Share

CHAPTER 30

CHAPTER 30- 

MARIA

"A past is a past Maria. The past may be hurt us but we need to accept it. Wag kang magpaapekto sa nakaraan. Just don't act impulsively Maria. Just don't." 

It is been already 3 hours after he said that but it is still keeps on repeating inside my head. Hindi iyon mawala sa isip ko at kahit pilitin ko man na alisin iyon sa isip ay hindi ko magawa. Siguro ay malaki ang naging impact ng sinabi nito sa akin. 

It that three hours, I can't still decipher all of what he said. I get it. He is talking about the past. But why? What's in the past? Bakit mukhang may masamang nangyari sa nakaraan na magiging malaking problema namin sa kasalukuyan? 

I sighed. Binalingan ko ang paligid bago pumikit. I tried to get rid of that thought. I need to enjoy my stay here. 

"Bakla!"

Napalingon ako kay Macey ng tawagin nito ang atensyon ko. 

"Oh bakit tulala ka dyan?" Tanong nito kaya ngumiti ako at umiling.

"Hindi may tinitignan lang ako." Pagsisinungaling ko at binalik ang tingin sa key chain na nasa harap ko. Your past mistakes are meant to guide you, not define you. That is the quote written in the key chain, and that is the reason why I immediately remembered what Dark said. 

"Okay, kung gusto mo ay bilhin mo nalang yan." Anito kaya tumango ako at tinitigan ulit ang key chain. 

Napabuntong hininga ako. Right now, we are just strolling and I am with Macey and Artemis. Yung mga lalaki naman ay may ibang pinagkakaabalahan kaya naman hinayaan nalang namin sila. At first, hindi pumayag si Denrick na sumama sa mga kaibigan nya dahil ayaw ako nitong iwan. But when I said that I am going to stroll together with Macey and Artemis, he doesn't have a choice but to go with his friends.

"Ate M look what I got." Tawag sa akin ni Artemis kaya lumapit ako sa pwesto nito. She is holding a key chain. It is a sea shell key chain vintage. 

"Ang ganda right?" Tanong nito kaya tumango ako at ngumiti. No doubt. 

"Ito din bakla! Maganda." Tili naman ni macey kaya napalingon ang mga tao sa kanya. Pero dahil walang hiya ang kaibigan ko ay dinedma nya lang ang mga ito. Medyo may kalayuan kasi ito sa pwesto namin kaya naman parang rinig na rinig sa buong shop yung boses nya.

Naglakad ito palapit sa amin bitbit nito ang isa ding sea shell pero parang inukit sya na crown at may mga gold lining ito. Napangiti ako dahil maganda din ang nakita nitong key chain. Instead of saying it I said something else.

"Gaano ka ganda? Kasing ganda ko ba?" Wika ko kaya naman napaikot ang mga mata nito. Pinigil ko naman ang tawa ko dahil sa naging reaksyon nito habang si Artemis ay hindi napigilan at natawa. 

"Haayy naku bakla ka. Buntis ka na't lahat lahat ganyan ka pa din." Sabi nito kaya napataas ang kilay ko. And what is he trying to convey?

Nilingon ko sya at napamaeywang. 

"Ano pa din ako macoy?" Nakataas kilay kong tanong kaya ngumiti naman ito.

"Syempre ano pa ba?" Tanong nya habang naghihintay naman ako sa sasabihin nito. Nakapamaeywang ako at ang kilay ko ay abot na ng Mount Everest.

Ngumiti naman ito. "Edi maganda!" Wika nito at mukhang natakot sa reaksyon ko kanina. Gusto kong mapatawa pero agad kong pinigilan ang sarili. Tinaasan ko na lamang sya ng kilay at tinignan ang hawak kong key chain.

"Ito na lang ang kukunin ko." Turan ko at pinakita sa kanila ang simpleng key chain na nakita ko. It looks so simple but since I love mint green so I chose it.  It is just anoher sea shell na kinulayan ng mint green at grey. Para syang marble type and I love it.

"So we are now settled. Let's pay for it." Ani ng bakla kaya naman agad na kaming pumunta ng counter para bayaran iyon. 

Pagkatapos noon ay lumabas na kami at naglakad lakad. Sa daan ay marami kaming nakakasalubong na mga foreigners kaya naman ang kaibigan kong bakla ay hindi magkamayaw sa pagpapacute. May pakaway-kaway pa na akala  mo naman Artista.

"Ganda ka ses?" Tanong ko at inirapan lamang nya ako. Mahina akong natawa at hinayaan nalang sya. 

May nakasalubong kaming foreigner at kinindatan nya iyon. Nanlaki naman ang mga mata namin sa sunod nitong ginawa. OmyG! My friend is really--Hindi ko alam kung paano sabihin iyon. Guess what he did? Nilapitan nya lang naman ang foreigner. 

"OMG! Like how can Ate Macey do that?" Gulat na turan ni Artemis. 

"She is really something." Bulong pa nito kaya napailing ako. 

Nakataas lang ang kilay ko ng pabalik na ito sa pwesto namin. Pinatayo nya lang naman kami doon ng ilang minuto para makipaglandian sa Foreigner. 

"Oh ano na Macoy? May ikakabagal pa ba yang lakad mo?" Irita kong tanong kaya ngumuso ito bago umirap sa akin. 

"Hindi makapag hintay bakla? Atat na atat?" Anito at nakasimangot na hinawakan kami sa kamay at hinila. 

"Aba Macoy wag mo akong hinihila hila lang ah. Sa ganda kong to' hinihila mo lang ako?" Mataray kong anas sa kanya kaya naman napaikot ang mga mata nito. 

"Wag na wag mo akong tawaging Macoy ngayon Mayang ah? Naiirita ako ngayon tsaka broken hearted yung kaibigan mo ngayon." Madrama nitong turan kaya napataas ang kilay ko. 

"At bakit ka naman maging broken hearted?" Tanong ko kaya naman madrama itong kumapit sa braso ko. 

"Bakllaaaa!" 

Kumunot ang noo ko at napaikot ang mga mata. Madrama pa din itong ngumagawa sa braso ko kaya naman napaikot ang mga mata ko. 

"Ano nga yun Macey?"

"Na friend zone lang naman ang maganda mong kaibigan." Anito kaya kumunot ang noo ko. 

"Ha?"

"Yung foreigner kanina baklaaaa."

"Oh ano ang mayroon sa foreigner na iyon?" Tanong ko kaya nagpapadyak ito. 

"May girlfriend sya bakla! Girlfriend!" Sigaw nito at imbis na maawa ay nauwi kami sa pag bumulanghit ng tawa ni Artemis. 

Tawang tawa ako at gusto ko nalang mapaupo. Kung hindi lang talaga ako buntis ay naglupasay na ako sa buhangin kakatawa. Paano ba naman kasi eh super confident nitong lumapit sa lalaki at ang ending pala ay may girlfriend ito. 

"Sige lang. Tumawa lang kayo diyan hanggang sa sumakit ang tiyan nyo." Anas nito kaya naman mas lalong natawa si Artemis habang ako naman ay napasimangot.

"Grabe ka naman Macey. Baka hindi mo gugustuhin na sumakit yung tiyan ko." Turan ko kaya naman napatingin ito sa akin at napangiti. 

"Hehe sorry bakla." Anito kaya napailing nalang ako. 

Nagsimula na ulit kaming mag lakad at nagtigil na rin si Macey sa pag kaway sa mga foreigner dahil ayaw na nitong mapahiya ang mafriend zone. Natawa nalang ako habang napapailing tuwing naiisip ko ang nangyari kanina. 

"Ate M I am really excited to see the baby!" Tili ni artemis habang nag lalakad kami. 

"Ako din." Sagot ko. Hindi na nga ako makapag hintay na masilayan ang anghel namin.I want our baby to inherit all of Denrick's appearance, especially his eyes. 

"Panigurado Mayang ako ang magiging kamukha ng inaanak ko. Di naman kayo lugi kasi sobrang ganda ko." Turan naman ni macey at kunwari ay nagflip hair kahit hindi naman mahaba ang buhok nito. 

Agad napaikot ang mata ko sa sinabi nya.

"Naririnig mo ba ang sarili mo bakla?" Nandidiring tanong ko kaya inirapan ako nito.

"Grabe yang reaksyon mo bakla ha! Nakakahurt ka." Turan nito kaya naman natawa nalang ako at hinawakan sya sa braso. Tamang tama naman na may dumaan na lalaki sa gilid namin. 

Napatingin ako doon bago napalunok. Hindi ko din maiwasan na hindi mapanganga habang sinusundan ko ito ng tingin. 

**Written by Stringlily**

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ano yan Maria ha may palunok lunok ka pang nalalaman buntis ka na ngat lahat at may Denrick kana umayos ka buntis
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status