Share

Chapter 28

HINDI mapigilan ni Anastacia na mapasimangot nang dumating sila sa munti nilang tahanan. Kasama nila si Alessandro na pinagsiksikan ang sarili sa maliit na tricycle. Kanda bali ang leeg ng mga kapitbahay nila nang bumaba sa tricycle ang kaniyang asawa.

"Manong, magkano?" Tanong ni Carla sa driver.

"Singkwenta."

"Singkwenta? Ang mahal naman!"

"Edi sana naglakad ka!"

Ngumiwi si Anastacia. Bago pa makipagsabunutan si Carla sa driver ay nag-abot na ng pera si Anastacia.

Nilingon niya si Alessandro na patingin-tingin sa paligid.

Hindi maiwasan na Anastacia na pagmasdan ang asawa.

Sanay ito sa marangyang buhay. Tiyak na maninibago ito ng husto sa poder nila. Ayaw man niya pero mukhang pahihirapan rin talaga ito ng kaniyang ama.

"Sino iyan, Anastacia? Jowa mo?"

Nilingon ni Anastacia ang chismosang kapitbahay. Nakadaster ito ay mabilis na pinapaypayan ang sarili habang pasulyap-sulyap kay Alessandro.

Umismid si Anastacia. "Asawa ko, manang Biday. Ipagkalat mo na sa buong barangay na narito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status