Share

CHAPTER 29

CHAPTER 29-

MARIA

Naglakad kami papasok ng hotel dahil plano namin na ilagay na muna ang mga gamit bago kami pupunta sa cottage na nirentahan din nila. 

Papasok palang kami sa hotel ay sinalubong na kami ng mag asawa na ngayon ay naka check in din sa hotel. Magkasama kami ni Denrick sa iisang kwarto habang si Artemis naman ay kasama si Macey na pupunta ngayon. Napailing nalang ako ng aksidente kong narinig ang usapan ni Artemis at Dark kanina. Ayaw ni Dark na magsama si Artemis at Macey sa iisang kwarto dahil anito ay lalaki pa rin ito. Kaso matigas naman si Artemis at sinabing hindi naman sya gagahasain ni Macey. Doon na nagsimula ang kanilang pagtatalo at sa huli ay natalo si Dark. Iyon ang dahilan kung bakit napapangiti ako habang inaalala iyon. Hindi dahil sa nag aaway sila kundi dahil sa pagbabago na nakikita ko kay Dark. Nakikita kong mahal nito si Artemis at panatag akong hindi nya ito sasaktan.

Speaking of Macey, matagal na kaming hindi nagkikita dahil busy ito at bihira naman akong lumabas ng mansyon. Huli naming pagkikita ay noong kasal ko pa kaya naman miss ko na sya. Mabuti nalang talaga at inimbitahan ito ng mag asawang Moncuedo dahil aliw na aliw ang mga ito sa kanya. 

Hindi naman kami nagtagal sa kwarto at agad kaming pumunta sa cottage. Sobrang atat ako kaya naman napailing na lamang ito sa akin. 

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang ganda ng lugar. I felt healed.

"Ang ganda talaga!" Manghang usal ko habang hindi pa rin maalis alis ang pag ninigning ng mga mata ko. Deretso lamang ang tingin ko sa dagat at masayang binalingan si Denrick. Nakatingin ito sa akin at ng lingunin ko sya ay ngumiti ito.

Marami kaming nakakasalubong na mga tourista. May mga pamilya din na nandito at masayang naliligo sa dagat. Napangiti na lang ako sa ganitong view. Masayang makakita ng mga ngiti ng ibang tao. 

Yung ngiti ko ay agad napalitan ng pag nguso ng makita kong madami ang nakabikini at ang gaganda ng mga katawan nila. Ako ay mukha ng balyena ngayon pero ayos lang 'yon. Ang importante ay magkakaroon na kami ng isang anghel.

Hindi ko nalang pinansin pa iyon at tinuon nalang ang pansin sa dagat. Ngumiti ulit ako at napabuga ng hangin. Gusto kong mapapikit ngunit baka matapilok ako. Natawa nalang ako sa naisip. 

"Hi." 

Nawala ang atensyon ko sa dagat at napabaling ito sa tatlong babaeng nakabikini. Napataas ang kilay ko ng makitang nag papacute sila kay Denrick.

"By the way I'm----"

"Sa tingin nyo ba may pakialam ang asawa ko kung sino kayo?" Mataray kong tanong kaya napaurong sila. Tinapunan nila ako ng tingin kaya tumaas ang kilay ko. 

"Akala namin kapatid mo." Ani ng isa at kung may ikakataas pa ang kilay ko ay baka mas lalo pa itong itaas.

"Kapatid? Nakaholding hands?" Tanong ko at agaran naman ang pag awat sa akin ni Denrick.

"Don't mind them sweety." Sambit nito kaya naman napatingin ako sa kaniya. Tama ba na narinig ko itong tinawag akong sweety?

"Let's go." Aniya at inakay na ako paalis.

"Sorry but my wife is more than enough." Huling tinuran nito bago namin iniwan ang mga babae don. Napangiti naman ako sa tinuran nito. Pwede ba akong sumigaw sa kilig? Kilig na kilig talaga ako ngayon. 

"Ate M pasyal tayo!" Masayang aya sa akin ni Artemis ng makarating kami sa cottage.

"Pagpahingahin mo muna ang ate mo Artemis." Tutol ng kuya nya kaya naman napanguso ito. 

"Hintayin nalang natin si Macey." Ani ko kaya naman napalabi ito bago tumango.

"Oo nga pala. Nakalimutan ko si Ate Macey." Aniya at bumuntong hininga bago kinuha ang cellphone. 

Tinignan ko naman ang mga pagkain na nakahain at natakam ako ng makita ang spaghetti na maraming cheese kaya naman kumuha ako doon.  Sinubo ko iyon bago napabaling ang tingin sa watermelon kaya kumuha din ako doon habang nginunguya ang spaghetti. Umupo ako bago nilantakan ang mga kinuha kong pagkain. 

Hmmm...spaghetti with so many cheese and a watermelon is so delicious. Ngayon ko lang nalaman na masarap palang pagsamahin iyon. Talo pa ang mga masasarap na pagkain sa restaurant. 

Pumikit pikit pa ako habang nginunguya iyon at hindi na pinansin ang mga taong nasa paligid ko. Parang nasa iba akong dimensyon at ang nasa paligid ko ay watermelon at spaghetti.

"Does she really love that?" 

"Well she is pregnant."

Nagmulat ako ng mata habang ngumuguya pa din. Tinignan ko silang lahat na nakatingin sa akin bago sila nginitian at bumalik sa kinakain. 

Ilang minuto pa ay natapos na akong kumain at hindi maiwasang hindi mapadighay. Narinig ko ang pagtawa ng iba kaya nahihiya akong ngumiti. Mukhang sarap na sarap ako sa kinakain at hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang iba. 

Bumaling kami kay Mommy Aria ng tawagin nito ang atensyon ng anak.m

"Denrick hijo. Can you go to your dad? He is with Mr. Rodriguez and they want you to be there. Siguro he wants to have some drink with you." Anito kaya naman tumango ang huli at nagpaalam muna sa amin. Mukhang nandito din ang isang business partner nila kaya naman inaya silang mag inuman. 

"I'll be right back." Turan nito sa akin kaya tumango ako.

"Mga pare." Tawag pansin ni Terrence kaya lahat kami napatingin sa kanya.

"Why don't we go girls hunting? I saw many girls out there and they are so freakin' hot." Anas nito kaya naman napailing nalang ako. Sumang ayon ang kambal habang tahimik naman si Dark sa gilid. Nilingon ko si Artemis at nakitang masama ang tingin nito sa lalaki dahilan kung bakita napabuntong hininga ang huli. Gusto ko nalang matawa ang reaksyon nila.

Tumayo na ang tatlo at handa ng umalis ng mapansin nila na hindi tumayo si Dark. Nilingon naman ito ng isa sa kambal at tinawag. 

"Tara na pareng dark." Tawag sa kanya ni black kaya naman nag iwas ito ng tingin kay artemis at umiling sa kaibigan. Kumunot ang noo ni Black sa pag tanggi ng kaibigan.

"What? Pare tara na. Madaming mga hot na babae doon. Sasayangin mo pa ba yun?" Pagpilit nito kaya naman nilingon ko din si Dark bago nabaling ang tingin ko kay Artemis na malakas na ang pagtipa sa cellphone nito.

"Ahh Pareng Black wag na nating isama si Madilim hehe." Saway ni Terrence bago kinindatan si Black. Agad naman nandiri ang mukha ni Black dahil sa inasal ng kaibigan. Gusto ko nalang matawa dahil hindi nito naintindihan ang gustong ipahiwatig ng kaibigan. 

"What? Are you trying to flirt with me Terrence?" Nandidiri nitong tanong sa kaibigan kaya naman nagulat ang isa. 

"What the?!"

"You are winking at me." Inis na singhal nito.

"I am trying to say that someone will be mad if we let Dark go with us." Nairita namang turan ng isa at nag titigan sila. 

Ilang segundo ang pagtitigan nila ng lumunok si Black at nilingon ang pwesto ni Artemis. Napakamot ito ng batok at nahihiyang ngumiti. 

"Did you get it?" Tanong naman ni Terrence kaya tumango si Black.

"Now, you two, let's go." Aya ni Gray at hinila na ang dalawa. 

"You are a slowpoke."  Rinig ko pang komento ni Terrence sa kaibigan na hindi naman na pinansin ng isa. 

Naiwan naman kaming tatlo sa cottage. Sobrang tahimik at parang may kung anong tensyon ang nakapalibot sa amin. Bumuntong hininga ako at tinignan ang dagat. Bakit ba kasi ako naiwan sa love birds? Love birds na hindi nag uusap.

Napatingin ako sa pwesto ni Artemis ng tumayo ito. 

"Ate M nagtext sa akin si Ate Macey na nandito na daw sya. Ahm susunduin ko lang po sya. Dito ka nalang po kay ah d-dark para hindi ka po mahirapan. Eh reserve mo nalang ang energy mo mamaya para sa pamamasyal." Paalam nito kaya tumango ako at binilinan naman nito si dark na bantayan ako. Rinig ko pa ang pagbabanta sa boses nito kaya napailing nalang ako.

Ngayon naiwan ako kay Dark at hindi ko alam ang gagawin. Seryoso lamang itong nakatingin sa dagat at hindi nagsalita. What do I even expect? Kahit na kasama nito ang mga kaibigan nya ay hindi pa rin naman ito palasalita.

Napabuntong hininga ako at nakangusong binalingan nalang din ang dagat. Ngayon mukha kaming mga tanga na nakatingin lang sa dagat habang hindi nag uusap. Para bang may pader sa pagitan namin at hindi ko alam kung paano basagin iyon. 

I admit that he is really intimidating. His aura screams authority and danger. Actually, all of his friends' aura screams authority. They might act like that but you can't take the fact that they are all famous bachelors. 

Nakanguso lamang ako at panaka nakang tinitignan ito. Hindi pa rin ito nagsasalita kaya napabuntong hininga ako. He is the type of person who doesn't like to waste his saliva on nonsense things. He rarely opens his mouth, but when he did, all the things that came out of his mouth are all with significance.

He is not like Terrence and Gray who has a bubbly personality that is why being with him right now screams awkwardness.

Binaling ko nalang ang tingin sa dagat at sa mga taong dumadaan. I am praying that someone will come so that I have someone to talk to. It doesn't mean I don't like to be with him. It is just that being with him is so awkward, and boredom is killing me. I want someone to talk to.

"I'm not going to ask if you love my friend because it is so clear that you do. I want you to promise me something, Maria. " 

Nilingon ko sya ng may nanlalaki ang mga mata. Nagulat lang kasi ako dahil bigla itong nag salita. Hindi ko na tuloy nalaman kung ano ang sinabi nya. Nagulat na kasi ako sa unang word nya palang. 

Lumunok ako ng napailing ito sa akin bago ako seryosong tinignan. Natakot naman ako kaya tumikhim ako at umayos ng upo. 

"W-what is it?" Tanong ko at hindi ko maiwasang mautal. 

Bumuntong hininga ito.

"No matter what happens, stay by his side. Do not leave him. He may be strong on the outside but trust me, he is like fragile glass on the inside." Turan nito kaya nagtaka ako. What does he mean? 

"B-bakit mo sinasabi sa akin to? And what do you mean?" Takang tanong ko pero ngumiti lang ito. Hindi ko magawang maging masaya sa ngiti nito dahil ang ngiting iyon ay may pinapahiwatig na kung ano. 

"A past is a past, Maria. The past may hurt us, but we need to accept it. Wag kang magpaapekto sa nakaraan." He didn't answer my question instead, he gave me another sentence that feels like a riddle to me. Ang hirap intindihin kung ano ang gustong iparating. 

Nakita nito ang pagkunot ng noo ko kaya naman bumuntong hininga ito.

"Just don't act impulsively Maria. Don't. Take that as my advice." Aniya at tahimik na binalik ang tingin sa harap. 

Kumunot ang noo ko at pinilit na e sink in sa akin ang lahat ng sinabi nito. I sighed when I understand what he said. May parte man sa sinabi nito ang hindi ko naintindihan ay nakuha ko naman ang una nitong gustong iparating.

Tinignan ko sya bago tumikhim. 

"Don't worry. I will never leave his side. I love him so much that leaving him can kill me. But I can't promise that I will not leave him if he is already the one who push me away. I can only promise you one thing, and that is fighting for him. Lalaban ako sa abot ng makakaya ko." Usal ko. 

"Good." Huling sambit nito bago bumalik sa pagiging tahimik. Binaling ko nalang ang pansin sa dagat at pilit na iniintindi ang ibang sinabi nito.

I admit that he is really mysterious. Lahat ng sasabihin nito ay may kakaibang kahulugan at nagtataka ako kung ano ngayon ang gusto nitong ipahiwatig. 

**Written by Stringlily**

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status