ang totoo Travis noon pa!” mayroon siyang isinaboy na larawan saamin kung kaya pinulot ko ang isa. Lalong napakunot ang noo ko ng makita ko ang larawan nitong mga nakaraang araw. Noong mga araw na down na down ako dahil sa balitang nakuha namin. Ilang araw na ang nakakaraan ng mahanap namin si Arabelle. Ang akala ko’y magiging masaya na kami sa oras na makita na nami
“HEY,” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Devina. Napangiti ako sa kaniya at tumayo. “Maupo ka,” alok ko sa upuan ngunit umiling siya saakin. Kita ko ang lungkot sa mata niya kaya nag-alala ako agad. Lumabas kasi sila sandali nila Jeydon at ako ang pinagbantay nila. Naiwan kami nila David dito na tulog na ngayon. “May problema ba Devina? Pwede mo namang sabihin saakin. ‘Wag mong sarilinin.” Umiling siya sa sinabi ko. “No, I’m okay. Pagod lang siguro. Ikaw, halos isang araw kana dito. Hindi ka ba hahanapin ng daddy mo? Wala kang trabaho?” Kunot noo niyang tanong kung kaya hindi ko napigilan ang kamay ko na ituwid iyon. “’Yan, mas bagay sa’yo ang hindi nakakunot ang noo. By the way, baka nakakalimutan mo na ako ang boss. Pwede akong hindi pumasok.” Napairap siya dahil sa sinabi ko at hinawi ang aking kamay. Natawa ako sa reaction niya hanggang sa maupo siya sa inoffer kong upuan sa kaniya. “Nasaan nga pala sila?” hindi ko kasi sila nakitang dumating kasama niya.
“DEVINA?” Napalingon si Devina sa tumawag sa kaniya at doon ay nakita niya si Travis kaya napangiti siya dito. “Travis, mabuti naman at dumating ka. Mayroon akong sasabihin sa’yo.” Mga isang oras na ng umalis si Valentine at tulog pa ‘rin ang dalawang bata. “Ako ‘rin Devina, magpapa-alam sana muna ako sa’yo.” Napakunot ang noo niya sa sinabi ng lalaki at naupo sila sa isang tabi. “Bakit? Aalis ka?” tumango sa kaniya si Travis habang mayroong malungkot na ngiti sa labi. “Mayroon lang akong dapat ayusin, babalik ako agad kapag naayos ko na.” tinitigan ng mabuti ni Devina ang lalaki. Based sa mga mata nito ay hindi siya ayos ngunit alam niya ‘din na ayaw nitong mag kwento dahil sasabihin naman niya iyon kung ginusto niya. “I know you don’t want to talk about it kaya hahayaan kita. Just make sure that you will be safe, okay? Alam mo naman na nandito lang ako at handang makinig,” Napangiti ng malaki si Travis dahil sa narinig at tumango. “Thank you, Devina, ano nga pala ang sasabihi
“H-HINDI siya si Arabelle, Valentine. Kaya kung tinatawag man siyang anak ng babaeng ito ay malamang siya nga.” “Hindi siya si Arabelle?!” narinig ko ang boses ni Vincent na nagulat dahil sa sinabi ko. Habang si Valentine naman ay natitigilan na napalingon saakin. “Totoo ang sinasabi ko Valentine, hindi siya ang isa sa kambal. Naalala mo nu’ng umalis ka dahil hanap ka ng daddy mo? Doon ko nalaman sa isang DNA test na hindi siya si Arabelle.” Hindi siya nakapagsalita dahil sa sinabi ko at napatingin sa babaeng na umiiyak sa kabaong ni Belle o tama bang Skylar? Dahil naman sa ibinunyag ko ay tinignan ko si David, alam kong magugulat at masasaktan ‘din siya ngunit mas nagulat ako ng makita ko na walang bakas na pagkagulat sa muka niya. Basta umiiyak lang siya. “Hindi ka ba nabigla anak?” tanong ko sa kaniya na ikinatingin nito saakin at umiling. “N-Narinig ko po ang usapan niyo ni tito Travis mommy. Tanggap ko ‘din naman po siya kaya kagaya niyo ay hinayaan ko na kilalanin niya ak
“DADDY!” Pumalibot ang malakas na boses ni Valerie sa buong bahay ng mga Montoya habang nasa likuran niya sila Valentine, Llyod, Devina at Jeydon. Matapos malaman ni Valerie ang lahat mula kay Llyod ay dali-dali itong umalis at nagmaneho papunta sa kanila. Nag-alala ang mga ito kaya sumunod sila habang si Devina naman ay nahila ni Valentine upang pigilan ang kaniyang ate dahil alam niyang ito lang ang makakapigil dito. “What is this all about?” Nakita nila ang kunot noong si Mr. Levi Montoya na pababa ng hagdan. “Valerie stop it! Anong ginagawa mo?” pigil ni Devina sa kaibigan ngunit inalis lang ng babae ang kamay niya mula sa braso niya. “Don’t stop me Devina! Kailangan kong malinawan!” “Valerie? Kailan ka pa nakauwi? Kasama mo sila?” seryoso ngunit halata mo ang pagtataka sa boses ni Mr. Levi Montoya. Nang makababa ito ng hagdan ay nagkaharap sila ni Valerie na halata mo pa ang namamaga nitong mata at ngayon nga ay nagbabadya nanaman ang pagtulo ng luha nito. “Did you
“DEVINA, Valerie and Valentine are coming here,” Napatigil si Devina sa pagtitipa sa kaniyang laptop ng sabihin iyon ni Jeydon. Napakunot ang noo niya dahil doon. “Bakit? Nahanap na ba nila ang mama nila?” “No, alam nilang nawawala ‘din si Adeline,” nanlaki ang mata ni Devina dahil doon at napatayo. “Ano?! Bakit mo sinabi?! Hindi ba sabi ko sa’yo saatin nalang muna! At isa pa makakadagdag lang tayo sa problema—” “Devina bakit nagiging selfish ka nanaman?” Natigilan siya sa sinabi ni Jeydon at napakurap. Naglakad ito papunta sa kaniya at hinawakan siya sa kaniyang braso. “Baka nakakalimutan mo na dalawang araw ka ng hindi natutulog simula ng malaman mong nawawala si Adeline? Alam kong kailangan natin siyang hanapin pero alagaan mo naman ang sarili mo!” Tama si Jeydon, simula ng mawala din si Adeline ay tinutok na niya ang sarili niya sa paghahanap at hindi na lumabas ng silid na iyon. Ang anak niyang si David ay nagtataka na dahil hindi nila sinabi dito ang totoo. Alam nila
“MADALAS siyang matulog at mag kulong lang sa kwarto niya. Ang sabi saakin ng bantay niya ay hindi ‘daw ito nagsasalita. Noong minsang makausap ko siya ay hindi niya din ako kinakausap pero ng mabanggit ko ang tungkol sa ina niya ay bigla nalang siyang umiyak ng umiyak, I guess she’s suffering in a traumatic event,” Nanginginig ang kamay ni Devina ng hawakan niya ang kamay ng kaniyang anak. Hindi na niya kailangan pang magtaka o makasigurado kung ito ba ang anak niya dahil sa itsura palang nito ay kamukang-kamuka niya si Valentine kagaya ng kambal nito. Katabi ngayon ni Devina si Valentine na hindi ‘ring makapaniwala na nakatingin sa batang taimtim na natutulog. Sunod-sunod na nagtuluan ang luha ni Devina na ikinayuko niya sa higaan nito. “D-Devina...” tawag ni Valentine sa babae ngunit hindi siya nito pinansin. Si Jeydon naman ay napabuntong hininga nalamang. Masaya siya na nakita na nila sa wakas si Arabelle ngunit alam niya kung bakit umiiyak si Devina. Wala sa kanilang naka
NAGISING ako dahil sa putok ng mga baril. Ang sakit ng batok ko, siguro dahil sa pagkakahampas nila saakin. Nakatali na din pala ako, ang bilis nilang kumilos. “Siguraduhin niyong hindi sila makakarating dito!” “Yes ma’am!” Kristin... Akala mo ba kapag nahuli mo na ako matatapos na ang lahat? Napatagil ang aking ulo dahil sa malakas na sampal na natanggap ko. Pagtingin ko sa may gawa niyon ay galit na galit na Kristin ang nakita ko. “You killed my mother! Pinatay mo si mommy!” Nakita ko ang pagtulo ng luha niya habang sinasabi iyon kaya napangisi ako. “Now you know what I feel,” natigilan siya sa sinabi ko. “Mas masakit pa jan ang naramdaman ko Kristin. Nawala si mama at papa pati ang anak kong si Arabelle inilayo mo saakin!” hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumigaw kasabay ng pagtulo ng luha ko dahil sa sobrang galit. Kaso nakatanggap ako muli ng sampal dahil sa sinabi ko. “A-Ate Devina!” “T-tama na Kristin!” Wala na palang piring at takip sa bibig si Adeline