Jazmine
"So...any other plans? Kapag nakabalik na tayo sa town?" Tanong nito sa akin habang palipat-lipat ang kanyang paningin sa kalsada at sa akin.
Nagbibiyahe na kami ulit ngayon pabalik sa Coron town. Maaga kaming umalis ng resort na iyon pagkatapos ng picture taking kanina at matapos kong pag tripan si Chris.
Ni hindi na nga kami nakapag almusal pa ng maayos eh. Ewan ko ba at bakit tila nagmamadali ang lalaking ito sa pag-alis. Wala naman kaming hinahabol na oras, pero aakalain mong sinisindihan ang pwet sa pagmamadali.
Ang buong akala ko nga eh ako lamang mag-isa ang babalik sa Town. Hindi ko alam na sasama rin pala siya at hindi lamang ako basta ihahatid.
Nakangiting tumingin ako rito habang kagat-kagat ang aking labi at nag-iisip kung ano ba ang pwede naming gawin oras na makabalik na nga kami ng town.
"Hmmmm, I'd like to ride a motorbike!" Bigla na l
Jazmine"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Chris noong maibalik na namin ang aming nirentahang motorsiklo at naglalakad na kaming muli ngayon papunta sa mismong bayan ng Coron.Nakabihis na rin kami pareho at handa na pagkain ng aming hapunan. Dumaan na muna kasi kami sa kanya-kanya naming tinutuluyan para maligo at makapag palit ng damit bago tuluyang isinuli ang motorsiklo.Nakangiting humarap ako sa kanya. "Ikaw." Sagot ko na awtomatikong ikinabilog ng mga mata niya. Ganoon din ako, kaya mabilis akong napaiwas ng tingin.Naramdaman ko na lang din bigla ang pamumula ng aking mga pisngi."I-I mean ikaw, a-anong gusto mong k-kainin." Utal na at agad na depensa ko naman.Narinig kong napatawa ito ng mahina."Ikaw ha." Panunukso nito bago marahan na sinagi ng kanyang balikat ang balikat ko. "Kaninang umaga hinalikan mo
ChrisWalang madali sa proseso ng pag momove on. Wala ring shortcut. Walang madaling paraan para mabilis na makalimot at mapabilis ang paghilom ng isang sugat. Lalo na kapag sobrang lalim ang sugat na iniwan sa iyong puso.Ngunit minsan, pilit tayong paglalaruan ng tadhana. Iyong akala mong madali, ay pahihirapin niya. At ang akala mong mahirap, ay madali lamang pala.Minsan, dadalhin ka sa lugar kung saan may makikilala ka na bago. Magbibigay ito ng isang tao na tutulong sa'yo upang mas mapabilis ang iyong paghilom. Isang tao na maghahatid sa iyo ng bagong saya at mga ngiti. Isang tao na, magbibigay ng bagong pag-asa sa iyong buhay. Magbibigay ng liwanag sa dilim na akala mo ay wala ng katapusan. At magbibigay ng mga bagong dahilan, upang ikaw ay magpatuloy.Isang tao na makakasama mong bumuo ng mga bagong alaala. At maghahatid sa iyo sa panibagong simula.At doon,
ChrisNaging maganda ang panahon sa buong araw na nalibot namin ni Jazmine ang isla. Pinasok rin namin ang kweba na nandito sa Black Island.Hindi ka tunay na nakapunta sa islang ito, kung hindi mo nagawang pasukin ang nasabing kweba. At sobrang napakalamig sa loob nito. Mayroong parte na pwede kang lumangoy doon. Sobrang napakalinaw ng tubig na kitang-kita ang ilalim nito. At napakalamig din.The place is also awesome for divers. Perfect for snorkeling. We also saw a lots of different corals and fish species here. Lalo na at good spots din ito for cliff jumping if you are game.Of course, sinubukan din naming dalawa ni Jazmine iyon kahit na noong umpisa ay natatakot pa ito.Napakasarap lamang mamalagi sa islang ito. Isang tunay na paraiso kung saan, kaming dalawa lamang ni Jazmine ang nandito dahil walang masyadong turista ang napapadpad ngayon sa Black Island.Kaya naman, naiisip kong umaayon talaga sa amin an
Jazmine "Nay Pacing! Tay Manding!" Excited na pagtawag ko sa pangalan ng mag-asawa habang sinasalubong ang mga ito para tulungan sa kanilang mga dala. Agad na kinuha ko ang hawak-hawak ni Nay Pacing na medyo may kalakihan na ecobag, atsaka inalalayan ito patungo sa aming tent. Habang si Chris naman ay sinalubong din si Tay Manding na mayroon namang dala na bagong pang gatong na mga tuyong sanga ng punong kahoy. Mayroon din ang mga itong dala na mga prutas at sariwang isda na kay sarap-sarap ihawin. Nakakatakam! Napapalunok na sabi ko sa aking sarili. Agad na gumawa ng apoy si Tay Manding at Chris, habang kami naman ni Nay Pacing ay nilinis ng maayos ang isda na ngayon ay handa ng isalang sa apoy. "Kayo bang dalawa ay matagal nang kasal?" Kapwa kami natigilan ni Chris sa biglang itinanong ni Tay Manding. "Oo nga! Ilang taon na ba kayong kasal? Aba'y napaka swerte naman ng magiging mga anak ninyo. Ang gwapo at
Jazmine"Chris, I have a question for you." Sabi ko habang isa-isang dinadampot ang aking hinubad na short at t-shirt kanina.Ganoon din ito dahil nagpasya na kaming bumalik na sa tent. Mahirap na at baka may ibang mapadaan dahil nandoon ang lahat ng aming mga gamit at iba pang importanteng bagay.Sandaling napalingon ito sa akin bago tuluyang isinuot ang kanyang hinubad din na damit."Sure! What is it?" Pagtanong din niya sa akin pabalik nang mayroong pagtataka.Nagsuot muna ako ng aking short bago muling nagsalita."Alam kong masyadong personal ito pero, wala kana bang balak na balikan siya?" Lakas loob na tanong ko sa kanya at tuluyang isinuot ang aking t-shirt habang hinihintay ang kanyang magiging kasagutan.Narinig kong napahinga ito ng malalim. Bago napamura."You mean, my ex?" Napapatingala sa ka
JazmineSimula noong gabi na iyon, na niyakap ako ni Chris, hanggang ngayon na pabalik na kaming muli sa Coron Town ay hindi ko na ito masyadong kinikibo o kinakausap. Hindi ko na rin siya magawa pang tignan sa kanyang mga mata, gaya ng dati.Palagi akong nakayuko kung kakausapin man ako nito o kung hindi naman ay sa ibang direksyon ko ibinabaling ang aking mga mata.Hindi dahil sa nasaktan ako sa ginawa niya or nag-assume ako noong gabi na iyon. Kung hindi dahil...iniiwasan ko ang isang bagay na pwede naming ikapahamak pareho.Isang bagay na pwede kaming makasakit ng ibang tao, at higit sa lahat ay ang bagay na ikasisira naming dalawa.Pinipigilan ko ang namumuo kong pagtingin kay Chris.Oo, tama nga kayo. Unti-unti na akong nagkakagusto sa saksakan na sungit na lalaking ito. Hindi ko rin alam kung bakit at paano nangyari. Siguro dahil sa siya ang palaging k
JazmineSa isang mamahalin at sikat na resto bar dito sa Coron Town ako dinala ni Chris para maghapunan.Hindi na rin ako nagreklamo pa, maganda at masarap naman kasi ang ambiance at talagang nakaka-enjoy dahil mayroong live band na nagtugtog.Isa pa, gusto ko ang mga OPM songs nila. Hindi masakit sa tenga, nakaka relax at mas lalong napapamahal ako sa moment dahil nakakatunaw ng puso ang mga madamdaming lyrics ng mga ito.Mas lalo ko ring ninanamnam ang bawat sandali na nandito kami ni Chris. Habang kasama ko siya, habang nasa harapan ko siya at panakanakang sumusulyap sa akin.Hindi nagtagal ay dumating na ang inorder nitong pagkain para sa aming dalawa.Heto na naman ang walang humpay kong pag ngiti. Kanina pa kasi talaga kumakalam ang sikmura ko. Baka nga gutom lang talaga ang mga pagsusungit ko kay Chris kanina.Habang kumakain kami, hindi ko mapigilan ang hindi lihim na pagmasdan at sulyapan s
Jazmine"Jazmine!""Jazmine, wait!"Kanina pa ako sinusundan ni Chris pero kahit sandali ay hindi ako humihinto sa pag hakbang.Hindi ko na rin alam kung saan ako papunta. Ang gusto ko lang ay makalayo sa kanya. Pero heto parin siya, nakabuntot at sunod ng sunod sa akin."Talk to me!"Pero nagpatuloy parin ako."You can't just walk away while crying!" Dagdag pa nito.Dahil doon ay tuluyan na akong napahinto at hinarap siya, ngunit nananatili ang halos limang hakbang sa pagitan naming dalawa."Hindi mo parin ba gets? Ayaw ko muna ng kausap. Gusto kong mapag-isa, Chris! So please! Leave me alone!" Pakiusap ko sa kanya habang umiiyak.Bakit ba kasi ako umiiyak in the first place? Nakakainis!Napahinga ito ng malalim."I can't..." Napapailing na sabi nito sa akin. "I'm sorry, but I can't leave you. Not like this." Dagdag pa niya. "Look at