Dianne's POVNAPATAKIP ako ng mga labi nang makita ang madilim nitong mukha. "M-Matthias, k-kanina ka pa ba dyan?"Matalim ang tingin niya pero hindi niya sinagot ang tanong ko. "Kanina pa kita hinahanap. Let's go back to the party. Everyone is waiting."Kinalma ko ang sarili ko at huminga nang malalim. Mukha naman wala siyang alam. Right, wala itong alam dahil kung mayroon man, hindi na niya kami bubuhayin ni Eros."S-sure. Let's go."***After the party, agad akong nagpaalam kay Matthias na magpapahinga ako sa kuwarto ko. Pero ang totoo, nalilito lang talaga ako sa gagawin.Should I go to Eros' room? Hindi ko kaya. Para naman ako ang habol nang habol sa kaniya kapag ginawa ko iyon. Isa pa, karamihan sa mga bisita ni Matthias, dito matutulog sa vacation house nito.Wala namang problema kung matulog ang mga bisita rito. Nasa mahigit tatlumpu ang silid sa mansion na ito kaya lahat ay maaasikaso, but still, kapag may nakakita sa akin na naglalakad papunta sa kuwarto ni Eros, siguradong
Eros' POVNAALIMPUNGATAN ako sa pagtulog nang makarinig nang impit na ungol mula kay Dianne. Nakatalikod ito mula sa akin kaya hindi ko makita kung gising siya o tulog.Lumapit ako sa kaniya at sinubukan siyang ipatihaya. Natigilan ako nang makitang umiiyak siya habang tulog."S-Strawberry. A-anak ko... "Matagal akong natigilan at nanigas sa kinahihigaan dahil sa narinig. Si Strawberry. Hanggang ngayon... nasasaktan pa rin siya sa nangyari sa anak namin."Dianne." Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi niya.Pabaling-baling ang ulo niya habang walang katapusan ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Kahit tulog ay kitang-kita sa mukha niya ang sakit dulot nang pagkakawala ng aming anak."Strawberry ko... don't leave mama... "Mariin akong lumunok at pinilit na kontrolin ang sarili kong emosyon. Pilit ko siyang ginising hanggang sa bumalik ang malay niya."Strawberry." Lalo pa siyang naiyak nang magising.Mahigpit ko siyang niyakap habang inaalo sa likod. She hugged me back and continued cryi
Dianne's POV"Makakaya ko rin pumatay para sa kaniya."Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain nang marinig ang tinuran ni Matthias. Tiningala ko siya. Nakita ko kung paano dumilim ang mukha niya sa paglipas ng segundo habang nakatingin kay Eros.But when I turned to Eros, nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang nakangiti pa ito. Baliw ba siya? How can he smile like that after he was just threatened?Akmang magsasalita si Eros, pero mabilis kong kinuha ang atensyon ni Matthias para maiwasan na ang pagdiskusyon sa pagitan nila."D-darling." Pinagapang ko ang kamay ko sa dibdib niya at pinalambing ang tinig ko. "I saw the horses awhile ago. Gusto ko sanang mangabayo at mamasyal sa tabing-dagat."Itinuon niya sa akin ang buo niyang atensyon. "Darling, medyo masama ang pakiramdam ko dahil sa party kagabi. Can we do it a little later?""I can accompany her."Napatingin kami kay Eros sa sinabi nito. He looked at me intently, na parang wala siyang pakialam kahit nandito lang si Matthias at pi
Dianne's POVNILILINIS ni Eros ang katawan kong napuno ng putikan sa ilalim ng malakas na ulan. Kanina pa nito hinihilog ang buong katawan ko gamit ng kaniyang mga kamay.Nang matapos ay tumayo siya sa harap ko at hinagkan ako sa mga labi. "Dianne.""Dito na tayo magtatapos."Natigilan siya sa sinabi ko. Sinalubong ko ang mga mata niyang puno ng pagkalito."No."Inarkuhan ko siya ng isang kilay. "No?""Hinding-hindi ako papayag na matapos tayo. This is only the beginning.""Beginning?" Bigla akong natawa. "Bakit? Kahit na alam mong ikakasal na ako, nakahanda ka pa ring ituloy ito?""Oo."Tumingkayad ako hanggang sa ilang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa."Wala ka talagang takot sa langit. Hindi mo ba naisip na puwede tayong parusahan sa ginagawa natin?""Malunod na ako sa kumukulong kumunoy ng kasalanan, pero hinding-hindi kita bibitiwan, Dianne."Mariin akong lumunok sa mga narinig. Wala akong nakikitang halong pagbibiro sa mga mata niya. Gusto ko tuloy na muling
Dianne's POVMALAPAD ang ngiti sa mga labi ko habang pinapadala ang picture ni Mariedel sa social media account ni Eros. Gusto kong malaman kung may ugnayan pa rin sila hanggang ngayon at malalaman ko iyon sa pamamagitan nito. "Siguradong magmamadali ang lalaking iyon kapag nalaman na nadehado na naman ang kabit niya."Ibinalik ko kay Joseph ang cellphone nito na siyang ginamit na pangkuha ng picture kanina ni Mariedel.I dialed his number after that. "I visited your mistress awhile ago.""What?" hindi makapaniwala ang boses niya.Natawa lang ako bago ibinaba ang tawag. Bumalik na kami sa Manila at dumiretso sa favorite snack shop namin ni Thalia na madalas namin tambayan noon.She just texted me awhile ago. Nalaman kasi niyang nakabalik na ako from isla kaya gusto niyang makipagkita.Pag-ibig na pag-ibig ko ng sasakyan, nagulat ako nang biglang prumeno ang isang kotse sa harap ng sasakyan namin. Ang mas lalo kong ikinagulat ay nang makitang lumabas mula sa driver's seat si Eros."Wh
Dianne's POVNABALING kay Axel ang paningin ko nang itanong niya iyon. Napansin ko ang gulat at pagtataka sa mukha niya kaya agad akong tumango."Why did you associate yourself with him?""Bakit?" Napasulyap ako kay Eros bago muling binaling ang mukha kay Axel. "I know he's a dangerous man. Marami siyang tauhan, makapangyarihan, mainitin ang ulo, but he's harmless when it comes to me. And I can handle myself.""You don't know what you got yourself into, Dianne.""Why? Do you know him personally?" narinig kong bulong ni Thalia kay Axel.Huminga nang malalim si Axel bago nilapit ang labi sa tainga ni Thalia. Hindi ko masyadong narinig ang sinabi nito. But I'm sure I heard him mentioned a name. Si Adler.Nag-aalalang tumingin sa akin sina Thalia at Axel. "Call me if anything happens," he said."Or if you need any help," agad na dugong ni Thalia.Napansin ko pang nagkatinginan sandali sina Axel at Eros. Natatawa ko silang tinanguan. Palabas na ako ng shop nang bigla akong pigilan ni Eros
Dianne's POVMAG-IISANG linggo na mula nang magsimula ang lihim na relasyon namin ni Eros. Patago kaming nagkikita sa condo, o minsan naman ay sa hotel kung 'quickie' lang ang gagawin namin.Siguro ay nadadala na rin ako sa mga makamundong bagay na ginagawa namin kaya minsan, kahit sa gabi ay tumatakas ako, makipagkita lang sa kaniya.Natigilan ako sa paglalakad nang makita si Eros habang nakaupo sa tabi ng libingan ng anak ko. I can tolerate being with him. Kahit anong kababuyan pa ang gawin namin, okay lang sa akin. Pero ang hindi ko matatanggap ay ang dalawin niya ang puntod ng anak ko."What are you doing here?"Agad na sumilay ang malaking ngiti sa mukha ni Eros nang lingunin ako nito."Mahal, kanina pa kita sinusubukang tawagan. Gusto sana kitang yayain pumunta rito pero hindi ka sumasagot sa mga tawag ko.""Sinadya ko iyon. Dahil balak ko talagang dalawin si Strawberry. I thought I made it clear to you? Ayaw kong dinadalaw mo ang anak ko."Unti-unting nabura ang ngiti sa mukha
Dianne's POVPADABOG kong tinapon sa luxury sofa ang handbag na dala ko matapos namin makapasok ni Matthias sa mansion. Hindi na namin naituloy ang pags-shopping dala nang matinding pagtatalo. Ni hindi na nga kami nakakain nang maayos kanina."Don't treat me like a puppy, Dianne. Hindi ako tanga, at mas lalong hindi ako bulag. Hindi basta-bastang nabibilog ang utak ko!""Ano bang gusto mong palabasin? Sinabi ko na sa iyo ang totoo, si Eros ang lapit nang lapit sa akin!"Matagal niya akong pinagmasdan sa mukha na parang tinatantya ang sinasabi ko. I swallowed hard while breathing heavily. Nahahalata na ba ni Matthias ang mga kilos ko?"Darling, I wouldn't cheat on you. Malapit na tayong ikasal." Sinubukan kong maglambing uli sa kaniya."Kung ganoon, huwag mo nang titingnan ang lalaking iyon na parang may nararamdaman ka pa rin sa kaniya! And everytime he's with that woman, stop looking at him like a jealous ex-wife!""I am not!""Then stop acting like one!"Napapitlag ako nang dumagund