Third Person Point of View“Hey! Gian.” Bahagyang inalog ni Zayne ang balikat ni Gian pagkaraan ng ilang minutong wala man lang ito kahit anong reaksiyon, bakas sa mukha ng lalaki ang pag-aalala matapos sa nangyari kay Gian. Hindi niya mawari kung paano o kung ano ang dapat n'yang gawin. “Hey, please talk to me,” maya-maya’y dagdag pa nito, magmamakaawa ang tono ng boses nito nang sandaling sabihin niya iyon sa dalaga.“Gian, please. Are you okay?” patuloy pa rin si Zayne na kinakausap ang dalaga kahit makailang ulit na niya itong ginawa ngunit kahit isa ay wala siya nakuhang sagot mula rito, wala pa rin epekto iyon sa dalaga na ngayon ay nanatiling nakatulala sa kawalan. Sinubukan niya rin winagayway ang palad sa harap ng mukha nit Gian pero hindi man lang ito pumikit. Nanatili s’yang dilat, bakas sa lalaki na pinaghihinaan na siya ng loob.“Gian, please?” dagdag pa nito na mukhang nauubusan na siya ng pag-asa, “Sige ka ‘di mo makikita si pencil kapag hindi ka umayos,” napapakamot s
“Tapos? Anong nangyari? Ang bagal mo naman magkuwento. I-fast forward mo na kaya?!” gusto ko na kasing malaman kung ano ba talagang nangyari sa past ni Sir Zayne.“Teka naman, napaka-excited nito!” asik niya sa akin pabalik. “Ayon nga, ang sabi sa akin ay magkaibigan daw no'n si Sir Zayne at ang Avery simula pagkabata, pinagkasundo na rin daw ang mga ito ng mga magulang nila para sa isa’t-isa. Sumang-ayon naman ang dalawa ro’n dahil pareho silang nagkagustuhan din, kung hindi sila pinagkasundo ay mukhang hindi pa sila aamin ng nararamdaman nila para sa isa’t isa,” pag-k-kwento niya. Ang swerte naman nila kahit pinagkasundo sila wala pa rin problema dahil gusto rin nila ang isa’t isa, ‘yong tipong walang hahadlang sa pagmamahalan nila, tanggap sila ng buo, walang dapat itago, malaya silang ipagsigawan sa mundo ang pagmamahalan nila.“Bakit sila naghiwalay?” tanong ko pagkaraan ng ilang segundong katahimikan dahil sa mga naisip kong ‘yon.“Engaged na sina Sir Zayne at ang ex-girlfriend
"I will talk to you Zarouge in some other day, go back to your condo first." Ma-awtoridad na utos dito ni Zayne, tumango naman ang kapatid niya. Hinila naman ako ni Zayne kaya nauna na kaming lumabas."Saan ba tayo pupunta?" takhang tanong ko sa kaniya, hindi pa rin niya ako binibitawan, ang bilis niya rin maglakad kaya nahihila niya ako. Hindi niya man lang ako sinagot, tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makapasok kami ng elevator. Hindi pa rin siya nagsasalita hanggang do'n, nanatili kaming tahimik at walang kumikibo. Bukod kay elevator girl na ang sama na naman ang tingin sa akin. Tss. lagi naman, eh."Saan ba talaga tayo pupunta? Hila ka nang hila d'yan, eh," reklamo ko sa kaniya pagkalabas namin ng elevator at nagsimula na naman kami sa paglalakad, dahil na rin sa boses ko ay hindi maiwasang marinig 'yon ng mga nasa paligid."Can you please stop asking too many questions?" tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Can you just accompany me wherever I go now? Ka
“H-huh? Ulitin mo nga,” wika ko sa kaniya, nagbabaka-sakali lang ako na mali ang pagkarinig ko.“I was just the result of a mistake. Consequences of their short-term happiness . . . because of temptation that’s why I'm here right now,” dagdag na pag-uulit niyang mas lalo nito pinaliwanag. “They are not committed to each other in any way, romantic s*x is not their thing that time. Pero dahil sa kalasingan hindi na nila naisip ‘yon kaya ako ang naging resulta,” ngayon ay sigurado na ako sa sinabi niya, hindi nga ako nagkamali ng pandinig.Bahagya pang nakaawang ang bibig ko habang nirerehistro ang sinabi niya.Hindi ko inaasahan na sa kaniya pa nagmula ang mga bagay na ‘yon. Hindi halata sa kan’yang gano’n ang pinagdaanan niya sa nakalipas. Lahat naman siguro ay gano’n ang iisipin lalo pa’t hindi pa nila alam ang pinagdaanan ni Zayne, kahit naman ako. Hindi talaga natin madedepende sa kung ano lang ang nakikita natin sa mga bagay-bagay. Hangga’t hindi natin napapasok ang buhay ng iba at
Warning: This part is not suitable for young readers and sensitive minds. It contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity that maybe offensive or disturbing to some readers. You have been warned.•••“Hoooy!” sita kong muli sa kaniya. “Lumabas ka nga, hindi tayo puwedeng magsabay. At saka ano ba? Nakakahiya baka kung ano pa isipin ng makakakita sa atin!” pagpapaliwanag ko sa kaniya para matauhan siya pero imbes maisip niyang tama ang sinasabi ko ay dinaan niya lang ito sa tawa.“What’s wrong if we dressed up together?” tanong niya pabalik sa akin na mahihimigan sa kaniyang mukha ang pagkasarkastiko nito. “One more thing, I don’t care what others think of us. Wala naman tayong gagawin na milagro, ‘di ba?” napakunot ang noo ko sa sinabi niyang ‘yon.“Anong milagro?” napanganga naman siya pagkatanong ko no'n.“I see. You’re too blessed to be innocent, Gian,” sagot pa nito habang napa
Ini-slide ko na ang keycard sa pinto, pagkabukas nito ay tumuloy na ako sa loob. Nilapag ko lang sa center table ang keycard at pumasok na akong muli sa banyo. Habang naghihilamos ako para kahit papaano'y mahimasmasan, bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Cali na kung may chance raw ay gawin ko na ang itinuro niya.Ano ba ang itinuro niya? Hindi ko maalala na may itinuro siya sa akin. Mabilis kong tinapos ang paghilamos at dali-dali akong lumabas.Nilapitan ko kaagad ang bag ko at kinuha ro'n ang cellphone para tawagan si Cali. Napatingin pa ako sa suot ko habang dina-dial si Cali, bigla akong hindi naging komportable sa suot kong bikini.Nakalipas na ang ilang ring ay hindi niya pa rin sinasagot, kung kailan i-c-cancel ko na sana ay saka naman siya sumagot. “Yes-ah? B-Bakit?” tanong nito sa kabilang linya.“Wala naman may itatanong lang pala ako sa ‘yo,” saad ko sa kanuya.“Make it fast-shi—Gian!” wika nito sa akin, atat naman masyad
Warning : R-18•••Habang nasa likod ko pa rin ang kamay niya na nakasuporta sa akin, naramdaman ako ang pagkilos niya kaya napapa-atras ako maging siya, hanggang sa bumangga kami ng kaunti sa coffee table. Hindi pa roon natapos dahil muli siyang kumilos paikot habang ang mga labi niya ay nasa ibabang parte ng tainga ko naglalakbay.Nahibang ako sa ginagawa niya kaya huli ko nang napagtanto na nakaupo na siya sa rocking chair at nakapatong na ako sa ibabaw niya.“Tell me. You’re still jealous of her?” nagawa niya pang tanungin ako habang patuloy siya sa paghalik sa ibaba ng tainga ko. Pagkatapos niyang magsalita ay marahan niya pang kinagat ito na naging dahilan para mapadaing ako, sumasabay ang pag-alog ng rocking chair sa ginagawa niya kaya naman mas lalong nadidiin niya ang sarili sa akin.“H-Hindi nga ako n-nagseselos,” bakit ba pinipilit niyang nagseselos ako ro’n kahit hindi naman?“Good luck, Gian!” napatigil ako ng biglan
Tatlong araw na ako palaging kumakain ng lollipop, sabi ni Cali ay sasabihin niya sa akin kung bakit niya ako pinapakain nito kapag naubos ko na lahat. Gusto ata niyang sumakit ang ngipin ko at magka-diabetes ako. Twenty four pieces lang nkaman ang laman ng isang balot no’n pero hirap na hirap akong ubusin kaya naman inabot na ako ng ikatlong araw ay nakakalahati ko pa lang ang isang balot.“Pahingi ako,” nakahiga ako sa sofa habang nagbabasa sa libro ng lumapit sa akin si Made. Kahapon pa ito hingi nang hingi sa kinakain kong lollipop pero hindi siya makahingi dahil palagi s’yang nahuhuli ni Cali."Do'n ka kumain sa kuwarto mo dali," inabot ko sa kaniya ang tatlong pirasong lollipop, buti na lang ay wala sa paligid si Cali kaya hindi siya masasaway. "Thank you, Gian!" nakangiti n'yang wika, mabilis naman s'yang umakyat na sinunod ang sinabi ko. Tinuloy ko na lang ang pagbabasa ko, since November 1 ngayon kung saan special non-working