Share

Damian & Anya 9

Anya's POV

MATAGAL kaming nagkatitigan bago tumawa si Damian na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. "Stop trying to be funny."

Sa kabila nang pagtawa niya ay halatang-halata ko ang inis sa mga mata niya.

"Mukha ba akong nagpapatawa? Ang mga luha ko, ang pagmamakaawa ko, joke lang ba itong lahat para sa iyo?"

Gusto kong magmura sa sobrang inis, pero napapagod na ang puso ko sa pakikipag-away. Gusto ko rin ibigay sa anak ko ang gusto nito—ang makasama ang papa niya. At para mangyari iyon, alam kong kailangan kong tanggapin na hinding-hindi na babalik sa akin si Damian. Na si Margot na ang mahal niya at kapag nawala ako, si Margot na rin ang tatayong pangalawang ina ni Andi.

Kung gusto kong sumaya at maging maayos ang buhay ng anak ko oras na iniwan ko ito, ngayon pa lang, kailangan ko nang ayusin at tanggapin ang lahat. Kailangan kong sanayin si Andi sa presensya ni Margot, at kailangan kong masanay na makita ang mag-ama ko... masaya kasama ang ibang babae. Kasama ang stepsister ko.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (15)
goodnovel comment avatar
Talyn Marasigan
ok sa akin to,past,present na my twist
goodnovel comment avatar
Aris T. Quesada
update ulit ms a...
goodnovel comment avatar
Kathrina Ano
more updates plssssss
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status