Share

Hiding The Billionaire's Baby
Hiding The Billionaire's Baby
Author: Destiny-One

Hiding The Billionaire's Baby

Disclaimer.

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

"Please, sign this divorce paper and get lost!"

Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Halos limang oras ko siyang hinintay sa mansion dahil birthday ko ngayon, gusto ko lang naman sana siyang makasama na mag-celebrate ng 23rd birthday ko, tapos ganito lang pala ang mangyayari.

"Se–seryoso ba 'to?" Utal kong tanong sa kanya.

"Why don't you read it, bitch?" Nasaktan ako sa sinabi niya, I don't know why he keeps on calling me bitch kahit na hindi naman ako gano'n, alam ko sa sarili kong pormal at malinis akong babae.

"I said, sign that fvcking divorce paper!" Muling sigaw niya sa akin. So, ito pala 'yong  ipinunta niya sa US, para mag file ng divorce paper namin? Wow! Just wow! Kaya pala last year, gusto niyang sa US kami magpakasal, para nga naman ma-divorce niya ako anytime. Magaling din mag-isip ang animal!

"You want me to sign this?" Matapang kong tanong sa kanya. Tapang-tapangan, to be exact.

"Do you want me to repeat what I have just said? Fine! Sign this fvcking divorce paper, Eury!"

That's it! Nasabi niya na, kaya wala na akong rason para ipaglaban pa 'tong lintik na relasyon na 'to!

Nanginginig kong dinampot ang ballpen na nakapatong sa mini table, kaagad kong pinirmahan ang papel na ibinigay niya, ang lintik na divorce paper!

"Oh, 'yan na! Sana naman makatulog ka nang mahimbig dahil sa wakas malaya ka na! Salamat sa pa-birthday mo sa akin, huh? Ang saya-saya nito, promise! The best ka talaga kahit kailan,  Zach!" Sarkastiko kong sabi sa kanya. Ibinagsak ko rin ang ballpen at papel sa harapan niya.

"Good! Now, go upstairs and pack your things!"

Halos maputulan ako ng ugat sa leeg ko dahil sa sobrang inis ko sa kanya. Nanadya ba siya? Bakit ngayong birthday ko pa siya nagkaganito? Bwesit lang!

"Walang puso!" Sigaw ko sa kanya bago ako padabog na umakyat sa hagdanan para mag impake ng mga gamit ko.

Nang makapag impake na ako ay bumaba rin kaagad ako. Literal na walang puso ang lalaking 'to! Paano niya ako nagagawang palayasin sa ganitong oras ng gabi? May lakad ba siya at hindi na maipagpabukas itong pag hihiwalay namin? Kaasar talaga!

"Hoy, hambog na mayabang na lalaki!" Sigaw ko sa kanya para makuha ang atensiyon niya. Bigla naman siyang lumingon sa akin, 'yon nga lang halos mag salubong na 'yong maganda at makapal niyang kilay.

"What?" Pagalit niyang tanong.

"Itong ginawa mo sa akin? Babalik 'to sa 'yo, pero pasensiyahan na lang tayo—"

"Get out!"

Bastos talaga! Hindi pa ako tapos mag salita, hilahin daw ba naman ako pa-labas ng mansion niya!

"Tandaan mo 'to! Doble ang igaganti ko sa 'yo sa ginawa mong 'to! Fvck you ka!" Galit na galit kong sigaw sa kanya. Pero ang gag* parang walang naririnig, ah? Pagkatapos niya akong itapon sa labas ng mansion niya ay parang walang kasalanan siyang bumalik sa loob.

"Animal ka talaga! Animal ka!" Para akong tangang nagsisisigaw pa dito sa labas ng mansion, as if naman maririnig niya ako, naka-soundproof kaya iyang bwesit na mansion niya! Maarte 'yon eh, allergic sa ingay!

Wala na akong choice kung hindi ang maglakad palayo sa mansion niya. Aaminin ko, medyo nasasaktan ako ngayon. Sa loob ng isang taon naming pagsasama, kahit na palagi niya akong sinusungitan, may kabaitan pa rin naman siya kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na mapamahal sa kanya.

Pero dahil sa ginawa niyang 'to sa akin ngayon, na-realized ko na mahal ko pa rin talaga! Takte, basta talaga matamaan ka ng Pag-ibig kahit na hindi na tama feeling mo, tama pa rin. Ewan ko ba!

Habang naglalakad ako palayo, na-iiyak ako. Hindi ko alam kung bakit na-iiyak ako, siguro dahil naaawa ako sa sarili.

One year ago, I married him, not because I love him but because of my family. Pinilit nila akong pakasalan ang lalaking 'yon para maisalba ang kumpanya nila. Pagkatapos no'n, hindi man lang ako nila dinalaw o kinumusta sa mansion ng animal na lalaking 'yon! Kaya mula noon, lumayo na rin ang loob ko sa kanila, para akong hindi pamilya sa kanila, eh!

Kaya ngayong homeless na ako, never akong babalik doon, no! Oo, mataas talaga ang pride ko. Mas gugustuhin ko na lang manirahan dito sa kalye kaysa ang bumalik sa kanila, pagkatapos ng ginawa nila sa akin? Hindi bale na lang!

"Hoy, babae! Walang nakakaiyak sa nangyari sa 'yo, okay? Hindi ka namatayan, gaga ka!"

Sinubukan kong pagalitan ang sarili ko baka sakaling makinig. Oo, gan'yan ako kabaliw, masaya na kayo?

Marahas kong pinahid ang mga luha ko. Naisip ko, tama naman, wala nga namang nakakaiyak at hindi naman ako namatayan kaya hindi dapat ako umiiyak.

Para ako ngayong tanga dito habang nag aabang ng jeep sa gilid ng kalsada. Kapag may humihinto naman sa tapat ko, sinasabi kong hindi ako sasakay, paano nga ba naman kasi ako sasakay ng jeep kung hindi ko alam kung saan ako pupunta?

Tiningnan ko ang cellphone ko. Pasado alas onse na ng gabi. Hindi na ako magtataka kung umagahin ako dito sa gilid ng kalsada, sana lang ay walang masamang mangyari sa akin, dahil kapag ako namatay dito mumultuhin ko talaga ang Zach na 'yon!

Ring-ring!

Nag-vibrate ang cellphone ko. Kaagad kong kinapa iyon sa bulsa ko. Si Trisha ang tumatawag na 'yon. Ano kaya ang problema ng babaeng ito at napatawag sa akin ng ganitong oras ng gabi?

"Hello, Trish?" Dahil bida-bida ako kaya ako na 'yong naunang magsalita sa amin.

"Gaga, nasaan ka?" tanong niya sa kabilang linya.

"Nasa mansion—"

"Liar!" Biglang sigaw niya sa akin sa kabilang linya. Hindi niya rin ako pinatapos ng pagsasalita, may pagka bastos din ang babaeng 'to.

"Huh?" I acted innocent.

"Tanga, lumingon ka sa likuran mo!" Grabe, ang talas talaga ng tabas ng dila ng isang 'to. Kagaya ng sinabi niya, lumingon ako. Nahagip ng mga mata ko ang Hello Kitty niyang sasakyan. Oo, gan'yan siya kaadik sa Hello Kitty, pati kotse niya naka customized ng Hello Kitty.

Biglang naputol siya sa kabilang linya. Nakita ko rin siyang bumaba sa kotse niya at masamang-masama ang tingin sa akin.

"Gaga ka talaga!" Bigla niya akong binatukan pagkalapit niya sa akin. Gan'yan siya ka-sweet na kaibigan.

"Aray!" Reklamo ko sa ginawa niya. Kinamot-kamot ko rin ang ulo ko na binatukan niya. Napaka harsh!

"Kung hindi pa ako pumunta sa mansion ng hayop na lalaking 'yon hindi ko pa malalaman na hiwalay na pala kayo? Talagang sa mismong birthday mo pa?"

Nagulat ako ng bigla siyang umiyak at niyakap ako ng mahigpit. Sa sobrang gulat ko, nanlaki lang 'yong mga mata ko habang pinipilit niya 'yong leeg ko, I mean habang niyayakap niya ako.

Nang bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin ay napakurap-kurap ako.

"Hoy! Wala namang namatay, ah? Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya.

"Aray!" Bigla na naman niya akong binatukan.

"Siraulo ka talagang babae ka!" Sabi niya sa akin bago ako tinulungan sa bitbit kong bag.

"Ang sweet mo." Sarcastic kong sabi sa kanya. Inirapan niya lang ako.

"Talagang wala ka rin balak na tawagan ako?" Pagalit niyang tanong.

"Wala akong load." Naka-pout kong tugon.

"Asawa ka ng pinaka mayamang tao sa bansa tapos wala kang load?" Hindi niya makapaniwalang sabi.

"Dating asawa!" Pagtatama ko sa sinabi niya.

"Oo na! Doon ka na lang muna magpalipas ng gabi sa Condo ko. Gaga ka kasi!"

Hindi na ako umimik. Sumunod na lang akong maglakad sa kanya papunta sa kotse niya.

Anong magpalipas ng gabi lang, literal na doon muna ako makikitira sa kanya habang naghahanap ako ng trabaho.

At 'yong, Zach na 'yon? Humanda siya, may oras din siya!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status