Share

CHAPTER 31

CHAPTER 31- BOTHERSOME

MARIA

Naramdaman ko naman ang mahinang kurot sa akin ni Macey.

"Ikaw mayang ha! May asawa ka na at lumulobo na ang tyan mo pero tumitingin ka pa rin sa ibang lalaki." Sabi nito pero hindi ko ito pinansin at nakatingin pa din sa lalaking umupo sa isang lounge. Hindi mawala wala ang titig ko sa pwesto nya habang panay ang lunok. 

"Ate hindi mo na ba mahal si kuya?" Rinig ko namang tanong ni artemis pero hindi ko sya sinagot. Tutok na tutok ang tingin ko sa lalaki at hindi na nag abalang sagutin sila. 

"Bakla naman! Ba't ganyan ka makatingin sa lalaki? Parang naglalaway ka pa oh! Eh mas pogi at hot pa dyan ang asawa mo." Sabat naman ni macey.

"Oyy mayang! Natulala ka na dyan sa lalaki!" Sigaw nito kaya dahan-dahan ko itong nilingon bago ngumuso. Doon palang ako parang bumalik sa sarili dahil sa mas lalo nitong tinaasan ang boses.

"Macoy, gusto kong uminom ng buko shake na gaya ng iniinom ng lalaki." Sabi ko habang nakanguso kaya naman gulat itong napatingin sakin. Nakanganga ito na parang hindi makapaniwala. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon nila ni Artemis. 

"Laway mo." Puna ko kaya agad nitong isinarado ang bibig at pinahiran ang labi. Actually nagbibiro lamang ako. Nakatulala na kasi sila.

Ngumiti sila na para bang nabunutan ng tinik. Nagtataka naman ako sa mga reaksyon nila. Okay? What is happening to them?

"Bakit ganyan ang naging reaksyon nyo?" Tanong ko.

"Wala Ate M."

"Halika na at bibili tayo nyan. Akala namin nalove at first sight ka na dyan sa lalaking yan." Ani ni bakla kaya nanlaki ang mata ko sa tinuran nito. Ano daw?

"Oyy grabe ka bakla! Nakatingin lang eh." Sabi ko dito habang nakanguso kaya naman natawa sila ni Artemis.

"Eh paanong hindi eh kung tumingin ka ay naglalaway!" Natatawang sabi nito. Napaikot naman ang mga mata ko.

"Hindi ako sa kanya naglalaway no! Sa shake ako naglalaway!" Turan ko naman kaya mas lalo silang natawa.

"Pasensya na mayang." Nakangiting sabi nito bago ako umangkla sakin. Hindi ko nalang ito pinansin at hinahanap nalang ang shop na nakalagay sa bottle ng lalaki kanina. Naalala ko pa iyon dahil sobrang titig na titig talaga ako doon.

Nang mahanap namin iyon ay agad kaming pumasok. Umikot ang mga mata ko sa kabuuan ng shop at maganda naman ang ambiance nito. Umangat ang tingin ko sa menu at tinanong sila kung ano ang gusto nilang kainin. Pinili nila ang buko juice at pagkatapos naming mag order ay pumili kami ng magandang pwesto. At sa labas ang napili namin which is maganda nga dahil abot pa ng tingin namin ang dagat. 

Habang nakaupo ay nag kukwentuhan lamang kami hanggang sa dumating ang order namin. Actually hindi naman sya ganon katagal dahil buko juice at buko shake lang naman ang inorder namin. 

Napapikit nalang ako ng malasahan ko ang buko shake. 

"Buntis picturan ko kayo ni Artemis." Turan ni macey kaya naman ngumiti ako sa camerang hawak nito na nakatuon sa'min.

"Ikaw naman Ate Macey! Picturan ko kayo ni Ate M!" Masayang turan ni Artemis kaya naman nakangiting lumapit sa'kin si macey at inakbayan ako.

"One two three smile!" At sabay naman kaming ngumiti ng malapad ni macey.

"Ayan! Ang ganda ng kuha!" Masayang turan pa ni Artemis at sabay naman kaming tumawa ni macey.

"Syempre maganda ang subject eh." Sabay naming sagot ni macey at nag apir pa. Now, we both showed our similarities in personality. 

Natawa si Artemis sa parehong turan namin ni Macey.

"Maria?" Isang boses tumawag sakin kaya agad akong lumingon.

 Alam kong pareho kaming nagulat ni Macey ng makita ang nasa harap namin ngayon. I didn't expect to see him here after so many years.

"A-anton?" Gulat kong turan bago sumilay ang isang ngiti. 

"Anton! Ikaw nga! Kamusta ka?" Tanong ko dito at tumayo pa para yakapin ito. Don't get me wrong. It is just a friendly hug. In fact I already moved on from him. 

Ngumiti ito sa akin bago bumaba ang tingin nito sa tiyan ko kaya hinimas himas ko iyon habang nakangiti pa rin sa kanya. Nag angat ito ng tingin at bago malungkot na ngumiti sa akin.

"B-buntis ka na pala." Sambit nito kaya masaya akong tumango. He blinked so many times before he bit his lower lip. 

"Yeah. Limang buwan na." Masayang turan ko kaya napatango ito. 

"Ano ang ginagawa mo dito? Atsaka asan na ang asawa mo?" Tanong ko kaya naman ngumiti ito sa akin pero hindi pa rin mawala wala ang lungkot sa mga mata nya. 

"Actually nasa bahay sila ng anak namin." 

Hindi na ako nagulat ng malaman na may anak na sila. It is been six years since they got married.

"Hala ilan na ang anak nyo?"

"Dalawa na. Isang babae at isang lalaki. Lalaki ang panganay ko." 

Napatango tango naman ako at ipinakilala ito kay Artemis habang may simpleng ngiti naman sa labi ni Macey. 

"Mabuti naman kung ganoon. Kamusta naman ang buhay mo?" Tanong ko at ngumiti ito.

"Well I am now the mayor of our city." Aniya at hindi na ako nagulat. Matagal ng gusto ng mga magulang nya na sumunod ito sa yapak ng kanyang ama at kahit ayaw man ay wala na itong nagawa pa dahil nag iisa lang itong anak.

"And ahm masaya naman kami ng mga anak ko at ng asawa ko. I just wish it was you." Dugtong nya sa sinabi at bumulong naman ito sa huli nitong sinabi na ikinakunot ng noo ko. 

"How about you Mai?" Tanong nya at napangiti ako ng ganun pa rin nag tawag nya sa akin.

"Ito ikinasal ako noong nakaraang buwan at eto nga ngayon, limang buwan ng buntis." Kwento ko naman at tinignan nito ang kamay kong may singsing. Ngumiti ito sa akin bago balingan si Macey at tanungin din sa naging buhay nito.

Nakagiti lamang ako habang nakikinig sa pinag uusapan nila. It turns out na nag liwaliw daw ito dito dahil kakatapos nya lang umattend sa isang meeting dito sa manila at bukas na daw ang flight nya.

"I am happy to see you happy now Mai. I honestly regret not fighting for our love but I don't regret having my children. Inaamin ko na hanggang ngayon ay ikaw pa rin. I tried my best to love my wife but I can't. Hindi ko sya magawang mahalin at aaminin ko na dahil iyon sa isipin na babalik ka pa. But now that I know where you are and know that you are happy, I am happy too. Masakit man tanggapin pero masaya ako Mai. Sinaktan kita noon at masaya akong nahanap mo ang lalaking mag mamahal sayo. Siguro ito ang hinihintay kong pagkakataon to finally let you go. To finally let my feelings fade.Our love may have a tragic ending, but it was extraordinary. I have to say that it is the end."

Napangiti naman ako sa sinabi nito. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay mahal pa rin ako nito pero tama ito, yung pagmamahalan namin ay hindi maganda ang ending pero alam namin na ang pinagsamahan namin ay puno ng saya. 

Niyakap ko ito sa huling pagkakataon at gumanti naman ito. Medyo may kalayuan kami sa pwesto ng dalawa dahil nais daw nya akong kausapin. Agad naman akong pumayag dahil hindi namin nakamit ang closure. Ngayon ay magagawa na nitong matutunan mahalin ang asawa nya.

"Ehem."

Napalingon ako at nagulat ng makitang nakatayo doon si Denrick. Masama ang templa ng mukha nito kaya agad akong napalunok. Hindi ko inaasahan na makita sila dito. 

"Yes? You are?" Tanong ni Anton kaya tumaas ang kilay nito bago ako yakapin sa bewang. Sumunod ang mga mata ni Anton doon at parang may narealize.

"I'm Denrick Moncuedo and I am her husband." Anito kaya napangiwi nalang ako. Halata kasi sa boses nito na naiinis sya.

"Ahm nice to meet you. I'm her friend." 

"Si Anvhello Thorn Marques, Den. Kaibigan ko." Pagpapakilala ko at tumango naman ito at parang wala pa din sa mood. 

Mukhang nakuha naman iyon ni Anton kaya nagpaalam na itong umalis. Ngumiti pa muna ito ng isang beses sa akin bago ito umalis.

Rinig ko ang paghagikhik ng kambal sabay bulong ng. "Seloso." At tumawa ulit na sinamahan pa ni bakla at ni Artemis.

Napangiti na lamang ako at hindi sinasadyang magtama ang mga mata namin ni dark. Mataman lang itong nakatitig sakin. At parang may kung ano sa mga mata nito na gustong iparating sakin.

What he said awhile ago flashed inside my mind. 

**Written by Stringlily**

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
huwag ka ng magselos Denrick dahil ikaw na ang mahal ni Maria
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status