Share

CHAPTER 17

CHAPTER 17- CONFUSED

MARIA

"Good evening ladies and gentlemen." Panimula nito habang seryoso lamang ang mukha. Ngumiti naman sa amin ang mga bisita kaya nahihiya na din akong ngumiti. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at siguro naramdaman nya iyon kaya agad nyang hinawakan ang bewang ko at pasimpleng pinisil iyon. 

"I would like to introduce to you my beloved Maria. Still can't believe that after we face so many challenges we are now here and ready to open a new chapter of our life. We surpass all the trials because we are together. And now we are going to paint the new chapter of our life with a very colorful moments together with our little angel." Pagkatapos ng speech nito ay agad na pumalakpak ang mga bisita. Hati-hati ang naging reaksyon nila. Some are shocked that I am pregnant and some are just smiling, looking so happy with the news. 

His parents are shocked with the news as well as his sister. I didn't know na hindi pa pala nila alam na buntis ako. Akala ko nasabi na sa kanila ng boss ko but it turns out na hindi pa pala. 

Nag flash naman bigla ang speech nito. I was wondering when did he memorize his speech? Hindi ko alam na may hinanda pala itong sobrang touching na message. Kung hindi lang talaga ito pag aarte ay baka sobrang saya na ng puso ko. Pero hindi eh. He didn't what he said and that just hurt. 

Nilingon ako nito at tinignan sa mga mata. Alam ko naman ang ibig sabihin nun kaya agad akong tumikhim bago ngumiti. He gave me the mic then encircled his arm around my waist. Tumikhim ako para mawala ang bikig sa lalamunan ko at para pakalmahin ang puso kong hindi magkamayaw sa simpleng gesture na ginawa nito. Plus, I can smell his manly perfume and it was enough to make me feel intoxicated.

"Good evening." Bati ko at tumikhim ako para mawala ang panginginig sa boses ko.

"So as you can see, I'm not used to this kind of thing so I'm really nervous right now. Ewan ko nga kung anong pumasok sa kukute nitong lalaking to at pinag speech ako." Sabi ko at natawa pa. I just want to ease the nervousness that I am feeling. 

"Oh, our soon to be bride is nervous." The MC stated and he smiled at us. "Grabe talaga no? We can see the love in their eyes. Nakakakilig diba?" Tanong nito kaya naman agad na sumagot ng 'yes' ang mga bisita. Hilaw naman akong ngumiti bago tumikhim. 

"So ganito nalang Miss Maria. Ikwento nyo nalang ang mga pinagdaanan ng relasyon at kung paano kayo tumibay sa araw araw. Just like what your soon to be husband said awhile ago.  You faces a lot of challenges." Anito kaya naman natawa ako. Dahil akala nila ay kinikilig ako ay hindi nila napansin na peke ang tawa ko. 

Tumikhim ulit ako bago balingan si Denrick. "Ahm ikukwento ko ba ang una nating pagkikita, hon?" Tanong ko dito. Rinig ko naman ang paimpit na tili ng emcee. Isang bakla ang naghohost ng party ngayon and he is also one of a TV host.

 Nginitian ko naman ang boss ko at ramdam ko ang pagpisil nito sa bewang ko. Ramdam ko ang pagkapula ng mukha ko dahil sa ginawa nito. Mukhang alam nito na niloloko ko sya at alam kung sasakyan nito ang kalokohan ko.

Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis sa akin. "Sure sweety." 

I just want to curse right now. Bumalik nga sa akin ang kalokohan ko. I was just trying to tease him but I ended up being affected by it. Yung puso ko kasi e, hindi marunong makisama sa akin at masyadong nag papaalipin kay Denrick. 

"Awww nakakakilig talaga sila." Sabi pa ng emcee na agad namang sinang ayunan ng bisita. If you just know. This is just a drama. 

"To start it, ahm I am his secretary. So since I was just his secretary I don't have the right to complain. And kilala nyo naman sya diba?  Noong unang mga araw ko ay ramdam ko ang pag papahirap nito sakin. Palaging nakasigaw na para bang isang galit na dragon. And I asked my self why. Ginawa ko naman kasi ng tama ang trabaho ko so bakit pa rin nya ako sinisigawan." Tumigil ako bago pinagpatuloy ang sasabihin. "Masyado pang perfectionist! Ang nakakainis lang ay kahit linggo tatawagan nya pa ako para utusan. Memorize ko na nga ang mga linyahan nito na, 'maria kunin mo ito. Maria bring me the file. Maria and maria and maria' Kaya nung hindi na talaga ako makatiis ay isang araw nasigawan ko din sya pabalik. Grabe pa ang drama ko nun sa kanya habang sya ay gulat lang na nakatingin sa'kin." Kwento ko at sinamahan pa ng tawa. Those are true. Yun talaga ang mga araw na gusto ko nalang mag resign dahil nakakapagod ang ugali nya.  

Natatawa akong bumaling ng tingin sa kanya na mataman lang na nakatitig sa akin. I don't know what's running inside his mind. Instead of trying to know what's on his mind, I decided to continue my story.

Nag iwas ako ng tingin at tumikhim bago ko pinagpatuloy ang pagsasalita. "Hanggang sa isang araw nagbago ang pakikitungo nya sakin. Hindi na ito palaging nakasigaw at hindi na ako nito tinatawagan sa linggo para utusan ng kung ano ano. Kaya dun ko nakita ang lahat. Dun ako nagsimulang mahulog sa kanya. Na para bang isa syang bituin sa langit. Nakakamangha at habang tinitignan mo ito ay mapapamahal ka nalang. Pero gaya din ng bituin sa langit...ang hirap nyang abutin." Patuloy ko at binulong ang huling salita. Tinignan ko ulit ito at nakatingin pa rin ito sakin. Tumikhim ako at nag iwas ng tingin. Ngumiti ako sa mga bisita at natuon ang tingin ko sa mga kaibigan nito na nakatitig lamang sa amin na seryoso ang mga mukha.

"Yiiee nakakakilig talaga!" Tili ng emcee kaya naman ngumiti ako sa kanya at tinuon ang pansin sa mesa nina macey. Nakangiti ang mga Moncuedo habang si Macey naman ay inirapan ako and he mouthed 'Ang landi mo'. Pasimple lamang akong natawa at pagkatapos nun ay inilalayan na ako ni denrick pababa. 

"I like your acting skills." Bulong nito sakin habang tinatahak namin ang daan pabalik sa upuan namin. If you just knew. What I've said is true.

"Ang galing mo din naman pong umarte eh." Sabi ko dito ng nakangiti. Nakatitig lamang ito sa akin at hindi sinubukang umiwas ng tingin. Here we go again with his deadly gaze. 

Natigil lang naman ito sa kakatitig dahil sa dalawang businessman ang lumapit sa amin. Pinakilala nya ako sa mga ito at pag katapos nun ay hindi ko na nasundan pa ang pinag uusapan nila. They talk about business kaya naman inabala ko nalang ang sarili ko sa pag tingin tingin sa paligid until I found his sister together with a man in a tuxedo.

Kumunot ang noo ko ng hawakan ni artemis ang kamay ng lalaki at iginiya ito paalis. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Nagkibit balikat naman ako at binalingan si Denrick na nagpaalam na sa kausap nito.

Nang makarating kami sa mesa ay agad akong naupo. Hindi naman ako tumakbo pero bakit hinihingal ako? 

Nilibot ko ang paningin sa mesa at hindi ko nakita si macey. Marahil ay nasa cr ito or nagboboy hunting ang bruha. Napailing nalang ako at hindi na ito pinansin. Siguro hahayaan ko muna sya sa ginagawa. 

Sinalubong kami ng mga kaibigan nya ng isang tango at nag congrats sa amin. They are in a serious mode right now so I find it awkward to talk to them. Mukhang may iniisip sila kaya naman hindi nalang ako nag salita.

"May kukunin lang ako." Paalam nito sakin kaya naiwan ako sa mga kaibigan nito. 

Kinagat ko ang ibabang labi at pinili na ilibot nalang ang paningin sa paligid. Nahihiya nga kasi akong makipag usap sa mga kaibigan nito. Noon hindi naman sila ganito ka seryoso sa akin. In fact one of the twins and Terrence will always talk to me and we will end up laughing.

"You know what? Hindi talaga namin inieexpect to Maria." Turan ni Terrence kaya naman napabaling ako sa kanya. 

"Ahm..."

"But we are all okay with it. Sadyang hindi lang namin inaasahan na papatol ka sa dragon."

"Kaya nga. Papaano ka pumatol sa dragon na iyon? Naku marami ka pang pag kakataon na tumakbo. Baka lamunin ka lang ng apoy nun." Sabat naman ni Sir Black and I don't know if may double meaning yun.

Well, as if I can still run away. I am already whipped with your friend sir and it is hard for me to run away. 

"Pero ayos na rin yun dahil magkakaroon na kami ng inaanak."

"And magmamana ito sa kagwapuhan namin." 

Natawa nalang ako sa tinuran nila. Alam ko naman na maloko sila e pero kahit ganun ay marunong silang magpahalaga ng kanilang pagkakaibigan. And I must say that he is so lucky to have these friends.

**Written by Stringlily**

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
yes ituloy mo lang ang pagppaibig sa boss mong dragon hula ko may feelings na yan sayo ayaw lang aminin dahil masyado syang liyal sa denise na yin na iniwan lang naman sys
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status