Hello po, kumusta po kayo? Maraming salamat po sa suporta niyo sa akin. Tuwing nababasa ko ang mga comments niyo ay napapangiti ako dahil ramdam ko ang suporta niyo kay Liya at Mireya. Sa ngayon po ay 1 update lang po muna ako. Sumasakit po kasi ang ulo ko, kaya sobrang tagal ko bago matapos ang isang chapter. Thank God kasi kahit papaani ay may natatapos ako. Thank you po at ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
LIYANNA’S POVMaaga akong gumising pero hindi ko naabutan si Carlos. Maaga rin siguro itong umalis. Naisip ko na kailangan kong pumasok ngayon sa office. Tama siya kailangan na nandoon ako. Nung umalis ako ay tulog pa si Mireya. Nagmaneho ako papunta sa office. Maaga pa lang ay traffic na kaya alas diyes na ako nakarating. Pagpasok ko ay walang tao sa office ko, kaya lumabas muna ako. Nang lumabas ako ay nakita ko si Jessica.“Good morning, Ma’am. Nasa boardroom po si Sir Carlos.” Salubong sa akin ni Jessica na kakagaling lang sa meeting room.“Good morning, Jess.” binati ko rin siya.“May gusto po ba kayo? Nag-breakfast na po ba kayo?” Tanong niya sa akin.“Tapos na, ikaw magbreakfast ka muna ako na ang bahala dito.” sabi ko sa kanya. Alam ko kasi na ganitong oras ang breakfast niya kaya ko siya inuutusan.“Sigurado po ba kayo?” Tanong pa niya sa akin.“Oo naman, sige na kumain kana muna. Ako na ang bahala dito, office.” Sabi ko sa kanya at naglakad ako pabalik sa loob ng office ko.“
LIYANNA’S POVInis na inis ako sa ginawa niya. Nanghahalik na lang siya ng hindi man lang nagpaalam sa akin. Akala ko ba papalayain na niya ako tapos ngayon hinalikan ako.“Akala ko ba sabi mo noon sa akin. Hahayaan mo na ako. Bakit ngayon nanghahalik ka na lang bigla?” Inis na sabi ko sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin.“Sorry, nagseselos lang ako.” Biglang sagot niya sa akin.“Nagseselos? Kanino? At bakit? Required din ba na manghalik kapag nagseselos.” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.“Kailangan ko pa bang sagutin 'yan? Alam ko naman na alam mo na ang sagot.” Sagot naman niya sa akin na para bang nahihiya siya sa akin.“Ewan ko sa 'yo.” asik ko sa kanya at umupo ako ulit sa swivel chair ko.“Hindi ka puwedeng makipagkita sa lalaking 'yon ng hindi kami kasama ni Mireya." Saad pa niya sa akin.“Sira ka talaga! Bakit kailangan ko pa kayong isama?” Naiinis na sabi ko sa kanya ng hindi ko siyang tinitignan.“Basta sasama kami, isusumbong kita sa anak mo.” Talagang tinatakot pa ako
LIYANNA’S POVHindi ako makapaniwala sa nakikita. Bakit? Tama ako sa iniisip ko tungkol sa kanya. Hindi ko matanggap, mabilis akong umatras at nilisan ko ang lugar. Ganun ba siya kawalang puso? Paano niya nakayanan na gawin 'yon? Para akong wala sa sarili habang nagmamaneho. Nakarating na lang ako sa bahay ng hindi ko alam. Mabilis akong umakyat sa kwarto ko. Hindi ko nakita si Mireya kaya hindi ko alam kung nasaan siya.“What happened to you?” “Huh?” Wala sa sariling sagot ko kay Carlos at nilingon ko siya.“Are you okay? Liya, what happened?” Tanong niya sa akin at nakikita ko na nag-aalala siya.“W-Wala, okay lang ako. Where is Mireya?” Tanong ko sa kanya.“Nasa living room kami kanina. Hindi mo kasi kami pinansin kaya sinundan kita.” Sabi niya sa akin.Talaga ba na hindi ko sila napansin. Ganun ba ka occupied ang isipan ko. Kahit nandoon lang sila ay pakiramdam ko ay wala sila doon. Napahinga ako ng malalim dahil pakiramdam ko sobrang pagod ng katawan ko.“Sorry, puwede ba na ika
LIYANNA’S POV“Ayu— wala na siya sa puwesto niya.” sagot ko kay Carlos.“Relax, baka hindi naman. Baka talagang same lang ang place na pinupuntahan natin at siya.” Sabi niya sa akin.“Pero kanina ko pa siya napapansin na nakatingin sa atin. Simula noong nasa simbahan tayo at hanggang dito.” Sabi ko pa sa kanya. Dahil nakikita ko talaga ang tao na 'yun mula pa kanina. Malakas ang kutob ko na may kakaiba sa tao na 'yun.“Relax ka lang, okay.” pagpapakalma niya sa akin dahil natatakot na talaga ako. Hindi ako natatakot para sa sarili ko kundi para sa anak ko.Hawak ko si Mireya si Carlos naman ay may tinawagan. Ngayon pa lang ay nag-aalala na ako. Paano kung totoo ang kutob ko? Paano kung may sumusunod talaga sa amin? Paano kung saktan nila si Mireya? Hindi pwede, walang kinalaman ang anak ko dito. Hindi nila puwedeng saktan ang anak ko. “Babe, uwi na tayo.” Sabi sa akin ni Carlos nang matapos na itong makipag-usap sa phone niya."Sige, mas mabuti pa na umuwi na tayo. Hindi na ako kumpor
LIYANNA’S POV“Okay babe, pupuntahan natin siya. Tumahan kana, okay ba?” Sabi niya sa akin. Habang pinapakalma ako. Sa school ni Mireya kami pumunta. Dahil sa tingin ko pumasok si Prexie. Nang makarating kami ay hinintay namin na mag-uwian ang mga bata. Mabilis na tumakbo si Mireya nang makita niya ang daddy niya. Kinarga naman ito kaagad ni Carlos. Hinintay namin si Prexie na lumabas. Naghaharutan muna ang mag-ama at ako naman ay nakaabang para makita ko si Prexie. Nang makita niya ako ay kaagad itong lumapit sa akin at niyakap ako.“Tita Liya,” nakangiti na tawag niya sa akin.“How are you, Prexie?” Nakangiti na tanong ko sa kanya.“I’m okay po, siya po ba ang daddy ni Mireya?” Mahina na tanong niya sa akin na para bang nahihiya siya.“Opo, gusto mo bang sumama sa amin? Sabay ka sa amin na maglunch,” tanong ko sa kanya.“Okay lang po ba?” Parang nahihiya na tanong niya sa akin.“Opo, hinintay ka talaga namin. Dahil gusto ka namin makasama,” sagot ko sa kanya.“Thank you po,” nakang
THIRD PERSON POVMay isang lalaking naka-jacket na itim ang laging nakasunod kay Mireya. Kumukuha ito ng tiyempo kung paano ba niya makukuha ang bata. "Mukhang naka-tunog sila sa akin na sinusundan ko sila." Sabi ng lalaki sa kausap niya sa telepono."Galingan mo ang pagsunod sa kanila ng hindi ka nahuhuli. Dahil kapag ikaw nahuli malilintikan tayo! Kunin mo na kaagad ang bata!" Galit na sigaw ng babae."Okay, hayaan mo na ako sa diskarte ko." Sabi pa nito sa kausap niya."Diskarte mo! Siguraduhin mo lang na gagawin mo ang trabaho mo. Bantayan mo rin si Liya. Mukhang napapaamo na niya si Carlos gamit ang anak niya. Kumuha ka ng magandang tyempo para ilayo sa kanila ang anak nila. Hindi sila pwedeng maging masaya." Sabi pa nito."Okay boss," sagot ng lalaki bago niya ibinaba ang tawag.Ilang araw na niyang binabantayan ang mga bata. Noong una ay isang bata lang ang binabantayan niya pero may dumagdag pa na isa at hindi niya alam kung sino ang bata na 'yun. Habang sinusundan ng lalaki
LIYANNA'S POV"Inaantok na ako," sabi ko sa kanya."Hindi ba tayo puwedeng, you know. Catch up somethin—""Tigilan mo ako Carlos Ballarta. Kakabigay ko pa nga lang ng chance sa 'yo humihirit ka na agad." Mataray na sabi ko sa kanya dahil alam ko ang ibig niyang sabihin."Baka makalusot lang naman." Nakangiti na sabi niya sa 'kin."Wala ganun, kung ako sa 'yo matulog kana. Kasi inaantok na ako at puwede ba. Pakalmahin mo nga 'yan, akala mo siguro hindi ko 'yan mapapansin." Pagtataray ko sa kanya."Ang sungit naman ng future misis ko. Pero lalo kang gumaganda kapag nagtataray ka." Sabi niya sa akin.Inirapan ko pa siya lalo dahil medyo nahiya ako sa mga sinabi niya. Karga pa rin kasi niya ako at wala yata siyang balak na ibaba ako."Ibaba mo na ako, inaantok na talaga ako." Sabi ko sa kanya."Okay, babe." Sagot niya sa akin at naglakad na siya papunta sa kama ko."Matulog kana rin pagkatapos mong uminom." Sabi ko sa kanya."I will, nagpapaantok lang ako. Good night. I love you," sabi niy
LIYANNA'S POV"Throwback thursday ba ngayon?" Pabiro na sabi ko sa kanya. Ayaw ko na maging madrama kaming dalawa.Nakita ko na nahihiya siya. Bumabalik ang younger version ni Carlos. Wala pa rin pa lang nagbago sa kanya. Nagmature lang siya pero siya pa rin si Carlos."Let's forget the past. Paano tayo magiging masaya kung ganyan ka lagi? And 'wag mo ng isipin na ipakulong ang sarili mo. Hindi ka ba naaawa sa anak mo? Iiyak siya kapag nalaman niyang nasa kulungan ka." Saad ko sa kanya."Pero babe—""Nagugutom ako, kumain na lang tayo. Puwede na ba tayong mag lunch date ngayon?" Putol ko sa sasabihin niya. Gusto kong ilihis ang usapan dahil alam ko na babalik na naman siya sa nakaraan.Oo hindi madaling kalimutan pero nais ko na subukan naming maging masaya at bumuo ng mga bagong memories. Kasama si Mireya at bilang isang pamilya."Okay," tipid na sagot niya sa akin."Malungkot ka pa rin ba? Sige 'wag na lang tayong kumain sa restaurant, umuwi na lang tayo." Naiinis na sabi ko sa kanya