“Hayaan mo na siya, sisiguraduhin kong tatalunin natin siya sa labanan.” Wala akong nagawa kundi ang tumango nalang at sumunod dito. Tahimik lang kami naglalakad pabalik sa kotse habang ako naman ay hindi na nagtanong pa dahil mukang alam ko na ang sagot. Nang makapasok kami sa loob ay tahimik lang na nagmamaneho si Jeydon. Napasandal ako mula sa kinauupuan ko’t napapikit. Ang laki ng kasalanan namin. Ang laki ng kasalanan namin kay lolo. “Si Sheila ang nagtangka sa buhay ni Devina, nakumpirma ko mismo sa kaniya,” napadilat ako dahil sa sinabi niya at napalingon sa kinauupuan niya. Kita ko ang higpit ng pagakakakapit niya sa manibela. “I can’t help but to get mad at her, I trusted her. I fvcking trusted her!” bigla niyang pinalo ang maniblea na ikinalaki ng mata ko dahil nawala sa kontrol ang kotse. “Gag* ka ba Jeydon?! Kung gusto mong magpakamatay ibaba mo muna ako! Ayusin mo nga pagmamaneho mo!” Mukang naintindihan naman niya ang sinabi ko dahil umayos na siya ng kaniyang
DEVINA “BAKIT hanggang ngayon wala pa ‘rin si tito?” Napatingin ako kay Sheila ng magsalita ito. Ibinaba ko ang iniinom ko na tyaa at umiling sa kaniya. “Wala ka bang tiwala kay lolo? Babalik ‘din ‘yun,” tinignan niya lang ako nang sabihin ko ‘yun kaya napailing ako at tumingin kay Travis na nakaupo sa tabi nito at mayroong kinakalikot sa laptop nito. “Travis, how is it?” “Wala pa namang ginagawang kilos si Jules,” napatango ako dahil sa sinabi niya. Inutusan ko kasi itong imonitor ang underground at baka mamaya magulat nalang kami kapag sumugod ito. Although alam ko na may tama siya ng bala sa kamay ngayon kaya siguradong hindi siya basta-basta susugod kahit na nabisto na siya ni Valentine. Napasandal ako sa aking kinauupuan ng maalala ko nanaman si Valentine. Siguradong iyak ng iyak ‘yun dahil akala niya wala na ako. “Naihanda ko na ang mga bomb,” napatingin akong muli kay Travis at napaayos ng aking upo. “Mayroon na tayong tatlo. Isa sa west, isa sa south at sa east. H
“HUSBAND, can you help me? Mayroon pa akong isang tao na kailangang hingan ng tawad,” “Of course, wife. Siguradong matutuwa siya kapag nakita ka,” Kanina pa ako kinakabahan habang nag-aabang dito sa kwarto namin ni Valentine. Nandito pa ‘rin kami sa bahay ni lolo at inaabangan ko siya na bumalik kasama si Jeydon. Nag-request kasi ako sa kaniya na dalhin niya dito si Jeydon para personal ko siyang makausap at humingi ng tawad. Napatayo ako ng biglang may kumatok at maya-maya ay bumukas ang pinto’t nakita ko si Valentine kasama si Jeydon. Katulad ni Valentine kanina ay natigilan siya ng makita ako kaya napangiti ako’t ibinuka ang aking mga braso. “D-devina! I knew it! You are alive!” tumakbo siya papunta saakin at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang pag-alog ng balikat niya kung kaya hinagod ko naman ang likuran niya upang pakalmahin siya. “Sorry, Jeydon. Kinailangan naming gawin ‘yun ni Sheila para maniwala si Jules,” bigla siyang humiwalay saakin at pinitik ang noo ko
HINDI maiwasan ni na magtaka dahil ganoon kadali lang nilang natalo ang based ni Jules sa underground. At dahil na ‘rin sa gulong nangyayari ay lahat ng transaction ng araw na iyon ay natigil at maging ang ibang grupo ay hindi magawang makakilos ng maayos dahil sa grupo ng kanilang dating emperor. “Boss!” Parehong silang napalingon ng lolo ni Valentine dahil sa dumating. Kita nila na mayroon itong hawak na isang lalaki na bugbog sarado na at may tama sa tiyan ng bala in short naghihingalo na. “What is this?” malamig na tanong ng lolo ni Valentine. “Mayroon kaming nakuhang impormasyon sa kaniya, magsalita ka!” hinampas ng lalaki ang muka ng kaniyang bihag na ikinadura nito ng dugo at maya-maya ay tumawa ng malakas. Napatingin si Jeydon sa lolo ni Valentine dahil doon. “I can sense it, may mali…” mahinang bulong niya dito na ikinatingin lang sa kaniya ng matanda. Maya-maya ay naglakad ito palapit doon sa lalaking tumatawa. Pabalang niyang hinawakan ang buhok nito upang magpan
Napatingin si Valentine kay Adeline dahil sa sinabi ni Adeline at nakaramdam ‘din ng kaba paa sa kaibigan. “Sa east?! Hindi ba nasa west sila Travis?! Nakita niyo ba sila?” umiling si Adeline sa tanong ni Valentine at magsasalita na sana ngunit natigilan sila ng makarinig sila ng tawa. Naging maagap si Devian at inalalayan niya ang kapatid palapit sa kaniya habang ang mga tauhan na kamasa nila ay pumalibot sa dalawang babae maging si Valentine. Napatingin sila sa speaker na nasa bawat sulok ng kanilang kinalalagyan, doon nagmumula ang tawa na kilalang-kilala nila. “Jules.” Inis na sabi ni Valentine. “Nagustuhan niyo ba ang pakulo ko?!” salita nito mula sa speaker. “Alam niyo dapat nga maging proud kayo saakin. Kayo ang unang nakagamit ng mga makabagong bagay na inimbento namin,” muli itong tumawa matapos niyang sabihin iyon kaya hindi na napigilan ni Adeline ang sumigaw. “Hayop ka! Hayop ka Jules!” Pinigilan ni Devina ang kaniyang kapatid dahil baka kung anong gawin nito sa
“N-NO! Hindi pwedeng si Devina!” Napatingin si Devina kay Valentine ng magsalita ito kahit na nahihirapan. Pinipigilan siya nila Travis na sugudin si Jules. Walang ibang magawa si Devina kundi ang ikuyom nalang niya ang kaniyang kamao dahil sa mga nangyayari. “Tapos na Valentine, later malalaman nila ang tungkol kay Devina. Sigurado akong magiging sikat ka,” Tinignan ng matalim ni Devina si Jules ngunit hindi manlang makataan ng takot si Jules sa mga titig na iyon bagkus naglakad siya palapit sa magulang niya na nasa sahig ngayon. Natahimik ang paligid dahil doon at kapwa inaabangan ang mga susunod na mangyayari. “H-Hindi… P-paanong buhay kami?” mahinang sabi ng babae na ina ni Jules at napansin niya ang dalawang pares ng sapatos sa kaniyang harapan kaya tumingala siya upang makita ito. “R-Rick…” agad na tumulo ang luha ng matandang babae sa nakita niya. Iban a ang itsura nito ngayon, hindi tulad ng huli nilang kita dito ay bata pa ito, ngayon ay may balbas na at halata mo na
(FLASHBACK) HINDI alam nila Valentine na palihim na kinausap ng lolo niya si Devina. Noong una ay siya lang talaga ang balak nitong kausapin tungkol sa pinakanghuling alas na hawak niya ngunit ng makita ni Devina ang lahat ng iyon ay agad niyang naisip sila Sheila at Adeline. “You made this, lolo?” manghang tanong niya dito na ikinatango ng matanda habang nakangiti. “I spend my whole life, inventing and protecting my family. Sa totoo lang hindi ko alam na ngayon darating ang araw na ito, basta ang alam ko ay kailangan kong maghanda,” Mamangha si Devina habang nakatingin sa mga kakaibang gadget na ipinapakita sa kaniya nito. Naroon sila ngayon sa isang secret laboratory kung saan may ilang nagbabantay na pinagkakatiwalaan ng lolo ni Valentine sa lahat ng iyon. “Ikaw ang isinama ko dito dahil alam kong ikaw ang mas angkop na pag-iwanan ko nito,” napakunot ang noo ni Devina dahil sa sinabi ng matanda. “Lolo, kung makapagsalita ka para kang naghahabilin. Hindi ka mawawala okay?
DEVINA “SATINGIN mo, paano niya nakilala sina lolo at lola?” Seryoso kong tanong kay Jeydon habang nakatingin kay Adeline na natutulog at nagpapahinga sa hospital bed. Natapos na ang gulo, natalo na si Jules. Ang lolo ni Valentine at ang daddy niya ang umasikaso muna sa underground habang kami ay sinamahan namin ang mga kaibigan namin sa hospital. Nasa kabilang kwarto sila para puntahan si Vincent. Kaming dalawa lang ni Jeydon ang naiwan dito. “I don’t have idea. Hindi kami ganoong nagkakausap ni daddy dahil busy siya sa trabaho at sa guild,” Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Bakit mayroon akong pakiramdam na mayroong kulang? Nang dahil sa sinabing iyon ng ina ni Jules ay mayroong curiosity na nabuhay sa katawan ko. How can she know my grandfather? Tinawag pa niyang tito at tita, hindi ba kahina-hinala iyon? “Alam ko ang pumapasok sa isip mo, baka old friend lang sila hindi ba? Don’t think about it too much,” napalingon ako kay Jeydon dahil sa sinabi niyang iyon. “Alam kong