Share

CHAPTER 2

"Sorry babe, naging busy ako lately. My cousin is in the hospital, there’s no one to watch over him so, I just volunteered. Naaawa ako sa kanya eh, kaya ayon.” Pinipilit kong gawing malungkot ang boses ko.

Di ko alam ba't pa ako gumagawa ng kwento eh, pwede namang sabihin ko kagad sakanya na s*x is just s*x. Walang namamagitan sa aming dalawa dahil lang sa may nangyari ay di ibig sabihin na may relasyon na kami o whatsoever.

"Really?" Sa tingin niya ba sinungaling ako? Damn, siyempre naman.

“Oh my god, I'm so sorry to hear that. Okay lang ba ang pinsan mo? Gusto ko siyang bisitahin, kamustahin at para narin maipakilala mo ako sa kanya!” Parang excited ang boses niya.

"No! I mean... I mean, you don’t have to, kakalabas lang niya ng hospital kahapon.”

I'm sorry, pero wala akong intensyon na ipakilala ka kahit kanino. Sa dami ng babae ko, maguguluhan lang sila. I’m not serious with you anyway, so, why would I bother to introduce you to my family? It's not necessary to do that.

Ayos lang naman talaga ang pinsan ko, nagsisinungaling lang ako. Sorry for making you as an excuse man, sana mapatawad mo ako. Isipin mo na lang na regalo mo ito sa kaarawan ko... sa susunod na taon.

Napataas ang kilay ko nang haplusin niya ang dibdib ko. Buti na lang walang nakatingin sa amin kasi busy lahat ng mga yun dito.

Damn, gusto ng babaeng ito!

"Let's go somewhere quiet babe," bulong ko saka kinindatan siya.

"Oh, magandang ideya yan babe, gusto ko yan!" She said and seductively bit her lower lip.

I guess, it's okay if I leave Nadya here for a while, I'll make it faster pero baka magalit si Nadya sa akin?

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. "Tara na!" Aalis na sana kami ng biglang may nakasalubong kami.

Nakatitig siya sa akin ngayon. 

Parang kilala niya ako?? O assuming lang ako.

Teka... kilala ko ba siya?

"Love ikaw ba yan? Love anong ginagawa mo dito?" Naglalakad siya palapit sa amin.

Nabaling ang tingin niya sa babaeng nakatayo sa tabi ko. "Sino yang b*tch na yan?" Tinuro pa siya nito.

Teka, naging babae ko rin ba siya? Hindi ko talaga maalala. Siya ba yung babaeng nakilala ko sa hotel...? Oo, naalala ko na ngayon.

May nangyari sa amin at hindi ko sinabi sa kanya na maging girlfriend ko pero umarte siya na parang boyfriend niya ako. Lahat na ata ng babaeng naka one night stand ko yan lagi ang naiisip kapag naikama ko na sila ay gusto ko na nila agad maging girlfriend kahit wala naman talaga akong sinabing ganon o kung meron man ay biro lang yun ano. Uto-uto nalang kung may maniwala sa sinabi ko. Hinayaan ko na lang sila sa gusto nilang isipin kung anong klaseng relasyon meron kami.

“Tinawag mo lang akong b*tch?! Sino ka ba! Bakit love ang tawag mo sa kanya?!"

"Fyi, boyfriend ko siya." Ngumisi siya.

“Boyfriend? Seryoso?! Nananaginip ka ba girl? Girlfriend niya ako, huwag kang masyadong feelingera okay!"

Kita mo, akala nila boyfriend nila ako. May nangyari sa amin pero hindi ibig sabihin na boyfriend na niya ako. Para sa akin s*x is just a s*x and that’s all.

“Girlfriend?! Damn, how dare you call my boyfriend yours!!” Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang palad ko dahil nasa amin ang atensyon ng mga tao dito.

“Woah!” Napaatras lang ako nang magsimula silang magsampalan at magsabunutan ng buhok.

It’s not nice when my girls meet, they’re so wild... pfft, just like when we are in bed.

“Kuya? What’s going on-- hmm...” Tinakpan ko ang bibig niya at hinila ang kamay niya palayo sa kanila.

Umiling-iling siya habang nakatingin sa akin. "Tsk, nag-aaway yong dalawang babae dahil sayo!"

"Tama ba ako kuya?"

“Siguro...”

“Kakasabi ko lang kanina na huwag kang lumandi eh! Sabi ko punta lang ako saglit sa banyo tapos pagbalik ko ganito na nangyayari dito my god kuya kelan ka ba mag babago ha!" Nag crossed arm ito at saka tinignan niya ako ng masama.

Huminga ako ng malalim. "I'm sorry, Nadya."

“Pero sa totoo lang hindi ko sila nilandi noong una. Sila ang lumalapit sa akin, promise! Nakatayo lang ako tapos bigla akong niyakap nong isang babae”

“Tumigil ka na nga sa mga palusot mo! Alam ko na ang sasabihin mo kuya." Pinanliitan niya ako ng mata. Kinurot ko naman ang pisngi niya at niyakap.

“Relax, Nadya. You look like an ugly duckling when you’re mad.” Sabi ko at tumawa.

“Sinabi ko na sa iyo na itigil mo na ‘yan kuya. Hindi ka ba naaawa sa kanila? Hindi ka ba nagsasawa sa mga pinaggagawa mo?" Nagkibit balikat na lang ako.

"Karma is real kuya." Tinapik niya ang balikat ko bago nauna.

Hindi ako naniniwala sa karma, hindi totoo yun. It's just a word.

_

Nang matapos kaming mamili, umuwi na kami “We’re home mom! Nagdala kami ng mga regalo para sa iyo."

Pagkatapos ng tanghalian, kailangan nang umalis ni Nadya dahil may trabaho pa siya. Si Nadya ay isang sekretarya ng kumpanyang Aveiro.

Hindi ko alam, pero gusto niyang maging sekretarya ng kumpanyang iyon. Marami namang kumpanya ang gustong kumuha sa kanya... well, ang ganda at sexy ng kapatid ko sino ba naman ang may hindi gustong kumuha sakanya. Marami ngang nanliligaw dyan sakanya noon palang pero bugbug talaga sakin kapag hawakan lang nila sa kamay ang kapatid ko.

She's one of a kind, campus crush siya nong high school. Maraming lalaki ang umiibig at nagkakagusto sa kanya, kahit na ang mga CEO ay gusto siya. Kaya nga gusto nilang kunin ang kapatid ko pero ang sabi niya ay ayaw niya dahil ang kumpanya lang na gusto niyang magtrabaho ay ang Aveiro Company.

Hmm, anong meron sa Aveiro Company na iyon? May crush ba si Nadya sa CEO ng kumpanyang iyon? Hindi si Nadya yung tipo ng babae na mabilis mahulog. Wala siyang naging boyfriend o crush man lang pero ngayon parang may iba.

_

Pumunta ako sa restaurant namin para tingnan kung ayos na ang lahat. “Magandang hapon Mr. Theron!” Bati sakin ni Eya.

"Magandang hapon."

"Ayos lang ba ang lahat Eya?" Wala akong relasyon kay Eya, wala akong balak na nalindiin siya. I think of her as my little sister.

Si Eya ang best friend ng Nadya ko at nirerespeto ko siya.

“Yeah. By the way, may isang babae na pumunta rito at hinahanap ka niya!"

"Oh, talaga? Sino siya?" Tanong ko.

“Bakit mo ako tinatanong Sir? Eh, malamang isa yata sya sa mga babaeng nilandi mo po!” I chuckled when she rolled her eyes at me.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang babae na nakatingin sa akin. Yung mga mata nya, alam ko kung ano ang ibig sabihin.

I just smirked and winked at her, saw her smile, and bit her lower lips.

Tingnan mo, may kasama siyang lalaki, pero ang mga mata niya ay nasa akin. Tsk, ang landi-landi talaga kaya ito ako ngayon papatulan ang kalandian ng babaeng 'to. I don't know why but I just love seducing flirty woman who already have boyfriends and then make them regret choosing me over her loyal boyfriend.

May sinabi ang babaeng iyon sa lalaking kasama niya at tumayo siya.

"May kailangan po ba kayo ma'am?" Tanong ni Eya.

“A-Ahm, wala naman! I just wanted to say that the food is delicious...” I notice her taking a glance at me.

"Syempre naman masarap ang mga pagkain dito miss lalo na kapag ako ang natikman mo." Pagbibiro ko at bigla naman akong kinurot ni Eya sa tagiliran.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status