Share

Chapter 39

“MAAYOS na naman ang lagay niya. Dahil sa sobrang stress kaya ‘din siya hinimatay, sa ngayon hayaan niyo muna siyang magpahinga.”

‘Yan ang sinabi ng doctor kila Eugene at Roger matapos nitong magamot si Irene. Naglakad palapit si Eugene sa kinahihigaan ni Irene at ngayon ay pareho na silang mayroon gauze sa kanilang bandang ulo at noo dahil doon sila tinamaan.

“Eugene, lalabas muna ako. Kakausapin ko si Mason at Eva about dito,” sabi ni Roger sa alaga niya ngunit hindi siya nito pinansin kung kaya napabuntong hininga nalamang siya bago tuluyang lumabas.

Nilingon pa niya sa huling pagkakataon si Eugene bago tuluyang lumabas. Hindi na kailangan tanungin kung anong nangyari, sigurado siyang alam ni Eugene na ang kalaban nila ang may gawa niyon at sigurado ‘din siya na sinisisi nanaman ni Eugene ang sarili niya kung bakit nangyari iyon kay Irene.

Alam nila na mag-aapply si Irene sa kumapanya ni Eugene. Noong kinausap ni Eugene si Keith ay doon nila napagkasunduan na ganoon ang gawi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status