Damon's POVBIGLANG nanlambot ang mga tuhod ko sa nabasa. Pabagsak akong napaupo sa single sofa at natulala na lang.Inagaw ni Nico mula sa akin ang cellphone ko bago mabilis na tumakbo palabas. Nagsimulang manginig ang mga tuhod at kamay ko. Sinong gagawa nito? Sinong dudukot kay Luci?Nang maisip si Antonio Dionisio ay mabilis akong tumayo at sumakay ng sasakyan. Mula sa huling lugar kung saan sila nakita, nagmaneho ako nang limampu't limang minuto at sinundan lang ang daan. Hanggang sa marating ko ang liblib na lugar kung nasaan si Nico at ang iba ko pang mga tauhan."Nico!"Mabilis kong nilapitan ang kotseng ginamit nina Pio at Luci nang umalis sa mansion. Nandito pa rin ang walang buhay na katawan ni Pio. Tadtad ng bala. Ngunit si Luci ay wala."Where's my wife?"Nico shook his head. "Ganito na ito nang dumating kami."Itinaas ko ang wristwatch ko at nakitang alas-dose na ng hatinggabi. I was late—I was three hours too late. They got her."Si Antonio lang ang mangangahas na gumaw
Damon's POVNAKAUPO ako sa dulo ng kama at nakatitig sa huling text message na ipinadala ni Luci sa akin. Gusto kong magmura sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.Hindi si Luci ang babaeng natagpuan sa labas ng subdivision kahapon. Pero pakiramdam ko, ang taong may hawak sa kaniya ang may kagagawan no'n. Gusto akong paglaruan nito. Sinasadya nilang gawin ito upang pahirapan ako!Oras-oras, para akong mababaliw sa pag-aalala. Kasalanan ko ang lahat. Kung pinakitunguhan ko lang siya nang tama, hindi siya aalis noong gabing iyon. Kung nanatili lang sana ako sa tabi niya... hindi siya makukuha sa akin."Kung sinagot ko lang ang tawag mo, baka nandito ka pa rin sa tabi ko. I'm sorry, Luci. Kasalanan ko ang lahat nang ito."Hindi ko na alam kung anong gagawin. Buong tao ko ang nagkalat sa Maynila, pero hindi namin magawang mahanap si Luci. Ni hindi ko alam kung nasa Pilipinas pa ba ito o nasa ibang bansa na.Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana nanatili na lang ako nang ara
Damon's POV"Damon, kailangan na natin umalis."Marahan akong umiling habang nakatingin sa kawalan."Sir... Damon... ""Hindi ko siya pwedeng iwan ulit... lalamigin siya dito."Narinig ko itong nagpakawala ng malalim na buntonghininga. Tumayo na ako at nilapitan ang katawan ni Luci. Ang dating maamo at inosente nitong mukha, ngayon ay punong-puno ng pasa.Kumuyom ang mga kamao ko. "Bumalik ka sa akin. Luci, bumalik ka. Mamahalin na kita nang tama... gagawin ko na ang lahat ng gusto mo. Bumalik ka lang."Muling umagos ang mga luha sa pisngi ko habang hinahaplos ang malamig niyang mukha."Sir, Nico!""May balita ka ba?""Natunton na namin sila!"Muling Kumuyom ang mga kamao ko. "Wife, pagbabayaran nila ang ginawa nila sa iyo. Pinapangako ko, papatayin ko silang lahat."Hinalikan ko ang mga labi niya. Tumagal ito nang ilang minuto. Dinama ko ang maputla at nanlalamig niyang labi sa unang pagkakataon... kung kailan wala na siya sa akin. Kung kailan isa na siyang malamig na bangkay.***"S
Damon's POVMATAGAL akong nakatitig sa wooden table habang iniisip ang nangyari kanina. Hindi ako pinaglalaruan ng isip ko. Alam kong si Luci ang babaeng nakita ko.Kahit tatlong taon na ang lumilipas, kabisado pa rin ng isip ko ang bawat korte ng mukha niya. Isa lang ang pinagtataka ko, bakit tumakbo siya palayo sa akin? Bakit parang hindi niya ako kilala?Mariin akong pumikit. Alam kong hindi ako matatahimik kaya mabilis akong nagbihis. Suot ang simpleng puting shirt at maong na pantalon ay mabilis akong pumunta sa resort.Naabutan kong abalang nagluluto sina Carissa at ang ina nito sa kusina. Ang pinsan nitong lalaki na bored na nakaupo sa isang mesa ay biglang napatayo nang makita ako."Sir Damon."Mabilis na nabaling sa akin ang paningin nila."Sir Damon! Bakit naparito ka? May kailangan ka ba?" Masigla akong nilapitan ni Carissa pero hindi ko ito binigyan ng pansin."Nasaan na ang babae kanina?""Po? Babae?""Sinong babae ang tinutukoy mo, sir?" Lumapit sa akin si Aling Nenita,
Damon's POVILANG minuto na rin akong nakatitig sa malayo habang iniisip ang sinabi ni Mang Ernesto. May problema si Luci sa utak? At bumalik sa pagkabata ang pag-iisip nito?Mula sa kawalan ay nilingon ko ang maliit na bahay kung nasaan ngayon ang asawa ko. Anong aksidente ang nangyari sa kaniya?"Anong nangyari sa iyo, Luci? Kailangan kong malaman."Lalapitan ko sana sina Mang Ernesto at Jojo na nag-uusap sa gilid, nang biglang lumabas mula sa kubo si Aling Guada. Banayad itong ngumiti sa akin at nagpakilala."Sir, ako ho si Guada, at anak ko si Laura. Pinagpahinga ko muna ang bata at pinatulog. Hindi maganda ang pakiramdam niya. Nagulat siya sa mga nangyari."Tumingin ako sa loob ng bahay nila. Gusto kong makita si Luci. Gusto ko na siyang isama sa akin paalis—ngayon din mismo. Pero sa nakikita kong kilos ng dalawang matanda, mukhang mahihirapan ako. Para bang iniisip ng mga ito na anak talaga nila ang asawa ko."Hijo, makikiusap sana ako sa iyo, hindi magagawa ng anak ko ang bagay
Damon's POVHUMINTO ako sa paglalakad nang marinig ang usapan nina Mang Ernesto. Pumunta ako dito sa kanila para personal na sunduin si Luci. Nasa likuran sila ng kubo at mukhang nagtatalo."Ako na lang! Kalokohan naman iyang gustong gawin ng lalaking iyan! Ano? 50k? May ganoon bang kamahal na relo? Ano iyon, ginto?""Ate Linda, wala akong ninanakaw."Malakas na kumabog ang dibdib ko nang marinig ang mababa at malambing na boses ni Luci. Kahit pananalita nito ay para nang bata."Oo, bunso. Alam ko, naniniwala ako sa iyo!""Anak, wala tayong magagawa. Natatakot ako na baka ipakulong niya ang kapatid mo kaya pumayag ako.""Pero itay naman, bakit kailangan si Laura pa? Baka naman iba na ang gusto niya! Iharap n'yo sa akin ang gagong iyan at patitikimin ko lang!""Linda, huminahon ka. Ang kapatid mo ang pinag-uusapan dito.""E hindi naman ninakaw ni Laura ang relo niya! Hindi magnanakaw si Laura! Baka nga nagsisinungaling pa ang lalaking iyan! Naniniwala ba talaga kayo sa kaniya?""Syempr
Damon's POV"Baby ko... "Mabilis akong tumayo at nilapitan si Luci. Nabitiwan niya ang librong hawak niya nang hawakan ko siya sa magkabilang braso."H-huwag hawak.""Buhay ang baby natin? Luci, nasaan ang baby natin?""Huwag mo akong hawakan.""Luci, please, tell me where's our baby? Nasaan ang anak natin!""N-nanay... nanay... ""Luci, ang baby natin, did it survive? Luci, please!""Nanay!""Laura?"Patakbong lumapit sa cottage ko si Carissa nang marinig nito kami. Diretso itong pumasok kaya bumitiw agad ako mula kay Luci."Carissa!" Yumakap agad si Luci kay Carissa nang malapitan ito, at saka tinuro ako. "Takot niya ako.""Anong nangyayari, Sir Damon? Bakit umiiyak si Laura?"Makailang ulit akong humugot ng hininga para punuin ng hangin ang dibdib ko. Bakit ba ngayon ko lang naalala ang tungkol sa pagbubuntis ni Luci? Ang tungkol sa baby namin na ni hindi ko nagawang paniwalaan noon?Tumingin ako kay Carissa at nakita itong inaalo si Luci. "May sinasabi siya kanina. Tungkol sa bab
Damon's POVPASADO alas-otso na ng umaga pero wala pa rin si Luci. Kanina pa ako naghihintay sa labas ng cottage dahil ngayon sana kami tutuloy sa bayan.Naupo ako sa tuktok ng baytang ng hagdan at muling inalala ang sinabi ni Carissa kahapon.Kasal na si Laura, at may anak na rin ito.Kailan ito ikinasal? Paano kung kinasal ito nang magkapalit sila ni Luci? Hindi ako makakapayag na may ibang lalaking magmay-ari sa kaniya.Nagdesisyon akong sunduin na sa kanila si Luci. Hindi na rin ako mapakali. Mabigat ang loob ko sa bawat oras na dumadaan.Malayo pa lang, narinig ko na ang mga boses na nagsisigawan mula kina Mang Ernesto."Mga patay-gutom! Mga makakapal ang mukha!""Lilibeth, sumusobra ka na. Wala kang karapatan pagsalitaan kami nang ganyan.""Anong wala? E, totoo naman! Makapal ang mga mukha ninyo! Ang lalakas ng loob n'yong mangutang, wala naman pala kayong pambayad! Tuwing may pera kayo, namimili lang kayo pero hindi n'yo magawang bayaran ang mga utang ninyo!""Hoy! Ang binibili