Chapter 7“Misha,” Napatigil ako sa paglalakad ng sabayan ako ni kuya. “Ayoko. Alam mo namang hindi lang dahil galit ako sa kanya ang dahilan ‘di ba.” mahabang sumbat ko sa kaniya. “Hindi naman kita pipigilan sa desisyon mo e, nandito lang naman ako kasi napagutusan ako,” Kamot ulo nkyang sabi.Inirapan ko siya. “Ewan ko sayo bumalik kana nga ng pilipinas!” Pinalo ko pa siya sa balikat. “Ganyan mo na ba talaga kaayaw sa’kin kaya pinapaalis mo na ‘ko?” paawang aniya. “Oo, kaya umuwi ka na,” Nilagpasan ko na siya. Pero nararamdaman ko pa ring sumunod siya hanggang sa akbayan niya ako. “Oh, bakit hindi ka pa umaalis?” tanong ko. “E, nandito na lang din ako bibisitahin ko na mga pamangkin ko,” Kindat niya na akala mo’y napaka-bright ng idea niya.Hanggang sa makabalik na ako sa tarabaho ay hindi pa rin mawala ang pagkakakunot ng noo ko. Padagdag ng padagdag ang mga iisipin ko. Wala namang kaso na kahit may alitan kami ni dad hindi ko naman ilalayo ang mga anak ko sa kanya ‘caus
Chapter 8Ako na ang nagayos ng lamesa para sa hapunan tutal si lily naman ang nagluto.Matapos kong ihanda ang lamesa ay tinawag ko na sila sa sala.Agad namang tumakbo palapit sa’kin ang tatlo, pinaupo ko na sila sa kanikanilang upuan kasunod si kuya na hawak hawak ang namumulang kamay niya.“Nangyari sa ’yo?” Natatawang asar ko sa kanya ng makaupo siya sa tabi ko. “Ipaalala mo ngang h’wag galawin si Y, kapag natutulog.” mangiyak ngiyak niyang ani dahilan para mas lalo akong natawa. Kitang kita sa kamay niya ang napakalalim na bakat ng maliliit na ngipin.“Magbiro ka na sa bagong gising, h’wag lang kay Yhler na antukin.” nanghihina niya wika. tinapik tapik ko siya sa balikat, kaawa awang nilalang.“Ikain mo na lang ‘yan Mico.”“The food is ready,” Inilapag ni Lily ang niluto niyang ulam ‘tsaka umupo sa tabi ni Y. Nagsimula na kaming kumain.Umalis na si kuya pagkatapos namin kumain, nagpabook naman daw siya ng hotel kaya may matutulugan siya ngayong gabi bukas na rin kasi kaagad
Chapter 9Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang bumaba sa kotse ko. Kinakabahan man ay nagtuloy tuloy akong pumasok sa loob ng Xyz Corporation. Ngayon na ang araw nang meeting kaya kahit hindi pa ako handa ay kailangan kong harapin ito. Lalo pa at nakasalalay ang kumpanya ko dito.Seryoso akong naglakad sa gitna ng ground floor. I have to be professional hindi ako naghirap magaral para lang sa wala. No personal issues muna.Dire-diretsong pumasok ako sa elevator ‘tsaka pinindot ang floor ng office ko. Seven am palang nine pa ang simula ng meeting kaya naman may oras pa’ko.Bumungad sa’kin si Riza na nakaupo sa pwesto niya kaagad naman siyang tumayo saka sumabay sa’kin papasok sa office ko.“Ayos na ba ang lahat?” panimula kong tanong sa kaniya.“Yes ma’am,” Seryosong sagot niya “Are you sure the Montero will come?” panigurado ko na kaagad niyang tinanguan. “I am sure, ma'am.” Tumango tango ako. Sinenyasan ko siyang pwede na siyang bumalik sa pwesto niya.Inayos ko ang upo at n
Chapter 10I sighed exasperatedly. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Kyler kanina. What is he talking about me being a part of his life gayong pangalawang beses pa lang naming nagkausap. “Mommy!” napalingon ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Lily na kasama ang mga anak ko. Mukhang kagagaling lang nila sa school. Day care pa lang kasi ang tatlong ‘yan may mga nagsasabing matured na raw sila mag isip kaya dapat sa kinder na silang apat para mas mahasa pero hindi naman ako pumayag. Ayokong hindi nila ma-enjoy ang pagkabata nila gusto kong lumaki silang naaayon sa edad at nagagagawa ang gusto nila.“Mom, I got one three stars! I got three stars!” tumatalon talon na sabi ni Z habang ipinapakita sa akin ang tatlong star na nakadikit sa uniform niya.Walang paki-alam na dumiretso naman si Y sa couch. Ano pa nga ba ang ibang gagawin niya kung hindi ang matulog. He didn’t even changed.Napalingon ako sa panganay ko. Hindi ko mapigilang matawa dahil sa itsu
Chapter 11Miyerkules na ngayon, two days na ang nakalipas simula ng lumipat si Kyler at nasasanay na rin ako na nandito siya.Nakalipad na rin pabalik si lily sa pilipinas kaya ako na ang naghatid sa mga bata sa school. Hindi na rin siya nagsasalita ng mga alien words niya na siya lamang ang nakakaintindi. At kung magsabi nanaman siya ng ganoon ay hindi ko na siya pakikinggan alam ba niyang hindi ako nakatulog kakaisip sa mga sinabi niyang hindi ko naman maintindihan. Sa katunayan ay mag kasabay kaming magla-lunch ngayon, but of course he insisted because the last thing I want was be alone with him. “Order ka na,” nakangiting sabi niya nang may lumapit na waiter sa amin dala ang menu. Napatitig ako sa kaniya habang nagbabasa siya ng mga nakalista sa menu. Magkaibang magkaiba sila ni Tyler.Kahit mayabang ay palangiti naman siya friendly rin siya at magaan ang presensya. Kabaliktaran ng kakambal niya parati kasing seryoso si Tyler hindi rin sya friendly at may pagkamagaspang ang
Chapter 12"Damn! You all are useless!”Dumagundong sa buong silid ang sigaw ng lalaking Montero. Nagpupuyos ito sa galit dahil sa kadahilanang wala ni isa sa inatasan niya ang makahanap sa babae.Nanatiling nakayuko ang mga ito takot na baka pagbuntuan ng galit ng lalaki. They should be, Tyler thought. Binabayaran sila at kailangan nilang ibigay ang lahat dahil hindi sila inatas para sa wala. Sumimsim si Tyler sa basong naglalaman ng wine. Drinking is somewhat making him feel at ease. Kahit pa paano ay nababawasan noon ang galit niya dahil sa problemang apat na taon ng walang progreso.“Dude, I know malapit na tayo. I have informations here.” Pagpapalubag loob ni Martini Antonio ang kaibigan at siya ding inatasan ni Tyler para maghanap. Ipinatong nito ang isang envelope sa lamesa.“Still, useless.” Komento ng Montero matapos basahin ang laman ng mga papeles.“Sumosobra ka na!” Gayon na lamang ang gulat ni Martini ng isa sa mga baguhan niyang tao ang naglakas loob na magtaas ng bo
Chapter 13Lumipas ang ilang araw na laging pumupunta si Kyler sa bahay namin naging malapit na rin siya kay X at Z pero ilag pa rin si Y sa kanya. Palagi siyang pumupunta sa bahay na may dalang kung ano ano para sa mga anak ko, hinayaan ko na lang tutal mga pamangkin naman niya ang mga anak ko.Sabado na ngayon at nangungunsumi ako dahil ilang oras na lang magsisimula na ang program para daw sa father's day. Namomroblema ako kung paano makakaattend ang mga anak ko gayong wala silang kasamang tatay.“It's okay mom, if we don't attend,” suhestyon ni X sa tabi ko nakabihis na silang tatlo pero hindi pa rin kami nakakaalis.“No, we're going kahit walang daddy okay?” I assure them and they nodded. Bahala na papapasukin naman siguro kami kahit walang tatay.“Ma'am you're not allowed to enter without a father,” Bagsak ang balikat na bumalik ako sa pwesto ng mga anak ko bakit ba ang bobo ko father's day nga ‘di ba? E ‘di dapat may tatay. “We can't, aren't we?” Napabuntong hininga ako sa si
Chapter 14Agad kong iwinaksi ang kamay niya. “Ah, babalik na ‘ko.”Tiningnan ko muna siya bago dali daling tumayo paalis, at kaagad nakahinga ng maluwag dahil hindi naman siya sumunodHabang naglalakad pabalik sumagi sa isip ko ang sinabi niya. Hindi ko na alam, pareho ko silang ayaw paniwalaan dahil kahit saan ko tingnan ay wala namang malalim na dahilan para magustuhan nila ako. Si Tyler? Gusto ako? Noong magkasama kami ay oo, ramdam ko ang pagaalaga niya pero ‘di kailanman niya sinabi na gusto niya ako. Kaya nga walang lingon lingon akong umalis dahil wala akong kahit isang pinanghahawakan sa kaniya.Natapos ang programaa na hindi kami naguusap o magandang sabihin na hindi ko siya pinapansin. Hindi ko alam kung paano kikilos ng naaayon dahil sa sinabi niya, kung aakto ba akong parang walang nangyari. Kaya naman mas pinili kong h’wag na lang siya pansinin.“Z, drink your milk!” Sigaw ko kay Z mula dito sa kusina, naghuhugas kasi ako ng pinggan wala naman ibang gagawa nito kun’di a