Chapter 23"What?! Tama ba iyong narinig ko? Magtatrabaho ka sa ex mo?"Nahihiya akong tumango-tango. Na-i-stress naman siyang napalakad sa likuran ko."Gosh! Naloloka ka na ba? Paano kung apihin ka niya dahil sa ginawa mo sa kaniya? Alam kong mabuting tao si Kheious pero ikaw na rin ang nagsabi na nagbago na siya. Paano kung buntisin ka?""Grabe ka naman, Syn."Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya."Aba eh nabasa ko na iyang ganiyan. Paano kung malaman niya iyong tungkol sa anak ninyo? Tapos kunin sa 'yo? Anong ga—""Please, tama na, Syn. Hindi nakakatulong." Napahilot ako sa sintido."Kasi naman, beh, parang pabigla-bigla desisyon mo. Parang noong isang gabi lang todo iwas ka kay Kheious tapos ngayon sasabihin mo na magtatrabaho ka sa kaniya. At hindi lang basta trabaho, Personal Assistant pa niya.""Hindi lang naman siya ang pagsisilbihan ko kundi pati na rin iyong ibang members niya.""Kahit na." Nai-stress siyang napabalik sa upuan. "Pero sigurado ka na ba talaga? Baka nabibigl
Chapter 24"Oh, bakit ka tinawag?" tanong ni Lawrence na kakuwentuhan ko rito sa circular couch.Nakabusangot na lumapit sa amin si Aki."Ewan ko ba roon. Parang sira.""Anyare ba?""Huwag n'yo ng tanungin." Naupo siya sa pang-isahang couch at tumingin sa akin. "Punta ka raw roon."Napapitlag ako sa kinauupuan dahil sa sinabi niyang iyon."A-Ako?""Tawag ka.""Bakit daw?""Ewan. Basta papuntahin ka raw eh."Hindi ako gumalaw agad, nag-iisip kung pupunta dahil puno ako ng alinlangan."May pagkasuplado iyong leader namin pero mabait din iyon. Kailangan mo lang talagang habaan ang pasensya mo," pagpapalakas ni Lawrence sa loob ko."Maganda naman ang naging trabaho mo, Anaia, kaya hindi ka dapat kabahan. Malay mo may iuutos lang.""Sige na, punta ka na roon. Ayaw pa naman niyon na pinaghihintay siya nang matagal."Tumayo na ako at kabadong naglakad papunta roon. Hindi ko alam na mainipin na pala siya ngayon. Parang dati lang nahihintay niya ako nang matagal sa traba— basta. Ayoko na lang
Chapter 25WARNING: MATURED CONTENT⚠️Nanginginig ang mga kamay kong tinanggal isa-isa sa pagkakabutones ang damit ko. Walang emosyong nakatitig sa akin ang lalakeng prenteng nakaupo sa gitna ng mahabang sofa.Hindi ko alam kung paano ako umabot sa puntong ito. Dala marahil ng matinding pangangailangang pinansyal. Ngunit iyon nga lang ba talaga?"Are you just gonna stare at me?"Nahihiya akong lumapit."I already seen that, miss."I gulped before I kneeled on the sofa to straddled on his lap. Para akong napaso nang magdikit ang balat namin. I tilted my head to the side when he handed me that foil. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi malaman kung para saan iyon."Don't act like an innocent cat." He held my jaw to face him. "Pleasure me."Napalunok ako bago kumapit sa balikat niya. I kissed his neck that made him whimper. Naramdaman ko ang mga palad niya sa gilid ko. The heat invade my body that made me burn in desire. I sucked and licked his neck. I was already lost in sensation.N
Chapter 26"Mommy, lalabas na po ba talaga ako?""Oo, anak. Nakausap ko na ang doctor. Pwede raw na sa bahay mo na ituloy ang recovery.""Yeheey! Makikita ko na si Chi-chi."Nakangiti kong ginulo ang buhok niya bago tumayo upang kausapin si Syn. "Ikaw na muna bahala rito sa anak ko.""Saan ka punta?""Sa baba lang, ise-settle ang bill. Message na lang kita kapag pwede na kayong bumaba." Lumabas na ako at dumiretso sa elevator. Kaagad kong tinungo ang accounting upang magbayad."Hi, miss." Ini-slide ko papasok ang card ng anak ko. "Okay na po.""Huh? Paanong okay na?""May nagbayad na po.""Nagbayad? Sino?""Sorry pero hindi po nagpakilala eh.""Ganoon ba? Sige salamat." Wala sa sarili akong umalis sa lugar na iyon, iniisip kung sino ang nagbayad. "Malabo naman na siya iyon.""Bumaba na kami. Naiinip na itong isa eh. Ano okay na ba?""Um. Tara, labas na tayo." Hinawakan ko sa kamay ang anak ko at inakay na ito palabas. "Wait-- may nakalimutan pala ako. Mauna na kayo sa sasakyan."
Chapter 27"Kheious..." Tanging pangalan niya lamang ang nakaya kong sambitin matapos marinig ang kaniyang sinabi. Nakayuko siya paharap sa akin at bagsak ang balikat."Araw-araw sa tuwing uuwi ako... umaasa ako na nandoon ka at hinihintay ako." Sumikip lalo ang dibdib ko nang marinig iyon. "Pero tanging madilim na silid at nakakabinging katahimikan lang ang sa aki'y sumasalubong. Wala ka, Anaia. Hindi ka ulit umuwi. Tapos ngingiti lang ako sa gitna ng pag-iyak kasi paniniwalain ko ulit iyong sarili ko na bukas paggising ko nandito ka na kaso... kaso hindi eh. Iniwan mo ako.""I'm sorry...""Tingin mo ba noong tinapos mo iyong sa atin natapos na rin iyong sakit?""Kheious..." Lumapit ako at sinubukang hawakan ang kamay niya pero inilayo niya iyon.-Kheious' POV-"Ayusin mo naman. Nakailang practice na tayo ah!""Sorry po," nahihiya kong paghingi ng paumanhin sa dance instructor namin."Kung ganiyan ka nang ganiyan I don't think you deserve to be part of the group.""M-Mas pagbubutihi
Chapter 28Bigla akong nanlamig matapos marinig ang sinabi nito. Natulala lang ako sa cellphone at hindi kaagad na nakagalaw. Sumilip ako sa bintana at tinanaw ang batang nalampasan namin."Mang Fred, pakibalik po!""Sige po, sir.""Ano bang nangyayari?""Oo nga, bakit umaatras?"Hindi ko sila sinagot at bumaba na ng sasakyan. Kaagad din naman silang sumunod sa akin. Kabado kong nilapitan ang batang nakatalikod sa akin. Naka-school uniform pa ito at may suot na khaki na cap."Excuse me."Pumihit ito paharap at natulala ako nang makita siya."Bakit po?" takang tanong nito nang hindi ako kaagad na nakaimik."A-Anong ginagawa mo rito? May kasama ka ba?""May nakikita ka po ba?"Nalaglag ang panga ko sa naging sagot nito. Pilosopo siya na magalang."I mean bakit ka nandito?""Hanap ko mommy ko." Naglakad na ito palayo na kaagad naman naming sinundan."Sandali lang, bata, nasaan ba mommy mo?""Hahanapin ko po ba kung alam ko?""Kalma ka lang, dre. Alalahanin mo bata iyan." Tinapik-tapik pa
Chapter 29-Anaia's POV-Pauli-uli ako sa labas ng unit niya at hindi mapakali. Pakiramdam ko kasi ay may mali. Dito niya ako sa condo niya pinapunta at hindi sa room niya sa kompanya, na nangangahulugan lamang na hindi trabaho ang dahilan kung bakit niya ako ipinatawag. At kung anuman iyon ay hindi ko malalaman hangga't hindi ko siya nakakaharap.Napahinto ako sa paglakad nang makita siyang palapit na sa kinaroroonan ko. Malamig ang mga mata nitong ako'y tiningnan bago ini-slide ang card key sa pintuan upang iyon ay mabuksan. Pumasok siya sa loob at nagkusa naman akong sumunod."Anong kailangan mo at pinapunta mo pa ako rito?""Tingin mo?" pabalik na tanong ng lalakeng nakatalikod sa akin."At talagang panghuhulain mo pa ako? Kung wala kang importanteng sasabihin, aalis na lang ako." Tinalikuran ko na siya."Hawak ko na ang result ng DNA test."Napatigil ako sa paghakbang at para bang huminto saglit sa pagtibok ang aking puso. Hindi ako nakagalaw dahil sa pagkagulat. Kabado akong pum
Chapter 30"Mommy, where are we going?" tanong ng anak kong sinusuotan ko ng sapatos."May ipapakilala si Mommy sa 'yo.""Okay!" bibong sagot nito at bumalik na sa panunuod sa iPad. Nagpabango lang ako pagkatapos at sinuot ang aking heels bago lumabas akay ang anak ko. Ginamit ko ang kotse ni Syn dahil delikado kung magco-commute kami papunta roon."Mommy, do you have friend here?" Palinga-linga ito sa malawak na lobby ng condominium. "I think people who are living here are rich kasi it looks so nice and fancy eh.""Akyat na tayo, baby." Pumasok kami sa elevator at hindi maiwasang mamangha ng anak ko sa ganda at moderno ng lugar."What are we doing here, Mommy?" tanong nito nang huminto kami sa tapat ng isang pinto. Lumuhod ako upang magkapantay kami. "Hindi ba gusto mong ma-meet daddy mo?""Um." Tumango-tango ito."He's here." Pinigilan ko ang maiyak.After all those years of being asked by my son about his father, finally, maipapakilala ko na rin sa kaniya ang ama niya."He's insi