Share

Kabanata 79

Pagkadating niya sa Hospital ay mabilis na tinakbo ni Manuel ang VVIP room kung saan naka confine ang kaniyang asawa. Napatingin na lamang ang iilang tao dahil sa kaniyang pagmamadali lalo na ang iba na nakakilala sa kaniya ay nagbubulungan. Ngunit wala ng pakealam ang lalaki sa kaniyang paligid dahil isa lamang ang nasa kaniyang isip ngayon. Ang kalagayan ng asawa niyang si Violet.

“Manuel, s-si V-Violet nag code blue!”

Paulit-ulit na sumasagi sa kaniyang isip ang sinabi ni Lee kanina nang tumawag ito. Kahit hindi niya makita ay rinig na rinig ni Manuel sa kabilang linya ang iyak ng mga kaibigan ni Violet. Nang matanggap niya ang tawag na 'yon, ay tanging isa lamang ang kaniyang ginawa, walang iba kung hindi ay makapunta nang mabilisan sa hospital.

Hinihingal siya pagdating sa hallway kung saan nakahilera ang tatlo lamang na VVIP rooms ng ikalabing isang palapag ng Hospital. Ngunit agad iyong natabunan ng kaba nang makita si Lee at ibang mga kaibigan ni Violet na nag-iiyakan sa dul
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status