SA WAKAS! tapos na! Tapos na po ang Book 1 and Book 2 nang HTMT tuluyan na pong natapos ang kwento ni Misha at Tyler. Hi, loves! Hello sa mga nagbabasa po nito hanggang ngayon, na nakaabot na tayo sa dulo ng kwento nila Misha at Tyler. Malaki po ang pasasalamat ko sa mga nanatili. Sa mga nagbigay nang gems lalong lalo na sa ating Top 3 gem contributor na si Ma'am Mary Angeli at Ma'am Lanie Arguelles at higit sa lahat ang Top 1 maraming maraming salamat po Ma'am Marilou A. Fuentes. Asahan po ang mga susunod na Kabanata ay SPECIAL CHAPTERS kung saan ang kwento naman ng triplets, sana po ay subaybayan niyo rin ang kanilang kwento. Iyon lamang po maraming salamat ng marami! Lovelots!!***SPECIAL CHAPTER 1: Xyler Montero Magulo ang buhay ni Asterelle Uy, sa edad na bente otso ay palagi siyang ipinapasok sa blind dates ng kaniyang lola. Sa isang pagkakataon ay napasok siya sa maling floor at doon ay nakita ang akala niya’y ka-blind date niya ngunit ang kinatatakutang panganay pala ng mga
Special Chapter 1: X“What do you want to do about this? Hah! Kailan ka pa naging ganito katanga Vincent!” Nagpupuyos sa galit si Don Vicencio Uy walang pagsidlan ang inis na kaniyang nararamdaman. Ibinagsak niya sa lamesa ang papeles na hawak.“Bumaba nang thirty percent ang kita ng kumpanya dahil diyan sa katangahan mo!” Napahilot na lamang siya sa kaniyang sintido nang makitang hindi naman nakikinig sa kaniya ang anak. Nakatutok lamang ito sa cellphone at kung minsan ay tumatawa tawa sa kung anong nabasa. Pabagsak na naupo ang Don. Kailanman ay hindi niya napatino ang panganay na anak. Ilang sandali pa at marahas na bumukas ang pintuan. Iniluwa noon ang nagaalalang mukha ng kaniyang pangalawang anak. “Anong nangyari, Ba-ba? (Papa)” aligagang tanong ni Asterelle nang siya ay tuluyang makapasok sa opisina ng kaniyang ama. “What did you do this time, Ahya? (Brother)” dagdag pa niya. Kaswal na tumingala sa kaniya si Vincent, inirapan lamang siya nito at matapos ay ibinalik na muli
Special Chapter 2: XNabato sa kaniyang kinatatayuan si Asterelle. Hindi siya nakagalaw at sa halip ay gulat na nakatingin sa lalaking nasa sahig at namimilipit na ngayon sa sakit. “Shit! W-What did you do?” inis habang dumadaming na sigaw sa kaniya nang lalaki. Dahil sa sinabi nito ay mabilis siyang natauhan. Humakbang siya palapit dito ngunit sa huli ay umatras din. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Ilang sandali pa at namatahan niya ang isang maliit na timba na siyang naglalaman nang maraming maliliit na kahon ng yelo. Dala nang pagkataranta ay kaniya itong kinuha at walang pagaalinlangang ibinuhos sa ibabang bahagi ng katawan ng lalaki. “What the heck!” daing nito matapos maramdaman ang lamig sa katawan. “S-Sorry,” saad na lamang ni Asterelle. May narinig siyang mga yabag mula sa labas. Alam niya sa sariling iyon na ang panahon para tumakbo siya, nagaalangan man ay ginawa pa rin niya. Kumaripas siya nang takbo palabas ng floor na iyon. Mabilis siyang nagtakip ng muk
Special Chapter 3: XIsang masayang okasyon ang kasal, sagrado, minsan pang-habang buhay kadasalan nagtatapos sa katapusan.Isang mahabang red carpet ang nakalatag sa sahig. Magagandang bulaklak ang nakasabit sa mga upuan maging sa kisame nang simbahan. Ilang sandali pa at isa-isang nagsidatingan ang mga saksi sa magagananap na kasalan. Kulay asul ang suot nang mga bisita. Hindi gaya nang langit na kulay abo at nagbabadya ang pag-ulan. “This will be the chance for our family to connect, hindi magtatagal at magiging isang pamilya na rin tayo. You can just always treat our family as your very own. Don’t worry our daughter is a good kid, hindi kayo magsisisi na siya ang napili niyo.” Umarko ang labi ni Asterelle nang marinig iyon sa labas nang kinalalagyan niyang sasakyan. Boses iyon ng kaniyang ina, at hindi niya nagugustuhan ang lumalabas sa bibig nito. “Kung makapagsalita, ay parang hindi ako anak pero isang tuta na ibinebenta sa bagsak presyo,” “Stop saying that, Elle. Mother kn
Special Chapter 4: XPalakpakan ang namutawi sa buong simbahan nang ilang hakbang na lamang ay mararating na ni Asterelle ang kaniyang mapapangasawa. Mula pa lamang sa kaniyang kinatatayuan ay tanaw na niya ang lalaking mapapangasawa niya. Tanawin pa lamang ito ay hindi na niya nagustuhan. Lalo pa noong tuluyan na siyang nakalapit dito. Hindi naman sa panlalait, aniya sa kaniyang isipan. Mas matangkad pa siya rito mayroon din itong katabaan, nakasalamin at noong ngumiti ay hindi niya nagustuhan dahil naninilaw ang ngipin. “Maybe I expect too much,” pagbulong niya. Labag man sa kaniyang loob ay iniangkla niya ang kamay sa braso nito. Kaagad siyang nairita nang mahina pa itong kumanta kanta habang naglalakad sila papunta sa altar. “Asterelle, right?” Nilingon niya ito nang tawagin ang pangalan niya. Sinipat sipat siya nito na ani mo ay pinagaaralan ang itsura niya. “Pwede na.” Nanguyom ang kamao ni Asterelle. Kaunting-kaunti na lang talaga at makakapanakit na siya. Tunay nga ang
Special Chapter 5: X“What are you saying?” Iyan na lamang ang nasabi ni Xyler sa nagmamaktol na babae. He might admit that he was caught off guard. Mas naging malawak ang pagngiti ni Asterelle. Ikinatutuwa niya ang nakapaskil na inis sa mukha ni Xyler ngayon. “You can now get out of there,” saad nito. Doon lamang niya napagtantong nakabukas na ang selda hindi kagaya kahapon na nakakandado siya sa loob. “Hindi na.” Umaarte pa rin niyang ani. Bumangon siya at hinawakan ang pintuan nang selda matapos ay akmang isasarado iyon ngunit iniharang ni X ang kaniyang paa. “Ano ba? Hindi mo tatanggalin, ayos na nga kami. Hindi mo na kailangang magalala, dito na lang kami habang buhay nang anak mo sa selda!” asik pa niya. “Sus ginoo ang mga kabataan ngayon, kakasal pa lamang ay nagaaway na kaagad,” komento nang isang matandang lalaki gaya nang ninais ni Asterelle. “Mga lalaki nga naman, walang away sa mga asawang babae. Tabi nga!” Napaatras si Xyler nang sabihin iyon nang isang babaeng s
Special Chapter 6: X“Seryoso ka na ba rito? Alam mo naman sigurong matalino at tuso ang mga Montero hindi ba. Paano na lang kung malaman nila na hindi ka talaga tunay na buntis?” nagaalalang wika ni Shelly matapos ay inilagay nito ang tiniklop na damit ni Asterelle sa maletang nakalapag sa kama. Kasalukuyan silang nasa condo na tinutuluyan ni Asterelle. Tinutulungan siya ni Shelly na magimpake sapagkat sa tinutuluyan na siya ni Xyler maglalagi. “Hindi nila malalaman kung hindi ka magsasalita, Shell. Itikom mo na lang ang bibig mo, okay?” sagot naman ni Asterelle at saka i-ziniper ang maleta nang makitang puno na iyon. Napabuntong hininga na lamang si Shelly at wala nang nagawa pa kung hindi sumangayon. Mula pagkabata ay magkasama na silang dalawa. Sila na ang naging sandalan nang isat-isa sa tuwing nagiging mahirap ang gulo sa kanilang pamilya. Gustuhin mang itago ni Asterelle ang kasinungalingan kay Shelly ay hindi niya magawa. Umamin pa rin siya rito na hindi tunay ang kaniyang
Special Chapter 7: X “What’s the matter, ma'am? Didn't have a good night sleep?” Iyan ang naging tanong ni Yves nang sandaling pumasok ito sa opisina ni Asterelle at makita siyang nakatulala. Napahawak sa kaniyang dibdib si Yves dahil sa gulat matapos humiyaw ni Asterelle at sabunutan ang sariling buhok. Napangiwi ang sekretarya nang iuntog untog pa nang kaniyang boss ang ulo sa lamesa. “Kahihiyan . . .” mahinang saad ni Asterelle habang nakayukyok pa rin ang ulo sa lamesa. Napailing na lamang si Yves at saka ipinatong ang mala-bundok na papeles sa lamesa. Naging dahilan iyon para mas lalong manlumo si Asterelle. “Hindi ko alam kung anong problema, pero marami pa ho tayong trabaho. Na-cancel ang meeting ngayon kay Mr. Chua, kaya naman may oras na kayo para basahin ang lahat nang proposals ngayong buwan.” Inayos nito ang pagkakasalansan nang papel.Pagkatapos ay saka nito tinungo ang pintuan. “Good luck, ma'am,” saad nito at nag-thumbs up pa bago tuluyang lumabas. Asterelle brus