Share

Kabanata 36

Matapos iyong nangyari kanina, buong araw na akong nasa hut namin. My friends didn't leave me. Kahit alam kong nais nilang sulitin ang oras na nailaan para sa bakasyon, ay mas pinili pa rin nila ang manatili at samahan ako. 

Napagpaysahan na rin nilang umuwi na kami bukas. Hindi na ako nakipagtalo pa at sumang-ayon nalang sa kanila. 

Nag-iinom sila ngayon sa hut namin. Habang ako ay nililibang nalang ang sarili sa pagkain ng pizza. Naka bukas ang telebisyon ngunit hindi ako makapag-pokus sa panonood. Mas magulo ang nasa aking isip. 

Napatingin ako sa kamay ni Belle na may band-aid ng nakalagay. Nang mapansin niya ang titig ko ay pinitik niya ang kaniyang kamay upang maagaw ang aking atensyon. 

“Huy! Malayo 'to sa bituka, Violet. Kaya 'wag ka ng mag-alala diyan.”

Agad naman siyang binatukan ni

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status