Share

CHAPTER 4 - Her Goal

Kaya hanggat maaari wala dapat munang vacancy ang love life sa buhay ni Candylyn Mendez rendahan muna natin ang ating puso iwasan muna ang kalandian na yan ang dami nating mga mahahalagang bagay bagay na mas kailangang pagtuunan ng pansin.

Love PLease Do not Enter in to my life. Ban ka muna sa ngayon.

Prince Charming hintayin mo munang makapagtrabaho at makapagpatayo ng sariling negosyo para naman may mapatunayan muna ako sa sarili ko bago ka umiksena para tulungan akong ma-achieve ang mga Goals and dreams ko sa buhay.

Nais kong mabago man lang ang buhay namin. Dahil sa angkan ni papa wala pa man lang nakatuntong sa kolehiyo, ayaw kong tumigil lang don, kailangang mapagtapos ko ng pag aaral ang lahat ng kapatid ko at makapagtayo ng sariling negosyo namin.

Negosyong papatok at tatagal at kailangan kong pag isipan at pag ipunan yon.

Lima kaming magkakapatid kaya technically marami pa akong kailangang pag-aralin at mahaba haba pa ang aming lakbayin..

* * * * * * * * *

Palabas na ako ng ng establishment kung saan ako kumuha ng isa sa requirements ko sa paghahanap ng trabaho nang may makita ako pamilyar na lalaking nakasandal sa poste sa may gate. Ano kayang ginagawa dito ng lalaking ito? Huli na para umiwas, wala din namang ibang madadaanan para hindi nia ako mapapansin. Dire-diretso ako ng lakad kunwari hindi ko siya nakita.

Maya maya pa nagulat nalang ako dahil bigla nia akong tinabihan at inakbayan. Pasimple ko naman hinawi ang kamay niya na nasa balikat ko.

"Hello, kumusta Honey my....Aray ko, ang sakit mo namang mangurot." nahuhulaan ko na ang sasabihin ng kumag na ito eh,kaya inunahan ko na nakakahiya lumalabas sa bunganga nito. "Wag kang basta basta mangungurot baka kong ano ang makurot mo dyan, ikaw din baka matuklaw ka ng alagang ahas ko na nakatago."

I just rolled my eyes "Bunganga mo, Ano ba kasing ginagawa mo dito?" inis na tanong ko sa kanya bigla bigla nalang sumusulpot, kahit na nga tinapat ko na noong nkaraang isang linggo.

Pumunta ba naman sa bahay nila Tiyong at nag papaalam na manliligaw daw. Akala ko naman nagbibiro lang noong nagpapalipad hangin sa tindahan. Yun pala ay nagbalak pang pumunta sa bahay nakakahiya tuloy kna Tiyang Bing. Ano nalang ang iisipin nila, nasa usapan kasing bawal ang magpaligaw lalo na ang magkaboyfriend habang nasa kanila ako. Para narin syempre sa ikapapanatag ng isipan nila nanay at tatay sa probinsya para hindi na sila mag overthink. Ayaw kong mawala ang malaking tiwala na ibinigay nila sakin hinding hindi ko sisirain un lalo na ang maging dahilan ay lalaki. Gusto ko pang mapatunayan na kaya kong walang lalaki sa tabi ko hanggat hindi pa nakakahanap ng work at sarii kong business. Hanggang sa dumating ang mayamang lalaking nakatadhana sa akin

"Sinusundo ka hindi pa ba obvious?"

"Hindi na ako bata, marunong akong umuwi mag-isa."

"Hindi ko naman sinabing bata ka, dahil hindi kana talaga bata, dahil pwede na tayong gumawa ng bata, bansot ka nga lang."

Napanganga ako sa sinabi nia. "Bastos ng bunganga mo, burak ang lumalabas diyan magkaroon ka nga kahit kunti man lang hiya sa katawan mo, wala man lang pinipiling lugar yang bunganga mo."

At excuse me, hindi ako babaeng kaladkarin para maging pagawaan mo ng bata. Tsee...."

"At sa pa inaano ka ba ng height ko? hiyang hiya naman ako sa height mo, Manong." pigil akong masinghalan siya kaya inirapan ko nalang.

Siya naman ang nakanganga ngayon. "Anong Manong? Mukha na ba akong matanda sa paningin mo. Sa gandang lalaki at lakas kong ito Manong ang itatawag mo sakin?" nakakunot ang mga noo nia , salubong ang mga kilay halatang hindi talaga nagugustuhan nito ang itinawag ko sa kanya.

"Ano palang gusto mo? Kuya , kuya ang itatawag ko sayo?" taas kilay kong sagot.ayaw ko

rin namang patalo sa lalaking ito

"Hell no, Hindi pwede, hindi naman kita kapatid kaya wag mo akong makuya kuya, ayaw kitang maging kapatid, dahil mas gusto kitang maging reyna ng magiging palasyo natin, sa ngayon prinsesa muna kita."

"Mas lalo namang ayaw ko kapal naman ng mukha mo taas kaya ng pangarap ko, matanda ka naman talaga mas matanda ka sakin." ngumiwi lang siya, inirapanko lang siya. Mahina lang ang boses ko pero madiin ayaw kong umagaw ng eksena at baka magviral kami. Pero naiinis na din ako ewan ko ba.

"Ang kunti lang kaya ng agwat ng edad natin." reklamo nya parang big deal na big deal sa ang pag tawag ko sa kanya ng Manong

"Defensive lang masyado? O sige nga ilang taon ka na ba para sabihin mong hidi ka matanada para sakin?"

"Ikaw muna mag age reveal."

"Oh tingnan mo nga, pagsasabi palang ng edad hirap na hirap kana. Twenty years old na ako next month, ikaw naman?"

"Tsss... ata't na atat ka namang malaman ang edad ko. Mas matanda ka naman pala kaysa sakin." nginisihan lang ako."

"Lokohin mong Lelang mo."

"Oo nga 13 years old lang ako ehhh" mas lumawak pa ang ngisi nito.

"13 years old ka diyan ang sabihin mo 13 plus 20 equals 33 years old kana. Pinabata mo pa talaga, ayaw mo pang aminin."

"Bat nahulaan mo..." Natigilan siya at napaisip. " Wait pakiulit nga ng sinabi mo."

"San doon." takang tanong ko."

"Pwedeng lahat?"

"13 years old ka diyan ang sabihin mo 13 plus 20 equals 33 years old kana. Pinabata mo pa talaga, ayaw mo pang aminin. O ayan kinumpleto ko pa yan para sayo, mukhang hindi ka makaget over sa edad mo."

"Sobra ka naman sobra sobra pa talaga ang idinagdag mo. Bakit hindi ba halatang 13 years old lang ako."

"Ewan ko sayo"

"Sige na nga i re reveal ko na. 13 years old talaga ako plus 10 nga lang. ouch" kinurot ko ang tagiliran nia, ito na nga po 23 years old na ako next month na din." sinabi nia pa kong kailan ang esaktong date

"Huwag mo nga akong iniscam." itinanggi niya ang paratang ko, at ipinakita ang ID na may picture, names niya at itinuro pa ang nakaindicate na birthdate doon."

"Ano satisfied naba mahal na prinsesa?."

"Bahala kana nga dyan uwi na ako." sabi ko sa kanya dahil nasa kabilang kalsada ang sakayan pauwi kailangan pang tumawid, naka red light na kaya oras na ng tawiran nakakadalawang hakbang palang ako nang may humahagibis na motosiklo papalapit sa gawi ko hindi na ako nakagalaw sa sobrang kaba at takot na biglang bumalot sa pagkatao ko, napapikit nalang ako, siguradong sapol ako nito. "Diyos ko tulungan nyo po ako,patawarin po ninyo ako sa aking mga nagawang kasalanan." nasambit ko nalang sabay narinig ko ang sigawan ng mga tao pero mas malakas kong naririnig ang kalabog ng dibdib ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status