Mabilis kong itinaas ang ulo ko sabay sandal at bitaw kay Mr. Coldwell. Tila naestatwa, pinanuod ko ang pag-alis niya sa harapan ko at pag-upo nang maayos sa driver’s seat. Narinig ko ang pagtikhim niya bago pinaandar ang sasakyan.Nang makalayo na kami sa Coldwell Corporation, napapikit ako nang mariin habang ramdam ang malakas na kabog ng dibdib. Gusto ko ng bagong simula pero patong-patong na kahihiyan na agad ang nangyari sa loob lang ng isang araw. Hindi ako sigurado kung paano ko pa maaayos ang imahe ko kay Mr. Coldwell – o baka mas maganda na rin ito… para hindi na niya subukan pang ituloy ang kung anumang relasyon namin noon. Ang hirap lang talaga ng sitwasyon ko dahil boss ko siya. Of course, it’s normal to care about what he thinks of me. After all, siya ang nagpapasahod sa ‘kin. Kaya kahit gusto kong manahimik at maglaho sa mga oras na ito, napilitan akong magpaliwanag.“Uhm… sorry, sir. Hindi ko po sinasadya. May mga empleyado kasing dumaan. Baka ano lang ang isipin nil
Bakit ba parang walang nakakakilala kung sino si Mrs. Coldwell? Tuloy ay pati ako napagdiskitahan ng media. Saan ko naman huhugutin ang impormasyon tungkol dito kung sarili ko ngang alaala burado na?Huminga ako nang malalim bago nakangiting sumagot, “Malaki lang po ang tiwala sa ‘kin ng boss ko.” Mas simple ang sagot, mas ligtas. Ie-excuse ko na sana ang sarili nang may pahabol pa ang kaharap ko.“Kung malaki ang tiwala ni Mr. Coldwell sa ‘yo, malamang pinakilala na niya sa ‘yo ang asawa niya,” tinaas-baba niya ang kanyang kilay na para bang may ibang ibig ipahiwatig.Alam ba niyang kabit ako ni Mr. Coldwell?!Napalunok ako at parang may nagbara sa lalamunan. Kung tatanggi ako, maari niyang ikonekta rito ang pagiging kabit ko. Kung sasang-ayon naman ako…“Ah oo naman po! Nagkita na kami noon,” may kumpyansang balik ko. Wala naman sigurong masama kung magpapanggap ako.Nakita ko ang interes sa mga mata ng kaharap ko. “Really? By the way, I’m Bob. I just want to know, and don’t worry,
Mr. Coldwell’s POV"We expect you to attend this time, Prescott,” umalingawngaw sa opisina ko ang maawtoridad na boses ng aking mama.Napilitan akong ibaba ang phone ko sa lamesa at pindutin ang speaker mode para makatapos ng trabaho. I still have a pile of documents awaiting my review and signature."If not, I will be forced to arrange more dates for you. How does a week sound? You can have one for breakfast, lunch, and dinner.” Natigilan ako sa pahabol ng mama. Inihilamos ko ang isang kamay sa mukha bago sumandal sa swivel chair at bumuntong-hininga. “Don't test my patience; I have a roster of potential matches waiting for you.”Alam ni mama na ayaw ko ang ganitong setup dahil aksaya sa oras. Kaya nga itinataon nila sa company events ang pagpapakilala ng mga babaeng gustong ipareha sa ‘kin.As the CEO of Coldwell Corporation, my bachelorhood is seen as a liability by shareholders and board members. Finding a suitable partner, settling down, and producing an heir are not just persona
Pagdilat ko’y sinalubong ako ng matinding pagsakit ng ulo. Napapikit ako nang mariin habang sinusubukang alalahanin ang nangyari sa ‘kin.Malamang ay galing na naman ako sa isang failed job interview. At pagkatapos ay naisipan kong maghanap ng part time job. Pero dahil sa gutom, pagod, at kawalan ng sapat na tulog—Napadilat ako agad at dito nasilaw sa liwanag. Malakas ang kabog ng dibdib, sinubukan ko ulit tingnan kung nasaan ako. May puting kisame? Mukhang hindi pa naman ito langit kung ganuon. Pagsinghot ko’y nakaamoy ako ng panlinis o kakaibang kemikal. Nakarinig din ako ng tunog galing sa tabi ko kung saan may monitor na sa ospital ko lang madalas makita.I’m in a hospital room, I guess?Ilang segundo akong nakahinga nang maluwag bago nagtaka. Ano naman kasing ginagawa ko sa isang ospital? Bago ito masagot, napunta ang atensyon ko sa batang lalaking halos tumalon sa ibabaw ko.“Mommy!” masayang sigaw niya habang nakatitig sa ‘kin.Natigilan naman ako. Pinagmasdan ko nang mabuti ‘
“Prank ba ‘to? Nasaan ‘yung mga camera?” magkasunod kong tanong na nagpahinto sa pag-uusap ng doktor at mga nurses. Napatingin silang lahat sa akin, bakas ang pagtataka sa mga mukha. Ngunit imbes na seryosohin ay tinawanan ko sila, “Naks! Grabe ‘yung effort. Para sa TV ba ‘to o social media?”Nadepina ang lukot sa noo ng doktor, “Mrs—”“Kung hindi ‘to prank. Don’t tell me na nag time travel ako at nakarating ng 2024?” pagputol ko rito. I could feel my frustrations building up. Kaya nga wala na ‘kong pake kahit nandito pa rin sa kwarto ‘yung lalaking kamukha ni Henry Golding. Hindi maipinta ang mukha niya habang nakikiusyoso.Kahit alam kong maaari nilang isiping nababaliw na ‘ko, itinuro ko ang ang kalendaryo sa pader. “Latest ba ‘yan? Kasi ang alam ko, nasa kalagitnaan pa lang ako ng 2019—” Napasinghap ako sabay takip ng bibig. “Baka nasa alternate universe ako!”Sumasakit na ang ulo ko kakaisip ng paliwanag sa sitwasyon ko. Sa gilid ng mga mata ko, napansin ko ang dahan-dahang pagla
“Ali! Anong nangyari sa ‘yo?”Napalingon ako sa bukas na pinto ng kwarto at nabuhayan ng loob pagkakita kay Frances. Magkababata kami at matalik na magkaibigan kaya palagi kaming magkabuntot. We graduated from the same university and were job hunting together in the same year—at least from what I recall.Si Frances talaga ang gusto kong makita pagkatapos kong malaman ang pagkawala ng alaala ko. Kaya lang ay wala akong cellphone pantawag. Sinubukan kong tanungin sa mga nurses kung nasaan ang mga gamit ko kaya lang parang ayaw nila akong kausapin. Mabuti at may isang nagsabi sa ‘kin na wala akong gamit nang isugod sa ospital.Sa totoo lang ay gulong-gulo pa rin ako sa sitwasyon ko kaya sinabi ko kay Frances ang lahat. Nakatulong naman ito para makahinga ako kahit papaano.“Ikaw ah… baka joke time lang ‘to, Ali. Pang best actress pa naman ang arte mo,” may panunuyang komento ni Frances kaya napairap ako sabay iling. How I wish I’m just acting.“Wait. Paano mo pala nalamang nandito ako?”
Seeing my own place for the first time felt strange yet right. It was the perfect blend of fun and eclectic vibes. Ganitong-ganito ang na-imagine kong interior design noon na madalas ko ring ikwento mga taong malapit sa ‘kin. Sa sala pa lang, kapansin-pansin na ‘yung teal-colored sofa na nakasandal sa pader. May mga throw pillows sa ibabaw nito na magkakaiba ang kulay. Samantalang katapat nito ay may wooden coffee table. Parang blank canvas naman ang pader. May mga abstract paintings din kasi at iba pang art pieces na mukhang may kanya-kanyang kwento. Tamang-tama rin ang pasok ng natural light sa malaking bintana kung saan kita ang mga nagtataasang buildings sa labas. Sumilip din ako sa kusina. Dito’y nagulat ako nang makitang kumpleto ang mga stainless steel na appliances. Lalo ring nag stand out ang mga ito dahil sa geometric-patterned tiles. At katulad sa sala, may rustic wooden dining table dito na may mismatched chairs. Noong pinasok ko naman ang mga kwarto ay lalo akong naman
Growing up, I’ve always been an Icies – ito ang tawag sa fanbase ng favorite band kong “On the Rocks.” They are a trio of handsome and talented men who are probably in their mid-30s now pero kung titingnan ay parang mga bampira dahil ‘di tumatanda. Nakilala sila sa mga kantang pinaghalong acoustic at rap. Marami silang magagandang kanta na kayang-kaya ko sanang sabayan kung ‘di ko lang katabi ang boss ko.Diretso lang ang upo ko ngayon at halos hindi makagalaw. Nang marinig ang chorus ng pinakasikat nilang kanta ay napalunok ako. Pinigilan ko ang sarili sumabay at tumili katulad ng iba. Sa gilid ng mga mata ko’y kita ang seryosong panunuod ni Mr. Coldwell. Aakalaing nasa business meeting siya imbes na concert. Hindi kasi malaman kung nag e-enjoy ba siya or he’s trying to evaluate the whole performance. Paano’y magkasalubong ang kilay niya habang nakatitig sa stage. Mabuti na lang at nag iwan ako ng bakanteng upuan sa pagitan namin para kay Frances. Kahit papaano ay nabawasan ang pa