Seira Anthonette's P. O. V.Nagising ako nang maramdaman ang mainit na palad sa aking pisngi. Dahan-dahan akong dumilat, nakita ko si Jairus na nakatitig sa aking mukha."J-Jairus!" ani ko at napa-upo sa gulat.Hindi ko inaasahang makita siya, dito sa loob ng kwarto ko. Nakasarado ang pinto at nakaupo pa siya sa gilid ng kama ko."T*nginang laway 'yan, tumutulo," aniya at umasim ang mukha.Napahawak ako sa gilid ng labi ko, nakakahiya kung totoo mang tumulo ang laway ko habang tulog."A-Ano bang ginagawa mo dito? Aga-aga, nanggugulo ka," ani ko at hinila ang kumot.Wala akong suot na bra, kahit ba nakita na niya lahat, baka makita pa kami ni Mama. Pumayag naman si Mama na pumasok si Jairus sa kwarto ko? "Sabi ni Mama puntahan kita, galing ka pala sa bahay kagabi. Hindi ko na nasabi sa 'yo, masyado akong na-excite. Ininvite kasi ako ni Vinalyn, I can't imagine na siya mismo ang mag-aaya kaya sumama agad ako sa bahay nila."Tumayo ako at nagtungo sa drower ko, kinuha ko ang regalo ko k
Seira Anthonette's P. O. V.Nagising ako nang maramdaman ang mainit na palad sa aking pisngi. Dahan-dahan akong dumilat, nakita ko si Jairus na nakatitig sa aking mukha."J-Jairus!" ani ko at napa-upo sa gulat.Hindi ko inaasahang makita siya, dito sa loob ng kwarto ko. Nakasarado ang pinto at nakaupo pa siya sa gilid ng kama ko."T*nginang laway 'yan, tumutulo," aniya at umasim ang mukha.Napahawak ako sa gilid ng labi ko, nakakahiya kung totoo mang tumulo ang laway ko habang tulog."A-Ano bang ginagawa mo dito? Aga-aga, nanggugulo ka," ani ko at hinila ang kumot.Wala akong suot na bra, kahit ba nakita na niya lahat, baka makita pa kami ni Mama. Pumayag naman si Mama na pumasok si Jairus sa kwarto ko? "Sabi ni Mama puntahan kita, galing ka pala sa bahay kagabi. Hindi ko na nasabi sa 'yo, masyado akong na-excite. Ininvite kasi ako ni Vinalyn, I can't imagine na siya mismo ang mag-aaya kaya sumama agad ako sa bahay nila."Tumayo ako at nagtungo sa drower ko, kinuha ko ang regalo ko k
Seira Anthonette's P. O. V.Pagsapit ng lunch break, wala si Jairus na sasalubong sa akin. Wala akong gana na lumabas ng aming classroom, habang naglalakad ako pababa ng hagdanan ay nakasalubong ko ang kaklase kong si Shiela."Oh, bakit wala yung boyfriend mo?" tanong niya at tumawa."Ha-Ha-Ha, nakakatawa." Inirapan ko siya."Ito naman, hindi mabiro. Sabay tayo mag-pass kay Mrs. Felisimo mamaya," aniya."Oo, sige."Kumaway pa ito sa akin bago tuluyang lumakad. Ako naman ay dumiretso sa aking locker para ibalik ang dala kong lectures. Nang matapos ako ay nagtungo na ako sa cafeteria. Hinanap ko sina Sammy, nakita ko namang naupo sila sa bandang dulo. Nakita ko si Jairus na nakaupo kasama sina Raiko. Hindi ko alam kung pupunta ako doon, ang awkward, iniwan ko kanina si Jairus. Nakakainis kasi..."Hindi na lang ako kakain..." bulong ko.Akmang tatalikod na ako pero narinig ko ang boses ni Sammy na umaalingawngaw sa buong cafeteria."SEIRA!" Napakamot ako sa aking batok. Nilingon ko sil
Warning: This chapter contains matured and sensitive contents. Read at your own risk.Seira Anthonette's P. O. V.Kasalukuyan kong ipinapakita kay Dorothy ang bigay sa akin na bulaklak ni Jairus, unti-unti na itong nalalanta pero patuloy ko pa ring pinipisikan ng spray ni Mama sa halaman niya, baka sakali tumagal."Huwag mo na lagyan ng spray ni Tita Sonya, hindi magtatagal 'yan.""Alam ko, pero kahit sandali lang yung kagandahan nito, na-appreciate ko pa rin," ani ko kay Dorothy na ngayon ay ka-video call ko."Malalanta rin 'yan, parang si Jairus. Sweet ngayon, bukas, pero sa susunod wala na," aniya at umirap pa."Huwag ka nga maging negative, tingin mo ba bibigyan niya ako nito kung hindi ako mahalaga sa kaniya?" Pagmamayabang ko.Muli kong inamoy ang bulaklak, nauubos ko na ata ang amoy nito kakalanghap ko."You're so obsessed with Jairus, I wonder kung anong mayroon sa lalakeng 'yon na wala ang ibang guy," singhal ni Dorothy.Bigla kong naalala ang mga sweet moments namin, lalo na
Seira Anthonette's P. O. V.Tila ba nakalimutan na namin ni Jairus ang lahat ng tampuhan sa isa't isa, akala ko hindi na kami babalik sa dati. Heto kami ngayon at magkasama pa rin."Bubuksan ko yung bintana, sayang lisensya ko hindi naman nagagamit," ani Jairus.Pinipilit niya akong sumakay sa kotse niya. Dadalhin na daw niya sa school ito simula ngayon at gagamitin panghatid at sundo sa akin pati na rin kay Vinalyn."Baka masuka kasi ako--""Hindi nga bubuksan yung aircon.""Pero mainit.""Bukas naman bintana, dali na." Hinawakan ni Jairus ang kamay ko."Bahala ka kapag ako, nasuka.""Ako pa maglilinis ng suka mo," natatawa niyang sabi."Bwisit ka talaga!" ani ko at inirapan siya.Sumakay ako sa kaniyang sasakyan. Pinagsara niya pa ako ng pinto. Ikinabit ko ang seatbelt at tumabi naman siya sa akin, napangiti na lamang ako.Sana hanggang sa pagtanda namin ay makakaupo pa rin ako sa passenger seat ng sasakyan niya. Ramdam ko ang kilig at saya ngayong para kaming mag-asawa. Nangangarap
Seira Anthonette's P. O. V.Kinabukasan, habang nagsusuklay ako ng aking buhok ay narinig ko ang pagsipol ni Jairus. Nagawa pa nitong kumanta, pumasok agad sa isip ko ang sinabi ni Vinalyn sa akin patungkol sa relasyon namin ni Jairus. Dapat ko na siyang iwasan, kahit ba labag ito sa loob ko. "Seira, anak! Nandito na si Jairus. Pumasok na kayo at matutulog na ako," ani Mama sabay katok sa pintuan ng aking kwarto.Napabuntong hininga ako. Lumabas ako ng kwarto nakita ko si Jairus na nakangiti habang nakaupo sa aming sofa na tila ba at home ito."J-Jairus, p-pwede bang mauna ka na?" pilit kong sambit."Oh, bakit?""Basta... Ano kasi.""Ano? Sabay na tayo, bubuksan ko ulit bintana ng kotse ko--""Natatae pa ako, Jairus." Wala na akong maisip na ibang dahilan sa kaniya."Hihintayin kita, hindi pa naman tayo late--""Feeling ko may LBM ako kaya mauna ka na pumasok, okay lang ako ma-late, para hindi ka na madamay--""May gamot ako sa LBM, anak. Sandali." Nanlaki ang mga mata ko nang sabihi
Seira Anthonette's P. O. V.Nakatayo kaming lahat sa parking lot ng bar. Kita ko ang pamumula ng kamo ni Jairus, hawak ngayon ni Vinalyn ang kamay nito at alalang-alala sa kaniyang nobyo. Mas nag-alala pa siya kay Jairus kaysa sa akin na hinawakan ng lalakeng hindi ko naman kilala."Lipat na tayo ng bar," ani Gil."Sorry, pinalabas pa kayo dahil sa akin--""Hindi mo kasalanan, Seira. Dapat nga sila pa mag-sorry sa 'yo kasi binastos ka. P*tangina!" bulalas ni Jairus."Babe, calm down," ani Vinalyn sabay himas sa braso ni Jairus.Napayuko ako. Muli akong nakaramdam ng selos. Noon ay ako pa ang nagco-comfort sa kaniya, samantalang ngayon ay may Vinalyn na sa tabi niya."Hindi talaga kakalma 'yang boyfriend mo. Binastos best friend niya, maski kami naiinis rin. Hayop na lalakeng 'yon," ani Raiko.Napatingin ako kay Vinalyn, bakas ang pagkainis sa mukha nito."Sorry, uuwi na lang siguro muna ako. Kayo, try niyo sa ibang bar naman. Magpapahinga na ako," ani ko at inayos ang pagkakasakbit ng
Seira Anthonette's P. O. V.Linggo ngayon, hindi ko namalayan na inubos ko lang ang oras ko sa pagtulog maghapon. Nagising ako nang alas-sais ng gabi, naabutan ko si Mama na nagluluto ng hapunan."Ma, amoy sisig," ani ko.Biglang kumalam ang sikmura ko. Kahit naaamoy ko pa lang ang ulam ay gustong-gusto ko nang malasahan ito. Tila ba lalo akong nagutom nang makita ko si Mama na inihahain ang sisig sa lamesa."Ginaya ko yung luto ng Papa mo, sana nga kalasa ng luto niya." Napansin ko ang lungkot sa mga mata ni Mama nang sabihin niya iyon. Marahil ay sobrang hirap nga talaga magpalaki ng anak mag-isa. Wala man lang kaagapay si Mama sa akin at kay Kuya dahil nawala agad si Papa."Sa birthday mo, bibili na tayo ng laptop mo, ha? Gusto ko ikaw pumili ng laptop. Hindi ko alam yung mga ganiyan, may tinatawag pang specs." Napatingin ako kay Mama, kahit ba pala-sermon siya ay ramdam ko pa rin ang pagmamahal niya sa kaniyang aksyon, hindi lang siya showy, hindi kagaya ni Papa. Sobrang malambi