Share

CHAPTER 3: AFTER TWO MONTHS

Sage's POV

"What's the meaning of this, Sage?! You are pregnant? Ni hindi pa nga kayo kasal ni Nathan nagpabuntis ka na kaagad?! Do you even know how it would affect our family?! Ano na lang sa tingin mo ang iisipin ng mga kamag-anak natin?!" 

Sunud-sunod ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko habang patuloy ang paninigaw sa akin ni Daddy. 

Oo, buntis ako. 

Actually, ever since that victory party happened, bigla nalang ako nakaramdam ng kakaiba sa katawan ko. In denial pa ako noong umpisa, pero hindi rin ako nakatiis at nag-take ako ng pregnancy test at nag-positive nga. 

"Dad, I'm so sorry. I didn't mean it... Ni hindi ko nga alam kung ano nang nangyari at kung paano ako nabuntis..."

"That's bullshit, Sage! You know what? I knew this would happen! Ever since mamatay ang mommy mo, nag-iba ka na rin. I really thought I could trust you, but what did you do, Sage?! You disappointed me!"

"Daddy...Please...I'm so sorry..."

Sunud-sunod ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko habang nagmamakaawa kay Daddy. Pilit akong kumakapit sa braso niya habang humihingi ng tawad pero siya na mismo ang nagtulak sa akin palayo, dahilan upang matumba ako sa sahig. 

"I don't have a daughter like you, Sage. Wala kang utang na loob. Lumayas ka rito sa pamamahay ko!" sigaw pa ni Daddy. 

"Dad... No, please don't do this to me. Dad, apo niyo rin naman po itong nasa sinapupunan ko e... please, dad don't do this, please..." pagmamakaawa ko habang nakaluhod na sa harapan niya. 

Ngunit hindi naging sapat ang pagmamakaawa ko upang patawarin niya ako. "Wala akong apo at wala rin akong anak na kagaya mo, Sage. Mula ngayon, kalimutan mong ama mo ako. Huwag na huwag ka nang magpapakita pa rito!"

Matapos niyon ay tuluyan na rin siyang naglakad paalis kasama na rin ng stepmother ko habang ako ay naiwan lamang na nakalumpasay sa sahig habang patuloy sa pag-iyak. 

***

Pilit kong tinatawagan ang boyfriend kong si Nathan habang nakaupo ako sa may waiting shed matapos kong lumayas sa bahay namin pero hindi niya sinasagot ito, kaya naman sa huli ay napagdesisyunan ko na lamang na mag-punta sa pad niya. 

Nasa labas pa lamang ako ng pad ni Nathan ay may kakaiba na akong naramdaman. Tila ba may kung anong mabigat sa dibdib ko na pumipigil sa akin na tuluyang pumasok doon. 

Saktong hindi rin naka-lock ang pinto niya kaya madali akong nakapasok sa loob. 

"Nathan? Are you there? Nate?" 

Nilibot ko ang buong first floor ng pad niya pero hindi ko siya makita, kaya naman pumanhik na ako sa may bandang itaas papunta sa kwarto niya. Bigla na lamang nanginig ang mga kamay ko nang may marinig akong kakaibang ingay mula sa bedroom niya. 

"Oh my God...babe...oh!"

Ang ingay na kanina lang ay mga kaluskos, naging mga ungol at tunog ng mga nagkikiskisang laman nang mabuksan ko na ang pinto ng kwarto ni Nate. 

Nang mapatingin ako sa paligid ay doon ko nakita ang mga damit na nakakalat. Damit ni Nathan, pati na rin ng babae. Nangingilid ang luha sa mga mata ko habang unti-unti kong iniaangat ang paningin ko sa kama niya. 

At hindi nga ako nagkamali. 

Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagtataksil sa akin ng boyfriend kong si Nathan. Tila ba sarap na sarap pa silang dalawa sa pagniniig dahil hindi pa nila ako kaagad na napansin. 

"Nathan..." halos mawalan na ako ng boses dahil sa kaiiyak ko habang nakatingin sa kanila na harap-harapan akong pinagtataksilan. 

Pareho pa silang kaagad na napabalikwas nang makita ako. Humiwalay si Nathan sa babaeng katalik niya at saka tinakpan ang pagkalalaki niya gamit ang isa sa mga unan. 

"S-Sage? W-What are you doing here?" nagtataka niya pang tanong sa akin.

Mapakla naman akong tumawa habang pinupunasan ang luha mula sa mga mata ko. "Really, Nate? You're going to ask me why I'm here? Bakit, na-istorbo ko ba kayo ng babae mo?"

Nang mapatingin ako sa babaeng ngayon ay binalutan na ang katawan niya ng kumot, doon ko lamang napagtanto na kilala ko pala siya. Halos manginig ang buong katawan ko habang gulat na nakatingin sa kanya.  "Sam?!"

"Hello there, my sister." nakangiti niya pang sabi sa akin. 

Umiling-iling ako habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. "H-How can you do this to me? Nate? Matagal niyo na bang ginagawa ito? Matagal niyo na ba akong niloloko?"

"S-Sage, look, I can explain---

"Oo, Sage. Matagal ka na nga naming iniiputan sa ulo. Kaya lang masyado ka kasing tanga at utu-uto, hindi mo pa napapansin." pagpuputol ni Samantha kay Nate.

Tila ba binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niyang iyon. Nagpaligsahan sa pagpatak ang mga luha ko habang nakatitig sa kanya. "Sam, I trusted you. How can you do this to me? How can you betray me like this?!"

"Pwede ba, Sage? Huwag ka na ngang magtanga-tangahan as if hindi mo alam na hindi ka naman talaga minahal nitong si Nathan. Alam mo bang gabi-gabi ako ang kasama niya? At ikaw, trophy lang. Hindi ka naman papatulan nitong si Nathan kung hindi ka lang sikat. Pero ngayon, buntis ka na rin, hindi ba? Pati career mo mawawala na rin sa'yo. Kawawa ka naman."

"How dare you say those things to me!!" sigaw ko sabay sugod sa kanya saka ko siya sinabunutan. "Walanghiya ka! Pinagkatiwalaan kita! Tinuring kita bilang tunay kong kapatid pero ikaw lang pala ang aahas sa boyfriend ko!"

Patuloy lamang kaming dalawa sa pagsasabunutan nang bigla na lamang akong hilahin ni Nathan palayo kay Sam saka ako itinulak. "Enough of that, Sage! Pwede ba? Umalis ka na lang?!"

"At ngayon pinaalis mo ako? Bakit? Dahil mas pinipili mo si Sam kaysa sa akin?!"

"Oo! Pinipili ko siya! Tama naman ang lahat ng sinabi niya e, ginagamit lang kita! Kailangan kong dumikit sa'yo para sumikat din ako. Pero ngayong wala na akong mapapala sa'yo, hindi na kita kailangan kaya umalis ka na!"

Hindi ako nakapag-timpi. Kaagad kong sinugod si Nathan saka siya pinagsasampal. 

"Ang kapal ng mukha mong lalaki ka! Ang kapal ng mukha mo!"

"I said let him go!" sigaw pa ni Samantha saka ako itinulak palayo kay Nathan na ikinasanhi ng pagkatumba ko sa sahig. Susubukan ko pa sanang tumayo pero muli nila akong nahawakan sa magkabilang braso ko saka ako kinaladkad palabas ng pad na iyon. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status