Share

CHAPTER 5 - Nasaan ang Hustisya

"F**k, what the h**l." narinig ko pa ang malutong na mura sa may likuran ko. Hindi ko na kailangang lumingon at alamin kong sino nag nagmurang iyon, dahil sa sa maikling panahon nakabisado ko na yata agad ang boses niya ,sa kakulitan ba naman nito, nang pa may bigla nalang humablot sa akin at niyakap ako ng mahigpit, napipi pa yata ang mga dibdib ko dahil lapat na lapat sa may may bandang itaas ng tiyan niya. Muntik pa kaming matumba sa biglang pag ikot namin. Mabuti nalang talaga at mabilis ang reflexes nito. Maya maya pa ay naramdaman kong umangat ang mga paa ko sa kalsada, dinala nia na pala ako sa tabi.

"Sshhhh its ok, tahan na." hindi ko namalayan umiiyak na pala ako sa sobrang kaba at takot na bumalot sa buong katawan ko kani-kanina lang, pero infairness ang bango ng kayakap ko hindi halatang mahirap lang ang sarap amuyin hindi nakakasawa, nakakarelax. ano ba itong pumapasok sa isip ko muntik na akong mamat*y pero may gana pang pumasok ang kahalayan sa utak ko.

Bigla akong nahimasmasan ng marinig ko si Caloy, bigla akong humiwalay sa kanya. Muntik pa siyang ma out balance ng bahagya kong maitulak ng maisip ang pwesto namin. Nakayakap ako sa kanya habang umiiyak at tinatapik niya naman ng bahaya ang likod ko, naramdaman ko pa ang mga pinonghalik niya sa ulo ko, pasimple din tong lalaking to nakakaasiwang isipin, para kaming magkasintahan at sa Public place pa, nakakahiya, pahamak naman kasi sasakyan na iyon balak pa yatang magpakamatay at idadamay pa ako. Nakonsinsya naman ako sa ginawa ko kay Caloy tinulungan na nga ako.

"Sorry hindi ko sinasadyang itulak ka, salamat sa pagliigtas sakin, kung wala ka baka pat*y na ako sa mga oras na ito, sobrang nakakatakot pala kapag nasa bingit ka ng kamatayan."

"Walang anuman po mahal na prinsesa, maganda ka kasi at least nawala ang kasungitan mo saka wag kang mag alala masamang damo matagal bawian ng buhay at hanggat nasa tabi mo ako safe ka, kaya dapat isama mo ako kahit saan ka man magpunta." wika nito hapang pinupunasan ng kanyang thumb finger ang mga luha sa mata ko.

"Anong ibig mong sabihin na ok lang na muntik na akong masagasaan at ayos ka din ano? pasimpleng ka din talagang humirit e kahit kailan talaga"

"Hindi naman sa ganon? pero parang ganong na nga rin, hahaha baka lang makalusot. Malay mo naman." nagtaas pa ito ng kamay.

Natigil lang ang pag-uusap namin nang may lumapit na traffic inforcer, na inimbitahan kaming pumunta ng sa presinto para magsampa narin kaso laban sa muntik ng makasagasa sakin. Ayon dito ay nahuli naraw ito at nauna nang dinala sa presinto.

Abala ito, habang sa daan sakay ng patrol car ay tinext ko na c Tiyang at sinabing male-late ako ng uwi dahil may kailangan pa akong asikasuhin. Ayaw kong mag alala sila at makarating pa sa mga magulang ko ang nangyari kay sasarilinin ko nalang. Kinausap ko narin tong kumag sa tabi ko na huwag na iparating kahit kanino ang nangyari ngaun dahil wala namang seryosong nangyari at naiintindihan naman niya ang request ko.

Sa huli hindi na ako nagsampa ng reklamo sa motorcycle driver pero tinikitan pa rin ito sa pagiging reckless driving. Nakiusap naman ito samin at humingi ng tawad lumuhod pa nga. Napabilis lang daw ang ang takbo nito dahil may tumawag dito at sinabing dinala sa hospital ang asawa nito na manganganak na. Sa kagustuhang makarating agad sa hospital ay sa presinto pa ito dumeritso at muntik pang makulong. Iyak tawa ito nang sabihin naming hindi na kami magdedemanda kinumpirma naman na ng mga pulis na totoo ang alibi nito. Kaya nong pauwi na kami pumunta narin ito sa hospital kong nasaan ang asawa nito.

Naiiling pa nga ako ng muntik na akong yakapin ng driver sa laki ng tuwa pasasalamat nito. Na pinag bantaan pa ng katabi ko.

"O manong wag mo ng tangkaing yumakap sa girlfriend ko Manong kung ayaw mong makulong ng tuluyan, at makaroon pa ng bunos na pasa, abuso na po kayo muntik niyo na ngang mabangga mang cha chansing pa kau, ano kayo siniswerte."

"Bunganga mo talaga kahit, kahit saan at kailan marumi ang lumalabas lagi. Possessive lang wala namang tayo, huwag kang assuming dyan, pwede?" taas kong wika sa kanya

"Wala pa ba? matapos mong pagsamantalahan ang balikat kong walang kamalay malay?" umarte pa itong maiiyak napangiti nalang ako. Hayaan mo na munang kasi akong mag assume na your my girl friend and I am your slave ang Iyour knight ang shinning armour.

Blessing narin na narito sa tabi ko ang lalaking ito. Kahit sakit sa ulo ang pagkamaligalig nito.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Maraming salamat sa paghatid ah". narito kami ngayon sa tapat ng tindahan, dito ako dumideretso pagkagaling ng University para tumulong sa pagtitinda, at ako rin ang in charge sa pag aayos ng sales at inventory ng store.

"Mag-ingat ka sa pag uwi".

"Salamat ikaw din, lalo na sa pag tawid" kumindat pa, ok na sana eh pinaalala pa talaga ang katangahan ko. Pero bakit kinikilig ako? Sh*t talagang damdamin to . " Wag mong kalimutan ang usapan natin ah, wag scammer."

"Opo kamahalan".

"Wag mo ako pakiligin baka makalimutan kong walang tayo". ang lapad ng ngiti nito, hindi ko nalang pinatulan pumasok na ako agad ng tindahan.

"Bye for now honey my love so sweet," na nagpalingon sakin.nag flying kiss. Napaawang lang ang bibig ko nakakahiya dami pa namang customer. Napahilamos nalang ako ng mukha, nakakagigil.

"Hoy frenny, kayo na ba non? Mukhang in good terms na yata kau".

"Hell no, nalipasan ata ng oras ng pagkain ang lalaking yon e, kaya puro na hangin ang laman ng utak". agad kong sagot napalakas pa yata.

"Ok, relax lang hindi kung hindi, defensive lang ang peg".

Nakonsensiya naman ako sa inasal ko.

"Sorry muntik lang kasi akong masagasaan". malumanay kong sabi nanarinig pala nila Tiyong at Tiyang kaya napasinghap sila at bakas sa mga mukaha ang pag aalala. Wala ,nasabi ko na.

"Pero Okay na po ako, mabuti nandoon si Caloy para po iligtas ako."

"Sino". halos magkakapanabay pa nilang tanong na ikinangiwi ko.

" Si Caloy po. Bantot naman kasi ng Caloy. Sino kayang nagpalayaw sa kanya? Nasaan ang hustisya sa likod ng palayaw niya?"

Nagkatawanan ang mga ito habang yakap ako, napangiti nalang din ako.

Salamat po Lord hindi nyo ako pinabayaan, tunay ngang hindi ka natutulog.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status