Share

Chapter 6

Ilang taon na ang lumipas ay iginugol ni Tasha ang atensiyon sa ina at kompanya. Ang mommy niya naman ay patuloy na nagpapagaling. Pero nagbago ang mommy niya, palagi pa rin itong nakatulala. Minsan na lang siya nito kinakausap at ang sagot pa ay tango lang. Araw araw ay dinudurog ang puso niya sa tuwing nakikita ang ina, nasasaktan siya pero hindi niya ito pinapakita sa ina. Kailangan niyang lakasan ang loob para dito. Para hindi ito mawalan ng pag-asa.

"Ito na po ang dinner niyo." Inilapag niya ang hawak hawak na plato at humalik sa pisngi ng ina bago umupo.

Nawala ang ngiti niya bigla nang makita ang ina na nakatulala at tumutulo pa ang luha. Kaagad na lumingon siya para iiwas ang mukha sa ina. Mariing pumikit at pinipigilan niya ang sarili.

Aaminin niyang pagod na siya, pagod na siya sa kompanya at ganito pa ang maabutan pag-uwi, pero wala siyang magagawa, kailangan niyang tiisin ang lahat sa pamamagitan ng patagong pag-iyak.

"Mommy kailangan niyo na pong kumain dahil iinom na kayo ng gamot." Malambing pa rin na pagkasabi niya. Hinawakan niya na ito sa kamay dahil alam niyang hindi siya nito papansinin. Napatingin naman ito at tumango. Nakahinga siya nang maluwag nang nagsimula na itong kumain, kahit ang bagal nang paggalaw nito.

Nakaupo lang siya sa lamesa habang tinitingnan ang ina, nangmatapos na itong kumain ay tumayo siya para kunin ang gamot nito at pinainom.

Inihatid niya na rin ang ina sa kwarto nito at maagang pinatulog. Pagbalik niya ng sala ay nandoon na si Nanay Belen nakamasid sa kanya. Nginitian siya nito, alam ni nanay na pagod na pagod na siya kaya lagi nitong sinasabi sa kanya na tatagan niya ang loob at kayanin.

Napanguso siya, kagat ang labi dahil nagpipigil na umiyak. Nagmamadaling bumaba siya at yumapos dito, itinago niya ang mga luhang sunod sunod ng tumulo.

"Shhh, alam kung pagod na pagod kana pero wag mong kalilimutan na andito lang kami. Nasa likod mo kami at handang tutulong sa'yo. At ang mommy mo naman, gagaling siya at babalik siya sa dating siya. Lakasan mo lang ang loob mo at ipakita mo sa kanya na meron pa siyang ikaw, ang nagmamahal sa kanya. Isama mo na rin kami."

Tumango tango siya at nakangiti. "Opo nanay, maraming salamat po. Salamat dahil tumayo rin kayong pangalawang nanay ko. Salamat po sa pagpapaalala sa'kin at pagmamahal sa'min ni mommy. Mahal na mahal ka po rin namin."

Natawa lang ito at mahigpit siyang niyakap habang marahan na hinahaplos ang likod niya.

"Hay naku wag ka ng umiyak, papangit ka niyan." Sinilip nito ang mukha niya at nagmamadaling pinunasan ang pisngi niyang basa ng luha.

"Ngayon ko lang naalala na may maganda ka pa lang bisita," ani nito. Siya naman ay naguluhan, sino naman kaya.

"Sino po?"

"Hindi ko natanong ang pangalan pero gwapo at ang ganda ng katawan. Puntahan mona 'don sa garden dahil lahat sila nandoon at parang papakin pa ang bisita mo." Ang tinutukoy nitong sila ay ang mga kasama rin nila sa bahay na mga dalaga pa.

"Sige po puntahan kona."

Siya ay naguluhan dahil wala namang nag-text sa kanya na may pupunta.

"Sandro." Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang binata mula sa malayo. Ilang na ilang sa tatlong dalaga. Sino ba naman ang hindi mailang kung may mga kamay na pumipiga sa bicep mo.

Napailang siya, ano bang nangyari dito sa mga dalaga at akala mo ngayon lang nakakita ng binata.

Naiilang na natawa na lang siya, ang lakas talaga ng trip ng tatlong magpipinsan na 'to. Lumapit na siya sa apat kaya agad na tumayo ang binata at lumapit sa kanya. Ang mga dalaga naman nasa likod at ang hahaba ng mga ngusong nakatingin sa kanya.

"Ano naman ba kayo, wag niyo namang takutin ang bisita ko."

"Ang sexy kaya namin para matakot siya,'' sabat ni Bella na kina tsk ng katabi niyang lalaki. Nasiko niya tuloy ito.

"Hay naku ang dami niyong alam. Pero wag niyo na siyang hawakan ng ganoon. Tandaan niyong mga babae kayo at jowa ko siya kaya ako ang makakalaban niyo pag hinawakan niyo na naman siya."

"Sige po hindi na," ani ni May.

"Basta pakurot mona ng u***g niya ate Tasha." Hirit pa ni May na kinailing niya.

"Magsitigil na nga kayo."

"Okey po, hindi na. Selosa ka pa naman ate. Kukuha na lang kami ng meryendahin niyo po." Tumango siya sa tatlo tsaka naman sila nagsialisan. Tumingin siya sa katabi at nangunot ang noo nang ngiting ngiti ito.

"Anong nangyari sa'yo?" Hindi makaniwalang tanong niya.

"Ilang buwan din tayong hindi nagkita pero hindi ko alam na magkasintahan na pala tayo."

Akala mo talaga kung ano ang dahilan ang pagngiti ngiti niya eh. Dahil lang pala sa sinabi niyang magkasintahan sila. Inismiran niya lang ito at umupo.

Magkakrus ang mga braso niya habang tinitingnan ang lalaki na nakangiti pa rin. Umupo ito sa bakanting upuan na nasa harapan niya.

"Wag ka ngang ngumisi ngisi d'yan. Para kang adik." Naiinis niyang sita sa lalaki. Tinawanan lang naman siya nito. "At sinabi ko sa kanilang jowa kita dahil alam kong hindi ka nila titigilan. Sabihin mo lang din kung ayaw mo ring tantanan ka nila."

"Joke lang, hindi ka naman mabiro. Ang init ng ulo mo gabi na eh. Anyway, how are you? Ilang buwan din tayong hindi nagkita, kung hindi pa ako pumunta dito tiyak na nakalimutan mona ako."

Napabuntong hininga na lang siya sa tanong ng kaibigan. Isinandal niya ang likod sa kinaupuan.

"Nakikita ko sa mga mata mo ang pagod." Pakiramdam niya ay problemadong problemado pa sa kanya ang lalaki. Malamlam na tiningnan siya nito,

"Wag kang mag-alaala-"

"Tasha. Kaibigan mo ako, hayaan mong mag-alala ako sa'yo. Wag mong kalimutan na ang number ko ay laging available, tawagan mo ako sa tuwing kailangan mo ako, lalo na sa mga bagay na alam mong nahihirapan ka at kailangan mo ng tulong. Agad agad ay pupuntahan kita."

"Sandro." Maluha luhang tiningnan niya ang binata. Napanguso siya. Hindi niya inaasahan ang narinig mula dito. Sa ilang buwan na magkakilala sila ay ramdam niya ang pagmamahal ng binata. Hindi siya makapaniwalang may taong dumating sa buhay niya na handa siyang tulungan kahit sa ano pang bagay.

Ngumiti ito at tumayo, nagulat siya ng pumunta ito sa likod at niyakap siya. May humaplos sa puso niya dahil sa ginawa ng kaibigan. Napangiti siya at tinaas ang kamay para hawakan ang kamay nito.

"Salamat," ani niya.

"Tama na nga masyado mo nang inaabuso ang katawan ko." Nawala bigla ang ngiti niya, seryoso ang mukhang nilingon niya ito. Nakangisi lang ang loko, sa inis ay kinurot niya nga ang balat nito dahilan nang pagngiwi at mabilis na umalis sa pagkakayakap sa kanya.

Nakangusong bumalik ito sa kinauupuan habang hinahaplos ang parteng kinurot niya.

"Ang sama talaga ng ugali mong babae ka." Reklamo nito at umirap. Siya naman ay natawa at nailang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status