Share

Chapter 05

Huminga 'ko ng malalim at 'di pinansin ang nanunuksong tingin ni sir Klaus sa 'min. Ma'am Diana glare at him na ikinatawa n'ya ng malakas. May sakit ata sa utak 'to si sir.

"Start na tayo," sabi ni ma'am Diana.

Tumango naman kaming lahat at hinayaan ko ang sarili ko na damahin ang bawat pag beat ng guitara, piano at drum. Isang malakas na buntong hininga ang ginawa ko at tinitigan ang copy ng lyrics na binigay ni sir kanina sa 'min ni Trace.

"Nakilala kita sa 'di ko inaasahang pagkakakataon." Kanta ni Trace.

Iniwas ko ang tingin ko bago kumanta. "Nakakabigla, para bang sinadya at tinakda ng panahon." Ramdam ko ang tingin n'ya sa 'kin.

Kahit na hindi 'ko nakatingin ay parang may liyab ang mga mata n'ya at tumatama 'yon sa buo kung katawa. Anong ibig sabihin nito? I shouldn't feel this! dahil mali.

"Tila agad 'kong nahulog ng hindi napapansin," kanta n'ya.

Ibinalik ko sa kan'ya ang tingin ko at matapang na sinalubong ang mga mata n'ya, piliin mo muna ang sarili mo ngayon at pag-bigyan Kalie bulong ko sa sarili ko.

"Pero tadhana ko'y mukhang 'di tayo pagtagmtagpuin." Medjo lumakas ang boses ko.

Pinili kung lumayo ngunit pilitin ma'y bumabalik sa 'yo~

Sabay naming kanta, and I find it perfect. Maganda ang boses naming pinag-sama, now I know what sir Klaus saying. Na maganda ang love theme namin ni Trace.

"Ikaw pa rin pala ang hanap-hanap-parap-pap, at kahit magpanggap, 'di matatago na ang 'yong yakap,"

"Hanap-hanap-parap-pap-pap.

'Di nagbabago

Ikaw ang hanap-hanap ko," kanta ko.

Pumalakpak naman si sir Klaus at tumigil ang pag beat ng music, malaki ang ngiti ni ma'am Diana at sir Klaus.

"Perfect 'di ba ma'am? sabi ko sa 'yo e," sabi nito.

Umirap naman si ma'am Diana at ngumiti sa 'kin. "May talent ka pala," sabi niya.

Nahihiya naman 'kong tumango, grabi achievements ito ang sarap sa pakiramdam! Sana magtuloy-tuloy na! I love claiming my prize for almost a year that I didn't claim.

Kasabay na namin si ma'am Diana bumalik sa room ang sabi ni sir ay kuha na raw namin at mag-practice na lang kaming dalawa tuwing magkasama daw kami. Inaasar pa n'ya kami pero dahil kinurot siya ni ma'am Diana ay tumigil naman 'to, may binanggit na pangalan si ma'am Diana na nagpatigil sa pang-aasar n'ya.

Chique ata name? I forgot.

Nasa classroom na kami at ang iingay nila kaya naman nagalit si ma'am sa kanila, lahat natahimik dahil sa sinabi ni ma'am na grabi daw pinag-uusapan ang section namin na number one daw sa kaguluhan at kaingayan.

"Alam niyo bang ako 'yong nahihiya sa kalukuhan niyo? dahil ako teacher niyo! Section ko kayo," sabi niya.

Sabi n'ya'y nasasaktan daw s'ya dahil ano daw bang kulang n'ya sa kakabilin sa 'min na maging matured na dapat lumugar na kami sa kung saan nararapat ang taon namin.

"Kasi ako 'yong bumababa e! ako 'yong na-da-down! naiintindihan niyo ba?" tanong niya.

Tahimik naman kaming tumango. Pinakalma ni ma'am ang sarili n'ya dahil sumilip sa sir Klaus sa room namin. Napatingin naman 'ko sa orasan at ang tagal pala kaming senermonan ni ma'am.

"Kayo hina-highblood n'yo ang ma'am n'yo e bata pa," sabi ni sir Klaus.

Umiling naman si ma'am bago kami tinawag na ni Trace para daw kumalma s'ya ay manu-nuod na lang daw s'ya sa practice namin, iniwanan n'ya naman ang mga classmates namin ng mga gawain at for the last time sinabihan niya ang mga ito na pag may nagreklamo nanaman tungkol sa ingay nila at mag-hanap na raw sila ng bagong teacher dahil pagod na daw si ma'am sa kakabilin sa kanila.

"Chill ma'am," sabi ni sir.

"Hays ang kukulit talaga ng mga batang istudyante," sabi ni ma'am.

Pumasom kami sa music room at nando'n na rin sila Ronel at Oliver pero may bago silang kasama si Sebastian ata 'yon 'yong grade 10 na magaling mag guitara.

Tahimik lang kami ni Trace habang hinihintay ang hudyat ni sir na pinapanuod lang kami dahil si Sebastian ang pinag-guitara n'ya.

Nakilala kita sa 'di ko inaasahang pagkakakataon~

Kanta ni Trace. Medjo malayo s'ya sa 'kin tulad ng sabi ni sir Klaus dapat daw ay may something like this, that. Ang dami n'yang alam! oo na matalino na gusto n'ya pa pang romance daw ang dating ng kanta namin! kasi s'ya ang may hawak ng event na ito pero favoritism daw siya dahil kami ang tinuruan n'ya.

Nakakabigla, para bang sinadya at tinakda ng panahon~

Halos hindi ko marinig ang boses ko dahil mas malakas ang tibok ng puso ko habang tinititigan s'yang ilang dipa ang layo sa 'kin.

Tila agad akong nahulog ng hindi napapansin~ Siya.

Pero tadhana ko'y mukhang 'di tayo pagtatagpuin~ Ako.

"Lapit na," sabi ni sir.

Lumakad 'ko ng dahan-dahan at gano'n rin ang ginawa n'ya, sobrang awkward para sa 'kin pero parang wala lang sa kan'ya? ano bang nagyayari sa 'kin?

Pa'no kung tama nga si sir na may something sa 'min? wait sa 'kin lang pala, nakikita ba nila kung pa'no ko hangaan si Trace? nakikita ba nila kung pa'no ko s'ya titigan? I hate this!

Calm down Kalie! Focus! Focus, 'yan ang kailangan mo.

Pinili kung lumayo ngunit pilitin may bumabalik sa 'yo~ sabay naming kanta.

Mas lalong lumakas ang paghampas ni Ronel sa drum dahil sa intense na namamagitan sa bawat palitan namin ng kanta ni Trace..

Ikaw pa rin pala ang hanap-hanap-parap-pap~

At kahit magpangap 'di matatago na ang 'yong yakap~

Sabay naming kanta.

Ang hanap-hanap-parap-pap-pap 'di nag babago ikaw ang hanap-hanap ko~ Kanta n'ya.

Magkaharap na kami ngayon. Tila sasabog ang puso ko sa lahat ng nangyayari ngayon! I admit it now just please shut up heart! Oo na I like him, gusto ko na s'ya so please tumigil ka na.

Please. I begging you my little heart.

Inakala ko ring gano'n kadaling alisin ka sa buhay kung 'to.

Sinubok umibig ng iba. Pero 'di rin nawala ang pag-ibig ko sa 'yo~ kanta ko at pasalam ko'y hindi ako pumiyok.

Sa tuwing kapiling ka'y ikaw ang nasa isip~ ako pa rin ang kumanta.

Sana isip~ ulit n'ya.

Bumagal ang ng unti ang pag beat ng tugtog dahil para tumama sa kanta.

Professional ang mga kinuha ni sir Klaus at grabi! si-siguraduhin kung hindi ako papalpak. Nakakahiya naman sa kanila dahil pinag-aksayahan nila ito ng oras.

Pinili kung lumayo ngunit pilitin ma'y bumabalik sa 'yo~ Kanta n'ya at lumakad ulit papalapit sa 'kin.

Ang bawat galaw n'ya ay wala sa script at hindi tinuro ni sir Klaus na gagawin n'ya 'yon!

Ikaw pa rin pala ang hanap-hanap-parap-pap~

At kahit magpanggap 'di matatago na ang 'yong yakap~

Tiningala ko s'ya dahil sa matangkad s'ya kaysa sa 'kin.

Ang hanap-hanap-parap-pap-pap

'Di nagbabago ikaw ang hanap-hanap ko~

Sabay kami do'n habang hindi pinuputol ang tingin namin sa isa't-isa parang wala akong nakikitang iba kundi kaming dalawa lang. Na malayang magtinginan.

Parap-pa-para para sa pusong nangangarap, umaasang magsasamang muli~ siya..

Para sa 'yo at para sa 'kin na tangi lang dalangin ay happy ending bandang huli~ sinabayan n'ya ako sa huli at hinuli ang mga kamay ko.

Kahit gulat ay hinayaan ko s'ya, siguro nga tama si sir Klaus kung ganito ay madadala namin ang mga manunuod.

Yeah, hey, yeah~

Oh, kahit magpanggap, 'di matatago na ang 'yong yakap~ siya..

Ang Hanap-hanap-parap-pap-pap~ ako..

'Di nagbabago

Ikaw ang hanap-hanap~ sabay naming kanta.

Sinubukan kung tignan ang paligid pero napako ang mga mata ko sa lalaking hindi nagsasawang titigan 'ko mula kanina ng makalapit s'ya sa 'kin. Scared of what will happened pero tama si ma'am Diana, piliin ko muna ang sarili ko dahil 'yon ang para'n para matanggap ko ang isang bagay- bagay na sa tingin ko alam ko na.

I like him. Sanasabi ng utak ko at sinisigaw ng puso ko. Ang damdaming mahirap pigilan, I remember lolo's words the most dangerous place is in your feelings nakakatakot nga talaga ang lugar kung sa'n naro'n ang damdamin mo.

Siguro nga'y bata pa 'ko pero hindi nagsisinungaling ang batang puso, once my heart is beating that's means I found him, I found the man I will love even I will be hurt.

Sinubukan ko naman e, I tried to avoid it pero sa tuwing magkatabi kami sa room ay hindi ko maiwasang pag-aralan s'ya at dahil sa pag-aaral ko sa mukha n'ya sa buong s'ya ay nahuhulog na pala 'ko ng hindi ko nalalaman, wala talagang pinipili si cupid napaka epal n'ya.

Kung kanino pa hulog si Vivian do'n pa 'ko nahulog rin dahil kay cupid, damn you cupid mas'yado kang mapanakit!

Ikaw pa rin pala ang hanap-hanap-parap-pap~ Kanta n'ya na sinundan ko naman.

At kahit magpanggap, 'di matatago na ang 'yong yakap~

Ang hanap-hanap-parap-pap-pap~ S'ya..

'Di nagbabago

Ikaw ang hanap-hanap~ Ako.

'Di maglalaho

Ika'y aking pangarap~

'Di nagbabago

Ikaw ang hanap-hanap ko~

Sabay kami sa huling lyrics. At halos mapatalon ako sa sigaw ni sir Klaus at pumapalak-pak pa kasama n'ya rin si ma'am Diana na para silang nanalo sa lotto! Ano bang ginawa namin! Shit sinulo lang naman namin ang scene!

Bigla 'kong napaso sa hawak ni Trace kaya naman humiwalay 'ko sa kan'ya at binalingan sila kuya Sebastian na pumapalak-pak rin na para bang nanalo kami sa isang laban! Nakakahiya.

Tas kanina magkahawak pa kami ng kamay! para akong sinampal ng ilang ulit dahil sa sobrang intense ng pagkanta namin ay may hawakan ng nangyari! at halos magbuhol na nga ang katawan namin dahil sa sobrang lapit! As in! Shuta anong kalukuhan 'yon.

"Grabi woahhh!" sigaw si sir Klaus.

Ma'am Diana giggle and hugged me tapos nahawa na rin ata kay sir Klaus kasi sabi n'ya sa 'kin ship niya daw kami ni Trace! 'tsaka tinitigan ako at si Trace.

"Woah grabi talaga feeling ko nanunuod ako ng concert." sabi ni sir.

Tumango naman si ma'am. "Perfect couple," sabi niya.

______________________________

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status