025.Malapad ang ngisi ni Albert habang nakatanaw kay Johan mula sa hindi kalayuan."Good job, Aries!" Masigla nitong sabi at pumalakpak. Ngumiti naman ang lalaking nagngangalang Aries. Ang taong inutusan ni Stephen para hanapan ng baho ni Johan. Duda na rin kasi ito matapos ang pagkikita nila noon sa ospital."Sigurado akong matutuwa si Boss Stephen nito." Sabi ni Aries na dahilan ng biglang pagkawala ng ngiti sa labi ni Albert.Alam kasi ni Albert na nagwawala na sa galit si Stephen sa mga oras na 'to dahil sa pumalpak ang plano nila kagabi."Sibat na tayo, may mga pulis dito." Yaya ni Albert. Mabilis namang binuhay ni Ron ang makina ng sasakyan pabalik sa warehouse."Sino ang mga batang iyon? Bakit kamukha ni Montavo ang mga yun?" Tanong ni Ron. Napaisip naman si Albert habang abala sa kaniyang yusi. Maya maya ay kinasa nito ang kaniyang baril at sinukbit sa kaniyang likuran. Tiningnan niya si Aries pagkatapos at binugahan ito ng usok sa mukha."Yun yung bagay na aalamin mo ngayon.
01."Maghiwalay nalang tayo!"Napahinto sa paglalakad si Louise nang marinig ang malakas na sigaw ng kaniyang ina mula sa gate ng kanilang bahay."Sus! Diyos ko po! Sinong lalaki na naman 'yang kaaway ni Lily?" Reklamo ng isang kapitbahay. Nakadungaw ang ulo nito mula sa bakuran habang panay naman sa paglikha ng kung ano anung haka haka ang mga kasamahan nitong chismosa."Ewan," kibit balikat ng isang nanay habang karga nito ang tatlong taong gulang niyang anak. "Bagong lalaki na naman yata.""Ano ba 'yang babaeng 'yan?! Halos iba ibang lalaki ang pumupunta sa bahay, a?""Nasaan kaya 'yung anak? Ang balita ko sa bar din daw nagtatrabaho 'yun.""Talaga, mare?!""Oo, sinabi sa akin ng anak ko. Pareho kasi sila ng pinapasukang university. Palagi nga raw nitong kasama 'yung professor nilang lakaki na matanda na." Nangilabot pa ang babae pagkatapos niyang sabihin 'yun."Sayang, maganda't matalino pa naman ang batang 'yun." Bulong nung isa na nagngangalang Marites. "Grabe talaga ang nagaga
02."Dad." Lumapit naman si Damian sa ama at magalang na nagmano."Who's this woman?" "Anak ko siya, dad. She's your granddaughter." Napalunok si Louise nang muli siyang balingan ng tingin ng matanda."Hello po." Tanging sabi niya habang nakayuko kaya hindi niya namalayan ang pagyakap sa kaniya ng matanda. Mabilis rin itong kumawala sa pagkakayakap tsaka hinagod ng tingin ang dalaga, mula ulo hanggang paa."Apo?" "Mahabang kwento, dad. Wag na nating pag-usapan.""Nasaan ang ina niya? You're hiding a family from us for a long years?""Her mother's dead."Lingid sa kaalaman ni Louise na tinatago sila ng ama sa publiko. Ayaw kasi nitong madungisan ang mala-gintong imahe kapag lumabas na nakabuntis ng p****k ang kaniyang ama. Hindi niya tuloy maiwasang itanong sa sarili kung ganun ba talaga nito ikinahihiya ang ina para sabihing patay na ito?Gustong maiyak ni Louise dahil sa sakit na nararamdaman sa sinabing iyon ng ama, ngunit ginawa niya ang lahat para pigilan ang sarili. Ang ina na
03.Nagising kinabukasan si Louise dahil sa maingay na hampas ng alon. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay mabilis siyang napabalikwas dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha.Nang mag-unat siya ay bigla naman siyang nanigas dahil sa mukha na nahawakan mula sa kaniyang tabi. Dahan dahan niya iyong nilingon at bumilog ang kaniyang mga mata sa nakita.Isang gwapong mukha ng lalaki ang tumambad sa kaniya. Mahimbing itong natutulog habang nakadapa at kahit kalahating mukha lang nito ang nakikita ay ubod ng gwapo ang lalaki dahil sa matangos nitong ilong, makapal na kilay, pakurba at mahahabang pilikmata at kulay rosas na mga labi. Tipong makalaglag panty ang itsura.Ngunit nang makita niya ang maraming dugo na nakapulupot sa braso nito ay doon na niya naalala ang nangyari kagabi."Shit!" Hinanap niya ang orasan sa kwarto at nang makitang tanghali na ay halos tumalon na siya kama dahil sa kaba. Pihadong hinahanap na siya ng ama at ng lolo niya."Patay ako nito." Ngunit
04."Good morning, Mr. Sullivan."Maligayang bati ng isang middle age na lalaki na nakasuot ng itim na suit and a big black rimmed eyeglasses. Malapad ang ngiti nito habang maingat na inalalayan sa pagbaba ng kotse si Gideon.Nahihirapan na kasi talaga itong maglakad dahil sa katandaan. Kailangan nito ng alalay sa tuwing maglalakad o hindi kaya'y kailangan nitong gamitin ang kaniyang mahiwagang tungkod."Nakahanda na ba ang lahat, Roger?" Tanong ni Damian sa lalaki na personal assistant ni Gideon."Opo, sir Damian. Nasa loob na po ang lahat maliban kay Mr. Montavo na mukhang hindi na darating." Balita ni Roger habang naglalakad sila papunta sa conference room."Ang lalaking 'yun," napapalatak na sabi ni Damian. "Hindi pa rin talaga marunong sumunod sa tamang oras ng meeting.""Mukhang ganun na po talaga si Johan Montavo, sir." Nakangiting turan naman ni Roger."Dumating man siya o hindi, magsisimula na tayo." Sabi ni Damian kaya kaagad tumalima si Roger para asikasuhin ang iba pang mga
05.Makalipas ang limang taon.Naging masaya ang buhay ni Louise sa Australia. Pagkatapos malaman ng mag-ama na buntis siya ay labis na nadismaya ang mga ito. At dahil bago palang naipakilala si Louise sa mga business partners nila ay nagdesisyon si Damian na ilayo ang anak sa Pilipinas para makaiwas sa issue.Medyo nasaktan naman si Louise sa desisyon ng ama. Pakiramdam kasi niya ay hindi siya nito kayang ipaglaban sa ibang tao.Ngunit nagbago ang paniniwalang iyon ni Louise nang maranasan niya ang maging magulang. Naunawaan niya ang ama nang lumagay siya sa sapatos nito."Where are we going, mommy?" Bibong tanong ng batang si Louven sa ina. Isang oras na silang nakarating sa airport ng Pilipinas. Ang problema lamang ngayon ay na-stuck sila sa traffic dahil sa kaunting aksidente sa kalsada. Mabuti nalang at hindi nagrereklamo ang kambal sa kabila ng maalinsangang simoy ng hangin. Dagdag mo pa ang maruming usok dahilan kung bakit panay kamot sa leeg ang kambal.Oo, kambal ang naging
06.Kring!Napabalikwas ng bangon si Louise dahil sa tunog ng kaniyang cellphone. Kinapa niya iyon sa kama pero hindi niya mahanap. Awtomatiko siyang nainis dahil kulang na kulang talaga siya sa tulog."Shit!" Mura niya dahil sa ingay ng pag-ring. Nang malaman niya kung nasaan ang cellphone ay pupungas pungas siyang tumayo para damputin iyon sa sahig.She sat on her bed, yawned and stretched a little bit before she answered the call."Sino 'to?" "Ms. Louise. Si Maricel po 'to. Naisturbo ko po ba kayo?" Maligalig na bungad ng babae sa kabilang linya. Sinulyapan niya ang orasan sa bedside table at nakitang alas singko pa lang ng umaga.Parang hindi nauubusan ng energy ang babaeng 'to. Sabi ni Louise sa isip."Hindi. Anong kailangan mo?" Tumayo na sa kama si Louise tsaka nagtungo sa kabilang kwarto para silipin ang kambal. Mahimbing pa namang natutulog ang mga ito at parang hindi namahay. Kumpara sa kaniya na halos magdamag na hindi nakatulog."Confirmed na po ang meeting niyo with Mr. M
07.Pasado alas otso ng gabi nang makalabas ng kompanya si Johan. Kasama nito ang kaibigan niyang si Arthur at ngayon ay papunta sila sa bar para mag-inuman.Madilim ang mukha ng lalaki sa nangyaring sagutan nila kanina ng kapatid niyang si Rohan. Palagi kasing magkasalungat ang mga opinyon nila pagdating sa mga bagay bagay kaya madalas silang magtalo at madalas sa harapan pa ng kanilang ama.At kanina nga ay muli na namang nabungkal ang issue tungkol sa babaeng nabuntis ni Rohan na ngayon ay naging isang malaking prolema na sa pamilya nila. Hindi kasi tumitigil ang pamilya ng babae hangga't hindi pinapanagutan ni Rohan ang bata. Nagbanta pa ang mga itong magdedemanda kapag wala pa ring ginawa si Rohan para pakasalan o akuin ang pagiging ama sa bata.Pessimistic na tao si Johan. Mas inuuna nitong tingnan ang mali bago ang tama. Kaya iniisip niya na pera lang ang habol ng pamilya sa kapatid niya kaya pinagdudutdutan ng mga ito ang anak na nabuntis, duda rin si Johan kung aksisente lang