Jazmine
"Chris, I have a question for you." Sabi ko habang isa-isang dinadampot ang aking hinubad na short at t-shirt kanina.
Ganoon din ito dahil nagpasya na kaming bumalik na sa tent. Mahirap na at baka may ibang mapadaan dahil nandoon ang lahat ng aming mga gamit at iba pang importanteng bagay.
Sandaling napalingon ito sa akin bago tuluyang isinuot ang kanyang hinubad din na damit.
"Sure! What is it?" Pagtanong din niya sa akin pabalik nang mayroong pagtataka.
Nagsuot muna ako ng aking short bago muling nagsalita.
"Alam kong masyadong personal ito pero, wala kana bang balak na balikan siya?" Lakas loob na tanong ko sa kanya at tuluyang isinuot ang aking t-shirt habang hinihintay ang kanyang magiging kasagutan.
Narinig kong napahinga ito ng malalim. Bago napamura.
"You mean, my ex?" Napapatingala sa ka
JazmineSimula noong gabi na iyon, na niyakap ako ni Chris, hanggang ngayon na pabalik na kaming muli sa Coron Town ay hindi ko na ito masyadong kinikibo o kinakausap. Hindi ko na rin siya magawa pang tignan sa kanyang mga mata, gaya ng dati.Palagi akong nakayuko kung kakausapin man ako nito o kung hindi naman ay sa ibang direksyon ko ibinabaling ang aking mga mata.Hindi dahil sa nasaktan ako sa ginawa niya or nag-assume ako noong gabi na iyon. Kung hindi dahil...iniiwasan ko ang isang bagay na pwede naming ikapahamak pareho.Isang bagay na pwede kaming makasakit ng ibang tao, at higit sa lahat ay ang bagay na ikasisira naming dalawa.Pinipigilan ko ang namumuo kong pagtingin kay Chris.Oo, tama nga kayo. Unti-unti na akong nagkakagusto sa saksakan na sungit na lalaking ito. Hindi ko rin alam kung bakit at paano nangyari. Siguro dahil sa siya ang palaging k
JazmineSa isang mamahalin at sikat na resto bar dito sa Coron Town ako dinala ni Chris para maghapunan.Hindi na rin ako nagreklamo pa, maganda at masarap naman kasi ang ambiance at talagang nakaka-enjoy dahil mayroong live band na nagtugtog.Isa pa, gusto ko ang mga OPM songs nila. Hindi masakit sa tenga, nakaka relax at mas lalong napapamahal ako sa moment dahil nakakatunaw ng puso ang mga madamdaming lyrics ng mga ito.Mas lalo ko ring ninanamnam ang bawat sandali na nandito kami ni Chris. Habang kasama ko siya, habang nasa harapan ko siya at panakanakang sumusulyap sa akin.Hindi nagtagal ay dumating na ang inorder nitong pagkain para sa aming dalawa.Heto na naman ang walang humpay kong pag ngiti. Kanina pa kasi talaga kumakalam ang sikmura ko. Baka nga gutom lang talaga ang mga pagsusungit ko kay Chris kanina.Habang kumakain kami, hindi ko mapigilan ang hindi lihim na pagmasdan at sulyapan s
Jazmine"Jazmine!""Jazmine, wait!"Kanina pa ako sinusundan ni Chris pero kahit sandali ay hindi ako humihinto sa pag hakbang.Hindi ko na rin alam kung saan ako papunta. Ang gusto ko lang ay makalayo sa kanya. Pero heto parin siya, nakabuntot at sunod ng sunod sa akin."Talk to me!"Pero nagpatuloy parin ako."You can't just walk away while crying!" Dagdag pa nito.Dahil doon ay tuluyan na akong napahinto at hinarap siya, ngunit nananatili ang halos limang hakbang sa pagitan naming dalawa."Hindi mo parin ba gets? Ayaw ko muna ng kausap. Gusto kong mapag-isa, Chris! So please! Leave me alone!" Pakiusap ko sa kanya habang umiiyak.Bakit ba kasi ako umiiyak in the first place? Nakakainis!Napahinga ito ng malalim."I can't..." Napapailing na sabi nito sa akin. "I'm sorry, but I can't leave you. Not like this." Dagdag pa niya. "Look at
JazmineAlas dos na ng umaga, kanina pa ako pagulong-gulong sa aking higaan ngunit hanggang ngayon ay hindi parin ako dinadalaw ng antok. Kanina ko parin ipinipikit ang aking mga mata pero wala talaga, hindi ako makatulog at nananatiling gising ang aking diwa.Frustrated na napabalikwas ako sa pagbangon bago naupo at isinandal ang aking likod sa headboard ng kama.Napapahinga ako ng maraming beses habang napapapikit din ng mariin.Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay wala akong ibang nakikita kung hindi ang guwapong mukha ni Chris.Si Chris na naman.Mabilis na napailing ako at agad na iwinaglit ito sa aking isipan bago tuluyang nagpasya na tumayo para lumabas na muna ng aking kuwarto, at para na rin makalanghap ng sariwang hangin sa labas.Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta, basta na lamang akong dinala ng aking mga paa sa la
ChrisHindi ko magawang alisin si Jazmine sa mga mata ko, kahit na sandali. Gusto kong busugin palagi ang mga mata ko mula sa pagtitig o pagtingin lamang sa kanyang magandang mukha.Habang tumatagal, inaamin kong ayaw ko na siyang nawawala sa aking tabi. Gusto ko palagi ko siyang nakikita at kasama. Hindi ko na rin alam kung nasanay lang ba talaga akong kasama siya palagi o mayroon na itong ibig sabihin.Bagay na labis na nagpapagulo rin sa aking isipan.I am becoming addicted to her, to her smell, to the shampoo she uses that I smell from her hair every time the wind blows it, to her smile, to her beautiful voice and her laughs like music to my ears, to everything about her, I was addicted and completely drowning.At kanina, hindi ko rin alam kung bakit naisipan kong magpunta sa guest house kung nasaan siya. At mas lalong hindi ko akalain na pagtatagpuin kami roon. Hindi k
JazmineIlang araw na akong nakakulong lamang dito sa aking kuwarto. Ayoko kasing lumabas ngayon kahit na sabihing sandali lamang. O sisilip lamang d'yan sa may bayan.Ayoko.Dahil may iniiwasan akong tao.Paano kasi, iniiwasan ko si Chris.Oo, si Chris.Hays!Bakit ko ba kasi nagawa ang bagay 'yun? Bakit naman kasi masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko noong araw na iyon?Hindi ko tuloy magawang harapin ito ngayon. At mas lalong hindi ko siya magawang tignan sa kanyang mga mata oras na muling magkita na kami.Argh! Hindi ko mapigilan ang mapasabunot sa aking sarili bago muling ibinaon ang aking mukha sa unan at parang tanga na nag pagulong-gulong aking higaan.Nahihiya ako sa aking ginawa! Parang pakiramdam ko, bigla-bigla eh nawala ang aking pagkababae.Eh paano ba naman kasi!Waaaah!B
Jazmine"A-Ano?" Gulat na gulat na tanong ko na halatang hindi makapaniwala sa narinig.Ibig ba niyang sabihin...gusto niya rin ako?Pero, p-paano? Kasi sa nakikita ko at sa mga pinapakita naman nito nakaraan, tila ba ako lamang ang palaging apektado sa aming dalawa.Oo, nagawa man nito akong halikan. Pero marahil natukso lamang ito at hindi naman talaga kami parehas ng nararamdaman. Hindi ba?Ngunit bakit sinasabi niya sa akin ang lahat ng ito ngayon? Naguguluhan na tanong ko sa sarili.Muling nanumbalik sa realidad ang aking isipan nang muli ako nitong hawakan sa mga kamay ko.Agad na nagkasalubong ang aming mga mata. Muli itong napangiti sa akin at tumayo siya."I have something for you. Come!" Sabay aya nito sa akin at kahit na wala pa naman akong sinasabi kung pumapayag ba ako o hindi ay basta na lamang niya akong hinila paalis muli sa boulevard.Teka saan ba niya ako dadalhin?&nb
JazmineNagising ako kinabukasan na wala si Chris sa sofa kung saan ito natulog kagabi.Oh, wag kayong mga malisyoso at malisyosa, hindi kami nagtabi sa pagtulog. Kahit naman may nararamdaman ako para kay Chris, alam ko parin naman kung hanggang saan lang ang limitasyon ko.At mas lalong hindi dapat ako ang unang maging dahilan ng tukso sa aming dalawa, na alam kong pagsisisihan lamang namin sa huli.Nag-inat ako bago napahilamos ng palad sa aking mukha.Finally, it's been a while since I've felt this feeling.Ang gaan lamang sa pakiramdam.Para bang pinaghalong tagsibol at tag-ulan.Wala kang ibang mararamdaman kung hindi kapayapaan. At ang tanging amg kwarto na ito ang nagsisilbi kong yakap sa mga sandaling ito.Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti sa aking sarili at walang sabi na niyakap ang unan na nasa aking tabi.Naalala ko kasi ang ginawang pakulo ni Chris kagabi. He's so sweet talaga.Kaya lang,