Share

CHAPTER 32

CHAPTER 32- NOSTALGIC

MARIA

"Who's that guy?" 

Biglang tanong ni Denrick habang pabalik kami sa cottage. Nakakunot ang noo nito at deretso lang ang tingin sa daan. Napanguso naman ako dahil mukhang wala talaga ito sa mood. Kanina pa ito tahimik lang at hindi ko naman ito magawang kausapin dahil nga sa nangyari kanina. Hindi ko talaga iniexpect na pupunta sila doon. 

Anton just want a closure and I guess I already gave that to him. The only problem right now is the way Denrick act. Hindi ko alam kung nag seselos ba ito dahil sa nakita. Okay, I get it that his actions seems like he is jealous but I am afraid to assume. Natatakot akong mag assume na baka nga nagseselos ito. Maria Isabella is starting to invade my mind.

Ngumuso ako at tinapunan ulit ito ng tingin. Tinignan ako nito at tinaasan ng kilay dahilan kung bakit ako napabuntong hininga. 

"Si anton." Sagot ko kaya umigting ang mga panga nito. 

"Anton what? Kaano-ano mo sya?" He asked again so I pouted. Hindi ko talaga mawari kung sinapian sya ni tito boy ngayon. Ano to fast talk?

Napailing na lamang ako sa naisip at nakataas kilay itong binalingan.

"E-eh ba't ka ba tanong ng tanong?" Nakasimangot kong usal kaya tumaas din ang kilay nito. Mukhang gusto nitong makipagpaligsahan sa akin na pataasan ng kilay. Imbis na mainis ay natawa nalang ako. Mukha kasi itong terror proof at ang isipin na iyon ay nagpatawa sa akin. 

Mas lalong dumilim ang mukha nito kaya naman pinigilan ko nalang ang tawa. 

"Just answer me. It is not that hard to answer." Masungit na turan nito kaya tumikhim ako at napabuntong-hininga ako.

"E-ex ko nga 'yon." Nauutal kong sabi kaya tumaas ang kilay nito. Napanguso naman ako dahil sa pinapakita nitong ekspresyon. I don't what's running inside his mind but I know he is not satisfied with my answer.

"Bakit ang tagal mong sagutin ang tanong ko? Is it because you still have feelings for him?" Inis nitong turan kaya nanlaki ang mga mata ko. 

Nagulat ako sa tinuran nito kaya hindi agad ako nakasagot. Napatakip ako sa bibig ko dahil hindi ko talaga inaasahan ang magiging sagot nito. Paano naman ako magkakaroon ng feelings sa ex ko kung siya na ang mahal ko? Duh, kung alam nya lang na patay na patay ako sa kanya ay hindi nya masasabi ang lahat ng ito. 

Nang makarecover ako sa gulat at hinampas ko ito sa braso. 

"Hindi no! Matagal na yun! Six years na kaya kaming wala kaya nakalimutan ko na sya at tsaka hindi naman ako kagaya mo." Turan ko at binulong ang panghuling sinabi. Gustong gusto ko nga sanang iparinig iyon sa kanya kaso ayaw ko naman na mag tanong ito kung saan ko nakuha iyon. 

"Then why can't you answer my question immediately? Does that mean you are still analyzing what you feel?" Usisa nito kaya naman napanguso ako at napabuntong hininga. I can clearly saw how irritated he is and it made me frown. Bakit ba ito nag ooverthink ngayon? Mukhang siya na ang babae ngayon at ako naman ang lalaki.

Inirapan ko muna ito bago nagsalita. 

"Eh kasi naiilang akong pag usapan. Tsaka hindi ba ako pwedeng magulat lang? Grabe ka namang makajudge." Sagot ko.

"It is because you still have feelings for him." Konklusyon nito kaya napasimangot naman ako. Ang kulit kulit kasi nito eh at sobra pa sa buntis kung umakto.

"Naiilang lang nga ako! Hindi naman ibig sabihin na naiilang ka eh mahal mo pa rin ang isang tao." Inis na turan ko kaya napabuntong hininga ito.

"Para kang babae kung umasta ngayon. Masyado kang nag ooverthink." Dugtong ko kaya napabuntong hininga ito.

"Hayaan mo na maria! Nagseselos lang yan sa lalaking yun!" Sigaw naman ni Gray kaya naman tinignan ito ng masama ng kaibigan kaya natatawa itong nag iwas ng tingin. 

Namula ako at binalingan ng tingin si denrick na parang hindi makatingin sa akin ng deretso. I pursed my lips while still looking at him intently. I saw that his face got even redder. Kinalabit ko ito at nagtaka ng hindi man lang ito lumingon sa akin. 

"Denrick."

"Hoy."

"Denrick."

"Denrick, love, sweety, honey, darling, sweetcakes, babe, baby."

Kitang kita ko kung paano mas lalong namula ang mukha nito. Natawa naman ang iba naming kasamahan sa tinuran ko. 

"Hoy Denrick." Ilang ulit ko itong kinalabit pero no response pa rin. 

"Hoy ba't parang hindi ka makatingin sa akin ng deretso?" Takang tanong ko pero hindi pa rin ito lumilingon. Bumuntong hininga ulit ako at kinalabit ito ng ilang beses. Kinurot ko na nga ito pero wala pa ring effect. 

Umikot ang mga mata ko.

"Hoy denrick--"

"Hindi nga ako nagseselos maria!" Biglaang sigaw nito na nagpagulat talaga sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa kanya habang isa-isang nagsilaglagan ang luha sa mga mata ko. 

He tried to hold me but I immediately shove his hands away. Mukhang nagulat ito sa naging reaksyon ko at hindi agad alam ang gagawin. 

"Maria." He called me so I immediately glared at him.

Naiinis ako sa kanya. I am just trying to ask him but he shouted at me. Hindi ko naman alam kung bakit bigla akong umiyak ng ganito. Or maybe this is because of my mood swings? Dahil nga buntis ako ay sobrang babaw ng emosyon ko at hanggang ngayon nararamdaman ko ito. Nasa ikalawang trimester palang ako kaya naman nakakaramdam pa ko ng mood swings at food craving.

"Look maria, I'm sorry." Hingi nito ng paumanhin pero inirapan ko lang ito at pumalahaw na naman ng iyak. Nakikita ko pa kasi kung paano ako nito sigawan kaya naman napapahagulhol nalang ako. 

Hindi nito alam kung hahawakan ba ako nito o hindi.  

"Fvck! I'm sorry."

"Bakit minumura mo na naman ako?!" Inis na sigaw ko at pinaghahampas ito. He held me by the wrist to stop me from hitting him. 

Inirapan ko ito bago nag iwas ng tingin.

"I'm sorry okay? Sorry." Hingi nya ng paumanhin pero hindi ko pa din sya pinansin. 

"Ahm, yeah I admit that a-ah...." Binalingan ko ito at nag iwas naman ito ng tingin.

"Ano?" Takang tanong ko at namula naman ang tenga nito. 

"Ahm I'm.."

Kumunot ang noo ko at nairita dahil hindi pa rin nito masabi ang gustong sabihin.

"Ang ano nga?!" Inis kong tanong.

"That I am jealous." May diin nyang sabi na parang pinipigilan lang ang sariling wag akong sigawan. 

Natulala ako at hindi agad makagalaw. What did he just said? He what? A-ah...I am so stupid right now.  I can't grasp what he said, so I remain unmoved. 

My heart beats rapidly and I think I'm going to faint. Unti-unting nag sink in sa akin ang lahat ngunit hindi ko pa rin magawang makagalaw. Masyado akong nagulat sa sinabi nito.

" I don't know, but every time someone gets near you, I immediately felt irritated, and I want to punch them in the face. I want to be selfish. I don't want them to see your smile. I don't want them to hear your laughter. I just want it to be exclusively mine." Turan nito habang ako ay nanatiling nakatitig sa kanya. 

Ramdam ko ang paghawak nito sa magkabilang pisnge ko at nag aalala akong tinignan sa mga mata. Lumunok ako ng makita ko ang intensidad sa mga mata nito. Para akong gustong tunawin ng mga mata nya at ngayon ang tanong ay kung paano pa ako nito matutunaw kung noon palang ay tunaw na tunaw na ako sa kanya. 

Napakurap kurap ako at agad namula. Hindi ko mahanap ang boses ko at tanging pagtitig lang ang nagawa ko sa kanya. 

"Hey are you okay?" Nag aalalang tanong nito at napakurap kurap naman ako.

"N-nagseselos ka?" I stutter when I asked him that. I finally find my voice.

Lumunok naman ito habang namumula pa rin ang mukha. Nagkatitigan ulit kami bago ito dahan-dahang tumango. 

"Ibig sabihin may nararamdaman ka na din sakin?" Nakangiti ko pang tanong kaya nakakunot noo itong tumango at mas lalong lumapad pa ang ngiti ko.

Finally! After so many years! He finally reciprocated my love for him. I just want to tear up right now. 

**WRITTEN BY STRINGLILY**

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status